CHAPTER 26

MALAMIG NA ang simoy nang hangin nang makalabas si Hope sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho.

Makulimlim na ang paligid ngunit hindi niya iyon alintana. Sabihin mang dahil hapon na kaya madilim na ang paligid ngunit halata namang dahil mayroong pagbabadya ng pag-ulan. Hindi lang niya alam na uulan pala ng hapon na iyon.

She was hugging herself tightly as she walk towards the public road, along with the people who are staring at her from head to toe.

Masakit na ang kanyang mga paa na paika-ikang naglalakad papunta sa kung saan. Suot ang iisang pares ng kanyang high heels, kaawa-awa siyang nagpatuloy sa paglalakad habang ang isa paa niya ay sugatan na ng dahil sa mga batong naaapakan niya. At maaaring sa kadahilanang tumakbo siya ng napakalayong distansiya.

Blouse is almost ripped apart, fitted skirt almost torn into two pieces, wearing only one pair of her heels, not only her would guess that something had happened to her.

Mapanghusga siyang pinagmamasdan ng mga taong nakasasalubong niya. Mula ulo hanggang paa, punong-puno ng pang-uyam ang kanilang mga mata habang paunti-unti silang bumubulong sa mga kasama ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Walang ibang nagawa si Hope kung 'di ang hayaang pagmasdan at husgahan siya ng ibang mga tao na para bang casual lang na pag-usapan ang ibang tao at mismong sa harapan pa ng taong pinag-uusapan nila.

Binilisan ni Hope ang paglalakad upang mabilis siyang makalayo sa mga taong wala nang iba kung 'di ang pakielaman ang buhay ng iba. Ang mga boses nila ay nagmistulang mga bulong na tinangay ng hangin hanggang sa napatigil siya sa tapat ng isang bakanteng bench.

Nang makaupo siya sa bench ay akala niya, isang malalim at nakabibinging katahimikan na ang mamamayani sa kanyang kapaligiran... Ngunit nagkamali siya ng inaakala nang biglang marinig niya ang mahinang bulungan ng mga estudyante na nakaupo sa isa pang bench. Halos nasa anim silang mga bata na naglalaro.

Mahina man ang mga boses ng mga ito na nag-uusap, sapat na para kay Hope na malamang siya ang pasimpleng pinag-uusapan ng mga ito at paunti-unting ninanakawan ng tingin na para bang may nagawa siyang isang krimen.

"OMG! Bakit kaya ganiyan ang suot niya?" Bulong ng isang babae na may nginunguyang bubble gum.

"Hinaan mo naman iyang boses mo gurl! Baka matinig niya tayo. Alam mo na, baka baliw iyan?" Komento naman ng isa na tinakpan ang boses nito upang matigil sa pagsasalita.

"Huwag masyadong obvious girls. Nakahihiya kung malaman niya. Mamaya, baka lapitan niya tayo." Pasimpleng tinabig naman ng pangatlong babae ang falaeang kaibiga. Bago ibinaling ang tingin sa kawalan.

Inisip na lang ni Hope na baka kaya siya pinag-uusapan ng mga ito ay dahil bored lang ang magkakaibigan sa kahihintay ng sasakyan pauwi.

"Hulaan na lang natin kung ano nangyari sa kaniya!"

"Kung sino ang may pinakamagandang idea, ililibre siya ng buong grupo."

"Deal!" Ang tatlong babae ay nagpalakpakan habang ang tatlong lalake naman na kasama nila ay pasimpleng napabusangot sa sinasabi ng kanilang mga kasama. Halatang naiirita ang mga ito sa pinaggagagawa ng mga babaeng kasama.

"Ako na ang mauuna!" Komento ng isa bago pasimpleng nagnakaw ng tingin mula sa direksiyon ng kinauupuan ni Hope. "Punit yung damit niya at iisang pares lang ng sapatos ang kanyang suot. Kung ako ang tatanungin, baka kagabi, nagpakalasing siya. Then, may nakikala siyang lalake pero dahil lasing siya ay hindi na niya alam ang ginagawa niya. Tapos may nangyari sa kanila nung lalake tapos pinunit nung lalake yung damit niya. Tapos... May nangyari sa kanilang dalawa at kagigising lang niya. Dahil sa kahihiyaan kasi hindi niya kilala yung lalakeng nakauna sa kaniya ay nagmamadali niyang kinuha yung mga gamiy niya hanggang sa isang pares lang ng sapot niya ang kaniyang nasuot!"

Proud na explain nito ngunit imbes na support ang makuha ng estudyante sa kaniyang mga kaibigan, ilang magkakasunod na batok ang kaniyang natanggap.

"Aray naman! Bat niyo iyon ginaw?" Himdi na napigilan ng estudyanteng mapasigaw sa mga kaibigan.

"Parang tanga ka naman eh. Iyan na siguro ang epekto ng pagkalunod mo sa kababasa ng mga romantic stories. Jusko!"

