PMS23: Behind The Mask
Lumabas ako ng bahay at pumunta ako sa hardin. Malawak ang hardin namin dito, dahil ito talaga ang gusto ko dahil gusto ko na palagi silang naaalala. Hindi rin 'ganon kalaki ang ipinagawa kong bahay, katamtaman lang pero hindi rin 'ganon kaliit. Dahil, itong subdivision na 'to ay para lang sa mayayaman kaya naman hindi din maaari na pipitsugin lang ang bahay mo. Madaming mapagtaas sa mundo kaya kailangan mong gamitin ang iyong utak. Madaming, matatalino sa mundo kaya kailangan ay maging mas matalino ka sakanila para malusutan mo ang ginawa nila sayo.
'Katulad ng ginagawa ko ngayon.' sabi ko sa aking isip.
Tumayo ako sa tapat ng puti at pulang mga rosas na ako mismo ang nag tanim. Halos ang buong hardin ay makikitaan mo ng mga rosas dahil paborito nila ito. Napangiti na lang ako habang binabalikan ang nakaraan. Ang nakaraan kung saan masaya at buo pa kami, na kahit na may problema ay malalampasan namin basta magkakasama kami.
Nag sindi ako ng sigarilyo. Humithit ako at ibinuga ang usok sa itaas sabay ang pag tingin ko sa asul na kalangitan.
"Kuya, i really love seeing sky."
"Why?"
"Because, its relaxing and refreshing. Kaya nga gusto ko kapag nagkaroon ako ng sariling bahay, yung makikita ko ang ganda ng kalangitan."
Napabalik ako sa reyalidad ng makita ko sa harapan ko si Fredo na nakatitig lang sa'kin na may pagtatanong sa mukha pero sa huli ay umaliwalas din ang kanyang mukha. Marahil, alam na niya ang dahilan.
"Magandang hapon, Sir. Gio."
"Hindi ba't sabi ko ay huwag mo na akong tawagin Sir? I prefer Gio. Ang pormal mo naman masyado." Napapailing kong sabi sa kanya. Napaka-kulit din kasi ng isang ito, sabi ko ay Gio na lang pero ayaw niyang pumayag.
"Hindi maaari dahil kawalan ng respeto 'yon sa nakakataas sa'kin." humithit na lang muli ako ng yosi at ibinuga ang usok 'non sa gilid.
"Siya, siya. Ano bang dahilan at naparito ka? May ibabalita ka ba?" Biglang sumeryoso ang aking awra kaya naman 'ganun din siya.
"Nalaman na niya kung sino at ano ang dahilan. Ngayon ay nag paplano na siya kung paano pahihirapan ang mga ito."
Kumunot ang aking noo.
"Ilan araw ko na nga rin siyang hindi nakikitang lumabas ng bahay. Nag-aalala na ako."
"Dapat siguro ay magpakita kana sa kanya."
Umiling ako. "Hindi pa ito ang tamang panahon, Fredo."
"Kailan pa? Kung kailan huli na ang lahat? Hindi ba't mas mapapabuti kung malalaman niya na para may katuwang siya sa mga binabalak niya?" natahimik ako sa kanyang sinabi at napa-isip.
"Hindi pa ba sapat ang tatlong taon na pagtatago at pagmamanman sa kanya mula sa malayo? Mag aapat na taon na, Gio." Nagulat ako ng tawagin niya akong Gio kaya napatingin ako sa kanya. Nakikita ko na hindi siya ngayon ang Butler ko na kasama kong nang ilan taon.
Inilagay ko sa ash tray ang sigarilyo at tumawa ng malakas.
"For the first time of years you called me only in my name." Tinapik ko siya sa kanan balikat at sumeryoso muli ang mukha ko.
Tama siya. Sapat na siguro ang ilan taon na pagtatago at pagmamanman sa kanya mula sa malayo, dapat siguro ay pigilan ko siya sa kanyang binabalak dahil hindi nila ito magugustuhan kung nabubuhay sila.
Ngunit, kilala ko din siya. Kahit na hindi ko siya nakakasama ay nakikilala ko siya ng lubusan dahil sa pagmamasid ko at masasabi ko na malaki ang kanyang pinagbago dahil sa trahedyang naganap sa pamilya namin kaya alam kong hindi rin siya papapigil. Matigas pa naman ang kanyang ulo.
