PMS28: Fool

Dale.

Sinampal ako ni Keesan dahil sa isinagot ko sa kanya, dumugo ang labi ko pero hindi ko ininda at dinura ang dugo sa sahig. Napailing na lang ako dahil si Keesan na tinuring ko na parang kapatid ang may pakana ng lahat, kung bakit madaming nadamay na inosente ay dahil sa kagagawan nila at ng pamilya niya.

"Sampal pala ang tawag 'don? Parang kagat lang ng langgam."

"Napaka-hambog mo talaga, Dale. Kahit na, nasasaktan ka na ay malakas pa din ang loob mo na itago ang emosyon mo.

Ngunit, sa tagal kitang nakasama ay nakilala na din kita kaya alam ko kung sino at ano ang kahinaan mo." Aniya.

Ngumisi ako at sinaksak ng scalpel ang doctor na lunapit sa'kin dahil tuturukan nanaman ako ng Locus. Ang locus ay isang drug na kapag kumalat sa buong katawan mo ay mapaparalisa ka at kasabay 'non ang paghina ng katawan mo na parang hinihigop nito ang lakas mo.

"Hanggang humihinga ako, hindi mo makukuha ang mata ko."

"Tignan natin, Dale kung mag matigas ka pa sa makikita mo."

May kinuha siya sa kanyang bulsa, nakita kong maliit 'yon na remote may pinindot siyang pula. May narinig akong pagbukas ng parang yero kaya napatingin ako sa harapan, unti-unting umaangat ang harang at may isang glass doon madilim noong una ang loob pero maya-maya ay nakailaw din.

May nakita akong malaking tube at may tubig din ito, may tao sa loob at namukaan ko kung sino 'yon.

"Tanda" mahina kong usal.

May nakakakabit sa kanyang bibig para makahinga at lumulutang siya sa loob ng tube. Napaka-walanghiya talaga nila.

"Mamili kana, Dale. Sarili mo o ang buhay ng lolo mo?"

"Huwag kang makinig sa kanya!" napatingin ako kay Matthew na nakaposas ang dalawang kamay habang hawak hawak siya ng dalawang maskuladong lalaki.

"Alisin niyo nga dito 'yan! Dalahin niyo sa isang silid." utos ni Keesan. Sumunod naman ang mga uto-uto sa babaeng 'to. (-_-)

Tumingin ulit ako kay Tanda, kung makikita para lang siyang payapa na natutulog sa loob. Walang iniisip na problema at akala mo'y wala siya sa panganib. Engot ko talaga, dapat talaga pinabantayan ko siya sa mga ninja at assasin para hindi siya nakidnap ng mga pangit na 'to.

But, i made my decision. Im sorry, lolo.

---

Pag katapos akong kaladkarin ng mga pangit na nilalang ay ibinalya nila ako sa sahig dito sa isang kwarto, matapos ay sinaraduhan nila ako ng pinto at ang matinde ay nilock pa nila ito. Mabuti na lang at walang gapos ang paa ko kaya nakatayo ako at sumandal sa dingding.

"Matthew, status."

"Fvck! Where the fvck are you?"

Nakalimutan kong may suot akong earpiece, kung engot ako minsan ay mas engot pala sila dahil hindi man lang nila chineck kung may kahina-hinala sa'kin.

"Calm down, nakita ko na si Dale pero nahuli din ako. Nandito ako sa isang silid, may nag babantay sa'kin." aniko.

"Where's my sister?"

"Hawak pa din ni Keesan at kinidnap din nila ang Lolo mo."

"Paano nangyari 'yun? Secured si Lolo, Matthew at kasama siya ng Lolo mo. That's impossible!"

Ibig sabihin hindi talaga 'yon lolo ni Dale kundi isang dummy lang para mahulog sa patibong nila si Dale. Ibang klase, may utak din pala sila kahit papaano. I shook my head.

"Nasa panganib si Dale."

"I'll go there with Guinevere."

"Dulong pinto yung may kakaibang doorknob."

"Copy. Ipapahanap kita kala Demise at Leon."

"Be safe."

Biglang bumukas ang pinto kaya hindi na ako nag salita pa, parang sinisipat ako ng taga-bantay dahil nakakunot noo ito. Narinig kaya niya?

"May kausap ka ba?"

"Meron, sarili ko."

"Aba't! Bwiset!" sigaw nito at lumabas na ulit. Okay, mukhang tanga!

Sinandal ko ang aking ulo sa pader at tumingin sa kisame, wala akong magagawa kundi ang mag hintay lang dito.

Demise.

Magkasama kami ni Leon ngayon at nagbabantay dito sa labas baka kasi may mga sumulpot pang-alagad si Keesan dito at mapurnada pa ang pag-liligtas nila Gio at Guinevere kay Dale.

"Mautak din talaga ang kaibigan mo, ginamit pa talaga niya ang Lolo ni Dale mapapayag lang ito sa gusto niya."

