PMS7: Seduction Class

Dale.

Prente akong naka-upo sa lapag ng salas habang kumakain ng milo na nakalagay sa mangkok. Wala kaming klase ngayon dahil friday at mamaya pang-gabi. Tsk! Nag-sisisi ako kung bakit hindi ko binago ang mga patakaran at mga pinag-aaralan dito. Kinuha ko ang remote na naka-patong sa table at binuksan ang telebisyon, sakto at spongebob ang palabas.

Isusubo ko na sana ulit ang kutsarang may laman na milo pero pag-tingin ko wala na pala. Kaya tumayo ako at pumunta sa kusina para salinan ng panibago. Ang laman ng mga kabinet ko rito ay puro milo at sa refrigerator ay halos puro chocolates at ice cream tapos sa labas ako kumakain ng umagahan, tanghalian at hapunan pero madalas umagahan at tanghalian lang sa gabi puro matatamis kinakain ko. Pag-kasalin ko ng isang malaking pack sa mangkok ay bumalik na ko sa salas at naupo muli sa lapag. Nag-luluto ng crabby patty si Spongebob. Ano kayang lasa ng crabby patty at sarap na sarap sila? Hm.

May kumatok sa pinto ko ng tatlong beses pero hindi ko pinansin. Sarap na sarap ako sa pag-papak ng milo nang tumunog ang cellphone ko.

I'm creepin' in your heart, babe
dwijibgo muneoteurigo samkyeo
geurae neol humchyeo tamnikhae
neol mangchyeo noheul geoya
ne mamsoke gakindoen chae
jukeodo yeongwonhi sallae
Come here girl, you call me monster
(You call me monster)
ne mameuro deuleogalge

Mahilig ako sa kpop. Who cares? Hm. Sinagot ko 'yon at tiyaka hininaan ang volume ng telebisyon. "Open the door, Dale! Kanina pa kami rito. Inaamaga na kami!" inilayo ko ang cellphone ko sa tainga dahil muntik ng mabasag ang eardrums ko sa lakas ng boses niya. Mabuti at natagalan ni Leon ang kaingayan ni Demise.

Pinatay ko na ang tawag at inis na tumayo. Labag man sa kalooban ko ay pinagbuksan ko sila, nakita kong bihis na bihis sila at napataas ako ng kilay dahil ay iba silang kasama. Niluwagan ko ang buakas ng pinto para makapasok sila at tiyaka ko sinarado. "Mag-bihis ka na. Aalis tayo!" sabi ni Demise. Sa pagkaka-alam ko ay walang pasok ngayon.

Kasama nila ang tatlong ugok at prente silang naka-upo sa sofa ko. Napansin kong bigla silang napatitig sakin kaya napakunot noo ako. "What?" tanong ko at tinaasan sila ng kilay. Nag-iwas ng tingin sina Leon at Ryu pero si Matthew ay hindi. Napa-tingin ako sa sarili ko at parang naintindihan ko na kung bakit sila 'ganon maka-tingin. Naka-sports bra at short shorts ako.

Napa-iling na lang ako. Parang mga timang. "Ganiyan ba lagi suot mo kapag nandito ka?" tumingin ako kay Ryu dahil siya ang nag-tanong. Ngumisi lang ako at umakyat para makapag-bihis.

Matthew.

Ang ganda ng kwarto ni Dale, kumpara samin mas malaki 'to kasi may second floor siya. Sa second floor makikita agad ang Queen size bed niya may lagayan ng libro sa gilid tapos may malaking itim na pintuan din sa taas. Siguro, doon ang banyo niya. Malaki rin ang sala niya, black and white ang theme.

Hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa kaniya dahil ang ikli ng short niya tapos naka-sports bra lang siya. Kitang-kita ko ang mapuputi niyang legs ang flat niyang tiyan. She's fucking hot! Can't help my self but to stare at her beautiful and sexy body.

"Kainis talaga! Wala man lang ibang laman ang refrigirator ni Dale. Kundi, matatamis." narinig kong pag-mamaktol ni Keesan. Nakita ko siyang may hawak na isang basong tubig. "Hindi ka pa na sanay. Mabuti nga at hindi 'yon tumataba." sagot ni Demise sa kaniya. Puro matatamis laman ng ref niya? Kakaibang babae, mabuti at hindi siya nauumay.

"Ganon ba lagi suot ni Dale?" tanong ko sakanila. Paano kung may ibang pumasok dito? Edi makikita siyang naka-ganon lang? Tsk!

Tumango lang si Demise sakin habang inaayos niya ang sarili. "Ganon lang talaga siya kapag nasa loob ng kwarto o bahay." Sabi ni Keesan sabay tingin ng nakaka-loko sakin. Napa-buntong hininga na lang ako. "She's hot! Right?" sabi muli ni Keesan. Tama ang sinabi niya, siya 'yung babaeng kahit wala pang-ginagawa nag-iinit ka na agad. Nagulo ko ang buhok ko dahil sa iniiisip ko.

