CHAPTER 19

WALANG IBANG GINAWA sina Lewis at Hope kung 'di ang mamasyal sa kung saan-saan, just to enjoy their first Sundate together.

It was already 4 in the afternoon pero heto sila't hindi pa umuuwi simula kanina. They were just touring around the area, discovering places where they could find great dishes, perfect places to hang out, and other things to enjoy time together. Halatang planado ng dalaga ang lahat ng gagawin nila sa bawat oras na lilipas.

Ang hindi lang siguro planado ay kung saan sila pupunta.

Hanggang sa nagdesisyon silang bumalik sa simbahan dahil sa kagustuhan ni Hope na mamasyal sa katabing park ng naturang lugar.

Napansin nga ni Lewis masaya ang dalaga habang naglalakad-lakad lang sila, ina-admire ang kagandahan ng paligid. Parang hindi nga napapagod si Hope dahil super hyper niya.

"Hope!" he shouted when Hope was running. Walang tigil itong tumakbo palayo sa kung nasaan ni Lewis kaya wala ring choice ang binata kung 'di ang sundan ito.

Nang maabutan niya ang dalaga ay kaagad hinawakan ni Lewis ng mahigpit ang braso nito at ihinarap sa kanya. "You can't just run away like that! Paano kung may nangyari sa 'yo?"

"Sorry. Hindi ko alam na ayaw mo. Na-excite lang kasi akong maglakad-lakad. Ngayon lang kasi ulit ako nakapunta rito..." saad nito sabay tingin sa paligid. Lewis saw the sudden glimmer of sadness on Hope's face. Her smile was bittersweet.

Napatingin siya sa kapaligiran. Kids were playing tag and others were playing base to base and San Pedro patintero, trying their best to show who is the better team.

"Lagi ako noong nagagawi rito. Marami akong kalarong bata... But everything changes when I turned 7." may bahid ng pait ang bawat salitang binitawan ng dalaga.

Kapansin-pansin ang sayang naramdaman nito nang makita ang park. Ngunit kaagad iyong naglaho na parang bula nang maalala nito ang isang alaala. "Pero ayoko nang alalahanin ang nakaraan. Halika na! Kumain na muna tayo. May alam akong kainan na malapit dito."

Gaya ng nangyari kanina, hinayaan na naman niyang hilain siya ng dalaga patungo sa isang stall na kung saan pwedeng bumili ng mga barbeque, bananaque, at iba pang pagkaing karaniwang binebenta malapit o sa mismong loob ng paaralan.

"May ipatitikim ako sa 'yo. Paborito ko itong kainin sa tuwing may nakikita akong nagbebenta ng ganito." saad ng dalaga sabay turo sa mga pagkaing nakatusok sa isang stick. "Ito ang bituka ng manok. Isaw ang tawag namin 'jan. Itong isa naman na 'to, chicken feet o mas kilala bilang adidas."

"Pati pagkain branded?" he curiously asked as he stared at the fresh meat in front of him. Hindi niya akalaing pati pagkain pala ay suported na ng sports wear.

"Hindi naman sa ganun..." explain ng dalaga. Halatang nahpipigil lang ito ng tawa ng dahil sa tanong niya. Pero wala namang mali sa tanong niya, diba?

"Pero anong kakainin mo?" pag-iiba ng dalaga sa usapan. May iba pa itong sinuggest na pagkain gaya ng barbeque, betamax, calamares, at iba pa.

"I think, I'll pass?" hindi naman sa ayaw niyang kumain, hindi lang talaga siya kumportable sa mga ganoong bagay. Naaamoy pa lamang niya ang usok nito'y nangangati na ang kanyang ilong at nagsisimula nang mangati ang kanyang batok.

Siguro nga'y may kinalaman na rin sa pagiging isang mayamang negosyante niya. Isa pa, nahihiya naman siyang sabihin sa dalaga na hindi pwede sa kanya iyon.

"Bakit? Eh kaya nga kita dinala rito para subukan 'tong mga pagkain na 'to eh. Tsaka, may trabaho na tayo ulit bukas. Baka hindi na masundan ang araw na ito. Kaya, please?" kinuha ng dalaga ang isang bagong luto na paa ng manok, o kung tawagin ay adidas, sabay tapat ito sa labi ni Lewis.

"Masarap ito, promise. Tikman mo!" masayang saad ng dalaga na may kasama pang ngiti sa labi.

"Hope, do you really want me to eat it?" nag-aalalang tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa dalaga.

