PMS26: Revealing
Matthew.
Madami akong naririnig na boses dahilan para mapakunot ang aking noo, dahil naiistorbo ang aking pag tulog. Marahas kong iminulat ang aking mata dahil may sumuntok sa panga ko. Sinamaan ko ng tingin ang nasa harapan ko.
"The fvck, Leon! Why did you fvcking punch me?!"
"Kanina ka pa namin ginigising, Matthew at ang hirap mong gisingin!" Sigaw nito. Hindi ako sumagot at kinusot na lamang ang mga mata ko at hinawakan ang kamay ni Dale. Dale? Saka ko lang napansin na wala pala akong nahawakan na kamay kaya napatingin ako sa kanyang kama.
Wala akong Dale Irefin na nakita sa kama. Napatayo ako bigla at tumingin kay Leon.
"Where's Dale?"
"Ayan nga ang gusto namin sabihin sa'yo! Nawawala si Dale!"
"Katabi ko pa siya kagabi at nakayakap ako sakanya. How?"
"Mahimbing tayong lahat na natutulog kagabi, pag gising namin kanina ay gulo gulo na ang mga gamit sa baba. Tapos ay dumeretso kami dito at nakita namin na wala si Dale sa iyong tabi."
Ang tanga tanga ko, hindi ko man lang naramdaman na may kumuha na pala sa kanya. Im such a useless!
"Fix yourself, man. Sumunod ka sa baba." Tinapik niya ang balikat ko at saka nauna ng lumabas ng silid.
Mabilis lang akong naligo at kinuha ang itim na bag na nasa ilalim ng kama ko. May mga laman itong baril, bala at bomba. Pagkababa ko ay ramdam ko agad ang seryosong atmospera.
Naupo ako sa single sofa, sina Leon at Demise ay mag katabi at ganoon din sila Gio at Guinevere. May inilagay na kape si Demise sa tapat ko.
"Kasalanan ko ito. Kung hindi sana ako naging kampante na hindi tayo masusundan dito ay hindi ito mangyayari." Panimula ko.
"Wala kang kasalanan, lahat tayo ay hindi inaasahan ang nangyari. Pare-pareho tayong pagod kaya hindi natin naramdaman na may nakapasok na." Ani ni Gio.
"Where's manang?" I asked. Dahil hindi ko pa siya nakikita.
"Sad to say, but she's dead." malungkot na sagot ni Demise. The fvck?
"Nakita ko siya kanina sa kusina na duguan at may nakatarak na mahabang kutsilyo sa dibdib.
Dinala ko na siya sa morge at inaalam ko na din ang numero ng pamilya niya para masabihan. Gumawa na din ako ng alibi na sinabi sa kanila kaya wala ng problema, at sabi ko ay sagot na natin ang lahat ng gagastusin nila."
"Im fvcking useless. I can't protect Dale, nadamay pa si manang." Ani ko.
"Stop blaming yourself! Ang pagtuunan natin ng pansin ay kung paano natin ililigtas si Dale." Sabi ni Guinevere.
Tumango ako. Tama siya dapat hindi ako maging mahina, kailangan namin iligtas si Dale. Kailangan kong iligtas ang mahal ko.
"Leon, try to track the number who texted me minutes ago." Sabi ni Gio at ibinigay ang cellphone dito. Nilabas naman ni Leon ang laptop niya at nag simula.
"Demise, ihanda mo ang mga gamit na pang gamot. Kakailanganin iyon dahil mapapalaban tayo." Tumango naman agad si Demise at umalis para ayusin ang first aid.
"Matthew, contact your grandfather we need assasins for back up."
"Kami ni Guinevere ang maghahanda ng mga gagamitin sa laban. May mga poison bomb, poisonus daggers, poisonus bullets si Dale sa bahay niya dito sa Laguna, kukuhanin ko lang iyon at babalik din ako agad. Medyo malapit lang 'yon dito.
Guinevere, maiwan ka dito at ihanda ang mga baril." Guinevere nodded.
Pag-kaalis ni Gio ay tinawagan ko agad si Lolo Art.
"Lo," ilan ring pa lang ay sinagot niya ito agad. Thank god!
"Why grandson?"
"I need help! Nawawala si Dale."
"What the? Alam na ba 'yan ng Lolo niya?!" Medyo tumaas ang boses ni Lolo kaya napalunok ako.
"Hindi ko alam kay Gio kung nasabi na niya pero hindi yan ang mahalaga ngayon, Lo. Kailangan namin ng Assasins para makatulong samin. Ililigtas namin si Dale."
"Okay, text me the location. Be safe!" then he hangs up.
Wait for me, boss.
---
Dale.
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Binubuksan ko ang mga mata ko pero hindi ko ito magawang imulat, damn. Sunod ay sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko at nagawa ko naman itong igalaw pero nahirapan ako.
