CHAPTER 14: YAKAP

Sa tuwing ako'y nalulumbay,
Puso ko'y naglulupaypay,
Nangungulila sa iyong yakap,
Puso't isip ikaw ang hanap-hanap.

Maraming dumating na pag-uusig,
Hirap, lungkot, at ligalig,
Ako'y 'di nawawalan ng pag-asa,
Sa pagkat ikaw ang inspirasyon at sigla.

Kasiyahan ay 'di mapantayan.
Kay sarap damhin,
Nang iyong mainit na yakap,
Sa iyong bisig lamang malalasap.

Napapawi lahat ng problema,
Sa tuwing Ikaw ang kasama,
Na para bang isang mahika,
Ligtas ang siyang aking nadarama.

❥︎: @𝑺𝒉𝒂𝒎𝒊𝒔𝒆𝒏_𝑪𝒉𝒂𝒓𝒎𝒔 ✍️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top