Ikaw


Hindi ko inasahang darating ka,
Sa buhay kong puno ng lumbay at saya
Hindi ko lubusang maisip
Na ito'y hindi panaginip

Ikaw ang nagmistulang ilaw,
Sa madilim kong pananaw
Ika'y nagsilbing gabay
Sa daang tinahak na 'di pantay

Ikaw ang aking naging sandalan,
Sa mundong puno ng karahasan
Ika'y naging kalasag ko,
Sa laban hanggang dulo

Ikaw ang nagbigay kulay sa mundo ko
Nagsulat ng mga kabanata at bumuo
Ikaw ang siyang dahilan ng ngiti sa labi,
Na hindi ko kailanman maikukubli

Wala man akong taglay na yaman
Ito lang ang iyong laging tandaan,
Pangakong hindi ka iiwan
Hanggang sa dulo ng walang hanggan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top