CHAPTER 2
HINDI alam ni Jade kung ano ang gagawin. She stayed still, as she sat on the waiting area. Her body is covered with blood as her hands tremble with fear. What happened made her almost lose her consciousness. But lucky enough, she was able to call for help para madala sa hospital ang binata. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi na lang siya pumunta ng bar na iyon.
Earlier, as soon as her shift ended, her friend Kristelyn dragged her into her condo unit at pinahiram nito sakanya ang damit na suot niya ngayon, na kasalukuyang puno na ng dugo, begging for her to accompany her in a bar. She rejected at first but her friend is too persistent so she ended up taking a quick shower and changing her clothes with the one Kristelyn lent her. Isa si Kristelyn sa mga taong hindi niya matanggihan lalo na't ang kaibigan nito'y nagdadrama ngayon dahil nakipaghiwalay ang jowa nito sakanya dahil ang boring daw nito.
Naihilamos ni Jade ang kanyang palad sa kanyang mukha as the scene earlier made her nauseous making her stomach twisted. The blood in her hands were dried already, which means kanina pa nakadikit ang dugo ng binatang di naman niya kilala na napagkamalan siyang si Alicia o Ali base na rin sa pagtawag ng binata sakanya kanina. Nanlalagkit na rin ang katawan ni Jade but she can't convince herself to stand up and leave the hospital where the man is admitted and in a critical conditon. Alam niyang aksidente ang lahat ngunit hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa mga nangyari.
Nang bumukas ang pintuan ng operating roon ay kaagad tumayo si Jade para tanungin sa doctor kung kamusta na ang lagay ng binata. Mula kaninang papunta sila ng hospital hanggang sa ipasok ang binata sa operating room ay hindi na napakali si Jade. Paano kung malala ang kondisyon nito? Paano kung madami itong nabaling buto? Paano kung comatose? Or brain dead? Or worst, patay na siya? Lahat ng iyon ay gumugulo sa kanyang utak kaya hindi siya mapakali. Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling may masamang nangyari na sa binata.
"Kapamilya ka ba ng pasiyente?" hindi alam ni Jade kung ano ang isasagot kaya nanatili siyang tahimik. "The patient is in a stable condition now. Pasalamat at hindi gaanong malakas ang pagkakabangga ng sasakyan sakanya. I suggest you call his parents to notify them with what happened." dagdag ng doctor sabay iniabot ng nurse sakanya ang isang sealed plastic. Makikita sa loob nito ang isang phone at ibang kagamitan ng binata.
Ngunit napatigil siya ng makita ang isang kwintas. Kinuha niya ito at pinagmasdan ang singsing doon. It was diamond ring. Ibig sabihin ay kasal na ang binata?
Ngunit imbes na pagmasdan ito ay kinuha na lang niya ang phone sa loob nito.
She was about to press the on button to determine whether the phone is still okay or not when someone called. Basag ang screen nito pero laking pasasalamat ni Jade nang gumana parin ito. She accepted the call and placed it on her ears.
"Goddamn you Eisen! Kanina pa kita hinahanap. Where the fuck are you?!" sigaw ng lalake sa kabilang linya. Hindi napigilan ni Jade ang mapahikbi dahil sa takot na naramdaman niya. "Who the fuck is this?! Bakit na sa 'yo ang phone ng kaibigan ko?!" he angrily shouted. But instead of answering, Jade ended the call and decided to text the address to the man who called Eisen's phone. Hindi niya kayang kausapin ang kahit na sino na maaaring related sa binata dahil natatakot siyang siya ang sisihin ng mga ito.
After a couple of minutes waiting, a man came rushing in front of the OR. Napatigil ito sa pagtakbo ng makita siya nito na nakaupo. He went near her at tumigil ito sa kanyang harapan.
"What happened." hindi nag angat ng tingin si Jade nang marinig nito ang malamig na tono ng binata sa kanyang harapan.
"The black car run into him on the road." mahinang tugon niya habang pinipigilan ang sariling huwag manginig sa takot. She never thought that she'll be caught up into a situation like this.
"The driver?" tanong ng binata. Malamig parin ang tono nitong nagtanong sakanya. Pinagsiklop niya ang kanyang palad at pinigilan ang panginginig ng kanyang katawan.