"Kasi alam kong hindi ka magsisisi kapag natikman mo. Proven and tested na ito 'no! Kaya please?" His goal is to make Hope happy. And he won't let her get mad or sulk earlier just because he rejected her offer. Knowing Hope, she doesn't want to feel rejected or some sort.

"Just remember that I'm doing this for you." he answered before opening his mouth to welcome the sweet aroma of the cooked chicken feet.

Bahala na si batman! He whispered inside his head and immediately tasted the chicken feet without any hesitation.




KUNG MAY ISANG bagay mang pinagsisisihan ngayon si Hope, iyon ay ang pamimilit sa binata na kumain ng adidas at patikman pa siya ng ibang street foods na nakasanayan na niyang kainin.

Planado ang lahat. Ang balak sana'y mamaya pa sila uuwi ng binata. Mga around 8 or earlier than that. Ngunit hindi inakala ni Hope na mas mapapaaga ang kanilang uwi ng binata.

"I'm sorry talagaaaa. Kasalanan ko ang lahat." she was rubbing her hands together as she kept on repeating that she's sorry, prolonging the word 'talaga' to emphasize how deeply sprry she were for forcing him to eat.

She was sitting beside one of the nurses who came into their rescue as soon as Lewis was showing symptoms of allergic reaction.

Hope thought that it was just a simple itchiness. Akala niya'y nangangati lnag amg binata dahil mausok at maalikabok ang paligid at hindi lang ito sanay sa ganoong mga lugar. But when she saw Lewis' neck turned to red as his cheeks and lips started to puff like a balloon, hindi na niya alam ang gagawin.

Then, before she could even ask him what is happening, he fainted and fall into his knees kaya doon na naalarma si Hope. She dialed the number of the hospital and told them about what happened through the phone. At doon lang din napag-alaman ni Hope na isa pala iyong allergic reaction na maaaring nakuha sa pagkain.

And at that moment, it hit her. She never saw Lewis eat any chiken dishes at maaaring nanggaling doon ang allergic reaction ng binata. And her conclusion is right. Allergic nga talaga ang binata sa manok.

"Lewis. Sorry talaga. Hindi ko naman alam eh. Dapat kasi nagtanong muna ako sa iyo. Kung alam ko namang bawal eh hindi naman kita-" nagi-guilty siya dahil sa hitsura ng binata. He was lying on the stretcher as they pumped a oxygen on him. But he's not even reacting. Kaya doon na mas lalong kinabahan ni Hope.

"Will he be alright? Please, tell me! I can't see any reaction and I want to know if he's alright." She wanted not to panick. But the way she asked the nurse was a bit alarming na para bang aatekehin na siya sa puso anumang oras.

Then one of the nurses decided to answer her while helping with Lewis.

"He'll be alright, ma'am. You should stay calm and let us do our job to save him."

"Kung hindi ko lang naman siya pinilit-" the nurse looked at her and gave her a reassuring look.

"We will get in the hospital in no time, ma'am. We will save him no matter what happens. Stop panicking and try to calm down." napatango si Hope sa sinabi ng nurse at nang medyo kumalma na siya ay kaagad siyang tumango sa nurse bago nito ipinagpatuloyang ginagawa kay Lewis.

Mga ilang minuto lamang ang kanilang naging biyahe bago sila nakarating sa hospital.

Lucky enough, nakarating na sila sa hospital at kaagad nilang pinagtulungan si Lewis na ibaba sa ambulance at itinakbo sa loob.  Kaagad na may umasikaso sakanila at hindi na nga nasundan ni Hope ang nangyayari nang bigla siyang pagbawalan ng mga nurse na pumasok sa OR.

She was silently crying at the waiting area. Halos himatayin siya kanina nang makitang pumikit na ang binata and she didn't know what to do. Wala naman kasi siyang allergies at never naman siyang naka-encounter ng taong inatake ng allergies.

Lucky enough, they were able to arrive the hospital, dahil kung natagalan pa raw ay baka mas malala ang natamo ni Lewis.

"I'm sorry, Lewis." she silently uttered. "Sana maging okay ka lang." taimtim niyang dasal habang hawak ang kamay ng binata na ngayon ay hindi parin nagigising.








MASAKIT ANG ULO ni Lewis na g magising siya. Pakiramdam niya'y sumobra na naman siya sa tulog.

Ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata ay kaagaf siyang napakunot nang mapagtantong wala siya sa sariling bahay.

Paglingon niya sa kabuoan ng kwarto ay doon niya napagtantong nasa loob pala siya ng isang hospital room. Naalala niyang inatake pala siya ng allergies kahapon ngunit bigla na lang siyang hindi makahinga kaya kaagad siyang nawalan ng ulirat.

