PMS6: Pissed Part 2

Dale.

Sumisipol ako habang binubuksan ang bubble gum na binili ko kahapon sa 7'11. Nakasandal ako rito sa pader katapat ng classroom namin. Nag-kaklase sila habang ako nakatambay lang. Nang mabuksan ko ang bubble gum, sinubo ko ito at nginuya. Naririnig kong sumisigaw ang walang kwentang guro namin. Napangisi ako, hindi niya kasi ako nakikita dahil nakasarado ang pintuan at hindi ako hagip ng bintana. Nagtaka ako kasi bigla silang tumahik kaya napa-kunot noo ako at tumayo ng maayos, lumapit ako ng bahagya sa pintuan pero katulad ng inaasahan tahimik pa rin sila.

Sinipa ko ng malakas ang pinto dahilan para mabuksan 'yon. Hindi uso sakin ang katok, maganda kung sisipain para bukas agad. Pumasok ako at tumayo sa plat form kung saan ang pwesto ng walang kwentang guro. Inilagay ko ang kanan kamay ko sa bulsa ng uniporme at tinitigan sila isa-isa. Ang sipag nila Demise at Keesan, complete attendance palagi ang dalawang 'yon.

Nakita ko sa dulo ng classroom ang guro namin na gurang at may binubugbog na estudyante. Kaya pala natahimik dahil sa guro na 'to. Oras ng klase tapos nag-kakalat siya rito. Lumakad ako papalapit sakanila habang ang maririnig mo lang ay ang maingay kong sapatos dahil sa takong nito at ang pag-daing ng lalaki na binubugbog ng pangit na guro.

Nang makalapit ako ay yumuko ako ng bahagya at kinulbit ang guro namin. Hindi siya natinag at tinuloy ang ginagawa habang ang lalaki ay natigil ang pag-daing dahil sa nakita ako. Kinulbit kong muli ang guro at inis siyang lumingon sakin, tinaasan ko siya ng kilay at nakita kong namutla siya. "Oras ng klase, Sir." sabi ko. Inayos niya ang kaniyang sarili at pinunasan ang kamay na puro dugo. Nag-bow siya sakin, "Patawad! Ms. Irefin. Wala kasing respeto ang batang 'yan! Kaya naman tinuruan ko ng leksyon." Muli siyang nag-bigay galang at nag-sinimulan ng mag-lakad pabalik sa unahan.

Naupo ako pero hindi nakalapat ang pwetan ko sa sahig. Hinawakan ko ang mukha ng binata, sinuri ko ang buong mukha nito. Pagkatapos ay hinawakan ko rin ang mga braso niya at sinuri rin ito. Maging ang katawan niya ay tinignan ko tiyaka ko siya tinulungan tumayo. Sa pagkaka-alam ko isa 'to sa mga estudyante rito na hindi nakikipag-basag ulo.

May iniabot ako sakaniyang puting papel. "Anong gagawin ko rito?" Napa-kamot ako sa kilay ko at tumingin sa kaniya na walang emosyon sa mukha. "Kainin mo." ani ko. Tinalikuran ko na siya. Bobo! Malamang clinic pass 'yon!


Nakita kong prenteng nakaupo ang guro namin sa unahan. Tibay din ng matandang 'to. Nag-lalakad ako papalapit sakaniya habang kinukuha ko ang baril sa likuran ko. Pag-dating ko sa harap niya ay kinasa ko ang baril tiyaka itinutok sa ulo niya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. "Papipiliin kita, Sir." Nakita kong napa-lunok siya bago tumango ng bahagya. Nakatutok pa rin sa ulo niya ang baril ko at ngumisi. "Babarilin kita? O Papasabugin ko 'yang bungo mong utak uod?" Napalunok siya ng maraming beses at tiyaka napakunot noo. "Ms. Irefin hindi naman 'yata tama 'yang gagawin mo sa isang guro. Kawalan ng respeto 'yan!" Kahit hindi niya ipahalata ay nakikita ko sa mga mata niya ang takot.

Tahimik naman ang mga kaklase ko at hinihintay ang susunod na mangyayari. Nakita ko sa peripheral vission ko na kunot noong nakatingin sakin si Matthew. Problema nanaman kaya ng tigang na 'yon? Parang pasan-pasan ang mundo. Itinuon ko na lang muli ang atensyon ko kay Sir. "Hindi ka respe-respeto. Pumili ka na at naiinip na ko." Bwiset! Ang tagal lang pumili. Kanina nga kung makapam-bugbog siya wagas tapos ngayon natatakot siya.

