A U R O R A B O R E A L I S


Milya-milya man ang ating pagitan,

Pag-ibig ko sayo'y hindi nito mahihigitan,

Tulad ng sari-sari nitong kulay,

Ikaw ang nagbibigay buhay sa puso kong nalulumbay,

Sa ating munting pag-uusap,

Tila ba ako'y sumasayaw sa alapaap,

Ngunit bakit ganoon?

Parang kay hirap mo pa ring abutin.

Marahil ang pag-ibig ko'y hindi pa sapat,

O marahil para sa iyo,sa akin ay mayroon pang mas higit,

Pero kahit magkaganoon,na iba na tayo ng mundong ginagalawan,

Ayos na ako sa parehong langit na ating tinatanawan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top