•CHAPTER 3
[PRESENT]
"I'M so fucking tired. Goddamn it!" Lewis cursed out as soon as he finished signing a lot of papers. Hinilot niya ang kanyang batok nang maramdaman ang sakit mula rito.
He's been doing overtime work and staying in his office for almost a week! Dito na rin siya natutulog at nag-aayos ng sarili.
Simula kasi nang mangyari ang mga bagay na hindi inaasahan sa kanilang pamilya ay kinailangan na nitong tapusin ang napakadaming naimbak na trabaho.
"I need to at least enjoy this night." he told himself as he went to his private room, take a cold bath, and change her clothes into a white fitted shirt with long black coat and brown pants.
He wants to go clubbing and look for a woman to make him company.
Now that he thinks about it, matagal tagal na pala simula nang may maka-sex siya.
So, he was about to leave when someone called. Kinuha niya ang kanyang phone at walang lingon-lingon nitong sinagot ang tawag.
"Lewis St. Clair speaking."
"My men! Are you coming? Kanina ka pa namin hinihintay rito." it was his friend Hannibal, Hanny for short, who called.
"Where are you?" yun ang kaagad niyang tanong. He's sure na nasa bar ngayon si Hanny dahil sa ingay na naririnig niya mula sa kabilang linya.
"I already texted you the address the other day. Sabi ko na nga ba't makalilimutan mo eh. Now come on. Huwag kang mag mukmok jan sa bahay mo!" and the call ended. Kaagad namang hinanap ni Lewis ang text sakanya ni Hanny and he's right. Nung isang araw pa ang text na iyon.
Nang makarating siya sa parking area ay hinanap niya kaagad ang kanyang Lykan Hypersport at pinaharurot ito papunta sa Ace Club kung nasaan si Hanny ngayon.
THE BAR is full of people dancing and drinking. Napakadilim sa loob at kung tutuusin halos hindi na rin siya makahinga dahil sa samu't-saring amoy na nalanghap niya isama pa ang usok ng sigarilyo.
He hate cigarettes. Masisira lang ang baga niya ng dahil doon.
He immediately looked for Hanny and lucky enough, Hanny's already waving his hand towards him. Kaagad na lumapit si Lewis patungo roon at nakita nitong naroon pala si Asphin at Giovann. MIA na naman ang kambal na sina Steven at Sceven. Lagi naman. Wala nang bago roon.
"Thank God you finally made it!" sigaw ni Hanny upang magkaintindihan sila. The music is too loud for them to understand each other kung di sila magsisigawan.
He seated in between Hanny and Giovann tsaka tinawag ang atensyon ng waiter. "Espresso Martini." at umalis kaagad ang waiter.
"Sino magbabayad?" Lewis asked out of nowhere. Nagtinginan sina Hanny, Asphin, at Giovann at napatingin naman silang tatlo sakanya.
"Definitely not me." Hanny immediately answered as he took a sip of his drink.
"Me neither. Hindi porket akin ang club na ito ako na ang magbabayad." Asphin soon asnwered and glared at the three of them. Fuck! Kaya siguro siya niyaya ni Hanny dahil siya ang magbabayad ng iinumin ngayon.
"Hanny told me that today's your call, man. Libre kaya ako sumama." Giovann defended himself as he shoot glance at Hanny.
Naihilamos na lang ni Lewis ang palad sa kanyang mukha. He should've know that Hanny is cunning as ever.
"No way! Hanny ikaw ang magbabayad! You called me to come here. Kung sino nagyaya siya magbabayad!" Lewis shouted and Asphin and Giovann agreed. Kaso ayaw ni Hanny magbayad dahil sa sobrang kuripot niyang tao.
"Ganito na lang. Let's play dare or dare-"
"Dare or Dare? Isn't it supposed to be Truth or Dare?" Giovann asked. Sino ba namang hindi magtatanong diba? Baka nagkamali lang ng sinabi si Hanny.
"Ma friends mas okay kung puro dare. Para san pa't naglaro tayo kung nakaupo lang tayo ngayon, hindi ba?"
"Yep. Sigurado naman akong walang magsasabi saatin ng truth dito." segunda naman ni Asphin.
