CHAPTER 21

MASAYA ANG nanging kwentuhan ni Lewis at ang kanyang ama sa hardin habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa kung paano sila nagkakilala ni Hope. Hanggang sa nagdesisyon na silang pumunta sa loob ng bahay dahil gusto raw ng ama niyang makausap ang dalaga.

"And by the way, she's gorgeous. Ang ganda rin ng pangalan niya anak. Hope. Parang bagong pag-asa sa buhay mo." his father commented as he gives praise to the woman he adore. Tanggap ng kanyang ama ang dalaga at masaya siya na malaman iyon.

"Thanks dad. Alam niyo namang sapat na sa'kin na tanggap niyo siya." he replied as they continue walking through the hall towards the house.

Nang makapasok sila ay nagtanong ang kanyang ama sa maid kung nasaan ang asawa nito at kung nasaan si Hope at sinabi ng maid na nasa kitchen sila.

They were about to go to the kitchen, hoping that the two ladies are getting along together when a knock on the door stole their attention.

Nagdesisyon si Lewis na buksan ang pituan at inutusan ang maid na tumulong sa kusina habang ang kanyang ama nama'y nanatiling nakatayo malapit sa may sofa.

Nang buksan ni Lewis ang pintuan ay halos lumuwa na ang kanyang mata habang hindi alam kung ano ang sasabihin. It's been so long nang huli niyang makita ang dalaga at hindi na siya sigurdo kung kilala parin niya ang dalagang kaharap.

"Lewis!" sigaw ng dalaga sabay talon papalapit sa kanya upang yakapin siya nito ng sobrang higpit.

"Jessica! It's been so long since I saw you! Halos hindi na kita nakilala." saad naman ni Lewis nang magkahiwalay sila sa yakap.

Halatang galing sa pagma-mall ang dalaga dahil sa napakadami nitong mga maid na kasama na may mga hawak na naglalakihang paperbags na animo'y may naganap na panic buying.

"Kaya nga eh! Oh em! Can't believe that you still look handsome. Kung hindi lang tayo magpinsan, baka nag-propose na ako sa 'yo ngayon." biro ng pinsan tsaka pumasok sa loob ng bahay habang ang mga alagad nito'y nakasunod sa kanyang likuran.

"Saan ka galing at mukhang nag-panic buying ka?" natatawang saad ni Lewis. Kahit saan talaga'y hindi mawawala sa schedule ni Jessica ang mag-shopping. Para sa kanya, hobby na niya ang pagsa-shopping at ayaw niyang nawawalan siya ng bagong damit. Spoiled brat kasi kaya halos ibigay lahat sa kanya ng kanyang mga magulang.

"Come on, Lewis. Para 'di ka nasanay sa'kin ah. Alam mo namang parte na ng buhay ko ang pamimili ng mga gamit kaya huwag ka nang magtaka kung bibilhin ko yung buong store one day." pabiro namang nitong sagot sabay utos sa mga maid na ilagay na ang mga pinamili ng dalaga sa kwarto nito.

Tumabi naman si Jessica sa kanya at niyakap nito ng mahigpit ang kanyang braso.

Ito naman ang pinaka-ayaw ni Lewis, ang pagiging clingy ni Jessica lalo na kung magkasama silang dalawa. Kung tutuusin, para itong girlfriend ni Lewis kung umakto in public. Ayaw kasi ni Jessica na pinag-uusapan siya in public at kinukunan ng litrato ng palihim.

"So, how are you?" tanong ng dalaga habang hindi parin bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya.

Sanay naman siya dati na ganito ang trato sa kanya ng pinsan. But the thought of Hope made him uncomfortable with Jessica's attitude being clingy.

"Well," panimula niya sabay alis ng kanyang kamay mula sa pagkakayakap ng dalaga sabay dinistansya niya ang sarili kay Jessica. "I'm doing fine. Ikaw?"

"I'm also-" hindi na naituloy ni Jessica ang sasabihin nang biglang tumanaw ang ina ni Lewis mula sa kusina.

"Jessica, you're already here hija. Come on and let's eat." yaya ng ginang kaya tumayo na sila at nagtungo sa dining hall. "Sakto ang pagbisita mo ngayon ah. Kamusta ang pag-stay mo sa hotel?"

"Okay naman po tita. Been traveling the past few days. Buti nga at nandito ngayon si baby Lewis eh. Kahit papaano'y nagkita na ulit kami." may kalandiang tinig ng dalaga sabay yakap na naman ulit sa braso ng binata.

"Good timing dahil-Hope, hija. Anong ginagawa mo?" saad ng ginang at napatigil silang lahat nang makatungtong sila sa dining room at doon nila nakita si Hope na busy sa pagtutulong sa pag-aayos ng hapagkainan.

"May iba pa pala kayong bisita, tita. Sino siya? Bagong maid?"

