CHAPTER 3
"AYOS ka lang ba Jade?" napalingon ang dalaga nang biglang may tumapik sa balikat niya. Nilingon niya ito at nakita niya si Brent, kasamahan niya sa trabaho, na may hawak na palanggana. Mukhang katatapos lang nitong linisan ang naka assign sa kanya na pasyente.
"Ayos lang naman ako Brent. Bakit?" tanong nito habang hinahanda ang mga pagkain na ibibigay niya sa mga pasiyente.
"Your pensive eyes says it all Jade. Gusto mo bang sabay na tayong kumain ng lunch? Para naman makapag-kwentuhan na rin tayo?" tanong ng binata sakanya. Sakto namang natapos na ni Jade ang paglalagay ng pagkain sa mga tray at nilagay ito sa Cambro delivery cart at nagpaalam sa binata.
"Una na ako Brent. And don't say the word pensive. Ever again." sagot ng dalaga na ikinatawa ni Brent. People used to tease her kapag mata ang usapan. Lagi na lang kasi siyang puyat at pagod kaya kapag nakikita nila siyang nakatingin sa kawalan ay sinasabihan na siya ng mga ito ng 'your pensive eyes'.
Hindi madali para kay Jade ang trabaho niya bilang isang caregiver. She needs to do things this way and that way. Minsan kailangan niyang mag overtime dahil sa mga pasyente and she can't just leave her responsibility. Kailangan maging matibay at matatag sa ganitong trabaho. Mahal niya ang kanyang propesiyon. Hindi man kasing laking ng kinikita ng mga engineer or doctor ang sinusweldo niya ay sapat na ito para buhayin ang kanyang sarili at ang importante sa lahat, masaya naman siya sa ginagawa niya.
"Hello miss Jade." masayang bati sakanya ng mga nakakasalubong niyang katrabaho.
"Hello din miss Laura." bati nito pabalik sabay ngiti ng matamis dito. Having a job that she love to do, with friendly colleagues, and a nice workplace. What could she ask for?
NANG matapos ang pagde-deliver nito ng mga pagkain ay dumeretso siya sa banyo para maghugas ng kamay. Napatingin siya sa kanyang relong pambisig at 1:30pm na pala. Pagkatapos niyang mag hugas ng kamay ay dumeretso siya sa lockeroom at kinuha ang kanyang dalang lunch. She immediately went to the cafeteria at saktong walang gaanong tao na kumakain doon.
Habang sumusubo siya sa dinuguan ay hindi niya maiwasang isipin ang nangyari nung isang araw. The day when Eisen made a scene inside the hospital room, blaming her for something she didn't do and don't even know. Sinisisi siya ng binata, tinatanong kung anong ginawa niya rito at ganoon na lang daw ang nararamdaman niya nang makita siya nito.
Could it be na ang tinutukoy ng binata ay ang ginawa ni Alicia?
Nabalik lang sa katinuan si Jade nang marinug niyang may tumatawag sakanya.
"Ja!" Nilingon niya ang kinaroroonan ng boses at nakita niya si Gina or 'G' for short, isa sa mga kasamahan niya sa trabaho, na may hawak na mga bagong bedsheets at tinatawag siya nitong lumapit sa kanya.
Kaagad namang itinago ni Jade ang kanyang baon at iniwan iyon sa kantinera ng hospital bago tinakbo ang distansiya nila ni Gina.
"Bakit G? Kailangan mo ba ng tulong?" she asked and was about to help Gina to carry the bedsheets nang biglang ilayo nito ang kamay.
"Hindi na Ja. Punta ka na lang sa opisina ni madam. Kailangan ka raw niyang makausap." sagot ni Gina at napatango na lang si Jade bilang tugon bago dumeretso sa opisina ni Doctor Q.
Wala pang isang minuto ay nakarating na siya sa pintuan ng opisina nito at kumatok. "Doktora, si Jade ho ito. May kailangan daw po kayo saakin?"
"Pasok ka Jade." binuksan naman ni Jade ang pintuan at tumamabad sakanya ang nakangiting hitsura ni Doctor Q at may isang lalakeng nakaupo sa harap nito. Napakunot na lang ng noo si Jade ngunit kaagad na tumayo sa harapan ng madam nito.
"Ano po iyon Doc?" tanong ulit nito.
"Ito nga pala si Mr. Lewis St. Clair-" turo nito sa lalaking kaharap ng doktora at dahan-dahang napatingin ang dalaga rito at hindi napigilan ni Jade ang paglaki ng kanyang mga mata nang mapagtanto nitong si Lewis, ang highschool friend niya, na kilala niya ang tinutukoy ni Doctora Q.
