•CHAPTER 4

MAAGANG nagising si Hope kahit na kulang pa ang tulog niya at gusto pa niyang magpahinga.

Monday ngayon at alam niyang walang gaanong tao sa bookstore pero dahil sa wala siyang choice dahil ang usapan ay 7:30 dapat bukas na ang bookstore ay kinailangan parin talaga niyang magising ng maaga.

Nang matapos siyang makapag-ayos ng sarili ay kaagad niyang kinuha ang kanyang shoulder bag at pumara ng taxi papunta sa bookstore.

Pagkarating na pagkarating niya ay sakto namang dumating si Leah. Naglinis na naman siya gaya ng dati at hindi na naman tumulong si Leah. Sitting pretty ang kasama niya habang siya ay naghihirap ayusin ang mga libro roon.

Walang kaso iyon kay Hope. Sanay naman siyang magtrabaho ng mag-isa.
Ever since her mom decided to kick her out of their house at the age of 7 ay natuto siyang magtrabaho para sa sarili. Then a member in the DSWD helped her and brought her in an orphanage, nalaman niya ang pakiramdam ng maging malaya. Swerte na lang talaga niya nang may umampon sakanya. Nasaan na kaya ang mga taong umampon sa kanya noong bata pa siya?

Kaagad namang nawala ang tanong na iyon sa kanyang isipan nang biglang sumigaw ng sumigaw si Leah sa loob ng store. Hindi nga sinasadyang nagulat pa ang mga taong nasa labas.

"May problema ba?" tanong niya rito habang nagmamadaling lumapit sa kasama na ngayon ay halos atakihin na sa puso.
Imbes na sagutin ni Leah ang tanong niya ay isang malakas na paghampas sa braso ang natamo niya. Niyugyog-yugyog pa siya ng kasama na animo'y manika siya.

"Ghurl! Mukhang naka jackpot nako!!!! Aahhhhh!!" gusto ni Hope na sabunutan ang kasama pero alam kasi niyang mas malakas ito kaysa sa sakanya.

"Ano ba yun?" tanong niya tsaka nag-ayos naman si Leah ng buhok bago ihinarap sakanya ang isang magazine. "Oh, bakit yan? Anong problema jan at napatili ka pa ng wala sa oras?"

"Gaga! Huwag mo nga akong sermunan jan!" inis namang sikmat nito sakanya.

"Sorry." jan na naman siya. Sorry na naman ng sorry, umagang umaga.

"Ito oh! Gaga ka, pagmasdan mong mabuti ang magiging prince charming ko!" tinuro ni Leah ang lalakeng naka business attire at inaayos nito ang kanyang relos sa litrato. He was smiling genuinely without even looking at the camera.

Pero bago pa siya makapag komento ay malakas na isinara nito ang magazine at nanlilisik nitong pinagmasdan siya.

"Huwag mong pagmasdan masyado ang fafa Lewis ko! Nako talagang mauubusan ako ng dugo sa kalandian mong babae ka! Humanap ka ng ibang lalakeng siguradong magkakagusto sa 'yo!" pagsigaw nito kay Hope at malakas siya nitong binangga sa balikat.

Napabuntong hininga na lamang siya at napangalumbaba ng tingin. At hayan na naman ang pinakamamahal niyong Hope na umaandar na naman ang pagiging understanding na tao, humingi na naman nang tawad sa impokritang kasama niya sa trabaho.

WHEN lunch came, lumabas na kaagad si Leah para kumain sa labas samantalang naiwan na naman si Hope sa bookstore. Dahil sa dalawa lang naman sila ni Leah na nagtatrabaho roon at ayaw naman ni Hope na kumain sa labas ay minabuti niyang magbaon ng pananghalian. Parang nakagawian na niyang doon kumain.

Bago siya kumain ay isinara muna niya ang pintuan at nilagay ang "Sorry We're Close" dahil lunch break naman na.