HINDI ALAM NI Hope kung tama bang magalit siya o makaramdam siya ng selos sa kabuteng nakakapit sa braso ni Lewis habang malandi itong idinidikit ang katawan sa binata. Take note, pinagkamalan pa siyang bagong maid ng mansyon kahit na nakasuot siya ng casual na damit.

Siguro'y ang damit ng mga maid ng dalaga ay nakasuot ng casual kaya pinagbintangan siya nitong maid, saad ni Hope sa sarili.

Nakita naman ni Hope kung paano kumalas si Lewis sa pagkakayakap ng dalaga sa kanya. Siguro'y napansin ng binata na kanina pa siya nakatingin doon.

"I'm Hope. Secreta-" magalang niyang saad sabay abot sa kanyang kamay upang makipag shake hands sana sa dalaga ngunit kaagad itong sumabad at hindi siya nito pinatapos sa pagsasalita.

"Kumain na tayo. I'm starving already." nakataas ang isang kilay ng dalaga at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa bago umalis sa kanyang harapan.

Hindi nakaimik ang mga magulang ni Lewis ngunit nang makabawi sila sa pagtataray ni Jessica ay kaagad naman silang umupo sa kanilang mga upuan.

The woman looked so familiar to her. Ang problema lang ay hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Basta nafe-feel na lang niyang may kakaiba sa kinikilos ng dalagang kaharap at pansin ni Hope na talagang mainit ang dugo nito sa kanya kahit wala pa siyang ginagawa. Parang napakalaki ng kasalanan niya kay Jessica. Pero kilala ba talaga niya ito?

"Huwag mo na lang pansinin si Jessica. Ganyan talaga iyan sa una, but deep inside she's protective and sweet. You'll get used to her later on." bulong ni Lewis sa kanya na hindi niya napansing nasa tabi na pala niya.

Hinalikan siya ng binata sa kanyang buhok bago ito nanghila ng upuan para sa kanya.

"Thank you." sagot naman niya sabagy ngiti kay Lewis. Ngunit nang tumingin si Hope sa kanyang harapan ay doon niya napansing katapat pala niya si Jessica at galit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

Kung nakamamatay lang ang mga titig nito ay siguradong pinaglalamayan na ngayon si Hope. Pasalamat na lang dahil walang 'killer look' na taglay ang kaharap.

Magkatabi sila ni Lewis habang magkatabi naman sa kanilang harapan ang ina nito at si Jessica samantalang ang ama nito'y nakaupo naman sa pagitan ni Lewis at ang mama nito.

Nag magsimula silang kumain ay hindi alam ni Hope kung anong pagkain ang pipiliin. Wala ni isa sa mga dishes ang lutong manok dahil na rin sa allergies ni Lewis. Puro gulay ang nakahain at mga seafood dishes na parang pagkaing sine-serve sa mamahaling restaurant. Kaya hindi tuloy niya malaman kung tama bang nagluto siya ng pinakbet na walang karne.

"Are you okay? ayaw mo ba ng mga pagkain?" napatingin ang dalaga kay Lewis at halatang concern ito sa kanya. At dahil ayaw naman niyang mag-alala ang binata at nang tumigil si Jessica sa pagtingin sa kanya ay tumango na lang siya sabay ngiti.

"Maybe, she's not familiar with the dishes served. Hindi naman kasi ganitong mga pagkain ang niluluto ng mga katulad mo." maarteng komento naman ni Jessica na napa-roll eyes pa dahil sa inis. May pahiwatig ang sinabi nito pero isinawalang bahala na lang ni Hope iyon dahil wala siyang balak patulan ang kaharap. Nahihiya namang tumingin sa plato si Hope dahil iyon naman talaga ang totoo. Kung hindi pa napansin iyon ni Jessica, baka yung pinakbet lang na niluto niya ang kakainin niya.

"Well, this is a-"

"God! What is this?" hindi pa natatapos ni Lewis ang page-explain ng biglang magsalita ulit si Jessica habang hawak-hawak ang bowl ng pinakbet na niluto niya kanina. "This smells like garbage! Tanggalin niyo nga ito!"

Naikuyom ni Hope ang kanyang mga palad nang palihim niyang tinitigan ng masama si Jessica. She cooked that food at wala man lang hiya ang dalagang kaharap. She was disrespected because of her action.

But what can she do? Nasa pamamahay sila ng St. Clair at kung tutuusin, mas malapit si Jessica sa pamilya ni Lewis. It would be rude kung aawayin niya ito.

"I'm sorry. Hindi ko naman alam na ayaw mo sa amoy ng pinakbet." Magalang niyang paghingi ng paumanhin. Napataas naman ang kilay ni Jessica at puno ng inis at pagkairita ang titig nito sa kanya. But she didn't mind. Calm down self.

