CHAPTER 23

MAGKASAMA NGAYON SI Hope at si Mrs. Eliza, Lewis' mother, sa loob ng mall.

They were both stopping by each and every botique there is at halos lahat ng botique na iyon ay may natitipuhan ang ginang na bilhin samantalang si Hope ay hindi makapag-decide kung kukuha ba siya o hindi dahil sa katunayan ay wala siyang dalang malaking pera ngayon.

"Sigurado po kayong bibilhin niyo iyan?" takang tanong ni Hope nang tumigil sila sa isang botique na harap pa lang nito'y puro na mamahalin ang binebenta.

Mrs. Eliza was holding a

"Why? Don't you like it?" tumingin ito sa kanyang direksyon sabay tapat ng hawak nitong damit sa katawan ni Hope na ipinagtaka naman niya. "Bagay naman sa 'yo ito ah? Pati rin ito oh... "

Nanlaki ang mga mata ni Hope sa sinabi ng ginang kasabay nito ay ang biglaang pagtawag ng ginang sa atensyon ng isang magandang babae na kapapasok lang sa loob ng botique.

"Lucien, hija!"

"Tita Eliza! It's so good to see you here. Tsaka you can just call me Luc, tita." halos tinakbo ng dalagang si Lucien ang pagitan nila ni Mrs. Eliza para lang yakapin ito ng mahigpit.

"Ang ganda mo na ah. May boyfriend ka na, noh?" kinikilig na saad ng ginang nang bumitaw sila sa pagkakayakap.

"Ano ba naman iyan tita. Of course not! Alam niyo naman ako, man hater na. Tsaka, bakit naman ako ang pinag-uusapan natin? Dapat nga po'y tungkol sa inyo ang pag-usapan natin kasi kayo itong blooming. Isa pa,  bakit ngayon lang kayo ulit nagawi sa botique?"

Bahagyang tumingin ang ginang sa direksyon ni Hope, na ngayon ay nagmistulang nakatayo na parang mannequin sa tabi nito. "About that, this is Hope."

"Hi, Hope. Nice to meet you. I am Lucien but you can call me Luc. Not Luci, Lulu, Cici, Cien, Cie or Miss Lucien. Just Luc since you're already my friend." walang pag-aalinlangang saad ng dalagang si Lucien sabay abot ng kamay sa direksyon ni Hope.

Malugod namang tinanggap ni Hope ang kamay ni Lucien upang makipagkamay rito.

Kilala ni Hope ang kaharap na dalaga. Nakita niya ito once sa isang talk show na napanood niya sa tv ng kapitbahay.

Nakikita niya rin ang mukha nito sa mga magazines na lagi niyang inaayos sa magazine rack ng 'Stop&Read' bookshop."Hi, Luc. Nice to meet you in person. Sa magazine kang kita nakikita noon pero hindi ko akalaing makikilala na kita sa personal."

"Why, thank you. And because of that, feel free to shop any of the items. Ako na ang sasagot." nanlaki ulit ang mga mata ni Hope sa sinabi ng dalaga kaya mabilis niyang naiangat ang kamay upanh sabihin sa dalaga na huwag na.

"Nako hindi—"

"Well, that's great! Now, come on bago pa magbago ang isip ni Luc." masayanv tili ng ginang at mabilis itong itinulak papunta sa iba't-ibang racks, shelves, at tables upang maghanap ng mga damit.

At nang matapos silang mamili ay itinulak ng ginang si Hope papasok ng fitting room at inabot sa kanya ang mahigit isang dosenang klase ng damit.

"Now, go get changed. Gusto kong makita kung kasiya sa 'yo lahat ng iyan." at bago pa makapag-react si Hope ay isinara na ng ginang ang pintuan at pinabantayan pa ito sa dalawang attendant ng botique.

Hindi alam ni Hope ang uunahin; kung yung dilaw ba, yung kahel, yung berde, o yung kulay tsokolate. Andami niyang pagpipilian ngunit lahat naman ng damit na nasa kanyang mga kamay ay hindi siya kumportableng suotin.

Sabihin na nating magaganda ang bawat disenyong ginawa ng mananahi sa damit, ngunit nang tinignan niya ang pricetag ay nakakapanlumo naman para sa kanyang tuhod kung gaano ito kamahal. Ang isang damit ay  may presyong hindi na bababa sa 20 thousand pesos. Ang iba ngang damit na pinili ng ginang kanina ay mabibili pa sa dolyar!

At saan naman siya kukuha ng ganoong kalaking pera?