"She's my ex-friend."

"Okay, chill babe. Pero, hindi man lang nahalata ni Dale na hindi niya 'yon totoong Lolo?"

"Iyon din ang ipinagtataka ko eh, siguro kamukhang-kamuha 'yon ng Lolo niya." napailing na lang ako.

"Hanapin niyo na si Matthew." rinig kong sabi ni Gio gamit ang earpiece.

"Orayt!"

Chineck muna namin ni Leon ang bawat sulok dito para masigurado na wala ng alagad dito si Keesan. Engot, engot din 'yon! Masyadong nakapokus kay Dale, nalusutan tuloy namin siya ng ganon kadali.

Hinawakan ni Leon ang kamay ko at hinalikan ito.

"Saka kana mag lambing kapag natapos na 'to." hindi ito nag patinag bagkus ay hinalikan ako sa pisngi.

"Full charged na ako, babe. Leggo!" Aniya. Hinila niya ako papasok sa loob, take note hindi basta basta hila dahil habang hila hila niya ako ay tumatakbo kami. What a childish boyfriend? Pft.

---

"Pumasok kana sa loob." Ani ng dalaga kay Gio habang binabaril ang mga kumpol na tauhan na nakabantay sa pintuan kung saan nasan si Dale.

"Hindi kita iiwan dito."

"Pumasok kana sa loob baka kung ano na ang ginagawa ng mga hinayupak na 'yon kay sister-in-law." Sagot nito habang nakikipaglaban pa din sa mga tauhan ni Keesan.

"Bu--"

"No buts, Gio. Konti lang naman ang mga asungot na ito at susunod din agad ako."

"Alright, be safe."

Matapos mag paalam ay binuksan na ni Gio ang pintuan, lahat ng mag tatangkang harangan siya ay binabaril agad ni Guinevere sa ulo para pataya agad. Napapailing na lang ang binata dahil sa kabrutalan ng kanyang kasintahan.

Pag pasok niya ay mabilis din niyang isinarado ang pinto, bumungad sa kanya ang isang malaking tube kung saan nandoon ang kamukha ng kanyang lolo. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng silid pero wala siyang ibang nakita doon kundi ang dalawang tube na malaki, magulong silid at ang mga nag kalat ma bangkay na sa tantya ay si Dale ang gumawa.

Nilibot niya ang silid pero wala siyang nakitang bakas ni Dale. Habang naglalakad siya ay may natapakan siyang kakaiba kaya napatingin ito dito, doon niya napagtanto na may kakaiba dito kaya naupo ito at sinipat ang sahig at doon niya nalaman na nabubuksan ito. Isang pinto.

"Akalain mong may underground pa pala ang bulok na warehouse na 'to." napapailing niyang sambit.

May nakita siyang hagdan kaya sinundan niya ito, madilim kaya nahirapan siya hindi naman maaari na gumamit siya ng ilaw dahil baka mahuli siya ng mga ito. Hinayaan niya lang na nakabukas ang dinaanan niua upang makita iyon ng kanyang kasintahan.

Nasa huling baytang na siya ng hagdan pero napatigil siya.

"Ang bilis niyang maloki, akala niya talaga ang lolo niya ang kanyang nakita. Ang sarap niyang pagmasdan habang nakaratay sa kama at walang magawa kundi hintayin ang kanyang kamatayan."

"Konting tiis na lang at mapapa-saatin na ang ating inaasam."

"Anong gagawin natin sa katawan niya pagkatapos? Pwede natin siyang magamit."

"May punto ka, maaari natin gamitin ang kanyang katawan sa mga susunod pang eksperimento, malakas ang katawan niya kaya magagamit natin siya."

Kinagat ni Gio ang kanyang dila upang pigilan ang kanyang sarili na sugurin ang dalawang traydor.

"Napaka-walanghiya talaga nila." sigaw nito sa kanyang isip.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mga yabag patungo sa kanyang pwesto kaya kinabaham ang binata dahil mahuhuli siya ng mga ito kapag nagkataon. Agad siyang naghanap ng pwedeng pagtaguan pero puro pader ang kanyang nakikita kaya wala siyang magawa kundi ang kanyang lubid na kapag ibinato sa kisame ay didikit ito.

Itinali niya ito sa kanyang bewang at saka inihagis ang dulo at hinila na siya nito pataas.

"Mukhang may tao."

"Guni-guni mo lang iyon, walang nakakaalam ng lugar na ito bukod sa atin."

"Ngunit-"

"Baka insekto o daga lang ang narinig mo."

Mga bobo talaga. Nang maramdaman ni Gio na wala na ang mga ito ay saka siya bumaba sa kisame at mabilis na nag tungo sa loob kung saan nandoon ang kanyang kapatid.

