CHAPTER 02: PAGSASAMA
"PAGSASAMA"
Binabalikan ang mga ala-ala,
Nung panahon sabay tayong lumalaban sa problema,
Nung panahon tayo'y masaya,
Nung panahon matatag ang pagsasama.
Hanggang ala-ala nalang ba?
'Di naba maibabalik pa,
Ang masayang ala-ala,
Na binuo nating dalawa.
Ika'y nagbago ng sobra,
Pagsasama unti-unting nawawala,
'Di napigilan na masaktan at maluha,
Sa kinahantungan hindi na makabangon pa.
Pakiramdam ko'y may iba na,
Ika'y nanlamig at sigla nawala,
Nanlumo sa naging resulta,
Pakiramdam ko'y sa'kin ayaw mona.
Nagtatanong sa sarili kung may mali bang nagawa,
Naguguluhan pa rin kahit alam ang simula,
Simula na nakahanap kana ng iba,
At hindi na ako, kundi siya na.
Bukang bibig mo ay siya,
Kung gaano ka saya sa piling niya,
Bawat kataga, bawat salita,
Ramdam ko ito'y tunay nga,
Makita kang masaya,
Maligaya na rin ako aking sinta,
Sa akin wag kang mag-alala,
Kailan man sa iyong tabi ako'y 'di mawawala.
Kung kailangan mo ng makakasama,
Andito ako handang samahan ka,
Tulad ng dating ginagawa,
Isang tawag mo lang at ako'y darating na.
Sa'kin ika'y lubhang mahalaga,
'Di matiis kahit nagpapasaway ka pa,
Nais Ika'y pagalitan at pagsabihan na,
Ngunit nababahala na sakin ikaw ay biglang mawala.
Ninais magising ng maaga,
Sakaling ako'y nananginib nga,
Nawa'y lahat ng trahedya,
Nangyari sa pagsasama ay pawang haka-haka.
❥︎: @𝑺𝒉𝒂𝒎𝒊𝒔𝒆𝒏_𝑪𝒉𝒂𝒓𝒎𝒔🖋️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top