Hindi siya sumagot bagkus ay sinipa niya ang kamay ko dahilan para tumalsik ang baril ko. Napangisi ako. Ayaw niya pala sa madaling paraan, hindi agad sinabi. Tinuon ko ang kaliwang kamay ko sa table para pang-suporta at tiyaka ko itinaas ang mga paa ko para sipain siya sa dibdib. Tumalsik siya at tumama sa pader. Nag-tumbling ako ng isang beses at pagka-landing ko sa harapan niya ay sinuntok ko siya ng malakas sa dibdib. Napaubo siya ng dugo at halos sumuka siya.

Naupo ako sa harapan niya. Ang isang paa ko ay nakatuon sa sahig. "Mabilis o mabagal?" Dumura siya at pinunasan ang bibig tapos ngumisi. Nag-init ang ulo ko dahil sa ginawa niya. Hinawakan ko ang buhok niya tapos iniharap ko ang kaniyang ulo sa table. Ini-umpog ko ang mukha niya sa table at tiyaka ko ito iniharap sakin, dumudugo na ang ilong niya. "Mabilis o mabagal?" tanong ko muli.

Hindi pa rin siya sumagot kaya inulit-ulit ko ang pag-umpog ng mukha niya sa table. Puro dugo na ang mukha niya at hinihingal na rin siya. Kung pumili na lang kasi siya edi sana kanina pa 'to tapos. Tumingin ako sa relos ko at tiyaka ko siya inihagis sa sahig. Iniluwa ko ang bubble gum na wala ng lasa at idinikit 'yon sa kaniyang noo. Narinig ko ang pag-singhap ng mga kaklase ko.

Kinuha ko ang baril na nasa sahig at itinutok ito sa dibdib niya. "Hindi na-ko uulit." Hindi ka na makaka-ulit. Napangisi ako sa sinabi niya. "Hindi ka na talaga makaka-ulit dahil sisante ka na at sa hospital na ang bago mong tirahan." Pinutok ko ang baril sa dibdib niya at binaril ko rin ang tagiliran niya. Binaril ko rin ang dalawang binti niya pagkatapos itinago ko ang baril ko sa likod ng palda ko.

Tinuon ko ang kanan paa ko sa tagiliran niyang binaril ko. Diniinan ko 'yon! Kaya lalong lumakas ang ungol niya. Habang ginagawa ko 'yon ay nag-sisindi ako ng sigarilyo. "H-uwag!" Ngumisi lang ako at tiyaka humithit sa yosi bago ko diniinan ang pagkaka-tapak ko sa tagiliran niya. Yumuko ako ng bahagya at inilapat ko ang yosi sa binti niya na binaril ko. Ipinasok ko 'yon sa binti niyang may sugat kaya napa-singhap ang mga kaklase ko ang iba naman nandidiri.

Pagkatapos umayos na ko ng tayo at tiyaka nag-lakad palabas ng classroom. Saktong dumating si Butler Morri kaya itinuro ko ang gurong walang malay sa sahig. Lumabas ako at binuksan ang isang milo na pakete. Sumandal akong muli sa pader at nakita ko si Butler Morri na bitbit ang guro at nasa balikat niya 'to. Nag-bow siya kaya tumango lang ako.

Naglabasan naman ang mga kaklase ko na parang walang nangyari. Lumapit sakin sina Demise at Keesan. "Masyado ka talagang brutal, Dale." sabi ni Demise. Itinapon ko ang balat ng milo sa basurahan malapit sakin at tiyaka napa-kamot sa kilay ko. "Don't messed up with Dale Irefin." sabat naman ni Keesan. Napa-iling na lang ako sa dalawang babae na 'to.


Nakita kong lumapit samin ang tatlong ugok. Si Leon na umakbay kay Demise at si Ryu na kinukulit si Keesan. Si Demise at Leon pala ay matagal na ayaw lang ipaalam ng dalawa dahil sikreto raw. Ang pakikipag-make out pala nila sa iba ay palabas lang. Mga putangina! Ang daming alam.

Yayakap sana si Matthew sakin pero sinuntok ko siya sa mukha bago makalapit sakin. Aba! Lintek! Feeling close siya. Tinatawanan naman siya ng mga kaibigan niya. Imbis na tulungan tumayo si Matthew ay tinawanan lang siya ng dalawang binata. "Bakit mo naman ako sinapak? Para yayakap lang eh. Tsk!" sabi niya. Tumayo siya at pinunasan ang dugo sa ibabang labi. "Akala ko punching bag." sagot ko at nilayasan sila.