Hindi na sana isusuot ni Hope ang mga damit at balak na sanang lumabas ng fitting roon at magdahilan na lang sa ginang na ayaw niyang bilhin ang damit dahil hindi bagay sa kanya. Nahihiya naman siyang sabihin na wala talaga siyang pera.

"Huwag na huwag kang lalabas diyan hangga't hindi mo suot ang mga damit, okay?" narinig niyang sigaw ni Mrs. Eliza mula sa tapat ng fitting room. Mukhang wala na siyang ibang choice kung 'di ang subukang suotin ang mga napiling damit.

"Sige po, m-ma."

ILANG MINUTONG nagpabalik-balik si Hope sa loob ng fitting room dahil sa kadahilanang, una, maaaring ang damit na kanyang sinuot ay hindi gusto ng ginang, at ang pangalawa naman ay masyadong maiksing tignan para sa dalaga.

Napapansin naman ni Hope na halos puro long sleeves ang pinipili ng ginang. Kahit papaano'y naitatago pa ni Hope ang kanyang mga sugat upang hindi ito makita ng ina ni Lewis.

"Yan!" halos mapatalon siya sa gulat dahil sa pagsigaw na ginawa ni Mrs. Eliza habang dahan-dahan pa itong naglalakad patungo sa kanyaz ang mga kamay ay naka-extend upang abutin siya.

Nang mahawakan ng ginang ang kanyang mga balikat ay sumilay ang napakatamis na ngiti sa mga labi nito.

"Ang ganda mo, hija. I am so amaze on how natural your beauty is. Pasensiya ka na kung paulit-ulit kitang pinapasok sa fitting room. Maganda naman lahat ng damit sa 'yo, pero itong damit talaga na ito ang pinakabagay na suotin mo para sa lunch!" masayang saad nito sabay tawag sa atensyon ulit ni Lucien upang tulungan sa pamimili ng jewelries at sandal na babagay sa suot niyang damit.

And in just a couple of mintes before 12, she was already wearing the mpst elegant dress she has ever worn as soon as she grew up.

Matagal niyang tinitigan ang sarili sa harap ng human-size mirror na naka-display di kalayuan sa isang mannequin na nakatayo malapit sa may pintuan.

Hindi sigurado si Hope sa nakikita. Hindi niya malaman kung paniniwalaan ba niya ang nakikita o hindi. She's a different person already and she didn't know that she could be a lot better if she transform like this.

Napatingin siya sa direksyon ni Mrs. Eliza at ni Lucien na kasalukuyang nag-uusap at di napapansing nakatingin siya sa mga ito. Kaya sinamantala naman ni Hope na tignan ang pricetag ng suot na sapatos, ang suot na damit, at ang area kung saan nakadisplay ang mga jewelries at may mga presyo na nakaangat doon. Mabilis naman niyang sinolve kung kaago kamahal ang damit na suot niya ngayon.

Halos malaglag ang kanyang panga nang mataman niyang pinagmamasdan ang sariling cellphone.

Higit pa sa 100 thousand ang presyo ng damit. At dahil doon, ipinagdarasal talaga niyang sana kainin na siya ng lupa upang matakasan lang niya ang laki ng babayaran.

"Hija, come on. Malapit nang mag-12 and I'm really hungry. I already reserved a seat on one of the finest restaurants in the the country kaya, halika na." saad ni Mrs. Eliza sabay hawak sa kamay ni Hope paalis sa loob ng botique.

"Wait lang po. Babayaran ko lang po yung damit." gusto sanang kumawala ni Hope sa pagkakahawak ng ginang upang puntahan si Lucien at magbayad. Ang problema nga lang parang nagmamadali ang ginang sa paglalakad kaya nahihiya naman si Hope na bawiin ang sariling kamay.

"Lucien already gave it to you as a gift."

"Nasaan po siya? I still need to pay her."

"Nauna nang umalis. She already told me that you should not worry about paying. Now, let's go! Nandiyan na ang sundo natin."

Even thou sinabi ng ginang na regalo na iyon ni Lucien sa kanya, she still needs to at least give thanks to Lucien dahil napakabait nito sa kanya kahit ngayon lang sila nagkakilala. Kaya hiningi niya ang numero ni Lucien mula sa ginang upang kausapin ito mamaya.

Hindi naging matagal ang biyahe. Ngunit nang makarating sila sa harap ng isang mamahaling restaurant ay inalalayan siya ng isang bodyguard upang lumabas ng sasakyan.

And when she was already standing in front of the restaurant, she can't help but stare at the luxurious place.

Kaya ba siya sinuotan ng ginang upang maibagay siya sa mamahaling lugar na ito? So that she could also look as one of the rich families?

