Ama't Ina
Sa oras ng pagmulat ng aking mata
Sumalubong ang luha't ngiti sa mukha nila
Sila ang nagmistulang gabay,
Lakas ang siyang inaalay
Hindi nila ininda ang pagod
Maitaguyod lang ang pamilyang binukod
Binigay lahat ng pangangailangan,
Hindi sila nagreklamo kahit kailanman
Tinuturuang maging responsable
Dinisiplina't binihisan para maging kumportable
Ramdam ko ang hagupit ng palo at sakit,
T'yak na may dahilan kung ba't naghihigpit
Ama't Ina ko'y sadyang kay dakila
Ako'y sinusuportahan at binibigyang tiwala
'Di nagsasawang ako'y paalalahanan
Dahil hangad nila'y aking kaligtasan
Mahal kong magulang kayo'y dapat parangalan
Kayo ang naghatid samin sa tamang daanan
Salamat sa walang humpay na pag-alalay
Kayo ang dahilan ba't ako'y nasa tuktok ng tagumpay
♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top