PMS3: Cemetery
Tahimik at taimtim na namamahinga si Dale sa hardin ng eskwelahan. Hindi siya pumasok sa mga klase niya dahil sinumpong siya nang katamaran at dahil din sa may pinuntahan siyang importante na hindi dapat ipag-paliban.
Nakasandal siya sa puno habang nag-yoyosi. Ibinuga ng dalaga ang usok at kumorte itong bilog na medyo hawig na sa puso.
Medyo nakaramdam na siya ng inis dahil ilan buwan niya na rin pinag-aaralan na makagawa ng korteng puso gamit ang usok na nang-gagaling sa sigarilyo.
Tumingin lang siya sa kalangitan dahil bigla siyang may naalala. "Ang tagal ko na pa lang hindi nakakadalaw sa inyo." patuloy lang siya sa pag-titig sa langit. Humithit siya ng isa pang-beses bago itapon sa kung saan sigarilyo. "Kaya ko na ba kayong harapin?" Dale shooked her head.
Minabuti niyang umalis na sa lugar na 'yon at pumunta sa open field.
Pag-karating niya ay may nakita siyang soccer ball. Kaya naisipan niyang mag-laro mag-isa. Hinubad niya ang kaniyang black coat at tanging sandong itim na lang ang natira. Hinigpitan niya rin ang sintas ng rubber shoes niya para walang sasagabal.
Nag-simula niyang sipain ito at gumagawa siya ng stragedy na pwedeng magamit kapag lumaro siyang muli. Ilan metro ang agwat niya sa goal bago niya 'to sipain ng malakas. Ngunit, bigo siya dahil hindi 'to pumasok.
Kinuha niya muli ang bola at sinimulan itong sipain. Pokus siya sa kaniyang ginagawa kaya hindi niya namalayan na may nag-mamasid sakaniya.
"Nag-lalaro na ulit siya."
"Tanggap na kaya niya?"
Nag-pakawala ng buntong-hininga si Dale bago sipain muli bola matapos niyang tantiyahin. Pigil ang hininga ng dalaga maging ang dalawang nanonood sakaniya.
'Goal' sabi ng dalaga sa kaniyang isip. Nahiga siya habang ang dalawang kamay ay nakataas at sinisipat ang mga ulap na nakikita niya.
Ngumiti ang dalaga pero nawala rin bigla. "Dale ang galing mo." bumalik sa dati ang mukha niya na poker face. "Kanina pa kayo diyan?" tumango lang si Demise at Keesan na may ngiti sa labi.
"Kailan mo sila dadalawin?" seryosong tanong ni Demise. Nag-kibit balikat lang ang dalaga at saka ipinatanong ang kaliwang kamay sa mata.
Tinapik nila Demise at Keesan si Dale sa braso bago nila iniwan ito. Alam nilang gustong mapag-isa ng dalaga at ayaw nilang istorbohin ito. Naiintindihan nila ang pinag-dadaanan nito kahit matagal na panahon na ang nakalipas.
Habang nag-lalakad sila ay nakasalubong nila ang tatlong binata. Agad na lumapit si Demise kay Leon at si Ryu ay kinulit si Keesan na naiirata na dahil araw-araw na lang siyang binubwiset ng lalaking walang magawa sa buhay. Habang si Matthew ay parang may hinahanap. "Si Dale ba?" nagulat siya sa tinanong ni Demise pero tumango na lamang siya bilang sagot. "Huwag mo munang hanapin. Dahil kailangan niyang mapag-isa." singit ni Keesan at umalis dahil kung hindi pa siya aalis may mapapatay siyang bwiset na lalaki.
Nag-kibit balikat lang si Demise at niyaya na rin umalis si Leon. Naiwan naman si Matthew na nakatayo sa kawalan at hindi ininda ang mga matang nakatingin sakaniya. 'I need to find her.'
Una niyang pinuntahan ay ang hardin kung saan madalas tumambay si Dale. Pero wala siyang nakitang Dale. Walang anino o bakas man lang. Pangalawa niyang pinuntahan ay ang dormitoryo ng mga babae at ang silid ng dalaga, binuksan at ginalugod niya na rin ang loob nito pero, wala pa rin siyang Dale na nakita.
Bumaba siya at nag-punta sa canteen, ipinag-tanong na rin niya sa ibang estudyante ngunit ang sagot nila ay hindi naman nakatulong sa binata.
Naiinis na siya pero mas matimbang ang pag-aalala niya.
Kinuha niya ang kaniyang kotse at pinaharurot ito papunta sa mall ng unibersidad. Nag-tatabihan ang mga estudyante dahil ayaw nilang mahagip ng kaskaserong may ari ng sasakyan. Wala pang-ilan minuto ay nakarating na ang binata sa mall. May kalakihan ang mall kaya halatang matatagalan siya pero hindi niya 'yon ininda at tumakbo agad para mas mabilis.