And Hope, for the second time, never felt so poor.

KAAGAD BUMABA NG sasakyan si Lewis nang maiparada niya ang kanyang Lykan HyperSport sa parking area ng restaurant.

His mom called earlier, telling him that she and Hope are going to have lunch. At dahil malapit lang ang restaurant na binanggit ng ina ay nagdesisyon na si Lewis na makisabay sa kanila sa lunch. Isa pa'y gusto talaga niyang makita si Hope.

Miss na niya kaagad ang dalaga.

"Good afternoon Mr. St. Clair. This way please." saad ng isang lalakeng attendant kaya sumunod si Lewis sa kung saan ito pupunta.

And when they stopped in front of the door ay nagpaalam na ang attendant sa kanya kaya kaagad namang pumasok si Lewis sa loob.

Pagkabukas pa lamang ng pintuan ay ang magandang mukha na ng kanyang ina ang bumungad sa kanya. Nakangiti ito at kaagad na tumayo para yakapin siya.

"You're already here." saad ng ina bago sila umupo.

They were already eating when he entered the room. Kaagad namang nabaling ang kanyang atensyon sa kaharap nila Hope sa mesa. He didn't expect that Jessica would be here. But he didn't say a word at kaagad siyang tumabi sa katabing upuan ni Jessica dahil katabi ng kanyang ina si Hope.

"I'm sorry kung latr ako dumating." saad niya.

"No worries. Halos kadarating lang din namin ni tito Francisco. If he didn't see me earlier, baka nga magtatampo ako sa inyo kasi di niyo man lang aki in-invite." napangiti lang ng pilit si Lewis sa kanyang pinsan at napatingin sa ama bago ibinaling ang tingin sa kaharap—kay Hope.

Gusto sana niyang agawin ang atensyon ng dalaga ngunit mukhang malalim ang iniisip ng dalaga dahil mataman lang itong nakatingin sa sariling pinggan na para bang walang ibang taong kaharap.

"How was work, Lewis? I was planning to visit you earlier but I think, sasama na lang ako sa 'yo mamaya pagkatapos ng lunch."

"Work's fine. Medyo busy but we will manage. You don't need to come later... How about you, Hope? Are you coming to work?" tanong ni Lewis kaya napako ang atensyon nilang lahat kay Hope.

Ilang segundo itong natagalan bago magsalita. Ngunit bago pa makasagot ang dalaga ay kaagad sumingit si Jessica sa usapan na nakapagpairita kay Lewis.

"How about you, tita Eliza? Kamusta na ang inyong flower shop?"

"It was selling well! Someone even bought half of the flowers in my shop."

"That was great!" sagot ng dalaga. Halos ito lang ang nagiingay sa hapagkainan. Hindi matigil si Jessica sa pagtatanong.

Ito ang isa sa pinaka-ayaw ni Lewis sa lahat. Yung maingay tuwing nasa harap ng grasya. Hindi naman ganito dati si Jessica. But now, she's starting to get irritating and anytime soon, baka masigawan na niya ito.

Then his eyes darted to Hope. Para itong uncomfortable sa nangyayari pero napansin niyang bahagyang may itutulak sanang bowl ng pagkain sa kanyang direksyon nang bigla na lang nagsalita ulit si Jessica.

"Try their soup." tulak nito sa isang bowl ng onion soup. "Diba? Paborito mo iyan?"

Nababuntong hininga na lang si Lewis at balak sanang abutin ang pagkaing itinulak ni Hope kanina ngunit kaagad tumayo si Hope mula sa kanyang kinauupuan at nag-bow sa harap nilang lahat.

"Excuse me po." saad niya sabay alis sa kanilang harapan.

Hindi kaagad nakakibo si Lewis habang sinusundan ng tingin ang dalagang papaalis.

Nalungkot siya dahil mukhang hindi ito kumportable sa nangyayari. Kahapon pa niya iyon napapansin pero umaakto lang na parang okay para makisama sa kanila.

Mali bang isinama niya ang dalaga sa kanila? Kasi kung oo, nagi-guilty na siya sa nangyayari. Kung pwede lang ay kunin na niya ang kamay nito at hilain paalis. But knowing his mother, ayaw niya ng ganoon.

Ilang segundo ang lumipas bago tumayo si Jessica at nag-excuse naman ito para mag-CR.

Sinundan niya ng tingin si Jessica na papalayo bago nabaling ang kanyang atensyon sa ama. "On the way here, Jessica told me something about Hope. Is it true that she's the kid who killed a cat on Jessica's 7th birthday?"

"Siya ang ampon ni Teodolfo at Melinda?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top