"N-nakatakas. It was a h-hit and run. I'm sorry wala akong nag-nagawa." hindi napigilan ni Jade ang kanyang takot kaya nauutal nitong sinagot ang tanong ng binatang nakatayo sa kanyang harapan.
"Shit!" the man cursed out. Umalis ito sa kanyang harapan at nagpunta sa kung saan. When he's nowhere to be found, Jade found herself sobbing nonstop, like a kid who lost her five peso coin. Kung naging alerto lang siguro siya kanina ay nakita sana nito ang plate number ng sasakyan pero wala. The car has no lights on kaya mahirap para sakaniya na makita kung meron bang sasakyan o wala. At isa pa, mabilis ang pangyayari kaya hindi siya nakapag-react kaagad. She was dumbfounded and when the car is out of sight, doon lang niya nahanap ang sariling tumatakbo papalapit sa nasagasahang binata. Buti na lang talaga at saktong may taxi na dumaan doon at tinulungan sila.
Nang bumalik ang binata sa kanyang kinauupuan ay may kasama na itong isang lalake. They were both cursing out like mad dogs at hindi rin nito naiintindihan ang kanilang pinag-uusapan dahil ibang lenggwahe ang gamit nila.
"Nandoon ka ba nang mangyari yung aksidente?" this time, nag angat ng tingin si Jade nang mapansing hindi ang lalakeng sobrang cold at nakakatakot ang nagtanong sakanya. That voice. Saad niya sa sarili.
But as soon as she stared at the man standing in front of her, parang mas nanlumo pa si Jade.
"Lewis."
NAGISING si Jade nang maramdaman ang sikat ng araw na dumadampi sa kanyang balat. Napahawak siya sa kanyang ulo ng bumangon siya sa kama habang inaalala ang mga nangyari. She looked around the place and she's not familiar with the room that she's in. Tinanggal niya ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan ngunit iba na ang suot niya. Umalis siya sa kama at binuksan ang pinto at lumabas ng kwarto habang sinusubukang alamin ang daan paalis sa bahay na iyon.
Nang makita nito ang hagdan ay kaagad siyang nagtungo roon at natagpuan ang sarili sa living room. The place is so huge and grand na sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang bahay ito ng isang mayamang nilalang. All she could remember last night was the accident, a scary man approached him, and then she saw Lewis' face. Is she hallucinating things?
"Finally, you're awake." paglingon ni Jade sa direksiyon kung saan may narinig siyang nagsalita ay halos manghina siya nang makita si Lewis, her long lost friend from highschool na bigla na lang naglaho pagtungtong nila ng college. "Nakatulog ka ba ng mahimbing?"
Instead if answering, she rushed through her friend and hugged him tight as tears started to flow out of her gray eyes. Inalo siya ng binata at inalalayan papuntang living room at pinaupo siya nito sa mahabang sofa.
"Jade, kaya kita dinala rito dahil kailangan kong malaman kung ano ang nangyari 3 days ago."
"W-what do you m-mean 3 days ago?" naguguluhang tanong ni Jade habang tinitignan ng deretso sa mata ang binata. What does he mean by 3 days ago?
"After you fainted that night on the waiting area, I had to bring you here because you don't have a phone where I could contact your family members or relatives so I had no choice and you didn't wake up until now. Just like my brother, the accident happened 3 days ago at hanggang ngayon hindi pa nagigising ang kapatid ko. I talked to the doctor at ang sabi nila he's recovering fast." he explained. Hindi nga alam ng dalaga kung nasaan na ang kanyang pouch na dala niya sa bar noon. Tanda pa niyang hawak pa niya ito noong pumasok siya pero nang lumabas siya ay wala na siyang hawak na kahit ano.
"Siya ang kapatid mo?" nagulat si Jade sa nalaman. Yes, she and Lewis are close friends back then but she never got the chance to meet Lewis' brother. And she started to hate herself more. If she had known na kapatid siya nito ay sana hindi siya naging rude sa binata.
"Yes. Sorry kung hindi kita naipakilala sakanya noon. But that doesn't matter now." he replied as he took a sip on his coffee. Kasunod nito ay isang mahabang katahimikan sa kanilang pagitan. Before she could speak, a maid delivered sandwiches and placed it on the table in front of them. Nang makaalis ito ay doon lang nagsalita si Jade.