"Nakikinig ka ba Miss Guevara?"
"Po?" nabaling ang atensiyon ni Jade nang marinig ang galit na boses ng doktor. At sa hindi malamang dahilan, nagsisimula nang kabahan si Jade. Anong ginagawa ni Lewis dito? Paano niya nalaman na dito siya nagtatrabaho?
"Mr. St. Clair wants to hire you as his brother's private caregiver for 3 months." hindi alam ni Jade ang gagawin. Ano? 3 months?
"Bakit po ako?" nagtatakang tanong niya. Bakit siya? Madami namang ibang caregiver.
"Bat hindi ikaw?" sa pagkakataong iyo ay napalingon si Jade kay Lewis at may bahid ng pagtataka sa kanyang mukha. Nanatili silang nagkatitigan hanggang sa narinig niyang nagsalita ang doctor.
"Sabi ni Mr. St. Clair na magkakilala raw kayo."
"Pero doc-" nabitin ang balak sabihin ni Jade nang biglang magsalita ang doktora.
"Miss Guevara, kailan pa tayo tumanggi sa pasiyente?" nagpasalin-salin ang tingin ni Jade sa doktora at kay Lewis. Mukhang wala na siyang magagawa.
"Mr. St. Clair, Miss Guevara will do the job. Thank you for trusting our caregivers. Jade, you are dismissed."
Yumuko si Jade at kaagad na umalis ng opisina. Dederetso na sana siya sa room na naka-assign sakanya nang biglang may humila sa kanyang kamay upang hindi siya matuloy sa pag-alis.
Napatingin siya sa kanyang likuran at nakita niya si Lewis na nakahawak sa kanyang kamay.
"We need to talk."
NANATILING nakaupo si Jade sa passanger's seat ng sasakyan ni Lewis. Dito raw gustong makipag-usap ng binata at kaagad namang sumang-ayon si Jade dahil ayaw naman niyang makaagaw ng atensyon lalo na't kilala si Lewis sa buong mundo. Mahirap na kung pagkaguluhan sila ng mga paparazzi.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ng dalaga nang hindi na nito makayanan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"I'll be totally honest with you Jade. I hired you to be my brother's private caregiver, first, because you're good and passionate with your job. Second, I need you to be his fake wife-" itinaas ni Jade ang kanyang kamay para patigilin si Lewis sa pagsasalita.
"Teka lang. I agreed to be his caregiver but not to be his wife?!" she answered not minding her tone.
"Fake. Fake wife Jade and it won't kill you to do it." sabad naman ng binata na parang walang kaso iyon sa kanya.
"Hindi! Caregiver is a caregiver!" pagmamatigas naman ni Jade. She agreed to be just a caregiver at hindi ang maging fake wife ng binata. Hindi na sila bata para maglaro ng bahay-bahayan.
"I just need you to make him sign the divorce paper Jade. Magpapanggap kang asawa niya and just present the divorce paper to him para matapos na ang koneksiyon niya sa dalaga. But first, I need you to help him gain his memory back."
"Why not just shove the divorce paper on his face and tell him to sign it?" mas naguguluhan na si Jade. Bakit hindi na lang nila ipakita sakanya iyon at sbihin lahat ng alam nila tungkol sa Alicia na iyon ng pirmahan na lang nito kaagad ang divorce paper?
"That's why we need you for just three months. We need your face dahil magkamukha kayo ng asawa niya. And what happened the other day is a sign na mas madali niyang maaalala ang lahat kapag si Alicia ang nakikita niya. But because I hate that woman, I need you to do it. Make him sign it. Pagkatapos ay tapos na rin ang misyon mo."
Nanatili silang tahimik habang pinagiisipan ng mabuti ni Jade ang proposal nito. She'll be his caregiver for three months. Is it a good thing to be his fake wife and force him to sign the divorce paper? Paano kung di siya mag-succeed?
"Jade, your face is an advantage to help him gain back his memory. And when he can recall everything, you'll be out of the picture. So please, I beg you to help me."
NAPALINGA-LINGA si Eisen nang mapagtantong nasa hospital parin siya. Tatlong araw na simula nang magising siya at sa hindi malamang dahilan, hindi na nawala sa isip niya ang babaeng nakita niya nung nakaraan.