"So, this is how we play the game." tuloy ni Hanny. "Syempre kung tatama sayo ang bibig ng bote then you should do the dare. Since ito ay dare or dare, dalawang beses dapat tayo makagawa ng dare. At kung sino ang hindi makagagawa ng dares ay siya ang magbabayad."
Everyone seems to agree pero alam naman nilang hindi magpapatalo si Hanny. Dahil kung sino man ang magaling sa ganoong klase ng laro, nangunguna na si Hanny sa listahan.
Kaagad inubos ni Hanny ang kanyang alak at pinahiga iyon sa mesang nasa harapan nila. They even played rock, paper, scissors to determine who has the privelage to spin the fucking bottle.
And Asphin won.
He spins the bottle at parang biglang bumagal ang oras. Everyone seems to be serious habang pinagmamasdan nila ang pag-ikot ng bote ng dahan-dahan.
At sa kasamaang palad, natutok kay Lewis ang bibig ng bote. Just great.
KASALUKUYANG nakapila ang mga tao sa cashier ng 'Stop&Read' bookstore dahil sa mga bagong libro at comics na kadarating lang.
It was Saturday at inaasahan talagang maraming tao na dumaragsa roon. Ang hindi lang siguro inaasahan ni Hope ay kinailangan nilang mag extend ng oras dahil sa dami ng tao.
"Thank you for purchasing ma'am. Have a nice evening po." magiliw niyang saad sa customer nila ng gabing iyon. She's smiling ear to ear knowing na maraming benta ang bookstore.
Nang wala nang gaanong nakapila ay nabaling ang atensyon ni Hope nang makita ang isang lalake na kung tama ang tantiya niya ay nasa 25-30 na ito.
Maybe he's around 188cm or higher, has a well toned body na walang duda dahil fitted ang suot nitong shirt at bumabakat roon ang kanyang katawan. Kung papansinin ng mabuti, he doesn't seem like a person who would want to go to places like bookstore.
He has a perfect jawline. Parang alagang oil ang kanyang buhok dahil sa kakintaban nito.
She wanted to touch it dahil parang napaka lambot nitong hawakan. He sure has eyebrows that perfectly matches with his face. Don't forget those red kissable lips!
But what captured Hope's attention is the eyes of the man. The natural ocean-blue color of his eyes almost made her gasp in so much astonishment. He's perfect. Like an obra maestra perfectly made. No... He is like one of the gods!
"Hoy Hopia, gising na! Huwag mong masyadong titigan si ser. As if namang mapapansin ka niya. Sa pangit mo ba namang iyan?! Naku at tatamaan ka talaga saakin." bumalik lang siya sa reyalidad nang hilain ni Leah ang kanyang buhok.
"Sorry." sagot niya at tsaka inatupag ang pagkuha ng bayad ng mga tao na nakapila sa kanyang pwesto.
But she can't seem to control herself to look at the man standing right before the shelf at the corner. Para bang nahihirapan ito sa pagpili ng libro.
Nang wala nang nakapila sa kanyang pwesto ay balak na sana niyang tulungan ang lalake sa pagpili ng libro pero nagulat siya ng wala na roon ang gwapong nilalang.
Nasan na kaya yun? She whispered to herself pero muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig nito ang baritonong boses sa kanyang harapan.
"Hey." isang salita pa lang iyon pero para bang sasabog na ang puso ni Hope. Hindi niya alam ang gagawin lalo na't tinititigan siya ng lalake sa mata.
Those tantalizing eyes!
"Good evening sir. Ano po iyon?" she asked trying to calm her nerves. Sa hindi malamang dahilan, kinakabahan siya isabay pa ang hindi mapakaling pagkiwal ng kanyang sikmura!
"Can you... Ahm, fuck it. Can you suggest me a BL story? Kung meron kayo? Preferably comics?" She was stunned at what the handsome man said at ganun din ang nangyari kay Leah.
She's stuck between laughing dahil sa gusto nitong magbasa ng BL story or manghihinayang dahil sa hindi pala ito ang klase ng lalakeng inaakala niya.
Oh come on Hope! Di mo ba pansin? Halos lahat ng gwapo sa mundo ay bakla! Kaya huwag kang maghinayang jan! Tsaka baka pinapabili lang sakanya. Don't be judgemental okey?!
