CHAPTER 12
LATE NA nang magising si Hope. Hindi kasi siya nakatulog ng buong magdamag dahil hindi mawala sa isip niya si Lewis. Lagi na lang tumatakbo sa isip niya ang binata at mukhang hindi na talaga ito titigil sa panggugulo sa sistema niya.
She immediately prepared food for breakfast at hinatiran nito ng pagkain si Lewis. Nagpakulo na rin siya ng tubig at ipinagtimpla ng kape ang binata. Nang matapos ay naligo na siya at wala na siyang oras para ayusin ang itsura kaya dali-dali siyang umalis ng bahay ngunit parang tumigil sa pag inog ang kanyang mundo nang makita ang makisig na katawan ng binata at ang napakaguwapong mukha nito. Kung pulis lang siya ay kanina pa nito hinuli ang binata. Because using his charm, he could kill thousands of women in just a second.
"Hey!" he shouted as he saw her. Kinawayan pa siya ng binata at ginawaran ng ngiti. Bakit ba ang lakas ng epekto nito sakanya?
Ang mga nangyari kahapon ay nagsibalikan sa kanyang alaala. Naramdaman na lang niyang nag-init ang kanyang pisngi kaya niya ito hinawakan at mahinang tinapiktapik. Nang masigurado niyang okay na siya ay naglakad na siya papalapit sa binata.
"Sir, anong ginagawa mo dito?" tanong niya ng makalapit siya sa kinatatayuan nito. Pinagbuksan lang siya nito ng pinto.
"Get in. Male-late na tayo sa trabaho." she has no choice dahil male-late na talaga sila. Pero nagtataka lang siya kung bakit siya pinuntahan ng binata?
Nang makalayo sila sa tinitirahan niya ay nagtanong ulit si Hope. "Sir bakit mo ako pinuntahan? Pati tuloy ikaw sir na late ng dahil saakin." nakukunsensya niyang saad sa kanyang boss. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat. Binalingan siya ng tingin ng binata bago nito itinuon ang tingin sa kalsada.
"Its not your fault if I'm late. So stop blaming yourself and let me drive." sagot ni Lewis kaya nanatiling tahimik si Hope. Pinagmasdan niya ang binata at mapapansing puyat din ito. Hindi rin kaya siya nakatulog kagabi? Siya din kaya ang iniisp nito?
Kaagad na iwinaksi ni Hope ang kabulastugang naiisip. Hindi tamang managinip siya habang tirik na tirik ang araw.
The whole drive is quiet. Walang umimik sakanilang dalawa at wala namang balak si Hope na galitin ang kanyang boss kaya nanatili siyang tahimik at nakatingin lang sa kawalan. Hindi mawala sa kanyang utak ang nangyari kahapon at hindi malaman ni Hope kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.
Pakiramdam niya ay mali ang nararamdaman niya sa boss niya dahil ilang linggo pa lang silang magkakilala. Kay Lewis lang niya ito nararamdaman kaya hindi niya alam ang tamang ikilos o itugon sa nararamdaman. Could it be that she likes him? Its possible na may crush siya sa boss niya but it has to stop! Pakiramdam niya ay hindi tamang magkagusto siya sa kanyang boss. She's disgraceful and nobody would like to accept her. Not even a man like Lewis Eiven St. Clair.
"Okay ka lang ba?" napaigtad siya nang maramdaman ang kamay ng binata na humawak sa kanyang pisngi. Hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa parking area ng kumpanya.
"Okay lang ako sir. May naalala lang. Tayo na. Late na tayo." sagot ni Hope sabay baba sa sasakyan ng binata at sabay silang nagtungo sa elevator. Pinindot ni Lewis ang close button at ang palapag na pupuntahan nilang dalawa.
"What's the first thing to do in my schedule?" tanong ng binata habang nakapamulsa ito. Kaagad namang hinalungkat ni Hope ang kanyang bag at kinuha doon ang papel na hinanda na niya kahapon.
"May meeting po kayo with the board members s-" hindi na natapos ni Hope ang sasabihin ng biglang itinukod ng binata ang kanyang kamay sa gilid ng kanyang ulo. He leans forward making Hope to hold her breath. Her heart throbs and her body starts to aquiver.
"Sir-"
"Why are you doing this to me Hope?" hindi maintindihan ni Hope ang ibig sabihin ng binata. She's sure na wala naman siyang nagagawang mali dito o kahit na sa trabaho. May nagawa ba siyang mali?
"Sorry-" hindi na natapos ni Hope ang sasabihin ng inangkin ng binata ang kanyang labi at ginawaran ito ng isang marahan at mapusok ng halik.
His lips started to move and Hope can't find her senses. Tinakasan na siya ng katinuan at naramdaman na lang niya na hawak na nito ang pisngi ng binata habang tumutugon sa halik nito.
His hands started to massage her waist and a burning sensation filled her system. Napahawak siya sa malapad nitong dibdib habang hinahayaan ang binata sa ginagawa nito sakanya.