The face is familiar to him pero hindi niya matukoy kung sino ito. The woman's face brought him faint memories pero nang hawakan niya ang kamay nito ay biglang naglaho ang inis at galit na naramdaman niya. Alam ni Eisen na iba yung naramdaman niya and it was hard to explain. It was an unfamiliar feeling and everything is new. At ang nakakainis doon, hindi niya mapigilan ang sarili na ikumpara ang nararamdaman niya noon sa naramdaman niya ngayon.
"Gising ka na pala hijo. Kamusta ang pakiramdam mo?" Napatingin siya ss nagsalita at nakita nito ang ginang na nagpakilala bilang mama niya.
"I think I'm fine. Kelan ako makakalabas dito?" he asked in a cold tone. Simula nang mawala ang alaala niya, hindi niya malaman kung sno ba dapat ang i-akto sa mga ito.
"I'll ask the doctor latet anak. Take a rest and call me when you need my help." ngunit hindi pa nakakaalis ng tuluyan ang ginang sa kanyang harapan nang biglang agawin ni Eisen ang atensiyon nito.
"The... The woman." Eisen paused for a moment, trying to find for the right words to continue ngunit para siyang tanga dahil hindi nito malaman ang sasabihin. "Nevermind." sagot niya at kaagad na ipinikit ang kanyang mga mata.
But soon as his eyes closed, a blur image of a woman wearing a large shirt in front of her is the first thing he saw. They were both laughing and cuddling on the couch while watching something. Walang marinig na boses si Eisen. It was like a video muted at hindi nito mawari kung ano ang nangyayari.
He opened his eyes trying to calm his senses. Hindi niya namalayang nakakuyom na pala ang kanyang kamao at nagsisimula na naman niyang maramdaman ang sakit at galit na dulot ng babae sa kanyang alaala. Hindi maiwasan ni Eisen na tanungin ang sarili. What happened in the past at kahit na anong pilit niyang alalahanin ang nangyari ay hindi talaga nito maalala? Bakit ganito ang nararamdaman niya? Sino ba ang babaeng iyon sa buhay niya?
Huminga siya ng malalim habang tinititigan ang kisame. Kung hindi lang naman siya injured ay kanina pa siya tumakas sa hospital. There's this sudden feeling na nararamdaman niya nang mapagtanto niyang nasa hospital siya. There's this fear building up inside him na gusto niyang mawala. Until a memory came back from his puzzled pieces memory lane where he's always getting sick during his childhood and needs to be quarantined in a hospital or inside his room for weeks.
Sinubukan ni Eisen na igalaw ang kanyang nakabendang kanang kamay ay napadaing siya ng wala sa oras dahil sa sakit na gumuhit sa kanyang kamay. Mabilis ang kanyang paghinga dahil sa sakit na naramdaman niya ngunit kaagad din iyong nawala nang maayos na ulit niya ang kanyang kamay. Napabuntong hininga na lang siya sabay pikit ng mata, ipinagdarasal na sana'y hindi na muna niya makita ang mukha ng dalaga na ilang araw nang gumugulo sa isip niya.
NAALIMPUNGATAN ng gising si Eisen nang may marinig siyang ingay sa loob ng kwarto. It sounded like a bee or insect at first kaya hinayaan niya. Pero nang magsimula na siyang mairita at iminulat na niya ang kanyang mata at inilibot niya ang kanyang paningin. His gaze landed on the door kung saan nakita niya ang kanyang ina na kausap si Lewis, ang nagpakilalang kapatid niya. They were both seriously talking to each other at hindi maiwasan ni Eisen na makinig sa pinag-uusapan ng dalawa.
"6 to 8 weeks before his injuries could heal kaya mananatili muna siya rito ma. Sapat na rin ang tatlong buwan na mamalagi siya dito bago tayo bumalik ma. By that time, he'll be ready to go back." Balak sanang sitain ni Eisen ang dalawa nang marinig nito ang sinabi ni Lewis. 6-8 weeks? He'll be like a disabled man for 2 months? And what does his brother mean by saying na handa na siyang bumalik pagkatapos ng tatlong buwan?
"Sure ka na ba riyan sa plano mo anak?" naguluhan si Eisen sa sinabi mg ina. Plano? Anong plano sng ibig nitong sabihin? May kailangan ba siyang malaman?
"Yes. If this is the only way to save him, then so be it. I can't afford to see him broken ma. And once he gains back his memory, I will kill the person behind all this. Just make sure the island is ready." hindi naintindihan ni Eisen ang sinabi ng kapatid dahil hininaan nito ang kanyang boses.
