M A N U NU L A T
Manunulat [Acrostic poem]
Mahusay! Pagbati sa mga manunula(t) manunulat.
Angking talino't galing nila'y tiyak na 'yong hahangaan,
Natural na takbo ng kanilang isipan ay tiyak na hindi basta masasabayan.
Unawain mo silang mabuti maging kanilang mga salita, tiyak ika'y kanilang kagigiliwan,
Nagbibigay buhay sa mga karakter na ating minamahal, inaangkin at hinahangaan,
Umpisahan mong basahin ang kanilang mga akda kung nais mo silang kilalaning lubusan,
Lintanya sa kanilang mga akda ay tiyak na ika'y paiiyakin, pakikiligin at pasisiyahin.
Ang bawat piyesa nila'y nagtataglay ng iba't ibang mga layunin,
Tahimik sila ngunit ang kanilang mga salita'y may angking rikit na tiyak sa'yong isip ay uukit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top