Pinasok at hinalughog siya ang bawat parte ng tindahan hanggang sa kasuluksulukan nito. Nang wala siyang napala ay sa mga kainan naman siya nag-hanap pero katulad ng nangyari sa iba ay wala siyang napala.
He bit her lower lip. "Fuck! Where the fuck are you?" napa-sapo siya sakaniyang ulo dahil sa kabobohan niya. Kinuha niya ang cellphone and dialled's Dale number. May numero siya ng dalaga pero ni minsan ay hindi niya ito sinubukang tawagan o itext.
"Pick up! Pick the fucking phone." ilan minuto siyang nagpa-ulit ulit na tawagan ang numero ng dalaga.
"The hell? Bakit ngayon mo lang sinagot?" sigaw niya. Napalingon sakaniya ang mga tao sa mall kaya sinamaan niya ang mga ito ng tingin.
"Sino ka?" nagulo ni Matthew ang kaniyang buhok dahil sa sinagot ng dalaga.
"Matthew here. Where the hell are you?" sobrang naiinis na siya at nag-aalala.
"Field." ibinaba na ng dalaga ang tawag at nag-madali naman na lumabas si Matthew ng mall.
Napakunot noo naman si Dale at napaupo bigla dahil sa inasta ng binata. Para 'tong hindi mapatae at sinigawan pa siya. Kinapa niya ang kaniyang bulsa para kumuha ng sigarilyo pero naalala niyang wala na pala siyang dala at naubos na niya kanina.
Tatayo na sana siya ng may pumaradang kotse sa harapan niya. Mula sa kotse ay bumaba si Matthew na may pag-alala sa mukha.
Nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. Halos! Hindi na siya makahinga. "Fuck! Get off!" hindi siya pinakinggan ng binata at mas lalong hinigpitan ang yakap. No choice siya. Hinampas niya ng malakas ang likod nito sa sobrang lakas ay napa-higa si Matthew at gustong mamilipit sa sobrang sakit.
"Bakit ka ba biglang nang-yayakap?" inis na tanong ni Dale.
"D-amn! Can't you see? Nag-aalala ako sayo. Akala ko napano ka na." inis na sagot ng binata sa dalaga.
"Bulag ako." sabi ng dalaga at tumayo upang umalis. Hinayaan niyang naka-handusay si Matthew at namimilipit sa sakit.
...
Pagka-pasok sa silid ay sumalampak siya sa kama. Hindi niya maintindihan kung bakit 'ganon kung umasta ang binata. Pakiramdam niya ay pinagti-tripan siya nito. Wala na siyang tiwala sa ibang tao bukod kila Lolo, Demise at Keesan. Ayaw niya ng mag-bigay ng tiwala sa iba dahil sa nangyari noon.
Hindi niya naisip na gumanti dahil parang ginaya niya na rin ang mga 'yon. Pero, inaamin niyang nag-iba na siya. Sa pag-mumuni niya ay biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya 'to at hindi na tinignan kung sino ang tumawag. "Oh?"
"Get your ass here!" sigaw sa kabiang linya kaya inilayo niya ang cellphone sa tainga. "Problem demise?" si Demise ang tumawag at ayaw niyang tinatawagan siya nito dahil sa nakakairatang boses ng dalaga kapag sumisigaw. "Matthew is in critical condition." napangisi si Dale dahil sa sinabi ni Demise. Hindi siya engot para malaman na kaya sinabi ni Demise 'yon ay gusto nilang pumunta 'to sa hospital.
Ibinaba niya na ang tawag. Pero maya-maya lang ay tumunog ulit ito. "What?"
"Dadalawin ko sila. Sasama ka ba?"
...
Kinabukasan maagang nagising si Dale para umalis. Napag-tanto niya na ito na ang tamang oras para dalawin sila. Dumaan mo na siya sa flower shop upang bumili ng bulaklak.
Pagdating niya sa pinaka-tahimik na lugar sa mundo ay nakita niya ang kaniyang Lolo na nakatayo at may bitbit na pagkain. Lumapit siya rito at tinapik lang siya sa balikat. Ibinaba niya ang dalang bulaklak at ngumiti ng tipid. "Patawad! Dahil ngayon lang ako dumalaw. Hindi ko pa kasi matanggap pero ngayon tanggap ko na. Alam ko rin naman na hindi kayo matatahimik diyan hangga't hindi ako nagiging maayos. I missed you!"
Danica Irefin
1976-2013
Levi Irefin
1974-2013
Gio Irefin
1993-2013
Muli niyang naalala ang gabing nag-pabago sakaniya. Ang gabing naging dahilan kung bakit at kung ano na siya ngayon. Gabing naging dahilan kung bakit niya gustong mag-higanti pero ayaw niyang gumawa sa mga hayop na 'yon.