Pag kapasok na pag kapasok nito ay agad niyang inilibot ang kanyang paningin sa loob ng silid, katulad ng silid na nauna niyang makita ay malawak ito at halos kulay puti ang makikita ang pinagkaiba lang ay madaming makina at may isang puting kama sa gitna ng silid.

Lumapit siya dito upang makita ng malapitan ang kalagayan ng kapatid.

"Damn! What they did to you?" aniya. Hinawakan nito ang kamay ng kapatid dahil may nakakakabit ditong dextrose, nagtaka siya dahil hindi kulay puti ang kulay nito kundi kulay green.

"Damn them. I will kill them."

Napansin niya ang pamumutla ng kapatid at nananatili itong nakapikit.

"Itatakas kita, princess."

Tatanggalin na sana ni Gio ang dextrose at ang mga kung ano-ano pang nakakakabit dito pero bigla na lang tumunog ang  alarm ng silid at doon niya nakita ang isang lalaki na naka-lab gown habang nakangising nakatingin sa kanyang deriksyon.

"Oh, shit!" aniya.

Walang ibang magawa si Gio kundi ang bitawan ang kamay ng kapatid at kalabanin ang mga sumulpot na tauhan ng mga traydor nitong kaibigan. Napailing na lamang siya dahil abala pa ang mga walanghiya sa pagligtas niya sa kanyang kapatid.

Sunod-sunod na sumugod sa kanya ang mga tauhan nila Keesan at Ryu, kumuha siya ng baril sa kanyang waistband at pinagbabaril ang mga ito. Ang ginamit nitong baril ay ang may poisonus bullets para siguradong mamamatay ang kung sino man babarilin niya.

Habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang sumusugod sa kanya kaya kinailangan niyang ireload ang baril, nag tago ito sa ilalim ng kama ni Dale.

"Guinevere, status"

"7-6 to your place. Where the hell are you?"

"Underground, may daan sa silid kung saan dinal si Dale. Iniwan ko 'yung nakabukas, oh shit. I forgot, baka isinarado na yon nila Keesan."

"Ako ng bahala, i know that you need a back up."

Pag katapos niyang mag reload ay mabilis siyang gumulong at pinagbabaril ang mga nakikita niya at lahat ng mag tatangkang lumapit sa pwesto ng kanyang kapatid.

"What a protective brother?" Napatigil ang lahat sa pakikiag-laban dahil umalingawgaw ang boses ni Keesan, katabi nito si Ryu na nakayakap sa bewang nito.

"Hanggang saan mo kaya kayang protektahan si Dale?"

"Hanggang sa huling hininga ko." He answered.

"Oh, really? Sino kaya ang ililigtas mo? Ang fiancée mo o ang kapatid mo?" Then keesan laughs.

Nagulat si Gio sa simabi ng dalaga at mas nagulat ito dahil bitbit ng mga armadong lalaki si Guinevere, may pasa ito sa mukha at may tama ng baril sa hita.

"Fvck. Pakawalan niyo siya!"

"Papakawalan ko siya pero maiiwan si Dale."

"Pakawalan mo sila parehas."

"Nah. Napaka-selfish mo naman dapat isa lang ang piliin mo."

Tumingin siya sa kanyang kasintahan na namumutla na dahil patuloy sa pag-agos ang dugo nito na nanggagaling sa hita, umiling ito matapos ay tumingin kay Dale na wala pa rin malay.

Mahalaga sa kanya pareho ang dalawang babae at ayaw niyang mamili sa mga ito.

"Okay, i'll choose" ngumisi naman si Keesan akala mo'y nanalo ito sa lotto.

"I'll choose both of them." aniya at pinagbabaril sa ulo ang mga tauhan nito na may hawak kay Guinevere.

Tumakbo at nilapitan naman agad ni Gio ang dalaga pero ka agad din silang natutukan ng baril ni Ryu.

"Matthew and Leon treat you like a brother but you lied to them."

"They are fools, Gio." He smirked.

"You're such an asshole."

"Say anything that you wanted to say, i don't care. I'm going to kill you anyway."

Umiling na lang si Gio dahil sa inasta ni Ryu, ipuputok na sana ni Ryu ang baril pero laking gulag nito ng tumalsik ang hawak niyang baril at nadaplisan ng bala ang kanyang kamay dahilan para dumugo ito.

Nakarinig muli sila ng putok ng baril at napatingin sila sa pwesto ni Keesan na ngayon ay nakaluhod na dahil sa natamo nitong tama ng baril sa binti.

"P-princess your awake."

"Im awake for almost 3 hours. Narinig ko ang pagdadaldalan niyo, tsk. Anyway, i know that all of you are surprise.

What do you expect? Im Dale Irefin and you're fools. Naniwala kayong tatablan pa ako ng pesteng Locus na 'yan. Oh, well you're all wrong. Namumuro na kayo kaya ako naman.

PMS." and then Dale smirked at Keesan and winks to his brother.

---
Vote. Comment. Recommend

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top