PMS30: Last Chapter
Dale.
Nang mapaluhod ako sa sahig ay hinawakan ko ang braso ko na may tama ng baril. Walang tigil sa pagtulo ang dugo nito at masyado na din akong pagod kaya wala na akong lakas para makatayo pa. Mauupo sana ako ng maramdaman ko ang pagtama ng baril sa aking likod ko, unti-unti akong lumingon sa likod at nakita kong hawak ng Doctor ang baril nakangisi ito at kasabay noon ang tuluyuan niyang pagkamatay.
Wala akong nagawa kundi ang gumapang kahit na nararamdaman ko ang hapdi sa likod dulot nang bala. Pinilit kong makarating sa gilid at makasandal ng maayos. Walangyang Doctor hindi talaga siya pumayag na hindi ako mapuruhan bago siya mamatay, Psh!
Kumikirot na ang likod ko, sinabayan pa ng braso kong may tama rin. Gagamitin ko sana ang earpiece ang kaso wala na sa tainga ko, marahil ay nahulog iyon kanina 'nung nakikipaglaban ako sa kanila. Ang malas ko naman ngayon dahil, alam kong wala na sila Kuya Gio sa labas at siguradong hinihintay na nila ako sa kotse.
Napaubo ako dahil tumitindi na ang sakit ng likod ko, sa likod ba naman ako barilin, tss!
Pumikit ako at dinama ang paligid, tahimik sobrang tahimik at nakakabingi. Napaka-payapa ng paligid at ito ang nais kong mangyari ang maging payapa, hindi katulad noon na kinailangan ko pang gawing mga demonyo ang estudyante sa Irefin, kailangan ko pang pumatay, kailangan ko pang maging masungit at maging pilosopo, kailangan ko pang pahirapan ang iba.
Ngayon tapos na, naiganti ko na ang pamilya ko. Nakita kong muli ang kuya ko na inakala kong patay na, masaya na siguro sila Mommy at Daddy sa taas dahil natapos ko na ang nasimulan ko na. Natuto akong mag patawad na hindi dapat ng nagkamali kailangan parusahin gamit ang dahas. Alam kong nakangiti ngayon ang magulang ko dahil, ginawa ko ang tama at hindi ako nag padala sa galit.
Napaubo akong muli at minulat ang mata ko tapos ay tumingin ako sa aking kamay na pinangharang ko sa aking bibig. May dugo.
May dugo ang palad ko dahil na din siguro sa tama ng bala ko sa likod. Kanina pa din ako nandito at nanghihina na ako, gusto ng pumikit ng mga mata ko pero pinipilit kong mag mulat dahil, nais ko pang alalahanin ang mga nangyari.
Mabuti na lang din ang naamin ko sa sarili ko na nag-aalala ako kay Matthew na tanga. Engot naman kasi talaga siya, handa niyang isakripisyo ang sarili niya para lang iligtas ang isang katulad ko. Nakakapagtaka rin na sa lahat ng babae sa akin pa siya nagka-gusto, sa babaeng makasalanan pa.
Pero, hindi ko siya masisisi dahil ka gusto gusto naman talaga ang itsura ko. Pwe! I coughed.
"Dale!" napamulat ako dahil sa malakas na sigaw. Matutulog na ako nakuha pang sumigaw.
"What the hell? Mabuti na lamang at bumalik ako." dinig kong sabi ni Kuya Gio, ngumiti lamang ako sa kanya dahil nahihirapan na akong ibuka ang bibig ko.
"Nahirapan akong hanapin ka, halika na. Kaya mo bang mag lakad?" tanong niyang muli. Minsan talaga ang sarap niyang batukan, nakikita na ngang hindi kaya itatanong pa. Tsk!
Hindi ako sumagot at naramdaman kong binuhat niya ako. Wala akong nagawa kundi ang pumikita na lamang, hindi ko na kaya sobrang sakit na ng likod ko at nahihirapan na rin akong huminga.
"K-kuya" ang hirap mag salita. Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong nangyayari sa akin, handa naman ako sa bagay na ito.
"Huwag kang mag salita, malapit na tayo!" sigaw niya. Medyo naaalog ang aking ulo dahil tumatakbo na siya ngayon, alam kong nahihirapan siyang buhatin ako pero kinakaya niya.
