I N G A T A N M O
Pag-ibig na kay tagal kong inalagaan,
Kay dali lamang palang masapawan,
Bakit nga ba hindi ko naisip na mayroong hangganan?
Na ang lahat pala ay posibleng mauwi sa mapait na paalaman.
Parang kailan lang,ang saya natin,
Pinagpaplanuhan pa nga ang kinabukasan,
At walang katapusang nagpapalitan ng matatamis na salitaan,
Na siyang mananatili na lamang sa ating nakaraan.
Ingatan mo yung bago mo,
At sana siya na ang huli mo,
Patawad sa pang-iiwan ko sa'yo,
Sadyang hindi lang talaga ako ang nakalaan para sa iyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top