Epidemya

Pagmulat ng mga mata
Balita'y gumimbal sa madla
Epidemyang biglang lumaganap
Dala-dala'y paghihirap

Pinasawalang bahala ng iba
'Di pinansin ang kaba
Takip tengang nakinig,
Tinulak ang nag aalalang mga bisig

Taong mga apektado'y dumami
Tila'y nauupos na kandilang nakasindi
Hindi mawari kung saan tutuloy,
Apektado'y pilit na itinataboy

Pagsusumamo'y iyong makikita,
Hapis na ikinukubli sa mata
Tao ngayo'y nakikipagtunggali
Para sa bagay na nais mamithi

Kasakiman ay biglang umusbong
'Di mawari kung saan hahantong
Galit sa kaibutura'y sumiklab
Tila apoy na 'di mapigilan sa paglagablab

Sigaw ng tao'y pagkakapantay-pantay
Ngunit kay hirap ibigay
Pilit sinusulosyonan ng nakatataas,
Pero parang kulang at hindi patas.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top