"Magandang hapon, Gio." Ani ng matanda. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil hindi ko man lang naramdaman ang kanyang presensya.
"Lolo Art, what are you doing here?" Tanong ko.
"Iiwan ko muna kayo Sir. Gio, ipatawag niyo na lang ako kapag kailangan." bumaling naman ang atensyon niya kay Lolo Art.
"Magandang hapon, Mr. Cervantes. Maiwan ko na kayo." sabi nito at nag bigay galanag samin bago umalis.
"So, Lolo Art. Anong sadya mo?"
"Wala naman, Gio. Nais ko lang sabihin na nagkakamabutihan na sila." ani nito at tumayo. Napa-poker face tuloy ako.
"Dadaan muna siya sa akin."
"Malaki na siya kaya niya ng mag desisyon para sa sarili niya. Kaya kung ako sayo ay magpapakita na ako."
...
Dale.
Hapon na at nandito pa din si Matthew. Hindi talaga ako makapaniwala na matatanggap niya pa din ako sa kabila ng nakaraan ko. Kakaiba talaga siyang lalaki. Napailing na lang ako habang inaalala ang nangyari kanina. Tsk!
"Done checking my handsome face, baby?"
Kaso, kahit ganun ay hindi pa din maaalis sa kanya na siya si Cervantes ang hari ng kahanginan.
"Madaling sabihin na gwapo ka pero mahirap hanapin kung saan banda."
"Madaling sabihin na hindi ka nagagwapuhan sa akin pero action speaks louder than words."
Napakunot noo ako. Ang dami talagang alam ng lalaking hambog na 'to.
"Kanina pa nakatitig sa akin, Dale. Sa sobrang titig mo ay hindi mo na namamalayan. Iba ka talaga, Matthew." Proud niyang sabi sa kanyang sarili.
Kahit paano ay nag papasalamat ako sa kanya dahil kahit konti ay nakakalimutan kong may haharapin akong isang malaking problema. Hanggat maaari ay ayaw ko silang masaktan.
"Ang lalim nanaman ng iniisip mo."
Hindi ako sumagot at nag lakad patungo sa kusina, gusto kong kumain ng ice cream. Pagbukas ko ng refrigerator ay wala akong nakitang ice cream, kabadtrip naman.
May humawak naman sa kanan kamay ko at isinarado niya ang refrigerator.
"Bitaw!"
"Halika, lalabas tayo at bibilihin natin kung anong gusto mo."
Nag pahila na lang ako sa kanya dahil wala naman akong magagawa. Ayaw ng isip ko pero ayaw sumunod ng katawan ko. I secretly smiled.
"Your smiling." Sinabayan ko siyang mag lakad pero hindi pa din naghihiwalay ang mga kamay namin. Siya na din ang nag bukas at nag sarado ng gate.
Bigla akong may naramdaman na kakaiba. Pakiramdam ko mayroon mangyayari, hindi ko maintindihan kung good or bad news pero hindi pa nagkakamali ang instinct ko.
"Sinong iniisip mo? Ako kasama mo pero iba ang iniisip mo?"
"What the heck are you talking about?"
Hindi na ako nagulat ng halikan niya ako sa pisngi. Nasasanay na ako sa one cuss, one kiss na 'yan.
"Nothing. Punta na tayo sa convenience store para sa ice cream mo."
Hindi na ako sumagot at sumunod na lang sakanya dahil panigurado mag tatalo nanaman kaming dalawa.
Nang makapasok kami sa Store ay sakto na konti lang ang tao, medyo mainit pa din kasi gawa ng sikat ng araw. Pinagtitinginan kami dahil siguro mag kahawak kami ng kamay pero wala akong pakialam, iba talaga mag isip ang mga tao sa pilipinas dahil masyadong malisosyo.
"Chocolate or cookies and cream?" Matthew asked.
"Both. Gusto ko din ng chips delight, hahanap na ako ng mauupuan." i said.
Bumitaw na ako sa kanya at nag hanap ng upuan. Nakakita naman ako sa may dulo malapit sa glass wall. Mas okay dito dahil kita dito ang palaruan ng mga bata.
Sinamaan ko naman ng tingin ang mga taong tumitingin sa'kin. Baka namumukhaan nila ako hindi lang nila maalala kung saan. Nag iwas naman sila ng tingin ang nag patuloy sa kanilang ginagawa.