"I'm sorry Lewis. Kasalanan ko ang lahat." basag nito sa katahimikan. Hindi mapigilan ni Jade na sisihin ang sarili.
"What do you mean?"
"That night at the bar, he kept on calling me Alicia or Ali. Kung hindi lang ako lumabas ng bar noon ay hindi sana iyon nangyari sakanya." curiosity filled Lewis' face as soon as she mentioned the name Alicia to him. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha pero isinawalang bahala ito ni Jade.
"What happened is not your fault Jade. But I need you to tell me what really happened that night." hinintay ng binata ang sasabihin ni Jade kaya walang choice ang dalaga kundi ang sabihin sa kanya ang lahat ng alam niya. She took a deep breath before she started telling him what she remembered.
"I was looking for my friend, Kristelyn, para sana makapagpaalam na ako sakanya dahil hindi ako kumportable sa loob ng bar. Pero hindi ko sinasadyang mabangga ang kapatid mo. Then he started calling me Alicia or Ali or something like that. Natakot lang naman ako nang simulan niya akong halikan. I pushed him away and decided to leave. Hindi ko naman alam na sinundan pala niya ako. And then the accident happened. Wala akong nagawa nang humarurot ng takbo yung sasakyan. I'm sorry, I'm sorry."
Pinagmasdan lang siya ng binata, maaaring sinusuri ang sinabi nito. Is he doubting her? But they're friends before. Magsasalita na sana ang binata nang biglang tumunog ang telepono nito. Tumayo ang binata mula sa sofa at nagtungo ito sa labas ng bahay bago nito sinagot ang tawag. Jade took the opportunity to take a sandwich at kumain habang pinapasadahan nito ng tingin ang kabuoan ng bahay ng binata.
The house is painted with the colors mint green, white, and black that makes the ambiance of the house more welcoming. Isabay pa ang napaka simpleng painting na naka hang sa wall at ang mga simpleng designs sa halos bawat dulo ng bahay ng binata. Parang hindi ito bahay ng isang lalake.
She immediately stood up when she saw Lewis entered the house with a mixed emotion written on his face.
"What's wrong?"
"Eisen... He's awake."
HINDI mapakali si Jade sa kanyang kinatatayuan habang hinihintay na bumukas ang pintuan ng room kung nasaan ang pamilya ni Lewis ngayon. Hindi na siya pumasok sa loob dahil ang pamilya lang nito ang kailangan at isa pa, natatakot talaga siyang pumasok. She's scared to know kung malala na ba ang kondisyon ng binata.
When the door swun open, the doctor along with a nurse exited the room. Kasunod nito na lumabas si Lewis na hindi maipaliwanag ang emosyong nakapinta sa kanyang mukha.
"Kamusta ang-" hindi na natapos ni Jade ang sasabihin ng biglang hinawakan ni Lewis ang kanyang kamay at hinila siya nito palapit sakanya. He hugged her tight as she heard him sob. Hinagod nito ang likod ng binata, nagbabakasakaling mapatahan niya ito.
"Tell me what happened Lewis. Please."
Humiwalay sa yakap ang binata at tinitigan siya nito ng deretso sa mata.
"He can't remember anyone, Jade. Pati pangalan niya ay nakalimutan na niya. He can't even recognize mom and dad. Goddamn it!" he shouted in anger and he punched the wall. Napaigtad si Jade sa ginawa ng binata sa kanyang harapan. She had never seen Lewis this mad. Kahit kailan ay hindi nagpakita ang ganitong ugali ni Lewis nung highschool pa lang sila.
"Tama na iyan anak. Tama na." a woman in her 40's showed in front of them making Lewis stop from punching the wall. Niyakap ng ginang ang binata at doon lamang napagtanto ni Jade ang mga magulang pala ito ng binata.
"Alicia? Hija, is that you?"
"She's not Alicia, mom. She's my friend Jade." Hindi alam ni Jade ang sasabihin kaya laking pasasalamat na lang talaga niya nang si Lewis na ang nagsalita para sa kanya. Nag bow siya sa harap ng ginang at mapapansin parin ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Ganoon na lamang ba sila magkamukha ng Alicia na iyon para pagkamalan na siya ng dalawang tao?