Bumalik siya sa kasalukuyan dahil nagulat siya sa itinanong ng Lolo niya. "Kamusta naman kayo ni Matthew?" may hinala na ang dalaga na may kinalaman ang kaniyang Lolo kung bakit sila nag-tagpo ni Matthew. Hindi niya maintindihan kung para saan. "Ano bang balak mo Lolo?" umiling lang ang matanda at nginuso ang nasa likuran niya.
Tinapik ng matanda ang likuran ng binata at mau ibinulong dito. Tumango lang binata bilang sagot. "Good afternoon po." magalang na sabi ng binata.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" nagkibit-balikat lang ang binata at ngumisi. Hindi na 'yon pinansin ng dalaga at itinuon ang atensyon sa puntod ng kaniyang pamilya. "You can cry on my shoulder." umiling lang si Dale. Wala na siyang iiiyak pa. Dahil matagal niyang sinabi sa kaniyang sarili na hindi na siya iiyak at walang sino man ang kayang magpa-iyak sakaniya.
"Sabi ni Lolo ay sa akin ka na sumabay." sinamaan niya ng tingin si Matthew. "I have my own car." napatawa si Matthew sa inasta ng dalaga dahil pakiramdam niya talaga ay ayaw sakaniya nito. "Kanina pa wala ang kotse mo. Pinakuha na ng Lolo mo."
Wala nang nagawa si Dale kaya hinila niya na lang si Matthew. Inilahad niya ang kamay at naintindihan naman 'yon ni Matthew. Ibinigay niya ang susi sa dalaga. "Dale may pupuntahan pa kasi ako." napalingon naman sakaniya si Dale. "Where?"
Ang daming tao at maraming nag-hihiyawan. Sabik na sabik ang mga 'to sa laban na magaganap pero problemado pa rin si Matthew dahil hindi makakapunta ang mga kaibigan niya. Nagulo ng binata ang kaniyang bihok at hinilot ang ulo dahil sa hindi malaman ang gagawin. "Kayo ang lalaban? Na saan mga kasama mo?"
Umiling lang si Matthew bilang sagot. "I can be a substitute."
"No. Mapapahamak ka." hinila ni Dale si Matthew at pumasok sila sa ring. May nakapalibot na glass sa buong ring at hindi ka makakalabas hangga't hindi natatapos ang laban. Wala rules kahit ikamatay ng kalaban mo ay ayos lang.
Nag-bigay ng hudyat ang MC at nag-simula na ang laban. 2 vs. 2 ang laban dahil hindi patas kung tatlo sila at dalawa lamang sila Dale.
Sinipa ni Dale sa ulo ang lalaki dahilan pata matumba 'to. Walang kahit na anong armas si Dale kaya nag-aalala si Matthew pero iwinaksi niya mo na 'yon dahil nasa isang laban sila.
Tinuon ni Dale ang takong ng sapatos niya sa leeg ng lalaki. Diniinan niya ang pagkakatuon at bumaon 'yon sa leeg ng lalaki, sumirit ang dugo at natalsikan ang damit ni Dale. Hindi nakuntento ang dalaga at pinag-susuntok pa ito sa mukha kahit na nag-aagaw buhay na ang lalaki. Sinuntok niya ito hanggang sa hindi na makilala at punong-puno nh dugo ang kamay ng dalaga. Nang makuntento siya ay mabilis siyang umayos ng tayo at nakita niyang nakatitig si Matthew sakaniya.
Hindi makapaniwala si Matthew sa kaniyang nakita. Ibang-iba Dale ang nakita niya. Walang awa, walang ibang naririnig at naka-ngisi pa habang nawawalan ng hininha ang kalaban. Halata mo sa mukha ng dalaga na nasisiyahan siya.
Nilapitan siya ng binata. "Fuck! Dale you scared me a lot." ngumisi lang ang dalaga na ikinagulat ni Matthew. "Palagay sa account ko ng pera." napailing na lang si Matthew sa inasta ng dalaga at inakbayan ito habang nag-lalakad sila paalis sa lugar.
"Saan mo gusto pumunta?" tanong ng binata kay Dale. Si Dale naman ay abala sa pag-pupunas ng kaniyang kamay para matanggal ang dugo. Hindi nila pinansin ang mga taong nag-hihiyawan ang chini-cheer sila. Karamihan ay lalaki dahil sa pag-hanga sa babaemg lumaban. Medyo nakaramdam ng inis si Matthew pero iwinaksi niya na laman 'yon. Dahil hindi naman nila mahahawakan si Dale. "Let's go home." maikling sabi ng dalaga.
Wala naman nagawa si Matthew kaya sumunod na lang siya kay Dale. Pero isa lang ang tumatak sakaniyang isipan. Gusto niyang protektahan at alagaan ang babaemg katabi niya. Hindi niya hayayaan na masaktan ang dalaga.
---
Vote. Comment. Recommend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top