Nagtungo siya sa pinaka dulo na bookshelf kung saan hindi siya makikita at nag indian sit. Inilabas niya ang baon na corn beef at kanin at pasimple nitong kinuha ang librong may kulay puting book cover.

She flipped through the pages and immediately stopped when she saw the bookmark she made.

Handa na sana siyang ipagpatuloy ang librong binabasa nang mabaling ang kanyang atensyon sa magazine section.

Then she saw the same magazine that Leah showed her earlier!

Tumayo siya at nagtungo sa rack na punong-puno ng magazines at kinuha ang magazine na nakakuha ng atensyon niya.
Pagkatapos niya itong makuha ay bumalik siya sa pagkakaupo at kumain habang binubuklat ang hawak na magazine.

Puro mga gwapong mayayaman na nilalang lang ang nakikita niya roon pero kaagad siyang napatigil sa pagbuklat nang makita niya ang lalakeng pinakita kanina ni Leah sakanya.

"Lewis Eiven St. Clair?" basa niya sa naka bold letter. "The CEO of L.E ST. CLAIR and the 2nd son of Mr. and Mrs. St. Clair." pagpapatuloy niya sa binabasa habang napapatango at sumusubo ng pagkain.

Binasa niya ang kabuoan ng article at nang dumako ang kanyang mata sa picture ay pinagmasdan niya ito ng maigi. Halos magulat siya sa nalaman! Siya! Siya yung lalakeng bumili ng BL story kagabi!

Binasa niya ulit ang naturang article at parang mas gumulo pa ang kanyang pag-iisip. He told them last night that he's gay tapos malalaman ni Hope sa magazine na hindi na mabilang ng daliri sa kamay at paa ang mga babaeng sinaktan nito?!

Kakausapin na sana niya ang lalake sa litrato pero muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng bookstore.

"Sabi na nga ba't hanggang ngayon kumakain ka pa! Bilisan mo riyan at malapit nang mag 1pm. Nako mapapatay na talaga kita dahil sa katamaran mong babae ka!' at walang nagawa si Hope kung 'di ang hindi tapusin ang kanyang pagkain sabay hingi na naman ng tawad sa kasama.

HINDI makapag focus sa trabaho si Lewis. What happened at the bar last night haunted him the whole night kaya at the end, he didn't get enough sleep again na kinaiinisan niya dahil nagiging moody talaga siya kapag laging kulang sa tulog.

He can fire anyone without any valid reason.

Napahilot na lang siya ng kanyang sentido habang hinihintay ang kanyang secretary na inutusan niyang bumili ng kape. He needs to finish things that talks about business and this is not the right time to slack.

Dahil sa inis ay dinial niya ang numero ng kanyang secretary. Makailang ring pa lang ay sinagot na nito ang tawag. "Boss-"

Hindi na niya hinintay na matapos ang sasabihin ng kanyang sekretarya dahil sobrang inaantok na siya at kailangan na niya ang kape na halos sampung minutos na niyang hinihintay!
"Get that fucking coffee in my office after 5 minutes! At kung iyan wala pa, sisante ka na!"

He ended the call just like that. Wala siya sa mood. Madaming bagay ang bumabagabag sakanya. Trabaho, Asphin, and the stunningly gorgeous woman at the bookstore.

He immediately shakes his head. Kailangan na muna niyang tapusin ang mga papeles na malapit na niyang matapos i-review at pirmahan bago niya ibaling ang atensyon sa ibang gumugulo sa isipan niya.

NAPAHIKAB siya nang mapagtantong tapos na naman niya ang mga bagay na dapat tapusin sa opisina. Ngayon ay kailangan na niyang puntahan si Asphin dahil hanggang ngayon ay nag-aalala parin siya sa kaibigan.

Hindi kasi nito sinagot ang kanyang tawag at wala man lang itong pinadalang mensahe sakanya which almost pisses him off.

He's aware that Asphin is some kind of a Lord. Doing businesses na maraming makakalaban sa industriya. But what happened yesterday is already below the belt! You can't just go around killing people for pete's sake!