"She's awake!"
"Malakas talaga ang katawan niya dahil nalalabanan niya ang locus."
"Taasan niyo pa ang dosage!"
Naririnig ko ang mga sinasabi nila dahil gising ako ngunit hindi ko maiglaw ang katawan ko. Paano ako napunta dito? Ang alam ko ay nasa bahay ako ni Matthew. Shit! Marahil ay kinidnap nila ako at hindi iyon naramdaman nila Matthew o di kaya'y nanlaban sila pero dahil madami ang mga ito ay hindi nila kinaya.
Naramdaman ko ang karayom na tumusok sa braso ko. Namanhid ang katawan ko. The hell!
"Konti na lang at makukuha ko din ang mga mata mo." Rinig kong sabi nito. Pamilyar ang boses ng lalaki.
"Kapag nakuha namin ang mga mata mo ay ipapa-opera ko ang mga mata ko para ako na ang kilalanin na makapanngyarihan sa buong mundo.
Pamumunuan namin ang lahat at dahil wala ka ng pakinabang ay papatayin kita." Ani ng babae. Damn! Kilalang kilala ko ang boses niya.
Gusto kong mag salita at murahin siya pero hindi ko magawa dahil hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nanghina dahil sa mataas na dosage ng droga na itinurok sa'kin.
"Kailan natin sisimulan?"
"Hangga't naigagalaw niya ang mga kamay niya ay patuloy niyo siyang tuturukan ng Locus. Taasan niyo para kapag sinimulan ng alisin ang mga mata niya ay hindi siya makalaban." Sigaw ng babae sa kanyang tauhan.
"Alam niyo kung ano ang kaya niyang gawin."
Narinig ko ang tunog ng kanyang takong pahina ito ng pahina, ibig sabihin ay paalis na siya sa lugar na ito.
"K-keesan!" Nahihirapan kong sabi.
Naramdaman kong ang palad niya sa pisngi ko. Sinampal niya ako. Hindi ko akalain na magagawa niya ito, akala ko mali ang impormasyon na ibinigay ni Butler Morri sa'kin dahil kaibigan ko siya pero lahat talaga ng akala ay hindi hindi maganda.
"Nakuha mo pa talagang mag salita, Dale. Ibang klase ka talaga, masamang damo ka ngang talaga. Pero, malapit kana din mamatay."
"W-hy?" Nahihirapan kong tanong. Gusto kong imulat ang mga ko.
Nalaman ko din na kamag-anak namin sila at gusto nila pamunuan ang lahat. Ngunit, nakalagay din sa impormasyon na nagka-ayos na ang Williams at Irefin pero gahaman si Keesan kaya hindi ito nakinig sa pamilya niya.
"Power is life!" She answered.
"R-ryu" sinamapal akong muli ni Keesan. Friend? Yung taong pinagkatiwalaan ko ay magka-sabwat pala, yung mga itsura nila na mala-anghel ay may itinatagong demonyong katauhan.
"Don't call my Ryu. He's mine, Dale!" Huh? What a possesive bitch?
"You will never get my fvcking eyes.. Mark my word!" I said in a cold tone.
---
Demise.
Kadarating lang ni Gio at halos katatapos ko lang din ayusin ang gagamitin para sa pag-gagamot. Kinakabahan ako para sa kalagayan ni Dale, alam kong hindi pa ayos ang pakiramdam niya dahil sa itinurok sa kanyang drug tapos ay kinidnap pa siya ng mga ito.
Nag punta ako sa sala at nakita ko ang mga maalaki at itim na bag dito. Binuksan iyon ni Gio at tumambad samin ang mga poisonus bombs, isang bag iyon. Ang isang bag ay puro poisonus daggers at ang isa ay puro poisonus bullets.
Shit! Ibang klase talaga si Dale. Napailing na lang ako.
"Babe," napatingin ako kay Leon kaya tinabihan ko siya. Abala pa din ito sa paghanap ng lokasyon ni Dale, halatang nahihirapan ito.
"You can do it, babe." Ani ko. Nakita ko sa mukha nito ang pamumutla at ang pagka-balisa kaya napakunot noo ako.
"You look pale. Ano bang nangyari?"
"Nasa isang laboratory si Dale dito sa Laguna." Narinig ko ang malulutong na mura ni Matthew dahil sakto ang pag dating niya, kalmado lang ang kuya ni Dale pero alam kong sa loob nito ay gusto na niyang sumabog.
"H'wag na tayo mag sayang pa ng oras, puntahan na natin kung na saan ang kapatid ko."
Ibinigay ni Leon ang address habang si Matthew ay isinend ito sa kanyang Lolo.
May itim na van si Matthew dito kaya iyon na lamang ang aming ginamit.