She can't deny it. Nagugustuhan nito ang ginagawa ng binata. Hindi dahil bago sakanya ang lahat ng emosyong nararamdaman kundi alam niyang wala nang mas hihigit pa sa ginagawa nito sakanya. He's the poison in her veins and she can't seem to find the perfect cure but to embrace the poison and let it damage her whole system. Nababaliw siya sa bawat halik at haplos nito.
Nang pakawalan ng binata ang kanyang labi ay sabay silang naghabol ng hininga. Ngunit parang nahihirapan si Hope sa paghinga dahil masyadong malapit ang binata isama pa ang pagtitig nito sa kanyang mga mata.
"Sorry kung-" sa pangalawang pagkakataon ay naputol ang kanyang sasabihin ng halikan ulit siya ng binata ngunit hindi kasi lalim ng pinagsaluhan nila kanina.
"I hate it when you say you're sorry." saad nito ng may bahid ng lungkot at inis sa mukha ng binata. Sakto namang bumukas ang elevator. Naunang naglakad ang binata palabas ng elevator at halos hindi makagalaw si Hope sa ekspresyong nakita niya sa mukha ng binata. Ayaw nitong humihingi siya ng tawad? Pero diba, may nagawa naman siyang mali?
NAPAKALUNGKOT ng araw ni Hope. Maghapon siyang hindi tinawag ng binata at maghapon ding naka lock ang kanyang pintuan kaya hindi makapasok si Hope para sana ibigay kanina ang inihanda nitong breakfast para sakanya. Nahihiya naman siyang kumatok sa pintuan nito at wala naman siyang phone para sana tawagan ang binata.
"Bat ang lungkot ng hitsura mo?" napaangat ng tingin si Hope sa malaking salamin ng CR ng kumpanya.
Nagkatitigan sila ni Pauline sa salamin at nginitihan niya ito.
"Hindi ako malungkot. Puyat lang ako."
"Nako. Lalake no? Anong ginawa niyo kagabi? Naku ah! Hindi yan pwede." pang-aasar nito sakanya at natawa na lang siya sa sinabi ni Pauline. Oo. Dahil sa lalake kaya siya napuyat. Dahil sa lalake hindi siya nakatulog. At dahil sa lalake kaya siya nagkakaganito.
"Una na 'ko sa'yo girl. Kitakits na lang next time." paalam nito sakanya at lumabas ng banyo. Napabuntong hininga si Hope at naghilamos ng mukha. Napatingin siya sa sariling repleksyon at halata nga sa mukha nito na puyat at malungkot siya kaya minabuti na lang niyang maghilamos bago magdesisyong umalis ng banyo.
Nang makaupo siya sa kanyang upuan ay saktong tumunog ang intercom sa kanyang mesa. Sinagot niya kaagad ang tawag.
"Good afternoon. This is the L.E ST. CLAIR Company." saad nito ng may ngiti sa labi. Nakasanayan na niyang ngumiti kahit naman hindi siya nakikita ng kausap.
"Its already 5. You should go home. Hindi na muna kita ihahatid ngayon." Masaya siya na kinausap siya ni Lewis. The happiness she felt is priceless but the emotion Slakes with his words. He didn't want to see her? Pinagtatabuyan na ba siya ng binata?
This is the reason why she didn't want to be attached with this man. Kasi alam niyang masasaktan siya.
"Noted sir." sagot niya at pinatay kaagad ng binata ang tawag. She sigh and immediately placed her things in her bag. She said she's sorry at hindi ito tinanggap ng binata. Siguro bukas na lang ulit siya hihingi ng sorry.
HALOS mawalan na ng boses si Hope habang sinisigawan ang mga lalakeng sumisira sa kanyang bahay. Nang makauwi siya kanina ay may mga lalakeng nakahanda nang wasakin ang kanyang bahay.
She asked them kung anong ginagawa nila at sinabing private property daw ang kinatitirikan ng kanyang bahay at ipinagbili na raw ng may-ari nito sa isang mayamang negosyante.
Hindi makapaniwala si Hope sa sinabi ng mag ito sakanya pero ipinaglaban parin niyang hindi nila pwedeng sirain ang bahay ngunit wala siyang magawa ng kaladkarin siya ng ibang tauhan paalis sa lugar na iyon at tuluyan nang sirain ang kanyang bahay kasama na ang mga gamit niya. Pati ang mga kapit-bahay niya ay wala na sa lugar na iyon. Halatang nakapaghanda silang lahat para umalis at siya lang ang nahuli sa balita.
She started to cry when she feel so hopeless. Sa mga oras na iyon ay hindi sapat ang kanyang pangalan para hindi siya manghinayang at masaktan sa mga nangyayari. She wanted to call for someone pero wala siyang phone. At kung meron man, wala naman siyang contact ng mga taong kilala niya.
