PMS25: Unexpected
Dale.
Pag katapos ng training namin ay nag pahinga muna kami. Si Guinevere ay nag luluto ng tanghalian habang si Kuya ay tinutulungan siya, may future talaga ang dalawang 'yon at kulang na lang mag pakasal sila. Ako naman ay nakaupo lang dito sa likod bahay, ginamot ko na din ang ilan pasa na natamo ko sa training namin.
"Uminom ka muna, boss." Naupo siya sa tabi ko at inabot sa'kin ang isang bottled water. Tinanggap ko naman 'yun dahil nakaramdam na din ako ng uhaw.
"Grabe si Guinevere, ibang klase mag training."
"Bagay sila ni Kuya." Napapailing kong sabi. Totoong bagay sila, sa pagtetraining pa lang match na sila.
"Nagpaparamdam ba sila Demise sayo?" Naalala ko sila bigla. Ano na kayang balita sa kanila? Ang huling pag-uusap namin ay noong nasa bahay kami ni Lolo.
"Wala akong balita sa kanila."
Sagot ko.
"Oh, shit. Walang signal." Nagkibit-balikat lang ako dahil sa inasal niya.
"Parang tanga. Tsk" nakalimutan niya yatang walang signal dito kaya useless din ang pag gamit ng cellphone.
Hindi ko na siya pinansin at pumikit na lang. Gusto kong matulog, pakiramdam ko pagod na pagod ako. Naramdaman kong hinawakan niya ang ulo ko at isinandal sa balikat niya.
"I know that you're tired, boss. Go sleep!" Hindi na ako nag salita pa at dinama na lang ang simoy ng hangin.
Being with him is the most precious thing in my life.
---
Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Bwiset! Natutulog yung tao oh.
"Fvck! Wake up, boss."
"Hindi pa din ba magising Matthew?!"
"Buhatin muna siya. Damn!"
Naririnig ko ang sunod-sunod nilang pagsasalita at nakakarinig din ako ng mga putok ng baril. Naramdaman kong may bumuhat sa'kin.
"Umalis na kayo dito. Kami na ang bahala." Rinig kong sabi ni Kuya.
Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa, hindi ko din maigalaw ang kamay at paa ko. Damn it! What is happening to me?
"Princess, be safe." Rinig kong sabi ni Kuya at hinalikan ako sa noo.
Naririnig ko ang sunod-sunod na putok ng baril at ang pag sabog. Sinusugod ba kami? Ang alam ko lang ay nakatulog ako sa balikat ni Matthew kanina.
Nararamdaman kong tumatakbo si Matthew habang buhat buhat ako.
"Shit!"
"Boss, wake up! What the fvck is happened to you?"
"Oh, shit. Damn people!"
Sunod-sunod na sabi niya. Naririnig kong pinapaputukan kami pero patuloy lang si Matthew sa pag takbo at pag iwas. Fvck! Hindi ko talaga maimulat ang mga mata ko.
"M-matthew" naibuka ko ang bibig ko upang mag salita pero hirap na hirap na ako.
"Boss, your awake."
"H-hindi ko maimulat ang mata ko." Hirap kong sabi sa kanya.
"Oh, shit. Malapit na tayo, boss." Mabilis siyang tumakbo at inilipat ako sa balikat niya. Binuksan niya ang kotse niya at ipinasok niya ako sa loob, narinig ko ang pagsarado ng pinto at ang pagbukas ng driver seat.
Nilagyan niya ako ng seatbelt at hinalikan sa noo.
"Everything will be okay, boss."
Inistart niya ang kotse at mabilis itong pinatakbo. Pinipilit kong imulat ang mga mata ko pero bigo ako, lalo lang akong nanghihina kapag pinipilit ko. I know someone injected me a drug, kaya ako nagkakaganito pero kailan at paano? Hindi ko man lang naramdaman.
Naramdaman kong hinawakan ni Matthew ang kaliwang kamay ko at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ko siya magawang hawakan pabalik dahil miski ang katawan ko ay hindi ko maigalaw.
"We're going to runaway, boss." Narinig ko ang huli niyang sinabi bago ako mawalan muli ng malay.
Demise.
Lahat ng makita kong humaharang sa harapan ko ay binabaril ko. Nag hiwalay muna kami ni Leon ng daan para mas mapadali ang aming trabaho. Sunod-sunod ang putukan ng baril, ang pag sabog at ang maririnig mo ang mga katana na nag sasalpukan.
"Demise, nakaalis na ba sila?" Rinig kong tanong ni Gio sa'kin gamit ang earpiece.
"Oo, kanina pa." Hindi na siya sumagot dahil alam kong nakahinga na siya ng maluwag.