Naramdaman kong naupo na sa tabi ko si Matthew at dala niya ang ice creams with spoon, may chips delight din na dalawa. Kinuha ko ang ice cream na cookies and cream at isang chips delight.
"Thank you" i plainly said.
"Anything for my Brutal Queen." I punch his right arm. Napaka-talaga niya, hindi naman ako brutal.
"Aray! Ramdam na ramdam ko talaga kung gaano mo ako ka gusto." Hindi na ako sumagot at kumain na lang ng ice cream.
Bigla naman may pumasok sa isip ko. Dinurog ko ang chips at inihalo sa ice cream ko. Kung titignan ay wirdo pero mukha naman magugustuhan ko ang lasa. Bago ako sumubo muli ay ramdam kong nakatingin sakin si Matthew kaya lumingon ako sa kanya.
"What?"
"Weird. Ano naman lasa niyan?" tanong niya habang nakatingin sa ice cream ko kaya ang ginawa ko ay sa kanya ko isinubo ang kutsara na may laman na ice cream. Unti-unti niya pa yung nginuya, napailing na lang ako at kumain ng sarili ko.
"Its delicious, Dale. How did you know that?"
"Ngayon ko lang din nalaman."
"You mean experiment lang? Penge pa." Parang batang sabi niya.
Inilayo ko sa kanya ang ice cream ko at walang emosyon na tumingin sa kanya. "Make your own, Cervantes."
Hindi siya sumagot kaya pinagpatuloy ko na ulit ang pagkain habang nakatingin ako sa glass wall ng store. Habang nakain ako ay may napansin akong isang pigura ng tao na nakatayo sa gitna ng park. Agad naman kumunot ang noo ko at iniisip ko kung sino 'yon dahil nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa'kin.
And i remember something, yung mask guy na nakita ko sa sementeryo.
Hindi pa din siya umaalis doon at nakatitig pa din sa'kin. Nakita kong may sumulpot na babae sa kanyabg tabi at nakilala ko kung sino 'yon.
"Guinevere"
"Dale, sinong tinitignan mo?"
Hindi ko siya sinagot bagkus ay lumabas ako ng store at tumakbo papunta sa kabilang kalsada dahil nandoon ang park pero napatigil ako sa gitna ng daan dahil may paparating malaking truck. Hindi ako makagalaw pakiramdam ko nabato ako sa kinatatayuan ako. Napapikit na lang ako pero naramdaman kong may yumakap sa akin at natumba kami.
Rinig ko ang sigawan ng mga tao at ang malalim na pag hinga ng taong nakayakap sakin.
"Damn! Are you okay?"
Fvck! Yung boses niya, pamilyar sakin at hindi ako maaaring mag kamali kaya para makupirma ko ay tumayo ako agad at humarap sa kanya. Doon ko napagtanto na 'yung mask guy pala ang nag ligtas sa'kin.
"Dale, fvck!" Sigaw ni Matthew at hinigit ako.
"Ayos ka lang?"
"Im fine, Matthew. Bumitaw kana!"
Sabi ko. Tumingin naman siya sa mask guy at napakunot noo.
Tumingin tingin sa paligid ang lalaki at saka ibinalik ang tingin samin.
"May dala ba kayong kotse?"
"Wala." Kunot noong sagot ni Matthew.
"Sumunod kayo sa'kin."
Pamilyar talaga ang boses niya pero hanggat hindi ko nakikita ng buo ang kanyang mukha ay hindi dapat ako makampante.
Hawak ni Matthew ang kaliwang kamay ko. Tahimik lang kaming sumusunod sa kanya pero si Matthew ay kakaiba ang awra, malalim ang kanyang iniisip na parang may inaalala na kung ano.
Napansin kong tumigil kami sa tapat ng asul na kotse. Tinted at bullet proof ito, bigla tuloy akong may naalala. Tsk!
"Pasok" maikling sabi nito habang tumitingin sa paligid.
Nauna akong pumasok sa loob kotse at sumunod si Matthew. I was shocked of what i saw. Guinevere is here.
"Guinevere"
"Ate Dale" parang kinakabahan niyang sabi kaya napakunot noo ako.
Pumasok sa loob ang lalaki pero hindi pa din tinatanggal ang maskara.