"Buti at alam mo. Sa susnod kasi, huwag ka nang magpakitang-gilas dito. You don't belong here."

"Jessica!" naihampas ni Lewis ang kanyang kamay sa mesa na nagpatigil sa lahat ng taong nakaharap sa hapagkainan. "Can you please... Shut up?" nagpipigil ng inis na saad nito.

Napatingin ito sa kanyang gawi bago ibinalik ang tingin sa binata."What? Bawal na ba akong magsabi ng totoo?"

"STOP!" this time, nabaling ang kanilang atensyon sa malakas na boses ni Mr. St. Clair na ngayon ay halatang nagpipigil na rin ng inis. huminga muna ito ng malalim bago bumuntong hininga at nagsalita. "Nandito tayo upang magsalo-salo sa mga biyayang nakahain sa ating harapan. Please, if you don't respect each other can you at least respect the food?"

THE LUNCH didn't work out that well. Halos hindi nga malunok ni Hope ang pagkaing nakahain sa hapagkainan dahil sa tensyong namamagitan sa kanilang dalawa ni Jessica. Parang 30 minutes in hell ang kanyang dinanas ng dahil kay Jessica. Pasalamat na lang dahil pagkatapos nilang kumain ay kaagad itong nagpaalam dahil may pupuntahan pa raw itong importante.

Napatingin siya sa kanyang tabi nang maramdaman niyang may brasong bigla na lamang pumulupot sa kanyang beywang. And a smile warmly greeted her as soon as her eyes met Lewis' gaze.

"Hey." nginitihan niya ito sabay tingin sa paligid mula sa balkonahe ng kwarto ng binata.

"You look tired. May problema ba? Is it about to Jessica?" Bahagya niyang inihilig ang kanyang ulo tsaka napabuntong hininga.

"Nope. Huwag mo akong problemahin. Siguro, pagod lang talaga ako." Gusto man niyang aminin sa binata ang totoo lagi naman siyang pinangungunahan ng takot. Ayaw niyang magalit si Lewis kay Jessica at mas lalong ayaw niyang maging problema sa pamilya nito.

"Gusto mo bang magpahinga?" tanong nito sa kanya at umiling siya. Maybe, she just need more time to be alone.

"A glass of could water would do." hindi naman sa ipinagtatabuyan niya ang binata pero masyado pang magulo ang kanyang isip. Si Jessica na laging may dala-dalang death glare ang kanina pa gumugulo sa kanyang isipan. Alam niyang may kakaiba rito at habang iniisip niya iyon ay parang mas nagiging clear sa kanyang isipan ang tungkol kay Jessica.

She's familiar with her... But, where? when?

HINDI ALAM NI LEWIS kung matutuwa ba siya dahil tanggap ng kanyang mga magulang ang dalaga kahit unang beses pa lamang nila itong nakikilala o malulungkot dahil sa kakaibang tensyong namagitan kay Hope at Jessica nang makita nila ang isa't-isa.

Parang may kakaiba sa kilos nilang dalawa kaya hindi maiwasan ni Lewis na isiping baka magkakilala ang dalawa. Pero imposible iyon dahil pangalawang beses pa lamang bumibisita sa Pilipinas ang pinsan kaya hindi tuloy niya alam ang iisipin.

"Anak, okay ka lang ba?" kaagad niyang napindot ang stop button sa water dispenser nang marinig ang boses ng ina mula sa kanyang likuran. Naibaba niya ang baso na punong puno ng malamig na tubig sa mesa at kaagad niyang kinuha ang handkerchief sa kanyang bulsa upang punasan ang kamay na nabasa ng dahil sa tubig na kinuha niya kanina.

He was occupied with a lot of things and he wasn't able to pay attention to the water that was already overflowing on the glass. Pasalamat na lang dahil hindi niya nabitawan ang baso. Kung hindi, siguradong mapipingot siya ng sariling ina.

"I'm okay mom. Masyado lang akong maraming iniisip." he replied as soon as he dried his hand and took a glance at his worried mother.

"Ayaw mo bang sabihin kay mama?" tanong ng ginang sabay lapit sa kinaroroonan ni Lewis at pinadaan nito ang kamay sa braso ng anak. "Tungkol ba ito sa trabaho o tungkol sa mas personal pa na bagay?"

Tinitigan ni Lewis ang ina sa mata at sa hindi inaasahang makita sa mga mata nito ang pag-aalala, lungkot, at pagtataka.

And before his mom could even react, Lewis already threw his arms around his mother's waist and slowly rested his chin on her shoulder.

"Okay lang ako ma. Siguro, na-miss ko lang dito sa bahay. Na-miss ko lang kayong kasama nina kuya... How I wish we could be complete again."

Humiwalay sa yakap ang ina sabay tingin sa kanyang mga mata at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"I can get your room prepared. You know that you'll always welcome to stay for the night."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top