"A-lagaan mo si Lolo, matanda na 'yon!" ani ko. Pero, wala akong narinig na sagot mula sa kanya at mas bumilos ang takbo niya, nahihilo sa ginagawa niya at para akong nasusuka.
"Pa andarin niyo na ang kotse!" dinig kong sigaw niya.
"Bakit?" boses yon ni Demise.
"Tangina! Bilisan niyo na!" narinig ko ang pag sarado ng pinto pero, hindi ganoon kalinaw sa akin. Nabibingi na yata ako dahil alam kong sumisigaw si kuya pero, hindi ko gaanong marinig.
Napakunot-noo ako dahil, sabay-sabay silang nag sasalita ngunit wala akong maintindihan bukod sa parang buzz buzz lang na parang bubuyog. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko, sobrang higpit 'non. Hindi ko naman iyon inalis kahit nakakairata dahil wala na akong lakas, may tumatapik sa pisngi ko pero nong maglaon ay hindi ko na maramdaman.
"Don't sleep, Dale. Fvck!"
--
Halos paliparin na ni Demise ang kotse dahil sa nakikita niyang kalagayan ng kaibigan sa likod ng kotse. Nakikita niyang tinatapik ito ng kanyang kuya pero, hindi naman ito nagalit o nainis. Kung normal ang kalagayan ng kanyang kaibigan ay marahil, namura o nasapak na sila nito. Kinakabahan siya sa mangyayari ayaw pa niyang mawala ang kaibigan, madami pa siyang utang dito na dapat bayaran. Dahil, kung hindi dahil kay Dale marahil ay sila ang nasa bingit ngayon. Utang nila kay Dale ang buhay nila at ayaw niyang mawala ito dahil hindi pa nito oras.
"Demise! Wala na bang ibibilis yan? Hindi na gumagalaw ang kapatid ko!"
"Kumalma ka, Gio!" pag-papahinahon ni Guinevere.
"Paano ako kakalma kung nasa ganitong kalagayan ang kapatid ko?!"
Mabilis silang nakarating sa Hospital malapit sa pinanggalingan nila. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Demise at mabuti na lamang ay nasa highway siya kung saan walang gaanong sasakyan, hindi rin sila nahuli dahil wala naman bantay.
Mabilis na inasikaso ng mga Nurse at Doctor si Dale, dinala ka agad ito sa Emergency Room at naiwan sa labas ang mga kasama nito. Gustong pumasok ni Gio pero, hindi ito pinahintulutan ng Doctor.
Nakaupo si Demise, katabi nito si Ryu. Si Guinevere ay nakaupo sa katapat na upuan nila Demise at si Gio ay nasa tapat ng Emergency Room. Hindi nila kasama si Matthew dahil ginagamot din ito ng mga Nurse sa ibang kwarto.
Lahat sila ay tahimik at walang nag sasalita, hindi rin sila umiiyak dahil alam nilang ayaw ni Dale iyon. Palakad lakad lang si Gio sa tapat ng Emergency Room habang si Ryu ay tumayo at nag paalam upang bumili ng makakakain nila. Tinabihan naman ni Demise si Guinevere.
"Ate, ipagamot mo din ang sugat mo." nag-aalang sabi nito dahil, nakikita niyang dumudugo ito.
Lumingon si Guinevere kay Gio at tumingin kay Demise na may ngiti sa labi. Ayaw niyang iwan si Gio dahil kailangan siya nito ngayon, kaya niyang tiisin ang sakit na kanyang nararamdaman dulot nang kanyang sugat pata sa taong mahal niya. Iniisip niya na hindi naman siya mamamatay dahil sa kanyang sugat. Mas kailangan sila ni Dale dahil, agaw buhay ito ngayon.
"Ipagamot mo na muna yan, ako na muna ang bahala dito." dinig nilang sabi ni Gio.
"Oo, mukhang matagal pa sila sa loob. Hindi matutuwa si Dale kapag nakita niyang ganyan ang kalagayn mo, baka masermunan ako 'non." sabi nito at ngumiti.
Kitang-kita sa mga mata nito na nasasaktan siya para sa kanyang kapatid, kung pwede lang na pag-palitin ang kanilang pwesto ay ginaw niya na. Mahira para sa kanya na nakikita niyang nahihirapan ang kapatid, ilang taon niya itong pinagmasdan at prinotektahan mula sa malayo. Ngunit, sa ganito lamang mauuwi.
Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil wala man lang siyang nagawa para dito, kung sana ay hindi siya nakinig sa kapatid at pinairal nito ang pagiging kuya sana ay hindi ito nangyayari.
"Wala pa din balita?" tanong nito ng madatnan si Gio na nasa tapat ng pinto.
"Mag dadalawang oras na pero, wala pa din lumalabas sa pintong yan." sagot nito.
"Mag tiwala tayo kay Dale, malakas siya at alam kong kaya niya iyan. Hindi siya tatawaging Satan kung mabilis siyang susuko." ngingisi-ngising sagot nito.
Naalala bigla ni Matthew 'nong una niyang makita si Dale, nakuha niya pang pag-pantasyahan ito kahit na pilosopo at masungit ito. Mas lalo siyang naging interesado dito dahil, kakaiba ito sa lahat ng babae niya. Aminado siya na babaero siya, ngunit unti-unti iyon nawala simula nang palagi niya ng sinusundan si Dale. Kahit saan ito mag punta ay palihim siyang sumusunod, kapag may nagtataka dito ay hinaharang niya agad.
Natutuwa siya sa tuwing nakikita niyang nakakunot ang noo nito, lalo kapag naiinis ito dahil sa kanya. Hindi maiwasan mamahangha sa taglay nitong kagandahan at katapangan, pero doon niya unti-unting nakilala ang isang Dale Irefin. Dahil sa pag sunod niya rito ay nakilala niya ang totoong Dale, ang Dale na matapang kapag kaharap ang iba pero kapag siya na lamang mag isa ay doon lumalabas ang tinatago nitong kahinaan.
Ang pagka-gusto niya kay Dale ay nauwi sa mas malalim na pag tingin at kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa babaeng nagturo sa kanya kung paano magmahal at mag hintay. Doon niya natutuhan na hindi dapat minamadali ang mga bagay bagay, na dapat itong pag hirapan bago mo makuha. May mga oras na dapat seryoso ka at may mga oras na ka tanggap-tanggap ang mga biro mo. Dapat alam ang limitasyon sa mga bagay bagay.
Napangiti siya habang inaalala ang mga napagdaanan nila, matagal na rin at sa ilang buwan na iyon ay madami siyang natutuhan.
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" mabilis silang lumapit sa Doctor. Mahigit tatlong oras din silang nag hintay at sa wakas ay may balita na.
"Ako po, kamusta po ang kapatid ko?" habang kausap ni Gio ang Doctor ay dumating na si Ryu na may dalang pagkain, nasa likod nito sila Guinevere at Demise halos mag kasunod lamang ang mga ito.
"Maayos na ang iyong kapatid, natanggal namin ang mga bala sa katawan niya. Ngunit, hindi pa natin malalaman kung kailan siya magigising dahil sa likod ang malalang tama niya."
"Ibig sabihin in comatose ang kapatid ko?"
"Oo, maaari niyo ng siyang ilipat ng kwarto." nag pasalamat ito sa Doctor at nakahinga ng maluwag, hindi siya mababagabag dahil ligtas na ang kapatid niya. Ang inaalala niya lang ay hanggang kailan nito balak matulog at mag pahinga.
"Ako na ang bahalang mag asikaso sa kwarto ni Dale, umuwi na din muna kayo para makapag-pahinga." sabi nito habang minamasahe ang sintido niya.
"Magigising din siya, kailangan niya lang ng pahinga." sabi ni Guinevere sa kanya, napangiti na lamang siya dito. Hindi niya alam ang gagawin kung wala ng kanyang nobya.
"Babantayan ko si Dale, dito lang ako." napatingin silang lahat kay Matthew.
"Hindi matutuwa si Dale sa gusto mo bumalik na lamang tayo dito." Walang nagawa si Matthew kung hindi ang sumama sa mga ito.
Matthew.
Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa din nagigising si Dale, malaking kwarto ang kinuha ni Kuya Gio dahil madalas dito sila natutulog. Hindi namin hinahayaan na mag isa si Dale dito, ako naman dinala ko na ang mga gamit ko dito at halos dito na ako tumira. Umuuwi lamang ako sa bahay kapag kailangan ko ng mag palaba ng damit at kumuha ng mga damit.