Napatingin siya sa relong pambisig at 7:30 pa lang ng gabi.

Pinulot niya kaagad ang kanyang coat at isinuot iyon bago lumabas ng opisina. Sigurado siyang hindi pa tulog ang kaibigan pero alam niyang busy ito sa ginagawa. Maaaring tina-track na nito ngayon ang nagtangkang pumatay sakanya.

Nang makalabas siya ng elevator ay kaagad niyang hinanap ang kanyang Lykan Hypersport at pinaharurot ito paalis ng parking area ng kanyang kumpanya.

Habang nagmamaneho patungo sa bahay ni Asphin ay parang bigla bigla na lang pumasok sa isip niya ang babaeng nakilala niya kahapon.

Those pair of deep tantalizing brown eyes that stared at him with so much amusement and disappointment at the same time made him held his breath for not long but enough to make his heart beat faster than its usual beating. And it is something that bothers him. Shit lang! What he really did was stupid!

Nagsisi siya sa kung bakit hindi na lang siya ang nagbayad ng bill nila kagabi.

Ngunit bigla siyang may napagtanto. Ngunit, kung hindi naman niya ginawa ang dare ay sigurado siyang wala pang babae ulit ang makapagpaparamdaman sa kanya nun.

So, it is still a good thing na ginawa niya yung dare.

Napapangiti pa siya habang kinakausap ang sarili. Parang konti na lang ay mababaliw na siya.

WALA si Asphin sa kanyang penthouse nang dumating doon si Lewis. The guard told him na hindi pa raw ito umuuwi simula kahapon. Which worried him again to death.

Ilang beses niyang tinawagan ang kaibigan and lucky enough, thank all the gods, sinagot na nito ang kanyang tawag.

"Nasan ka ngayon?" he worriedly asked Asphin on the other line.

"Sorry not interested." sagot nito sa kabilang linya. Lewis rolled his eyes in disbelief because of how the question approached his friend.

"Gago! Hindi ba pwedeng magtanong lang, ha?" gusto sana niyang matawa pero pinigilan na lang niya.

"Well, masyadong mahalaga ang oras ko para aksayahin mo."

"O sige na. Mabulunan ka sanang gago ka!" then he ended the call and immediately drove his car away from Asphin's penthouse.

Ngunit di pa siya nakalalayo sa penthouse ng kaibigan nang marinig na tumunog ang kanyang phone. Nilingon niya ito saglit at nakita niya sa caller ID na numero pala ng papa niya iyon.
He answered the phone without taking his eyes off of the road.

" "Oui papa?" he asked.

"Votre cousine Jessica arrivera demain à 9 heures. Assurez-vous de lui acheter un cadeau ... Et votre maman veut que vous lui achetiez du pain et du beurre d'arachide." napabuntong hininga na lang siya sa sinabi ng kanyang papa.

His cousin Jessica will visit them here in the Philippines and his father wants him to buy a freaking gift. And his mother wants him to buy bread and peanut butter kaya imbes na umuwi ng maaga ay kailangan pa niyang maghanap ng store na bukas kung saan pwede siyang makabili ng mga pinapabili nila sakanya.

"Okay." yun lang ang naging tugon niya at kaagad na pinatay ang tawag. He was about to dial Perinn's, his friend, number when he cursed out.

"What the fuck!" inapakan niya ang brake ng sasakyan kasabay nito ay ang malakas na pagbusina. Mabilis ang tibok ng kanyang puso nang makitang napaupo ang babaeng bigla bigla na lang tumawid sa kalsada!

He was about to get out of his car and check on the woman kung nasaktan ba siya o hindi pero hindi niya inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

The woman stood up, takes off her sandals at hindi na nito pinampag ang suot na black pencil skirt at tumakbo patungo sa hinahabol nitong kung sino, and just vanished into thin air.

Lumabas parin siya ng kanyang sasakyan at tinignan kung nagasgasan ba ang sasakyan niya pero hindi naman. Nakahinga siya ng maluwag ng dahil doon.