"Bullet and shock proof ito kaya dere-deretso lang sa pagmamaneho." Aniya. Halata kay Matthew ang kaba, alam kong nag-aalala siya para kay Dale.
"Malapit lang pala sa bahay ni Dale ang Laboratory na pinagdalahan sa kanya."
"Bilisan mo ang pagmamaneho, Leon. Damn!" Napailing na lang ako sa sinabi ni Matthew. Halos paliparin na nga ni Leon ang van niya. Tsk!
"Calm down, Matthew." Mahinahon na sabi ni Guinevere.
"How can i calm down?! Kung alam kong nasa panganib ang taong mahal ko." Aniya. Tsk!
"Huminahon ka nga, Matthew. Walang magagawa ang pagpapanik mo." Inis na sambit ni Gio. Hay nako!
Lumambot ang ekspresyon ni Matthew pero bakas pa din dito ang pag-aalala. Well, lahat naman kami nag-aalala. "I'm sorry! Hindi ko mapigilan ang sarili ko." Aniya. Nanahimik na lang kami dahil habang papalapit kami ng papalapit sa lugar ay mas lalo kaming kinakabahan. I wish my bestfriend is safe.
---
Samantala..
"She's strong! Nalalabanan niya ang locus." natatarantang sabi ng Doctor.
"Taasan niyo pa ang dosage." Sigaw ng assitant nito.
"Malalagot tayo kapag hindi natin na simulan ang operasyon."
"Turukan niyo siya every 30 minutes."
"At exactly 4, uumpisahan na ang operasyon. We only have two hours to ready."
Seryoso talaga silang kuhanin ang mga mata ko. Naramdaman ko nanaman ang karayom sa aking braso. D-amn! Para silang mga aso na sumusunod kay Keesan. Palibhasa mga mukha silang pera. Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi nila dahil nag iipon ako ng lakas para makatakas ako sa laboratory na ito.
Halatang mas tinaasan nila ang dosage dahil mas lalong namanhid ang katawan ko.
But, no one can stop me from escaping these situation.
"Balikan natin siya matapos ang trenta minutos."
Narinig ko ang mga yabag nila palayo sa'kin. Nang marinig kong nag sardo ang pinto ay agad kong pinilit iglaw ang aking kanan kamay. S-shit! Nakaramdam ako ng kirot dahil sa ginagawa kong pag-pilit pero hindi ko ininda iyon. Unti-unti kong naiglaw ang kanan kamay ko at naabot ko ang lamesa. Kinapa ko ang mga nakapatong doon dahil nga sa hindi ko maimulat ang mga mata ko.
May nahawakan akong parang maliit na bote, hinawakan ko 'yon ng mahigpit at saka ipinukpok sa lamesa dahilan para mabasag ito. Kinuha ko ang piraso at sinugatan ang sarili ko.
Nakaramdam ako ng hapdi at kirot, ngunit hindi ko na ininda iyon dahil ang mahalaga ay gumana ang aking plano. Naimulat ko na ang aking mga mata at nakita ko ang kabuuan ng laboratoryo.
Puro puti ang pintura nito, puti ang flooring, puting kama at may nakita din akong isang malaking tube na may kulay berdeng tubig. Mukhang may balak silang ilagay ako doon.
Dahan-dahan akong naupo at nakita kong nakaputing lab gown ako. Pinunit ko ang ibabang parte at itinali sa braso ko kung saan nandoon ang sugat na ako ang may gawa. Bumaba ako sa kama at sinipat ang buong silid, may dalawang pintuan sa mag kabilang dulo nito.
Kinuha ko ang scalpel dahil wala naman akong makita na baril dito. -_-
Nag lakad ako at noong malapit na ako sa pinto ay tumunog ang alarm. Tanga ko talaga minsan. Biglang bumukas ang pinto at nakita ako ng mga tauhan ni Keesan. Gulat ang ekspresyon nila dahil siguro nakatayo ako sa harapan nila.
"You look surprise, dogs." Walang gana kong sabi.
"H-how?" Utal na tanong ng babaeng doctor.
"Do not underestimate Dale Irefin." i smirked. Hinawakan ko ng mahigpit ang scalpel.
"Anong tinutunganga niyo? Tawagin niyo si Master!"
Mabilis akong nakapunta sa harapan nila at sinaksak ito sa leeg. Natumba ang mga ito at umagos ang dugo sa sahig. Isinarado ko ang pinto at inilock ito.
"Why don't we try to experiment your body?" mabagal kong sabi.
Habang lumalapit ako ay umaatras sila. What a scary rat? Tss.
Nag labas ng baril ang doctor at ituinutok iyon sa'kin.
"H'wag kang lalapit dahil hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka." Nanginginig na sambit nito.
Okay! Hindi ko maintindihan kung ako ang tinatakot niya o ang sarili niya. -_-
"Pull the fvcking trigger."
---
Vote. Comment. Recommend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top