"Ewan ko ba sa kaniya. Seryosong usapan, pinagmumukhang isang teleserye. Kainis ka gurl!"

"Sakto! Nandiyan na ang sundo natin." Napabuntong hininga ang isang lalakeng kasama nila na nakasuot ng isang mamahaling coat at may backpack ito na parang nasa Korea ang binata.

Halatang may lahi ito dahil sa kaputian ng kutis nito na para bang nagliliwanag kapag natatamaan ng ilaw. Ang mga mata nito'y may taglay na kulay na ang papalubog pa lang na araw.

Kaagad namang tumayo ang mga estudyante at nag-unahan sa pagpasok sa loob ng sasakyan.

Ngunit bago pa man makasakay ang binatang estudyante ay mabilis itong nagtungo sa harap ni Hope na nagpakunot ng noo ng dalaga.

Hindi pa man nakapagsalita si Hope ay mabilis na hinubad ng binata ang suot nitong coat at inabot iyon kay Hope.

"Pasensiya ka na sa mga kiabigan ko. Sadyang ganoon lang talaga sila. At pasensiya na rin kung hindi ko sila napigilan. Alam kong naririnig mo ang pinag-uusapan namin pero sana mapatawad mo kami... Tsaka, suotin mo na lang itong coat para hindi ka na pagbulongan ng ibang taong makakakita sa iyo. Pasensiya na talaga miss."

At bumalik ito sa sasakyan at walang sabi-sabing inandar na ng driver ang dalang kotse paalis sa lugar na iyon.

ILANG SEGUNDO pang nanatili si Hope sa bench habang matamang pinagmamasdan ang kapaligiran.

Halos magmukhang mga bituin sa langit ang mga ilaw na nagmumula sa street lights upang magbigay liwanag sa kapaligiran. Unti-unting nababaeasan ang mga taong naglalakad.

Wala pa sanang balak si Hope na umalis sa kaniyang kinauupuan nang bigla niyang maramdaman ang isang butil ng tubig na nagmula sa kalangitan. She slowly lifted up her gaze and a fate yet spontaneous rain drop started to cover her face, a sign that the rain started falling.

Ang mga ibang taong naglalakad ay nagsimulang tumakbo papalayo upang iwasang mabasa habang ang iba naman ay nag-unahan sa paglabas ng kani-kanilang mga payong.

And yet, Hope didn't even budge for a second. Hinayaan niyang tuluyan siyang mabasa ng ulan, habang unti-unting bumigat ang ang lahat ng meron siya.

And her tears started to escape from her eyes as the heaviness that her chest carry started to drift away from her along with the emotion that a woman like her don't even have the courage to tell.

Nang tuluyang mahimasmasan ay nagmamadali siyang tumayo at naghanap ng lugar na masisilungan. Hindi siya pwedeng bumalik sa bahay ni Lewis ng basang basa at ganoon ang hitsura dahil sigurado siyang magtatanong ang binata kung saan siya galing at kung bakit ganoon ang kaniyang suot.

Dahil sa kawalan ng lugar na maaaring masilungan, nagtungo na lamang siya sa isang parke. Nakita niya ang nagmistulang isang tree house kaya doon siya nagtungo.

"Paano ako makauuwi ng ganito? Sana naman ay wala pa si Lewis sa bahay." Dahil sa totoo lang, natatakot siya sa maaaring mangyari kung malaman man ni Lewis ang nangyari sa kaniya ngayon.

LEWIS heave a deep sigh as soon as the meeting with the other sponsors ended. He was able to take a deep breath properly as he sat on his swivel chair comfortably.

He is happy dahil naging maayos ang kanilang pag-uusap ng mga sponsors ng bago niyang itatayong proyekto kaya naisipan niyang mag-celebrate kasama ang mga taong malapit sa kaniya.

Dahil sa pagod na nadarama, nagdesisyon siyang magpahinga muna saglit bago umalis sa meeting hall. Ilang minutos siyang nanatili sa kaniyang kinauupuan habang nakapikit ang kaniyang mga mata, iniisip ang mga sinabi ni Perinn sa kaniya kani-kanina lang.

"This is the address of the orphanage where Hope and I met... Kung gusto mong malaman ang nangyari, kay Sr. Perla ka magtanong. Siya lang kinakausap ni Hope noon." May inabot itong isang papel na may nakasulat na impormasyon.

Nahilot ni Lewis ang kaniyang sentido nang maalala ang mga nangyari. The wide smile that formed on his lips was immediately removed as the thought of Hope clouded his mind.

Simula kaninang nagsimula ang kanilang meeting session ay hindi na niya nakita ang dalaga. And it has been three hours since he last saw her. And just by thinking about her, he started miss Hope's presence.

Kaya dali-dali siyang tumayo mula sa kaniyang swivel chair at nagtungo sa labas ng meeting room at dinial ang number ni Hope.