Noong una ay ayaw nila akong payagan, sinermunan pa nila ako pero ito ang gusto ko. Gusto kong pagmulat ng mga mata niya ako agad ang makikita niya, gusto ko ako ang unang makaalam na gising na siya. Hindi ako selfish, masyado ko lang siyang mahal. Hindi rin ako nagte-take advantage na porke tulog siya eh, manghahalik na ako hanggang pag hawak sa kamay lang ang ginagawa ko. Dahil simula ng magustuhan at mahalin ko siya nirespeto ko na siya.
Paglabas ko ng banyo ng kwarto niya, tinuyo ko ang buhok ko habang hinahawa ang kurtina ng kwarto niya. Maganda ang araw ngayon, hindi makulimlim o maulan nitong mga nakaraang araw kasi maulan dahil may bagyo daw ngayon naman maaliwalas na ang langit. Matapos ay tumingin ako sa higaan ni Dale, kailan kaya magigising ang babae-- teka walang tao sa higaan niya!
Mabilis kong itinapon sa kung saan ang tuwalya ko at chineck ko ang kama niya pati bawat sulok ng kwarto pero, walang Dale akong nakita.
Hindi kaya may kalaban pa at nasundan kami dito? Shit! Dali-dali akong lumabas kaso pag labas ko saktong nandoon sila Demise at bubuksan na sana ang pinto.
"Bakit parang problemado ka?" tanong ni Ryu.
"Si Dale nawawala!" sigaw ko. Nag tinginan ang mga tao samin pero, wala akong pakialam si Dale ang mahalaga ngayon.
"Anong sinasabi mo Matthew? Eh, nando--" hindi niya na naituloy ang sasabihin ko dahil nakarinig kami ng tawanan mula sa hallway ng Hospital.
Pag-tingin ko sila kuya Gio, Guinevere at Dale? Gising na si Dale! Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tumakbo ako patungo sa kanya. Pinitik ko agad ang kanyang noo kaya napakunot-noo siya.
"Ano ba Matthew na tanga?!" sigaw niya.
Ngumiti lang ako ng malapad ang niyakap siya ng mahigpit. Nakarinig naman kami ng hiyawan at nangingibabaw ang malakas na boses nila Demise at Guinevere na kinikilig. Nagpo-protesta rin si kuya Gio pero pinigilan ito ni Guinevere.
"Bitaw!"
"Na miss kita!"
"Hindi kita namiss!"
"Sabi ko dapat ako ang una mong makita kapag nagising ka."
"Baka matuluyan ako kapag ikaw ang una kong nakita!"
Hindi ako sumagot at nakatitig lamang sakanya, namiss ko ang mga mata niya, ang pagkunot-noo niya, ang pamimilosopo niya, ang lahat sa kanya. Hindi ako makapaniwala na gising na siya at maayos na siya.
"Matthew na tanga, lapit ka dito!" aniya. Hindi na ko nag pabebe ba dahil siya ang boss samin dalawa.
Hinawakan niya ang mag kabilang pisngi ko at naramdaman ko nalang na dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang ginawa, si Dale Irefin hinalikan ako. Nakakabakla pero, anong pake ko?
"Akin ka lang, pakasal na tayo!"
Napangiti ako, alam kong hindi siya sweet at alam kong ang ibig sabihin ng sinabi niya ay Mahal niya ako at ayaw niya na akong pakawalan pa.
"Tara na sa simbahan."
"Hindi ako maarte, nandyan na ang pari at dito tayo mag papakasal, tsk!"
The End.
--
Una sa lahat salamat sa mga nagbasa ng PMS, alam kong boring ang istorya kong ito pero pinush ko pa din. Haha! Salamat kay ate IreneNicole na bawat chapter ng PMS ay nag ko comment siya, kung hindi dahil sa pagta-tiyaga niya sa PMS baka binura ko na ito at hindi tinuloy. Pangalawa salamat sa mga silent readers, nalalaman kong may nagbabasa dahil sa reads. Pangatlo, #Happy1YearPMS alam kong late na dahil noong September 7 pa dapat pero ayon gusto ko lang batiin.
Again, thank you so much for reading PMS. Lovelots!
Ps. May bago akong story.
No Epilogue.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top