CHAPTER 22
"MOM, COME ON." nakabusangot na saad ni Lewis nang maihanda ng ina ang kwarto ni Hope.
"It's a no no. You're in my house and you need to follow my rules. Hindi kayo pwedeng magtabi ni Hope sa kama dahil hindi pa kayo kasal." naihilamos ni Lewis ang kanyang mga palad sa kanyang mukha habang sinusundan ang ina papunta sa living room.
"Natural lang naman na magtabi ang magkasintahan these days. We're not kids anymore." he explained. Totoo naman kasing marami na ang mag-jowa na laging nagtatabi ngayong matulog but because of his mom, who respect the old days, kailangang hiwalay silang matulog ng dalaga.
Tumgil ang ina sa paglalakad bago ito lumingon sa kanyang harapan at nameywang ito na may seryosong mukha.
"Bakit? Kayo na ba, ha?" lumungkot ang mukha ni Lewis at hindi kaagad siya nakatugon. Ano nga ba ang meron sa kanila ni Hope? Sila na ba?
Ngunit bago pa man makapagsalita si Lewis ay kaagad nabaling ang kanilang atensyon ng ina sa gawi ng nagsalita.
"Hello po." bahagyang yumuko si Hope sa kanilang harapan at ngumiti naman ang kanyang ina.
"Matutulog ka na ba hija? Ihahatid na kita sa kwarto mo." saad ng ginang sabay sabit ng kamay nito sa braso ng dalagabat iginaya ito papunta sa guest room.
Ngunit bago pa man makalayo ang ina ay bumulong ito ng bahagya kay Lewis, "Galaw galaw anak ha?"
Napahilot na lang ng sentido si Lewis bago nagtungo sa sariling kwarto nang makapagpahinga na siya.
Mukhang bad decision ang matulog sa bahay ng ina.
KANINA PA IKOT ng ikot si Lewis sa kama ngunit hindi talaga siya dinadalaw ng antok.
Simula talaga nang makasama niya si Hope matulog ay hindi na siya sanay matulog ng hindi ito katabi sa kama. Parang nasanay na siya sa prisensya ng dalaga at sobra siyang kumportable kapag katabi ito.
And he badly needs to see the woman now.
He looked at his wristwatch and it already reads 1 in the morning. At sigurado si Lewis na sa mga oras na ito ay tulog na ang kanyang mga magulang kaya dahan-dahan siyang umalis sa sariling kwarto at maingat na nagtungo sa kwarto kung nasaan ang dalaga.
At nang nasa harapan na siya ng kwarto ay dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at papasok na sana siya sa loob nang mapatigil siya at nakita ang sariling ina na nakaupo sa harap ng natutulog na katawan ni Hope.
"Mom?" mahina niyang saad sabay lapit sa kinaroroonan ng ina. Napalingon siya kay Hope at napakunot ang kanyang noo sa nakita.
Hope was sweating hard but her eyes were closed na para bang ayaw nitong buksan ang mga mata. And a tear slowly escape from her eyes habang dahan-dahang kumakalma ang katawan nito.
Napalingon ulit siya sa ina na punong-puno ng pag-alala ang mukha nito ngunit hindi nito inalis ang tingin sa dalaga.
Mahigpit na nakahawak ang kamay ng dalaga sa kamay ng ginang at nang dahan-dahang bumitaw si Hope sa kamay nito ay inayos ng ginang ang pagkakahiga nito bago kinumutan at hinila nito ang binata palabas ng kwarto ni Hope.
"Anong nangyari?" tanong ni Lewis nang patayin ng ginanv ang ilaw sabay dahan-dahan namang isinara ng kanyang mama ang pintuan bago humalukipkip sa harapan niya.
Mataman siyang tinitiga. Ng ina at mapapansin ang concern sa mukha nito. "I saw her wounds, Lewis. I heard her cry in her sleep. You tell me what happened and explain to me what is going on. Now."
PAKIRAMDAM NI HOPE ay hindi siya nakatulog. Parang buong magdamag siyang tumakbo papalayo sa kadiliman. Nararamdaman niyang pigil na pigil ang kanyang paghinga at kahit gusto na niyang magising mula sa kanyang panaginip ay hindi parin siya nagising.
And now that she's awake, she really feel exhausted.
Kagigising pa lang niya ay kaagad niyang naalala ang nangyari kahapon. Jessica's acting weird and a bitchy last night which almost made her lose control. Kung hindi niya katabi si Lewis ay baka nasabunutan na niya ito kahapon.
Ang lakas talaga ng pakiramdam ni Hope na kilala na siya ni Jessica. Pamilyar din kasi ito sa kanya kaya sinusubukan niyang alalahanin kung sino ang dalaga at kailan niya ito nakilala.
Or maybe she's just over thinking things. Baka hindi talaga niya ito kilala at talagang ayaw lang sa kanya ni Jessica. Hindi naman niya pwedeng ipilit ang sarili sa isang taong ayaw sa kanya. Kahit pa malapit ito sa binata.