"Don't worry about it Lewis. Its already done... But I'm worried for her. Will she be alright with this?" puro mga bulong na lang sng naririnig ni Eisen at nagsisimula na siyang mainis. May tinatago ang mga ito sa kanya. Could it be, hindi niya ito kapamilya at inanakaw lang siya ng mgs ito para ipagbenta ang kanyang mgs lamang loob? O baka may nagawa siya sa mga ito at sindikat pala sila?
"Yes ma. She agreed. She's our only hope now."
"Anak-" dahil hindi na makayanan ni Eisen ang nskskairitang bulungan ng dalawa ay nagdesisyon na siyang sumabad sa mga ito. Kailangan niyang malaman ang kanilang pinaguusapan.
"Anong pinaguusapan niyo riyan? Can't you see that I'm sleeping?!" pangit man ang tono ni Eisen ng sabihin iyon ay wala siyang pakeelam. Hangga't hindi niya naaalala ang kanyang nakaraan ay mahihirapan siyang magtiwala sa mgaa taong nakapaligid sa kanya.
"Kanina ka pa ba gising kuya?" nag-aalalang tanong ni Lewis sabay lapit sakanya. Tinitigan niya sa mata ang sariling kapatid at mapapansing puyat na puyat ito.
"Bat ganyan ka makatingin sakin kuya? May problema ba? May naaalala ka na ba?" Umiwas ng tingin si Eisen sa kapatid at tinitigan na lang ang kisame. Sa hindi malamang dahilan, hindi niya kayang pagmasdan ang sariling kapatid dahil sa mga bagay na hindi niya mabigyan ng paliwanag. He knew that there's something going on but he needs to play along so he will be able to know sonething that he's sure na itinatago ng kapatid niya.
"Kelan ako pwedeng umalis dito?" he asked, trying to break the ice between them.
"Tomorrow. Ililipat ka na namin sa bahay niyo. So, please be good while you're there." napakunot ang noo ni Eisen sa sinabi ng kapatid nito. Masay siyang makakaalis na siya ng ospital bukas. Pero anong ibig sabihin nito sa sinabi niyang bahay niyo?
"What do you mean bahay niyo? You mean I got to live in a house with someone who also own the house? Ano yun? Renta? Apartment? Dorm?" nagulat si Eisen nang marinig na tumawa si Lewis sa sinabi niya. Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi niya?
"Hindi! Tangna naman nito eh. Basta. Malalaman mo rin bukas." sagot ng binata at tinapik siya nito sa balikat bago tumalikod. Naglakad siya palayo sa kinaroroonan nito pero pinatigil ito ni Eisen.
"Bakit hindi ka pa magpahinga?" tanong niya. Lumingon ang kapatid nito at nagtatakang pinagmasdan siya nito.
"Ha?"
"Halata namang puyat at pagod ka na. Baka naman gusto mo ring magpahinga?" napangiti si Lewis sa sinabi niya at sumaludo pa ito sa kanyang harapan.
"Opo boss. Kakain lang ako. Iwan na muna kita diyan kuya."
Their conversation sounded fine to Eisen. Ngunit ang hindi lang talaga nito maintindihan ay kung ano ang pinag-uusapan nila ng kanilang mama at mukhang involve siya dito.
At maaaring ang mangyayari bukas ay kasama sa tinutukoy nilang plano.
HINDI malaman ni Eisen kung ano ang dapat sabihin nang makita ang kinatitirikan ng bahay na tinutukoy ni Lewis. It was a freaking island in the middle of nowhere! Sa labas pa lang makikita mo na kung gaano ka engrande ang bahay.
Itinulak ng kanyang kapatid ang wheelchair papalapit sa pintuan ng bahay at hindi mapigilan ni Lewis ang pagkabog ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya na hindi niya alam. Ngunit sigurado siyang may hindi siya inaasahang mangyayari ngayon
"Is this really my house?" takang tanong niya. Mayaman ba sila? Bakit ba kasi waka siyang maalala?
"Yeah. Binili mo ang islang ito 3 years ago, planning to stay here with your own family." sagot naman ng binata sakanya. Family. So, he wanted to have a big family?
"Really? That long? Three years ago pero parang wala naman akong maalalang dito ako nanirahan." he stated sakto namang tumigil sa pagtulak si Lewis at pumunta sa harapan niya.
"I brought you here kuya because of one reason. That is to make new and fresh memories that I'm sure you will never regret in your life."
He wanted to ask what his brother meant by that nang biglang may babaeng nagsalita sa tapat ng pintuan ng bahay.
"Nandito na pala kayo!"
Ikaw. He wanted to say but he was caught off-guard because of her presence. Anong ginagawa niya rito? Could it be?
"Mon mari, welcome home."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top