M O V E O N


Isa,dalawa,tatlo,
Ako nalang sana ang minahal mo.
Apat ,Lima ,anim,
Sana'y mapansin mo na ang aking damdamin.
Pito ,walo, siyam,
Wala na ba talagang pag-asa?

Kung siya na talaga wala na akong magagawa,
Mahal mo eh,
Hahadlang pa ba ako?
Mahal kita pero tama na.

Kahit paulit-ulit ko ng naranasan
Masakit pa rin pala talagang maiwanan,
Sampu, May mga tao talagang pinagtagpo pero 'di tinadhana,
Napaka-malas lang natin dahil isa tayo sa mga taong iyon.

Ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil isang tulad mo ang nakilala ko,
Maraming salamat sa mga ala alang iyong iniwan,
Dahil ang lahat ng iyon ay hindi matutumbasan,
At siyang aking laging aalalahanin at babaunin saan man ako mapadpad,

Kasabay ng paglubog ng araw sa kanluran,
Ay siyang unti-unti ring paglaho ng aking nararamdaman,
At sa muling pagsikat nito sa silangan,
Ay magsisimula ang aking bagong karanasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top