Napalingon siya sa kanyang tabi at malungkot siyang napangiti nang mapagtantong hindi pala niya katabing natulog ang binata.
Siguro kung katabi lang niya itong natulog ay maaaring mahimbing ulit ang kanyang tulog at okay sana ang kanyang gising bago pumunta sa opisina.
Speaking of work—
Napabalingkwas siya nang bangon nang maalala niyang may trabaho pa pala siya! Kahit gusto pa niyang matulog dahil masakit pa ang kanyang mata at gusto pa niyang pumikit, wala siyang magagawa dahil mataas na ang sikat ng araw.
She looked at the alarm clock resting on top of the bedside table and it reads 9:20AM. Babangon na sana siya paalis ng kama upang dumeretso na sa banyo nang makaligo na siya at makapunta sa opisina nang biglang maalala niyang wala pala siyang damit na pamalit dahil nasa bahay siya ng magulang ni Lewis.
She heave a deep sigh and stood up fromthe bed. Dinampot niya ang kanyang mga gamit at balak na sanang umalis sa kwarto nanh naagaw ng kanyang atensyon ang isang kulay-lila na maliit na papel ang naka-fold sa tabi ng alarm clock.
She immediately sat back on the bed and extended her arm towards the bedside table to grab the folded paper. Nang maabot niya iyon ay kaagad niyang tinignan ang nakasulat sa harap nito.
She thought it was just a simple folded paper, but as soon as she saw her name written on it's front ay doon siya nagdesisyong buksan ang papel nang malaman ang nilalaman nito.
Hope,
I'm sorry if I wasn't able to wake you up. I can't just send you off to work today since I noticed that you didn't get enough sleep last night. I decided to not wake you up so you can get enough sleep. I don't want you to look exhausted. Tsaka mom wanted to enjoy the day with you kaya hindi ml na kailangang pumasok sa opisina.
By the way, I already prepared beakfast. Hoping that you'll enjoy the food I prepared since I was in a hurry when I cooked it. Sorry if it was a bit burned.
Sorry about what happened yesterday. I promise to talk to Jessica. Looking forward to seeing you later. How about, let's eat dinner outside after I'm done with work? Sounds great, right? I'll meet you at 7 tonight. Take care.
♥♥♥
Natagpuan na lamang ni Hope na nakangiti na pala siya nang matapos niyang basahin ang nilalaman ng maliit na papel.
Kanina'y naiinis siya kay Lewis dahil ang akala niya'y hindi siya naalala ng binata na gisingin at baka late rin ito nagising kaya nagmamadaling umalis at hindi na nagabala ang binata na gisingin siya. Pero nang mabasa niya ang sulat at nalamang kaya pala hindi siya nito ginising ay dahil sa alam ng binata na kulang ang kanyang tulog ay napangiti ang dalaga.
He's concerned about her. But he could've stayed home kung puyat rin ang binata kasi nakahihiya namang ang secretaty pa mismo ang a-absent.
But a part of her was a bit sad dahil kung alam ng binata na hindi siya nakatulog ng maayos kagabi ay sigurado siyang naistorbo nga niya ang pagpapahinga ni Lewis.
"Puyat kaya siyang pumasok ng trabaho?" nagtataka niyang tanong sa sarili habang iniisip kung makapagtatrabaho ba ng maayos ang binata kahit puyat ito.
Ngunit imbes na isipin ang kalagayan ng binata ay naalala niya ang sinabi nito sa letter na iniwan nito sa kanya. Kaya nagmamadali siyang nagtungo sa banyo ng kwarto upang aysuin ang sarili bago pumunta sa kusina upang makabati man lang siya ng good morning sa mga magulang ni Lewis.
Deretso lang ang kanyang naging lakad papunta sa kusina nang makababa siya ng hagdanan. May nariring siyang nagluluto sa kusina kaya sigurado naman siyang ang mama ni Lewis iyon.
"Good m—" hindi pa natatapos ni Hope ang sasabihin nang biglang humarap ang babaeng nakasuot ng apron at may hawak na spatula sa kanyang kanang kamay.
The woman smirked at her before putting the food from the frying pan in the plate resting on the table. Ibinaba naman nito ang spatula sa may lababo kasama ng palayok bago tinanggal ang apron at isinabit iyon sa hanger.
"I didn't know that you're even qualified to stay in this house, Hope Anais Ortelgano. And by the way, nice necklace." nang banggitin nito ang buo niyang pangalan at madiin nitong sinabi ang necklace na kasalukuyan pala niyang suot ngayon ay biglang dumaloy sa kanyang memorya ang isang pangyayari na hindi niya kailanman makalilimutan.
And now, she remember it clearly. She was accused by this woman in front of her because of something she never did and had no plan to do it.
"Hindi ko rin akalaing magkikita pa ulit tayo, Jessica Bisset." she replied na mas nagpalawak pa sa ngisi ng dalagang kaharap.