"May pagbibigyan po ba kayo sir?" naunahan na siya ni Leah sa pagtatanong.
"Fuck it!" Lewis curse inside him habang naririnig niya ang pagtawa ng kanyang mga kaibigan mula sa Alien (a type of wireless earphone with a circular shape) na suot niya.
Naipikit niya ang mata nang maalala ang usapan nila. Asphin dared him to go to the nearest bookstore and buy a BL comic book. Kung hindi niya gagawin ang dare ay siya ang magbabayad ng bill nila sa bar. Knowing his friends, uubusin talaga nila ang laman ng kanyang card.
"Lewis tell them that you love reading BL because you're gay!"
"Oo, oo!" sang-ayon naman ng mga kaibigan niya sa sinabi ni Giovann. Like what the double fuck?! Paano ba niya sila naging kaibigan?!
Pinagmasdan niya ang babae sa kanyang harapan na halata ang pagkagulat sa kanyang mata. Those deep tantalizing brown eyes, her tall nose, perfectly curved lips, and a shape face like Toni Gonzaga's. He knew he was already captivated by this woman's beauty. Isama na rito ang napaka among boses niya.
Ngayon mas nagsisisi na siya dahil sasabihin niya rito ang ayaw niyang sabihin- na bakla siya. Wala namang masama sa pagiging bakla, pero hindi lang kasi niya alam ang gagawin dahil tinagurian siyang playboy pero heto siya't nagpapanggap bilang isang bakla.
"I-I'm..." pumiyok siya nang sabihin iyon. Namayani na naman ang tawanan sa kanyang Alien earphones. Now, he wanted to strangle them to death para matigil na sila sa katatawa sakanya.
He took a really really really deep breath bago nagsalita ulit at nginitihan ang magandang babae sa cashier. "I'm buying it for myself. You know... Gay things and stuffs."
And that's it! He said it outloud for pete's sake! His friends laugh harder habang hindi mawala sa kanyang utak ang hitsura ng mga ito. Curse you assholes!
Hindi alam ni Hope kung ano dapat ang mararamdaman. He is well damn gorgeous... Tapos bakla pala siya?
Not that he hate gays pero hindi lang talaga niya inaasahan iyon.
Hope cleared her throat and smile at the man, "I suggest this comic book sir. I'm sure it will satisfy you." saad niya sabay kuha ng libro na naka display sa shelf malapit sa kinatatayuan niya at inabot iyon sakanya.
"I'll buy it. How much?" may bahid ng pagmamadali sa boses nito. Kaagad naman nitong pinadaan sa barcode reader at nilagay ito sa paperbag.
"That would be 249 sir." nag-abot si Lewis ng 500 pesos at walang sabi-sabing umalis siya ng bookstore.
Nang sigurado siyang malayo na siya sa bookstore at wala nang gaanong tao sa paligid ay sumigaw siya.
"Fuck the three of you! Mga gago kayo!"
He didn't wait for them to respond at kaagad nitong kinuha ang phone sa kanyang bulsa at pinindot ang 'end call' tsaka nagtungo sa kanyang dalang sasakyan.
He wanted to go back to his penthouse pero ang isang dare pala sakanya ay babasahin nito ang nabiling comic book sa harap ng tatlo.
Pumasok na naman sa kanyang isipan ang hitsura ng babae kanina sa bookstore. Naihampas nito ang kamay sa manibela ng kotse at napatingin sa kanyang sarili mula sa rearview mirror.
Namumula siya at dahil iyon sa magkahalong hiya at inis.
"I CAN'T believe it!" Saad ni Leah. She's been cursing non-stop dahil sa lalakeng iyon na hindi na kinuha ang kanyang sukli. "Ang gwapo gwapo niya Hope! Nung tumingin siya saakin naramdaman kong may spark! Tapos bakla pala?! Ay no can do!" nanghihinayang na sigaw nito.
Binalak ni Hope na sundan sana ang lalake para ibalik ang sukli nito pero hindi na niya ito nasundan. Halata rin kasing nagmamadali ang binata sa pag-alis kaya siguro hindi na niya ito naabutan sa labas.
"Mag linis na lang tayo Leah. Gabi na din." saad ni Hope tsaka kinuha ang isang walis tambo sa supply area ng bookstore.
