CHAPTER 11: PALAYAIN KA

"PALAYAIN KA"

Habang pinagmamasdan kita,
Na nakikipagtawanan sa iba,
Mata mo'y nawawala,
Dahil sa labis na tuwa.

Ningning sayong mga mata,
Tuwing ako'y iyong nakikita,
Galak at saya sa mukha,
Sa tuwing ako'y kasama.

Paggising isang araw,
Iba na ang iyong tanaw,
Ika'y biglang nanlamig at umaayaw,
Sakit at paghihinayang ang nangibabaw.

Makita kang masaya sa piling ng iba,
Sakit ang nadarama,
Kahit masakit ay papalayain na kita,
Hanggang sa muli nating pagkikita.

❥︎: @𝑺𝒉𝒂𝒎𝒊𝒔𝒆𝒏_𝑪𝒉𝒂𝒓𝒎𝒔 ✍️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top