"It's good to know that you didn't forget about me, you murderer."
NANATILI SILANG TAHIMIK na nakaupo paharap sa mesa. Jessica was busy eating her bacon samantalang si Hope naman ay hindi pa ginagalaw ang breakfast na inihanda ni Lewis kanina.
"Nasaan ang mga magulang ni Lewis?" she asked. Kinuha naman ni Jessica ang baso na puno ng gatas bago hinarap ang dalaga.
Kanina pa kasi napapansin ni Hope na walang ibang tao sa bahay maliban sa kanya at si Jessica.
"Umalis. Bakit? Hindi ka aware na umalis silang mag-asawa?" mataray nitong saad sabay tingin sa kanyang gawi. Yumuko lang si Hope at bahagyang umiling dahil hindi niya alam na umalis pala ang mag-asawang St. Clair.
"Ako naman ang magtatanong." napaangat ng tingin si Hope nang marinig niya ang sinabi ni Jessica. Ibinaba naman nito ang hawak na spoon at fork bago inubos ang lamang gatas ng kanyang baso nagsalita ulit.
"Bakit mo nilalandi si Lewis?" napakunot ang noo ni Hope nang marinig ang pambibintang na ginawa ni Jessica.
"Wala kang pruweba na nilalandi ko siya." she answered back. Totoo namang hindi niya nilalandi ang binata at wala siyang intensyong landiin ito.
"Really? Last night, you were acting like you didn't know me para lang kampihan ka ni Lewis. And now that he's not around, you're showing up your true colors, you fake." mapang-uyam nitong saad. Hindi akalain ni Hope na hanggang ngayon ay dala-dala parin ng dalaga ang galit sa kanya.
"I didn't recognize you until now." she answered dahil iyon naman talaga ang totoo. Kung nakilala niya lang ito kahapon ay ie-explain niya rito na hindi niya kasalanan ang nangyari noong mga bata pa sila.
"I want you to leave Lewis alone." she commanded as if it was a sin getting close with Lewis.
"What? Are you out of your mind?" napatayo siya mula sa kinauupuan. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Jessica. Ano bang pumasok sa isip nito at pinipilit siya nitong layuan ang binata?!
"Kahit pa nagde-date kayo o mag-jowa kayo. Kahit pa naghalikan na kayo o nag-sex na kayo, wala akong pakeelam! Basta layuan mo si Lewis! Ayaw kita para sa kanya!" she screamed like she never screamed before. Nag-aapoy ang mata nito sa galit at kaunti na lang ay sasabog na ito.
"Ikaw ang may ayaw sa'kin kaya hindi ko magagawang layuan si Lewis. At isa pa, hindi ko siya pinilit na manatili sa'kin. Ginusto niyang magkasama kami. Kaya please, kung ano man ang problema nating dalawa ay huwag na nating idamay si Lewis dito." tinalikuran na niya ang dalaga habang mabilis ang pagpintig ng kanyang puso na para bang galing siya sa pagtakbo.
Hindi na niya kayang harapin si Jessica at baka masuka lang siya sa mga susunod pa nitong sasabihin.
"Bakit ayaw mong madamay siya? Kasi natatakot kang malaman ni Lewis na pinatay mo ang pusa ko noong 7 years old ako?"
"Hindi ko ginawa ang bagay na iyon. I told you before, I didn't do it but you didn't listen!" she answered back without looking at Jessica. Her hands were formed into a tight fist and is ready to punch someone. At kung hindi pa talaga titigil ang dalaga sa pagsasalita ay hindi siya mag-aalinlangang suntukin ito.
"O baka naman natatakot kang sabihin ko sa kanya na ilang beses kang ni-rape ng tito mo noong bata ka kaya ka inampon ng isa sa mga kaibigan ng mom ko?!" napatigil si Hope sa paglalakad at hinarap ang dalaga.
"Pasalamat ka dahil may nagtiyaga pang alagahan ka. You ungreatful woman."
Tears were forming on her eyes as it slowly fell on her cheeks. Ilang hakbang lang ang tinahak ni Hope palapit sa dalaga at walang sabi-sabing sinampal niya ito ng pagkalakas-lakas.
"You are in no position to threaten me, Jessica. I didn't kill your expensive cat when we were kids. Hindi ko kasalanang naging pabaya ka sa mga mahalaga sa iyo. Dahil hindi mo matanggap na wala na ang pusa mo ay sa'kin mo isisisi ang lahat. Wala kang pruweba na ginawa ko ang binibintang mo. So, just shut the fuck up and don't meddle with my problems!" mas lumapit pa siya sa kinaroroonan ng dalaga at dinuro ito sa balikat at bahagyang itinutulak.
Pinahid niya ang kanyang luha at matigas na tinitigan sa mata si Jessica.
"Mind your own business, Ms. Bisset. Dahil kapag pinakeelaman mo pa ako, baka talagang magawa ko ang binibintang mo... You don't know how a broken woman fight her battles. So make sure you know who are you dealing with."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top