CHAPTER 20: PARA SA INYO, AKING MAGULANG


Sa mapagmahal kong magulang,
Kayo ang nagbibigay sa akin ng lakas at tapang,
Na harapin ang pagsubok at pag-uusig.

Hindi man kaya ibigkas sa inyo,
Ang salitang "mahal ko kayo",
Idadaan na lamang sa kilos ang pagmamahal ko.

Bagamat madalas matigas ang aking ulo,
Palaging nasasangkot sa gulo,
Patawad sa mga masamang dulot na dala ko.

Madalas ninyo akong pagalitan at pagsabihan,
Dahil rin sa katigasan ng aking ulo at mga kasalanan,
Alam ko naman na ito'y para sa aking kabutihan.

Minsan hindi ko maintindihan,
Ang mga masasakit na salitang iniwan ninyo,
Hindi maiiwasan na maluha't masaktan.

Hindi ko itatanggi, puso ko'y nagdaramdam,
Sa mga paulit-ulit na paratang sa akin,
Tiwala ninyo sa akin, ay nawawala na nga ba ng tuluyan?

Saksi ang dilim at unan,
Sa aking pagluha na walang tigil,
Sa nararamdamang kalumbayan.

Saksi ang apat na sulok ng kwarto,
Hindi alam kung saan tutungo,
Sa aking pagluha na walang humpay dahil sa inyo.

Hindi maitatanggi sa sarili,
Na sa damdamin may pangamba at pighati,
Nasa puso ko'y namayani.

❥︎: @𝑺𝒉𝒂𝒎𝒊𝒔𝒆𝒏_𝑪𝒉𝒂𝒓𝒎𝒔 ✍️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top