Matthew.

Ang sakit ng labi ko. Kakaiba talaga siya sumuntok parang bakal ang kamao. Tangina na lang! Tapos ang mga kaibigan ko tinatawanan lang ako, 'ganon ba ko ka weak kapag si Dale ang sumusuntok sakin? Hindi ko rin maintindihan basta ang alam ko hindi nananakit ng babae. "Man, si Dale lang pala katapat mo." sabi ni Leon at tumawa nanaman. Mabilaukan ka sana ng laway mo. Letse!

Tinapik naman ni Ryu ang balikat ko. "Buti nga sa'yo! Simpleng manyak ka kasi." sabi nito at tiyaka tinakpan ang bibig para mapigilan ang pag-labas ng tawa niya. Tangina! Napaka-supportive nilang kaibigan. Sobra akong na-touch, naiiyak ako. "Gago! Huwag mong pigilan baka mag-kasakit ka. Letse!" pag-kasabi ko 'non tumawa na rin siya ng malakas habang si Leon ay naka-upo na sa sahig at hawak-hawak ang tiyan.

Lumapit naman sakin sina Demise at Keesan. "Masanay ka na kay Dale." sabi ni Demise at tumabi sakin. Wala naman akong magagawa kundi ang masanay. Si Keesan naman ay nakatitig lang sakin at napapa-iling. "Hindi mo siya makukuha ng 'ganon kadali." bigla niyang sabi at napahawak pa sa baba niya. "Dadaan ka muna sa butas ng karayom." dagdag niya.


Napa-kunot noo ako sa sinabi ni Keesan. Napansin niya siguro, "Para siyang puno, matagal mapatubo." sabi muli ni Keesan na lalong nagpa-kunot ng noo ko. Kingina! Akala ko ie-explain lalo niya lang pinasakit ang ulo ko eh.

Binatukan ako nila Leon at Ryu. Putangina! Maka-batok akala mo sila ang Leader. "Grabe man. Ang dami kong tawa at mas nadagdagan dahil hindi namin akalain na slow ka." sabi ni Leon at tiyaka hinila paalis si Demise. Tinapik lang ako ni Ryu at hinila rin paalis si Keesan.

Anong magagawa ko? Sa hindi ko naintindihan eh. Punyeta!


Dale.

Nandito ako sa opisina at hinihintay ang principal ng eskwelahan na 'to. Habang nag-hihintay ay naka-dekwatro at nag-lalaro ng Exo Run sa cellphone. Full wifi access ang eskwelahan kaya naman sarap buhay ng mga estudyante.

Natigil ako sa pag-lalaro dahil lumabas sa screen ng cellphone ang numero ni Papsy. Ang baduy lang dahil 'yan daw itawag ko sa kaniya ayaw niya ng Lolo dahil pakiramdam niya matanda na raw siya. Matanda nanaman talaga siya. "Oh?" istorbo kaya siya. Nag-lalaro ang tao tiyaka siya tatawag. "Nabalitaan ko. Sinisimulan mo na pala." Malamang kaya nga nabalitaan mo eh. Minsan talaga engot 'tong si Lolo. "Yeah! Sige baba muna. Nandito na siya!" sabi ko at ilan sandali ay binaba niya rin ang tawag.

Naupo si Princ-epal sa swivel chair at inayos ang salamin niya. "What can i do for you?" tanong niya sakin at may kinuha siyang papel sa lamesa. Tumayo ako at lumapit sa table niya tiyaka idinikit doon ang bubble gum. Nakita ko ang pag-kainis sa mukha niya kaya napangisi lang ako. "Wala ka talagang galang." Hindi naman kasi kagalang-galang ang katulad niya. May kinalikot ako sa cellphone ko at tiyak inilapag 'yon sa harapan niya.

Nakita kong namutla siya ng mag play ang video. "Teresa Sanchez at 50 year's old. May dalawang anak at asawang nasa ibang bansa." sabi ko habang nag-lalakad paikot sa table. "Principal ng eskwelahan sa loob ng maraming taon. Ginagalang ng marami pero malandi naman pala." dagdag ko at ngumisi. Patuloy pa rin sa pag-play ang ang video. "Ginagatos ang pera para makipag-sex sa mga estudyante rito. Nakuha mong mangupit sa bank account ng school para lang sa bisyo mo."

