CHAPTER 19: KAIBIGAN LAMANG

Paano ba aaminin,
Ang aking pagtingin,
Kung sa iba ikaw ay nakatingin.

Sinusubukan kong umamin,
Idinaan sa biruan at kulitan,
Ngunit sa iyong sagot, nasaktan ng lubusan.

Nagulantang ako sa iyong balita,
Na may mahal ka na,
Na sa wakas ay natagpuan mo na siya.

Masaya ngunit may halong sakit ang nadarama,
Hindi ipinahalata na ako'y nasasaktan mo na,
Nakikipag-asaran kahit nadudurog na.

Kapatid at kaibigan,
Naging turing sa akin,
Masakit ngunit kailangang tanggapin.

Gusto kita, ngunit ang iyong turing ay iba,
Kapatid at kaibigan lamang, oh aking sinta,
Kay saklap isipin at tanggapin na ganyan nga.

Mas pinili ko ang aming pagkakaibigan,
‘Di na umamin pa sa kanya ng lubusan,
Dahil alam kong dito lamang kami magtatagal sa pagkakaibigan.

❥︎: @𝑺𝒉𝒂𝒎𝒊𝒔𝒆𝒏_𝑪𝒉𝒂𝒓𝒎𝒔✍️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top