p3
"Kababaihan, paano noon at ngayon?"
Kababaihan noon ay tinuturing na mahina,
Dakilang may bahay, puso'ng anghel na taga-pangalaga
Pagmamahal, pag-sisilbi,
pagluluto, at pag-lalaba
Sa bahay ka lamang makikita,
'pagkat doon ka lamang may magagawa
Kahit gaano kalalim ang iyong pinag-aralan,
Pagkat ika'y babae, sa kanila'y mahina kang klase
Sa iyong asawa, kapatid mang lalaki,
Isa kang sampid, umaasa sa kita nilang hindi naman malaki
Paghahanap-buhay ay illegal,
noon ika'y pabigat lamang,
walang silbi sa lipunan,
iyan ang batas ng nakaraan
Ngunit bagong henerasyon ang umusbong,
Babae man at lalaki,
Lahat may magagawa na,
Magtrabaho para sa pamilya,
lipunan man o bansa,
Ika'y may pakinabang,
'pagkat pantay-pantay na ang pinaniniwalaan
Paano tayo nauwi sa ganito?
Dahil mga babae'y hindi narin nagpatalo,
Sumabak sa magkakaibang trabaho,
Dinaig pa ang mga kabaro,
Kinilala bilang mga idolo,
Ngayon may magagawa parin pala tayo
'Wag hayaang ika'y pag-iwanan
Kumilos ka at ipaglaban,
Kakayahan mong kailanman hindi nila natuklasan,
Iyo' lamang tatandaan,
Kababaihan ay atin ding PANGLABAN
—:¨·.·¨:
'·. luviexoxo
p.s. i was asked to wrote this because one of my former cm ask me to do it, so she can make a better idea to make her own poem, anyway, i find it interesting so i also tried
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top