Gusto niyang maiita ang binata ng mga oras na iyon ngunit naalala niya na ayaw pala siyang makita ng binata dahil may nagawa siyang mali. At ang isipin pa lang niya ang binata na nagagalit sakanya ay mas lalong nawalan na siya ng pag-asa. Mas pipiliin na lang niya ang mamatay kesa ang masaktan ulit.
Pinilit ni Hope ang sarili upang tumayo at maghanap ng lugar kung saan pwede siyang manatili sa gabi. Bukas na lang niya iisipin kung ano ang gagawin para may matuluyan siya kahit ilang buwan lang.
Nagsimula siyang maglakad papalayo sa lugar na iyon at hinayaan niyang dalhin siya ng kanyang mga paa sa kung saan. Nang maramdaman niyang nagsisimula nang humapdi ang kanyang paa at nangangalay na ang kanyang tuhod.
Pakiramdam niya'y anumang oras ay bibigay na ang kanyang katawan. Nilingon niy ang kanyang relong pambisig at alas-otso na pala ng gabi. Kumakalam na ang kanyang sikmurana pero nawalan na siya ng ganang kumain. Sakto namang may nakita siyang bench kaya kaagad siyang pumunta doon at umupo. Tinanggal niya ang kanyang sandals at tumingala sa langit kasabay nito ay ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
Naramdaman nalang ni Hope na bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata. She's been crying for almost 3 hours now and she badly wants to take a rest. This is not the right time for that.
But before she could totally close her eyes, a car stopped in front of her.
"Miss-"
Pero pagod na pagod na siya.
KUNG hindi lang naman sana pinairal ni Lewis ang pride niya kanina, 'di sana kasama niya ang dalaga ngayon. Hindi naman niya masisisi ang sarili dahil nasasaktan lang naman siya. Lagi na lang nagso-sorry ang dalaga sakanya at pakiramdam niya'y hindi nagugustuhan ng dalaga ang ginagawa nito sakanya. Ang nakakairita pa ay hindi man lang ito kumatok sa kanyang pintuan para kausapin. Sasabihin naman niya pero kapag pumasok ang dalaga sa kanyang opisina. Pero hindi.
He even told her to go home early and to not wait for him tapos pinatayan pa niya ito ng tawag. At nang mapag-alaman niyang umuwi nga ang dalaga ay nadagdagan pa ang inis nito. He didn't mean it that way! Ang gusto lang naman niya ay puntahan siya ng dalaga pero hayun at umuwi na! Wala pa man ding cellphone si Hope para sana matawagan niya ito.
"Nice move Lewis. Very nice." sarkastiko niyang saad sa sarili pagkapasok niya sa kanyang sasakyan. Kagagaling lang niya sa mall para bumili ng cellphone na ibibigay niya sa dalaga. He wanted to see her so bad at hihingi siya ng tawad dito. He can't afford to prolong the guilt and sadness he feel towards the woman. He cherish Hope and he can't lose her.
Nang ililiko na sana niya ang kanyang sasakyan ay halos sumabog ang kanyang puso nang muntikan na siyang mabangga sa isang barikada. Pasalamat na lang talaga at hindi siya mabilis magmaneho sa mga oras na iyon.
Bumaba siya sa sasakyan at nakita ang isang malaking trapal na nakasabit sa barikada na may malaking NOTICE.
"Shit!" Lewis cursed out as he went back to his car and drive his car away from the place. He needs to find Hope! Dinampot niya ang kanyang cellphone ngunit parang nasuspinde sa ere ang kanyang kamay nang makita ang paper bag kung saan nakalagay amg phone na balak niyang ibigay sa dalaga.
"Shit. Shit, shit!" sigaw ni Lewis habang nanlalamig ang kanyang mga kamay. Walang phone ang dalaga, so paano niya ito matatawagan? Hindi naman niya alam kung paano niya ita-track down ito dahil wala naman itong hawak na gadget. Isa pa, hindi niya mahingan ng tulong ang mga kaibigan dahil kagaya niya, busy din ang mga ito sa kani-kanilang mga trabaho at negosyo.
Nagsisimula nang mabuo ang kaba sa kanyang dibdib. Ito ang pangalawang beses na nakaramdam siya ng ganito katinding kaba. And he hate this feeling so much. It always drive him mad and guilty at the same time. Gusto niyang ibaon ang nararamdaman pero patuloy lang ito sa pagkain sa kanyang sistema.
Then his phone rings. Wala siyang balak sagutin ito pero nang makita niyang numero ng kanyang ina ang tunatawa ay sinagot niya kaagad.
Hindi pa siya nakapagsalita nang biglang magsalita ang tao sa kabilang linya.
"Lewis... Your father..."biglang nawalan ng lakas si Lewis. Bumagal ang takbo ng oras at hindi na nito narinig ang sinabi ng kanyang mama sa kabilang linya.
He needs to find Hope but his mother needs him now.
He can't lose both of them... But he needs to choose one..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top