He was about to get back inside his car when something shining caught his attention.

Nilapitan niya ito at kaagad na pinulot. As soon as the rectangular metal object is near his eyes, he knew that the owner of that nametag is the woman whom he almost killed. Binasa nito ang nakasulat doon.

" Hope Anais Ortelgano."





LAKING pasasalamat ni Hope nang matapos na ang trabaho niya. At sa pagkakataong ito ay nagboluntaryo na si Leah para tulungan siya.

Nang matapos sila sa pag-aayos ay nagmamadaling kinuha ni Hope ang kanyang bag at umalis ng bookstore dahil sobrang nagugutom na siya at gustong-gusto na talaga niyang magpahinga.

She slightly opened her bag to check kung kumpleto ang kanyang mga gamit pero sa isang iglap, wala na ang shoulder bag niya!

Nilingon niya ang paligid at nakita ang isang magnanakaw na hawak ang kanyang bag! She started shouting "MAGNANAKAW! IBALIK MO YANG BAG KO!" But it was no use.

Parang bingi lang ang mga taong nakarinig sakanya dahil ni isa wala man lang tumulong sa paghabol.

She wanted to stop dahil nararamdaman na niyang masakit na ang kanyang paa, kagagawan ng sapatos niyang may heels pero nagpatuloy lang siya sa pagtakbo.

She is panting so hard at halos mawalan na siya ng ulirat dahil sa walang tigil sa pagtakbo pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. The bag is important, goddamn it! Yung mga gamit niyang naroon isama pa ang sukli ng gwapong lalake na pumunta sa bookstore kahapon!

Wala nang pakeelam si Hope sa mga taong nababangga niya. Ang importante ay makuha niya ang bag at mabigyang leksiyon ang bwisit na magnanakaw na iyon!

"Beeepppp!" halos mabingi si Hope nang marinig ang malakas na pagbusina ng sasakyan at nang nilingon nito ang sasakyan ay kaagad siyang napaupo nang bahagyang natamaan siya sa paa.

Naramdaman niya ang pangingirot ng kanyang paa at halos maiyak na siya pero inisip parin niya ang kanyang bag kaya dali-dali niyang tinanggal ang kanyang sandals at nagpatuloy sa pagtakbo kahit masakit parin ang paa niya.

Habol habol ni Hope ang kanyang hininga nang mapatigil siya dahil hindi na nito mawari kung saan tumakbo ang magnanakaw.

Nasa park na siya at wala nang tao roon dahil gabi na. Nawalan ng pag-asa si Hope habang pabagsak siyang umupo sa swing malapit sakanya.

She started crying. Hindi na nito napigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Her salary, her super old lunchbox, some of her treasured picture when she was still young, a necklace given by the couples who adopted her, and the change of the man who buys a BL story.

Sobrang dami ang nanakaw sakanya.

"I believe this is yours." nang marinig niya ang isang maalumanay na tinig na alam niyang babae ang nagsalita ay nag angat siya ng tingin at nakita ang tao na naka brown cargo pants at black combat shoes. Naka hoodie ito ng black kaya hindi nito maaninag ang mukha niya. Ngunit nasisiguro niyang babae iyon.

"Take it. And next time, don't run barefoot. I'll take my leave." halos mapatalon siya sa tuwa nang makitang bitbit ng babae ang kanyang shoulder bag. Kaagad niya itong kinuha at nang makitang aalis na ang babae ay pinigilan niya ito.

"Teka lang!" nang lumingon ang babae sakanya ay doon lang nakita ni Hope na may pulang likidong dunadaloy sa kanang braso nito. She wanted to ask but she know that its not good to ask something serious lalo na kung di naman niya kilala ang tao.

"Ano yun?" balik na tanong sakanya ng babaeng naka hoodie, halatang nagmamadali.

"Maraming salamat sa pagtulong para makuha yung bag ko miss-" hinintay niyang magsalita ito at napangiti si Hope nang marinig ang tugon ng tumulong sakanya.

"Persefoni."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top