"At bakit? Bahala ka sa paglilinis jan tsaka huwag mokong mautus-utusan ah. Hindi ikaw boss ko!" inis na sikmat nito sakanya. Simula kasi nang nagtrabaho siya sa bookstore ay hindi na niya nakapalagayan ng loob si Leah. Hindi nga alam ni Hope kung anong nagawa niyang mali sa dalaga at sobra na lang ang galit nito sakanya.
NAPATALON sa kama si Hope nang makauwi siya sa nirerentahang apartment. Pagkatapos na pagkatapos niyang maglinis sa bookstore ng mag-isa ay iniwan na niya si Leah doon dahil siya ang may hawak ng susi ng bookstore.
Dahil sa pagod ay minabuti na lang ni Hope ang mag shower pagkatapos ay deretso tulog. Wala na rin siyang lakas para magluto ng pagkain kaya minabuti na lang niyang magpahinga.
Ngunit hindi talaga mawala sa isip ni Hope ang binata na bumili sa bookstore kanina. Alam niya sa sarili na malalaman kaagad niya kung straight ba ang isang tao o hindi base sa kanilang galaw at hitsura. Hindi lang talaga niya inaasahan na sa tindig nito at paraan ng pananalita ay isa pala siyang bakla.
Bakit ba napaka big-deal nun para sakanya?!
Nilingon niya ang kanyang bag na ngayon ay nakapatong sa ibabaw ng kanyang maliit na cabinet at naalala nito ang sukli ng binata.
Ipinagdasal niya na sana ay makita niya ang lalake bukas o pumunta man lang ito sa bookstore para naman maibalik niya ang barya nito. Baka kasi mamaya ay sabihin ng lalake na hindi man lang nito nagkusang loob na ihabol sakanya.
Ipinikit na niya ang mata at hinayaang lamunin na siya ng antok.
DAHIL sa inis ay hinirapan ni Lewis ang mga dares sa mga kaibigan niya. Yung tipong magsisisi sila sa ginawa nila sakanya.
Nang makarating siya kanina sa bar ay minabuti niyang huwag basahin ang librong nabili dahil sa inis na kaagad namang nirespeto ng kanyang mga kaibigan.
Nagpatuloy ang laro nila at sumunod naman na napunta iyon kay Asphin. Napangisi si Lewis ng may naisip na siyang dare. Ngunit hindi iyon natuloy nang sumigaw si Giovann sa kabila ng maingay na tugtugan.
"Get down!" at isang matulis na bagay ang biglang tumama sa pader malapit sa kinauupuan ni Asphin.
"Oh shit!" sigaw naman ni Hanny nang biglang pumutok ang ilaw sa loob ng bar.
Napuno ng sigawan ang loob ng bar. Mabilis ring nagtakbuhan palabas ng bar ang mga nagsisiyahan kanina.
"Try to use the back door. I'll call for Chris to get you home." saad ni Ashpin habang minabuti niyang tignan ang paligid at naglabas siya ng baril.
"We'll stay. Tutulungan ka namin." Lewis firmly said. Every single one of them in their circle is powerful. Lahat kayang makipagbakbakan.
"Not this time Lewis. Importante kayo saakin at mawawala lang ako sa focus kung iniisip ko ang kapakanan ninyo. Now fucking go!"
And before Lewis could answer, isang nakabibinging pagputok ng baril ang namayani sa loob ng bar. "GO!"
Labag man sa kanilang kalooban ay lumabas sila ng bar at natagpuan nila si Chris, ang secretary ni Asphin, na naghihintay sakanila.
"Pumasok ka doon. Make sure Asphin come out unharmed." tumango ito sakanilang tatlo at pumasok si Chris sa loob.
HALOS makahinga ng maluwag si Lewis nang makitang nakalabas si Asphin kasama si Chris. They were safe thank God!
Asphin volunteered to take the three of them home. Walang umimik sakanila kaya medyo nakakailang. Alam ni Lewis na malalim ang iniisip ng kanyang kaibigan kaya mas minabuti na lang nitong huwag magtanong.
Nang makababa siya sa kotse nito ay tinapik nuya ang balikat ng kaibigan. "Make sure you're all safe to go home."
At pumasok na siya sa loob ng kanyang penthouse. What a night!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top