Kilala ko si Gio, nagulat na lang din ako na siya pala ang kuya ni Demise. Nalaman ko na din na matagal na niyang binabantayan si Dale mula sa malayo, siya din pala ang lalaking nakamaskara na umaaligid palagi kay Dale. Sinabi niya samin ang lahat at humingi siya ng tulong samin ni Leon.
Kaya kami napadpad dito dahil tinawagan niya kami para maging back up. Hindi niya expected na mangyayari ito, at lalong hindi namin inaasahan na makakalusot sila para maturukan si Dale ng drug.
May binaril silang karayom kay Dale habang natutulog ito kaya hindi iyon naramdaman ni Dale. Napakawalanghiya nila.
"Hindi ba kayo mauubos?"
Itinapon ko ang baril ko dahil wala na itong bala at kinuha ko ang maliit na kutsilyo ko sa aking boots. May bumato sa'kin ng dagger kaya nadaplisan ako sa braso.
"Shit" masama akong tumingin sa nag bato sa akin ng dagger at tumakbo patungo sa kanya, sinaksak ko siya sa puso gamit ang kutsilyo.
"Babe, tara na." Napalingon ako kay Leon na tumatakbo papunta sa direksyon ko.
Tumingin naman ako sa paligid at nakita ko ang mga tao na wala ng buhay, mahigit isang daan din ang sumugod dito. Kahit ang kubo ay puro abo na dahil sa pag sabog kanina, nakita kong puro dugo ang damit ni Leon kaya napatingin din ako sa sarili ko. We're the same!
"Na saan sila?"
"Nasa kotse na, may tama ng bala si Guinevere." Sagot niya kaya mabilis kaming nag tungo papunta sakanila.
Nang makarating kami ay kaagad kaming pumasok sa loob. Nasa back seat sila Gio at Guinevere, ginagamot ni Gio ang braso ni Guinevere. Natanggal niya na ang bala dito at bebendahan na lang niya para mag tigil ang pag durugo.
Sumakay si Leon sa driver seat dahil siya ang mag mamaneho.
"Pupunta tayo kung na saan sila Matthew. Im worried about my sister condition."
"Saan ba siya dinala ni Matthew?" Tanong ko.
"Track them." Tumango lang kami ni Leon.
Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.
"Why, kee?"
"Pinuntahan kita sa bahay niyo pero wala ka. Where are you?"
"May importante lang akong ginagawa. Mag ingat ka!" Sagot ko at ibinaba ang tawag.
Bumuntong hininga ako at sumandal ng ayos.
"Sino yun?"
"Keesan"
"Anong sabi?"
"Hinahanap niya ako." Sagot ko at tumingin sa labas ng bintana. Hinawakan niya naman ang kamay ko para mabawasan ang mga pag-aalala ko.
"Magiging maayos din ang lahat." Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Sana nga.
Matthew.
Nandito kami ngayon ni Dale sa Laguna, dito ko siya dinala sa bahay bakasyunan namin. Malayo 'to sa Manila kung saan nandoon ang mga kalaban niya, malayo sa gulo at malayo sa kapahamakan.
Pagka-dating na pagka-dating namin dito kanina ay agad ko siyang inihiga sa kwarto ko, nawalan siya ng malay kanina at hanggang ngayon ay wala pa din siyang malay. Sobra na akong nag-aalala sa kanya.
"Manang, magluto na po kayo ng hapunan."
"Iho, hindi pa din ba siya nagigising? Ano bang nangyari sa girlfriend mo?" Nag-aalang tanong niya.
Matagal na siyang naninilbihan sa'min. Siya ang taga-pangalaga ng bahay namin dito, siya din ang naglilinis at nagpapanatili ng kaayusan dito.
"Long story, manang." Napapailing kong sagot.
"Sige, mag pahinga kana muna. Tatawagin na lang kita kapag nakahain na."
"Thank you!" Sagot ko. Umakyat na akong muli sa itaas at pumunta sa kwarto para mabantayan si Dale.
Naupo ako sa single sofa na inusod ko malapit sa kama. She's still sleeping peacefully. Animo'y walang problema ang itsura niya ngayon, napaka-payapa niya ngayon. Ngunit, nag-aalala ako dahil sa needle na nakita ko sa bandang leeg niya kanina, alam kong hindi iyon basta basta. Marahil, kaya nanghihina siya at kaya hindi niya maigalaw ang kanyang katawan ay dahil doon. Damn them!
Hinawakan ko ang kanan kamay niya at hinalikan ito.
"Wake up, boss. I know that you're strong, you can fight that bullshit drug on your body."
Ang lakas talaga ng tama ko dahil kinakausap ko ang tulog, but who the hell cares? I love this girl damn much! I'm ready to kill just to save her.
Naramdaman kong bahagyang gumalaw ang daliri niya kaya naman nataranta ako. Oh, god!
"Boss, do you hear me?"