"Why aren't you picking up your phone, Hope?" He asked to himself after the call directed him to voice mail. He dialed her phone number again ngunit nakasakay na siya sa elevator at napindot na niya ang palapag kung nasaan ang kaniyang opisina ay hindi pa rin tinanggap ng dalaga ang tawag. Just like what happened earlier, he was immediately directed to voicemail.

Humigpit ang hawak niya sa kaniyang telepono nang makaramdam ng kakaiba. Umuwi na kaya ito? O baka busy sa pag-aayos ng gamit kaya hindi niya pinakekealaman ang satiling phone?
Napuno ng katanungan ang isipan ni Lewis kaya balak na naman sana niyang tawagan ulit ang numero ni Hope nang biglang mag flash sa sceen ng kaniyang phone ang number ni Jessica.

Wala siyang balak na tanggapin ang tawag dahil mas importanteng makausap niya si Hope ngunit dahil sa nasa loob pa lang siya ng elevator ay minabuti na lang niyang tanggapin ang tawag ni Jessica at mamaya na lang niya kakausapin si Hope.

"Jess-"

"Dinala sa hospital ang papa mo! Lewis, we need you now."



HALOS PALIPARIN na ni Lewis ang sariling sasakyan basta makarating lang sa kaniyang patutunguhan bago pa mangyari ang bagay na ayaw niyang mangyari.

Nang makarating siya sa hospital kung saan tinakbo ang kaniyang papa ay walang pag-aalinlangan siyang tumakbo sa reception area at tanungin kung nasaa ang kwarto ng kaniyang ama.

Lucky enough, the nurses immediately recognized him kaya itinuro nito ang direksiyon na kaniyang pupumtahan upang makita ang sariling ama.

"What happened?" Kaagad niyang tanong Kay Jessica nang makarating siya sa kwarto kung nasaan nagpapahinga any kaniyang ama.

Ngunit imbes na sumagot si Jessica ay ginawaran siya nito ng isang mahigpit na yakap. And at that moment, Lewis knew that his father almost left without even saying good bye.

"God." He said under his breath as he hugged Jessica back and burried his face on her shoulder, trying to contain his emotion as he's already in the verge of crying. "I should've been there."

"You're here now. And that's what matters." Jessica answered as she caressed Lewis' hair and they both held each other, trying to stop their emotions to slip away.

Nang matapos silang mag-usap ay nagtungo si Lewis sa loob upang tignan ang kalagayan ng ama. The doctor told them that he's already stable and needs to take a rest for a few days dahil makasasama raw sa katawan ng kaniyang ama kung magpapagod pa ito.

Matapos ang ilang minutong nakalipas ay umalis na rin ang doktor upang bigyan ng space ang kaniyang pamilya upang magsama-sama.

Sa tagal ng panahon, ngayon lang ulit inatake sa puso ang ama ni Lewis. Base na rin sa sinabi ng kaniyang ina, bigla-bigla na lang daw tumawag ang sekretarya ni Mr. St. Clair at ipinaalam sa kanila na bigla na lang daw itong hindi makahinga kaya kaagad nila siyang itinakbo sa hospital. Pasalamat na lang dahil kung nahuli lang sila ng ilang minuto, maaaring hindi na inabutan ng buhay ang kaniyang ama sa hospital.

Ilang oras pa silang nanatili sa hospital hanggang sa biglang napatingin si Lewis sa kaniyang relos at napahilamos na lang siya ng dahil sa pagod.

He's been worn out the whole day, Hope's not even answering her phone, and this current situation about his father.

Kaagad namang tumunog ang kaniyang telepono na nakapatong sa mesa 'di kalayuan sa kaniyang kinauupuan. He immediately grabbed his phone and saw the guard's (in the villa) number flashing on the screen. Kaagad naman niya itong tinanggap at nagtungo sa balkonahe ng hospital.

"Nakauwi na ba siya riyan?"

"Opo sir."

Nakahinga naman ng maluwag si Lewis. Kahit papaano'y alam niyang nasa maayos na lugar ang dalaga.

But there's this feeling that won't stop bothering him. Para bang hindi niya alam kung para saan iyon pero isinawalang bahala na lang niya ang 'di maipaliwanag na emosyon na iyon."Maraming salamat manong."

"Pero sir... Hindi naman po sa pangingielam." May bahid ng pag-aalala ang boses niyo, but Lewis can't afford to worry anymore. Masyado na siyang maraming iniisip kaya hindi na niya kakayaning mag-isip pa ng ibang bagay maliban na lang sa kalagayan ng kaniyang ama.

" Ano iyon? Nasa hospital kasi ako ngayon and I hope you could tell her that I can't come home tonight kaya hindi na niya ako kailangang hintayin."

" Eh sir... Sige po." And just like that, he ended the call and went beside his father as he closed his eyes and prayed for him to wake up soon.

But every decision has it's consequences because Lewis didn't know Hope was there, hoping for him to come home and tell him everything the truth.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top