H U L I N G B I Y A H E

Dalawampu't siyam na si Inang ngunit wala pa ring nobyo,

Aniya'y, "hindi ko kailangan ng lalaki para ako'y lumigaya,"

Ngunit ng dumating si tatang ay tila nilulon niya ang kaniyang mga salita,

Nabihag siya ng mabubulaklak nitong mga salita,

Sa saliw ng awitin ni tatang siya'y nakuha,

Bitbit ang bulaklak ng kalabasa na kinuha sa bakuran ng kanilang tiya,

Si tatang ay nakangiting matamis habang nakaluhod sa harap ni inang,

"Aking sinta, wala man akong maiaalay na datung, iniaalay ko naman sa'yo ang tapat at dalisay kong pag-ibig."

Sumilay ang biloy ni inang sa kaniyang kaliwang pisngi,

Hindi mapigilan ang kumakawalang ngiti,

"Oo Domingo, tinatanggap ko ang alay mo!"
Hindi mailalarawan ang kasiyahang nakapaskil sa mukha ni tatang,

Tila napako siya sa kaniyang kinaroroonan,

Ngunit ng matauhan agad niyang hinagkan si inang at ang unang halik ay kanilang buong galak na pinagsaluhan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top