S A L A M I N


Sino itong babeng kay ganda ng ngiti?

Tila ba hindi mababakasan ang mukha niya ng pighati,

Ngunit sa mga mata niya'y mababanaag ang kalungkutan,

Na tila ba siya'y napagkaitan.

Anong aliwalas ng kaniyang mukha,

Siyang gulo naman ng kanyang isipan,

Sa kanyang mga ngiti,

Kalungkutan pala ang naghahari,

Sandaling katahimikan,

Siya'y napatitig sa sarili,

Napawi ang magandang ngiti,

Tila siya'y nahulog na sa kawalan,

Aliwalas ng mukha'y dagling napalitan,

Ang kaniyang kaisipan ay nagtalo na ng tuluyan.

Mga mata'y tila nangungusap,

Umaasang makakalaya na mula sa pagpapanggap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top