"Magandang tanghali po ma'am." magalang nitong saad. The woman smiled at her and apologized dahil napagkamalan daw niya itong ibang tao. It was a big deal to her but she just let it slip dahil alam naman niyang hindi nila kasalanan kung may kamukha siyang hindi naman niya kadugo.
"Pasok ka hija. I wanted to personally thank you for bringing my son to the hospital. Hindi kagaya ng nakasagasa sakanya. Samahan mo kami sa loob. My husband prepared something for us to eat." the woman invited at hindi naman niya ito matanggihan dahil nakakahiya naman kung i-turn down niya ang offer ng mga ito sakanya. Besides, she also wants to see Eisen to make sure he's already okay.
"Good afternoon po." she greeted the woman's husband. Kagaya ng ginang ay nagpasalamat din ito sakanya and she just smiled as an answer. Iginaya siya ng binata papunta sa sofa at sumunod ang binata sa kanyang mga magulang sa kusina as they finished preparing for the food. Dahil sa ayaw naman ni Jade na umuupo lang habang hinihintay ang pamilya sa paghahanda ay nagdesisyon siyang lumapit sa hospital bed kung nasaan nakahiga ang binata.
Nang makalapit ang dalaga sa mahimbing na natutulog na si Eisen ay sinuri niya ang hitsura nito. Sementado na ang kanyang kaliwang paa habang naka benda naman ang kanan niyang kamay. May bandage rin ang kanyang ulo at mapapansin ang mga maliliit na sugat sa kanyang pisngi, ilong, at sa labi. Nalulungkot si Jade sa lagay ng binata. Dahil sakanya ay kailangang masangkot ito sa disgrasya, ngayon ay hinahanap na nila ang nagmaneho ng itim na sasakyan na iyon. Hindi na naman napigilan ni Jade na sisihin ang sarili ng dahil sa nangyari. Kung hindi lang siya lumabas ay siguradong walang nangyaring masama sa binatang nakahiga ngayon sa hospital bed.
Jade found herself lifting up her hand as she reached for the hair of Eisen na nagkalat sa kanyang mukha. She slowly stroke the hair to one direction pero halos atakihin na sa puso ang dalaga ng isang mahigpit na kamay ang biglang humawak sa kanyang kamay.
Pagtingin niya kung kanino ang kamay ay hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pagpintig ng kanyang puso nang magtama ang kanilang mata ng binatang nakahiga sa kama.
His deep green enchanting eyes that look into her, it feels like his gaze searched into her soul as if answers would be written to satisfy his question.
Ngunit kaagad na nabitawan ng binata ang kanyang kamay at napasabunot ito sa sariling buhok.
"May problema ba?! Lewis!" she started shouting at narinig nito ang yabang ng mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan. "I'll just go and get a doctor!" boluntaryo ni Jade ngunit hindi pa siya nakakahakbang ng maramdaman nitong may mahigpit na humawak sa kanyang pupulsuhan.
Napatingin siya sa kamay na humigit sakanya at nanlaki ang kanyang mga mata nang hawak ni Eisen ang kanyang kamay. Lewis and his parents were dumbfounded with the scene habang hinihintay ang mangyayari. Parang gumuho ang mundo ni Jade nang makitang tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ng binata. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nasasaktan si Jade sa nakikita. Why did he shed a tear? What did she do wrong?
"Sir-" hindi na naituloy ni Jade ang sasabihin nang malakas na hinila ng binata ang kanyang mga kamay at nilagay ito sa kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. Naguguluhan si Jade na nangyayari ngunit nang titigan niya sa mata ang binata, alam niyang nasaktan niya ito. At sa hindi malamang rason, ayaw niya sa pakiramdam na iyon.
"You..." naramdaman ni Jade ang mabagal na pagtibok ng puso nito kasabay ng pagluha ng binata sa harap niya. Nilingon niya ang pamilya nito tsaka ibinalik ang tingin sa nakahigang binata ng hinigpitan nito ang kapit sa kanyang pupulsuhan.
"What did you do to me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top