Wala akong narinig na sagot pero muling gumalaw ang daliri niya, ibig sabihin ay naririnig niya ako. I smiled then kiss her forehead.
"I'm glad that your now awake. Everything will be okay, boss. I will call our private doctor just to check you up." I kiss her right again then hold it tightly.
"For now, you need to rest to gain your strength. I will not leave you, i'll wait you until you wake up again." Ani ko at hinalikan siya sa noo.
Naramdaman kong may tumatapik sa braso ko kaya bahagya kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko sa harapan ko si Gio kaya naupo ako ng maayos, nakatulog pala ako. Napatingin ako sa wall clock at alas-otso na ng gabi, sumulyap ako saglit kay Dale na natutulog pa din.
"Kanina ka pa?"
"No, kakarating lang namin at dito ako dumeretso sa kwarto mo. Kamusta na siya?" Tumingin ako kay Dale.
"Nagising siya kanina pero hindi niya magawang imulat ang kanyang mga mata. Hindi niya din magawang igalaw ang kanyang katawan bukod sa daliri niya."
"So that means, she can hear us?"
"Yeah. Tara sa baba."
Inayos ko ang kumot ni Dale at hinalikan siya ni Gio sa noo bago kami lumabas. Pagkababa namin ay nakita ko sila Demise at Leon na ginagamot ang mga nakuhang sugat ng isa't isa.
"Where's Guinevere?"
"Nasa isang kwarto, nagpapahinga may tama kasi ng baril."
"Natalo niyo sila?"
"Karamihan sakanila ay natalo namin at ang iba ay nakatakas."
Naupo kami sa tapat nila kaya napatingin silang Dalawa samin. Napansin ko na madami-dami din silang natamo na sugat at dumudugo ang braso ni Demise.
"Hindi niyo kasama sina Keesan at Ryu?" Kunot noong tanong ko.
"Nasa Manila sila, hindi na namin sinabihan para hindi sila mag alala." Sagot ni Leon.
"So, what is the plan?" Demise asked.
"Ang gusto ko ay habang walang malay si Dale ay matapos na natin ang laban na ito. Hanggat, maaari ay ayokong may mangyari pang masama sa kanya." Gio answered.
"Ibig sabihin hindi natin ipapaalam sa kanya?" Leon asked.
I agree with Gio's plan. Gusto ko din na huwag ng madamay pa si Dale dito, dahil hanggang ngayon ay wala pa din siyang malay. Mas makakabuti nga siguro na kami na lang tumapos ng lahat para pag gising niya ay wala na siyang aalalahanin.
"Baka magalit si Dale." Alinlangan na sabi ni Demise. May punto siya, kilala ko si Dale and i'am sure that she will get mad.
"Wala na naman siyang magagawa kundi tanggapin dahil nangyari na." Nagulat kami sa nag salita kaya napatingin kami sa may hagdanan. Nandoon si Guinevere, dali-dali naman na tumayo si Gio upang alalayan ito sa paglalakad.
We all nodded about the plan. Mas maigi na ito, ayokong mas masaktan pa si Dale.
"Kumain muna tayo, at saka natin pag-usapan ang plano." Gio said.
Tinulungan kong maghain si Manang, ayaw pa niya pero wala naman siyang magagawa dahil makulit ako.
"We need to cooperate with our Mafia para mas mapabilis ang plano natin. Well trained din sila kaya naman alam kong malaki ang maitutulong nila sa atin." Gio said.
Uminom muna ito ng tubig bago ulit mag salita.
"You, Matthew. Makipag-usap ka din sa Lolo mo, alam kong makakatulong din ang Mafia niyo dito."
"I will do it after i call our private doctor." Sagot ko.
Uunahin ko muna ang kondisyon ni Dale bago ako makipag-usap kay Lolo. Alam kong hindi naman siya tatanggi dahil kaibigan niya ang Irefin.
Pagkatapos kong kumain ay nag paalam ako upang tawagan si Dr. Morales para papuntahin siya dito. Sabi naman niya ay pupunta siya ka agad para matignan si Dale.
"Puntahan ko lang si Dale." Paalam ko sa kanila. Nanonood kasi sila ng Telebisyon.
Payapa pa din siyang natutulog kaya tinabihan ko siya. Wala namn akong gagawin na masama sa kanya. I just want to hug her, i just want her to feel that she is very important to me.
"Chansing ka kapatid ko." Nakangising sabi ni Gio pagkapasok niya.
"Nah. I'm just worried about her safety."
"She's a strong woman. I know she will get through this problem."
"Yeah, we all know that she's strong physically but she's also a fragile." I kiss her cheeks.
"Chansing ka, Cervantes. Baka nakakalimutan mo, hindi pa kayo at nasa harapan mo lang ako. Tsk!"
"I know, i know. I can't help it! I love her damn much!"
---
Vote. Comment. Recommend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top