He was about to get out of the bed when someone shouted, making him to almost have a heart attack.

"Anong ginagawa mo?" nilingon niya ang taong nagsalita at doon niya nakita si Hope, sa may pintuan ng kwarto at may hawak na tray at may nakapatong na paper bag doon.

"It's Monday and we need to go home. May trabaho pa ako." he said and was about to leave nang bigla ulit siyang pinigilan ng dalaga.

"Kumain muna tayo. Tutal pwede naman na tayong umuwi mamaya." itinaas pa nito ang haeak na tray tsaka iyon inilapag sa kanyang kandunga at humila ito ng upuan paharap sa kanya.

Ngunit bago pa man makaupo si Hope ay tumunog ang telepono ni Lewis na kasalukuyang nakapatong sa ibabaw ng bedside table.

Dinampot iyon ni Hope at inabot nito sa kanya. Ngunit saglit na napatingin ang dalaga sa screen ng phone niya bago iyon ngumiti sa kanya.

"Sino iyang tumatawag?" ngunit imbes na sagutin iyon ni Hope ay ipinakita na lang ng dalaga sa kanya ang screen nito.

Doon nakita ni Lewis ang pangalan ng tumatawag. Ang kanyang mama.

"Sagutin mo muna iyang tawag. Sa labas muna ako. Tawagan mo ako kung tapos ka nang kausapin ang mama mo." nakangiting saad ng dalaga at kaagad na umalis sa kanyang harapan.

Nang maisara ng dalaga ang pintuan ay kaagad sinagot ni Lewis ang tawag mula sa kanyang ina.

"Mom?" saad niya nang sagutin niya ang tawag.

"How are you anak? Nagkita na ba kayo ni Jessica?" nahilot niya ang kanyang sentido nang maalala ang pinsan. Nandito na pala sa Pilipinas si Jessica but he had no time to meet her. Masyado siyang busy at puno na ang kanyang kalendaryo para kay Hope.

"Nawala sa isip ko. I'm sorry. But I promise to come over and stop by." matagal na niyang pinangako sa sarili na dadalaw sa bahay ng ina at para na rin makita ang pinsan niyang si Jessica. Ngunit wala talaga siyang time sa mga nakalipas na araw.

"Anak, make sure to come and visit us. Huwag ka puro pangako." paalala ng ina. "Sige na. At baka naistotbo pa kita sa trabahao."

"Mom," pag-agaw niya ng atensyon sa ina bago pa nito mailayo ang telepono sa tenga nito. "Mom, tama ba itong nararamdaman ko? Normal pa ba ako? I mean, I have never felt so happy around her. She always make my heart beat hard, makes me feel crazy about her. Hindi ko na siya maalis sa sistema. Lagi siyang tumatakbo sa isip ko. Ewan ko kung matino pa ba ako o hindi na. Ma, kailangan ko na bang pumunta sa mental hospital?"

Napakunot ang noo ni Lewis nang hindi marinig ang boses ng ina sa kabilang linya. Ngunit mas kumunot pa ang kanyang noo nang marinig ang tili ng ina mula sa kabilang linya.

"My son is in love! I want to see her. Dalhin mo siya dito sa bahay bukas. I want to see her." bilin ng ina at napakamot ng batok si Lewis. Napatingin siya sa gawi ng pintuan at hindi nawala sa kanyang isipan ang hitsura ng dalaga.

Kung mas bata lang siguro ang kanyang ina ay maiintindihan pa niya ang reaksiyon nito. Ngunit hindi. Para tuloy siyang naninibago sa mama niyang kinikilig ng dahil sa sinabi niya.

"Mom, ipagdasal mong hindi ko makalimutan." he replied. He can't promise anything dahil baka mamYa hindi na naman matuloy, but he'll try. Sana lang ay hindi niya makalimutan.

Nang patayin niya ang tawag ay kaagad naman niyang tinawag si Hope upang pumasok na sa loob nang makakain na sila.

"Hindi naman siguro ako mapagagalitan sir, no?" panimula ni Hope ng usapan habang masarap ang kain nito sa hawak na burger.

"Pagagalitan na lang kita kapag hindi mo maipapaalala sa'kin na may kailangan tayong puntahan bukas. At mamimili tayo ng mga damit pagkatapos ng trabaho." he reminded.

"May pupuntahan tayo? Saan? Tsaka, bakit pa natin kailangang bumili ng damit?"

"Pagagalitan na lang ba muna kita o uubusin mo muna iyang kinakain mo nang makuwi na tayo?" he jokingly uttered as they continued eating, laughing at each other's silliness and a bit of childishness.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top