Nakuha niyang mangupit or should i say, nakuha niyang magnakaw dahil sa bisyo niyang walang kwenta. Hindi niya ginagawa ng maayos ang trabaho dahil oras oras nakikipag-talik siya sa mas bata sa kaniya. Kadiri lang na pumapatol ang ibang estudyante sakaniya. Kulubot na ang balat at hindi naman mapupula ang labi. Malamang maluwag na siya dahil matanda na at isa pa, tanga dahil kayang ipag-palit ang lahat para lang sa bisyo niya. Nakaka-awa ang pamilya niya.

Nakita kong umiiyak na siya. Kinuha ko ang cellphone ko at ibinulsa. "Ginawa ko lang 'yon dahil depressed ako." sabi niya. Napa-kamot ako sa kilay ko at tiyaka nag-cross arms. "Hindi ko naman po tinatanong." sagot ko. Wala naman akong tinatanong. Princ-epal talaga.

Inilapag ko sa harapan niya ang gold na sobre na may laman na tseke. "Kunin mo 'yan at lumayas ka na sa paaralan na 'to." Kinuha niya ang sobre at binuksan. Kung may ilalaki pa ang mga mata niya, siguro lumaki na. Baka nga mahulog pa ang eye balls niya. "Sabi ko umalis ka na." Tinutukan ko siya ng baril. Nag-madali naman siyang umalis sa harapan ko. Kailangan talaga tatakutin muna bago sumunod.

Narinig kong nag-bukas ang pinto kaya naupo ako sa sofa rito. Ini-abot niya sakin ang isang malaking pakete ng milo at tumabi sakin. "Bakit nag-mamadaling umalis ang Principal?" tanong ni Demise. Nagkibit-balikat lang ako at tiyaka binuksan ang milo. Inilahad ko ang kamay ko. "Kutsara." sabi ko. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa 'non si Keesan na may bitbit na kutsara. "Eto, Dale. Sorry! Natagalan." kinuha ko 'yon at sinimulan ng papakin ang milo.

Nag-uusap lang sila habang ako abala sa pag-papak ng milo. "Pina-alis mo pala ang Principal." sabi bigla ni Keesan habang may kinakalikot sa cellphone niya. Kaya hindi ko na sinabi dahil malalaman din nila. Expert si Keesan sa mga ganiyan bagay. Mahilig siyang mag-hack, mag-imbestiga at mag-imbento ng mga kung ano-anong bagay.

"Ano bang balak mo?" tanong ni Demise na kumakain na ng clover. I wonder how she get that clover. "Abangan mo na lang." sabi ko at tinapon ang balat ng milo.

Lalabas na sana ako ng biglang pumasok ang tatlong ugok. Napakunot noo ako. Tinignan ko sina Demise at Keesan, parehas silang nag-iwas tingin. Hinipan ko ang bangs ko tapos tumingin muli sa tatlong ugok. "Alis!" sabi ko at nag gesture na umalis sila. Ngumiti lang silang tatlo at ipinakita ang dala nilang plastic bag.

May laman 'yon na milo, junk foods at mga coke in can. Napa-taas ako ng kilay at tiyaka sila pinapasok. Pag-katapos ay lumabas na ko at isinara ng malakas ang pinto.


Matthew.

Nagka-tinginan kaming lima sa inasta ni Dale. Kaya nga kami bumili ng maraming milo kasi sabi nila Demise, adik si Dale sa milo. Pabagsak akong naupo sa swivel chair at uminom ng coke. Mga letse talaga! Junk foods lang kinakain nila ay nakuha pa na mag-subuan.

"Bakit ganiyan mukha mo? Naka-busangot." sabi ni Leon. Punyeta! Nakuha niya pa kong inisin. "Inggit lang 'yan! Wala kasing nag-susubo sa kaniya." sagot ni Ryu.

Tangina! Ang bait nilang kaibigan ginawa nila kong chaperon dito.

Binato ko sila ng ballpen at tinamaan sila sa ulo. "Katulad ng sinabi ko." biglang salita ni Keesan. Nako! Heto nanaman siya. Uminom muna siya ng coke. "Si Dale ay parang puno. Mahirap patubuin." sabi niya hinawakan ang baba. "Para rin siyang halaman. Kung hindi mo didiligan ay hindi lalago."

Nakakunot noo akong naka-tingin sakaniya. Pero mas lalo akong na inis dahil wala akong naintindihan sa pinag-sasabi niya.

---

Vote. Comment. Recommend

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top