Tumayo na sila dahil nakita kong pababa na si Dale. Naka-black pants, black leather jacket at boots lang siya. Kahit anong suotin niya bagay sa kaniya. Nauna kaming lumabas dahil ni-locked pa ni Dale ang kwarto niya. Hindi mo talaga aakalain na kwarto lang 'yon.

Napansin kong naka-kunot noo lang si Dale habang ang dalawang kamay ay nakapasok sa bulsa ng jacket. Wala sigurong idea kung saankami pupunta. Ang totoo nahatak lang talaga ako ng mga ito dahil lang sa gusto nilang mamili para mamaya. "Sa mall daw pupunta." sabi ko sa kaniya. Hindi man lang siya lumingon pero tumango siya.

Dale.

Nandito na kami sa Mall at nakakairita dahil ang ligalig nila Demise at Keesan. Vape ang dala ko ngayon kaya naman di ko na kailangan mag sindi. Bumuga ako ng usok ang maganda lang dito ang bango ng usok. Nandito lang ako sa labas ng shop habang sila nasa loob. Wala naman akong hilig sa window shopping.

May umagaw ng vape ko kaya inis akong tumingin sa kaniya. "Fuck! Epal ka talaga!" sigaw ko sa kaniya. Naka-kunot noo siya habang nakatitig sakin. "Bawal ka na mag-ganito." nangangati ang kamao ko at gusto ko siyang sapakin. Inagaw ko sa kaniya ang vape. "You don't fucking care!" Wala siyang pakialam. Hindi kami malapit sa isa't isa at isa pa, 'yung mga tao nga na malapit sakin hindi ako pinipigilan. Siya pa na hindi ko naman close.

Tinalikuran ko na siya at nag-lakad paalis. Wala naman akong gagawin sa letseng shop na 'yon! Mabuti pang-pumunta na lang sa Gorcery store at bumili ng milo. Ayokong maubusan ng stocks. Pag-karating ko ay nag-bow sakin si Manong Guard, tumango lang ako at kumuha ng pushing cart.

Una kong pinuntahan kung saan nakalagay ang milo. Ang kinuha ko ay 'yung pinaka-malaki. Kalahati ng push cart ko ay 'yon lang ang laman. Kumuha rin ako ng chocolates at ice cream. Tapos, kumuha rin ako ng mga coke in can at tatlong box ng chuckie. Puno na nga ang push cart ko pero 'yan pa lang ang laman. Dumaan ako sa Junk foods section tapos kumuha lang ng kumuha.

Tinulak ko na ang push cart papunta sa counter, doon ako pumila sa kakaonti lang para mabilis. Pinag-titinginan ako ng mga estudyanteng namimili rin. Tinignan ko sila at sinamaan ng tingin. Mga chismosang palaka.

Nang matapos ako ay pinabuhat ko 'yon sa isang tao sa counter. May kotse naman akong dala kaya doon ko pinalagay. Sasakay na sana ako ng marinig ko ang maingay na boses ni Demise. Shit! Hindi ako matahimik sa kanila. "Nang-iiwan ka, Dale." sabi niya ng makalapit sabay nguso.

Napa-buntong hininga na lang ako. Alam naman nila na hindi ako mahilig sa shopping na 'yan. "Balik na ko sa dorm." sabi ko. Pero bago ako sumakay ay sinabi ni Keesan na huwag ko raw kalimutan na may klase kami ng 7PM.

Matapos ko lang talaga ang dapat matapos at maayos ang dapat maayos ay tatanggalin ko na 'yang letseng klase na 'yan!

Keesan.

Tumingin ako sa wall clock at 6:30 na pala ng gabi. Pupunta rito si Demise dahil sabay kaming papasok. Naka-suot ako ng pink tube cocktail dress at naka-pony tail lang ang buhok. Simpleng make-up at lipstick. Required kasi na mag-lagay kapag ganito ang klase. Hindi rin uniporme ang suot at pwede kahit na anong suotin.

May kumatok at sigurado na akong si Demise 'yan. Pagbukas ko ng pinto ay  nakita kong ang sexy niya. Naka-fitted red dress siya na kita ang hita at naka-high heels. May make up din siya at naka-lugay lang ang buhok. "I'm so excited." halata ngang excited siya. Bumili pa siya ng damit kanina. Bumili rin naman ako pero hindi 'yon ang suot ko ngayon. "Ano kayang susuotin ni Dale?" tanong niya. Naka-sakay na kami sa elevator. Nagkibit-balikat lang ako.

May idea na ko. Hindi naman siya mahilig mag suot ng mga ganito. I mean, tinalikuran niya na ang pag-susuot ng mga ganitong klaseng damit.

Dale.

Walang emosyon akong nag-lalakad sa hallway. Ang daming mga nag-kalat na estudyante at kaniya-kaniyang yabangan sila. Required kasi na mag-sibilyan ngayon dahil nga sa letseng klase na  to. Karamihan mga sexy ang suot at mayroon din mga simple lang. Ako kasi naka-blue and white short shorts, blue and white jacket at blue and white rubber shoes.

Nakalagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket habang nag-lalakad papunta sa classroom. Natahimik naman sila at naka-titig na lang ang mga estudyante sakin. Nag-tataka siguro kung bakit ganito lang suot ko. Wala silang pakialam. Sinamaan ko lang sila ng tingin at bumalik din agad sila sa kani-kanilang ginagawa.

Pagdating ko sa tapat ng classroom ay nakasarado na. Sarado na lahat ultimo ang kurtina ng classroom. May guro na siguro. Sinipa ko ng malakas ang pinto at pagpasok ko ay sinipa ko ulit 'yon para maisara. Napatingi silang lahat sakin maging ang lalaling guro namin. "Continue what your saying," sabi ko. Naupo ako sa unahan at nangalumbaba. Fuck! I hate this class. Fucking shit!

May kumulbit sakin at si Demise pala. "Bakit ganiyan suot mo?" napa-kunot noo ako. Dahil masyado niya yatang pinaghandaan ang araw na ito. Pulang-pula ang labi niya parang sinuntok ng sampung tao. "Mag-taka ka kung wala akong suot." sagot ko sa kaniya. Napatawa naman si Keesan sa sinabi ko.

Napansin kong nasa kabilang upuan pala ang mga lalaki at puro babae lang ang nandito. Daming alam. "Ipa-partner ko kayo at gagawin niyo ang idedemo ko." Tumingin siya sa pwesto namin mga babae at parang namimili kung sino ang isasama niya para mag-demo. Nadako ang tingin niya kay Keesan tapos ngumisi. Napairap na lang ako sa aking isip. Mukhang nahalata ni Keesan ang gustong ipahiwatig ni Sir. Mikel kaya tumayo siya.

Ngayon ko lang napansin na ang iklid rin pala ng dress niya. May binulong si Sir sakaniya at si Keesan tumango-tango lang. Maya-maya hinihimas na ni Sir ang braso ni Keesan at ang mga mata nito ay parang nag-liliyab. Hinawakan ni Keesan ang batok ni Sir. Mikel at tiyaka hinalikan ito sa labi. Oh, fucking shit! Kaya ayoko ng klase na 'to dahil puro kaletsehan.

Umiwas na lang ako ng tingin at narinig ko ang mga comments ng mga kaklse ko. Bumalik na si Keesan sa upuan niya at naka-ngisi. Bagay talaga silang pag-samahin ni Demise. "Kailangan ang gawin niyo ay mas hot sa ginawa namin ni Keesan Grayson." sabi ni Sir sabay kindat kay Keesan.

Dada ng dada si Sir. Mikel habang ako iniisip kung paano ko sisimulan kainin ang cake pag-uwi ko. Nagugutom nanaman ako. Natigil lang ako sa pag-iisip dahil may kumulbit nanaman sakin. Ang hilig lang mangulbit ng mga tao. Inis akong tumingin kay Keesan at ngumuso naman siya. Napadako ang tingin ko sa unahan at nakita ko si Matthew na hindi mapakali at si Sir na ngingisi-ngisi. "Ms. Irefin kanina ka pa hinihintay ng kapareha mo." sabi ni Sir kaya inis akong tumayo at pumunta sa harapan. Tahimik lang ang mga classmates ko, nag-hihintay kung ano ang sunod namin na gagawin. Gusto kong matapos na agad 'tong walang kwentang subject na 'to.

Lumapit ako kay Matthew. Napansin kong naka-white sando pala siya at blue pants. Kitang-kita ang maganda niyang katawan. Hiniala ko siya at ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya ng isang Matthew Cervantes. Tinitigan ko siya sa mata at ngumisi. Hinawakan niya ang bewang ko at hinapit dahilan para mapadikit ako sakaniya.

Naramdaman ko na lang na dumampi ang malabot niyang labi sa aking labi. Noong una ay dahan-dahan pa at maingat siya pero habang tumatagal ay nagiging agresibo na ang halik. Sinasabayan ko lang siya at mas lalo niyang dinikit sa katawan niya. Tumalon ako at ipinulupot ang mga hita ko sa bewang niya habang ang isang kamay niya ay binubuksan ang zipper ng jacket ko at ang isa ay naka-alalay para hindi ako mahulog. Mas lumalim ang halik na ginawa niya.

Narinig ko ang hiyawan ng mga kaklse namin kaya nabalik ako sa katinuan. Humiwalay siya sa labi ko at inilapit ang bibig sa tainga ko. "Fuck! Dale, i'm going to be fucking crazy. Your lips are tempting and your body is fucking hot." sabi niya habang hinihingal pa. Nagulat ako ng bigla niyang ipatong ang ulo niya sa balikat ko. "But, i respect you!" sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

---

Vote. Comment. Recommend

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top