"Anong balak mong gawin?" Seryosong tanong ni Matthew. Hindi sumagot ang lalaki at nag simulang mag maneho.
"Guinevere, mag kakilala kayo?"
"O-opo, Ate."
"Kailan pa?" Seryosong tanong ko sa kanya. Nakita kong lumikot ang kanyang mga mata at tumingin saglita sa lalaki bago sumagot.
"I will explain later." Sagot ng lalaki.
Hindi na ako muling nag salita dahil pamilyar talaga ang kanyang boses. Sana tama ang hinala ko dahil ayokong umasa sa wala. Pero, sana talaga tama ako.
Isang oras din kaming bumyahe at pamilyar ako sa daan na aming tinatahak, lalo tuloy lumalakas ang loob ko na tama ang aking hinala tungkol sa kanya. Hindi na kasi pumasok sa isip ko na alamin pa kung sino ang nasa likod ng misteryosong maskara dahil hindi naman siya makakatulong sa'kin.
Ngunit, iba talaga si tadhana dahil talagang pinagtatago kami.
Ipinarada niya ang sasakyan sa isang mataas ar patag na lugar. May isang malaking puno dito, may maliit na kubo sa gilid at maraming nakatanim rosas. Naalala ko tuloy si Mommy dahil pareho kaming mahilig sa mga rosas.
Naunang bumaba ang mask guy, sumunod si Guinevere at nahuli kami ni Matthew. Pagbaba pa lang ay nakadikit na sa'kin si Matthew na animo'y pinoprotektahan ako mula sa lalaki.
"Guinevere, pumasok ka muna sa kubo." Tumango lang si Guinevere at pumasok na sa kubo.
"What the hell is happening?" Mahinahon kong tanong.
"Panahon na para mag pakilala ako sayo." Sabi niya at tumingin sa kalangitan.
Hindi ako sumagot bagkus ay naupo ako at sumandal sa puno na nandito. Tumingin siya kay Matthew na parang matagal na niya itong kilala at tumingin naman siya sa'kin. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagka-sabik. Sabik?
"Una sa lahat ay nag papasalamat ako sayo, Matthew. Dahil, alam kong pinoprotektahan mo siya."
"Ginagawa ko 'yon dahil mahal ko siya." Sagot ni Matthew. Napatigil saglit ang lalaki at tumawa ng mahina.
"Daming satsat, tanggalin mo na 'yang pesteng maskara mo." Bored kong sabi lalo naman lumakas ang kanyang tawa kaya napakunot noo ako at napatitig sa kanya.
"Kuya" hindi ko mapigilan na makita sa kanya si Kuya Gio. The way he acts, and the way he laughs.
Nakita kong napatigil siya at sumeryoso ang mukha. Kinakabahan ako dahil unti-unti niyang tinatanggal ang kanyang maskara. Fvck!
Nang matanggal niya ang maskara ay shocked is all over my face.
"What the fvcking fvck?" Sigaw ko.
"Oh, shit!" Rinig kong mura ni Matthew kaya napakunot noo ako.
"Sabi na eh, simula nung makita ko ang picture frame sa kwarto ni Dale pakiramdam ko ay pamilyar 'yon at nakita ko na sa kung saan. Pero, hindi ko maalala dahil pala sa nakamaskara ka." Tuloy tuloy na sabi ni Matthew.
Hindi ako nag salita pa at tumakbo papunta kay Kuya Gio. Oh, fvck! Kuya Gio is fvcking alive. Nang makalapit ako ay walang sabing niyakap ko siya at niyakap niya naman ako pabalik.
"P-paano nangyari?" Tanong ko habang nakasubson sa kanyang dibdib. Masaya ako dahil buhay si Kuya pero paano? Nakita ko sa video kung paano sila pinatay, kung gaano ka brutal.
"Nakaligtas ako. Ang akala nila ay patay na din ako pero nag kunwari lang akong patay na. Ngunit, hindi ko magalaw ang katawan ko dahil sa aking natamo. Hindi ko din magawang umiyak dahil sa nagyari sa magulang natin dahil kapag ginawa ko 'yon ay malalaman nilang buhay pa ako.
Noong maramdaman kong umalis sila at nag simula na silang sunugin ang bahay ay kahit hirap na hirap ay nagawa kong tawagan si Fredo. Luckily, papunta siya noon sa mansyon. Siya ang nag ligtas sa akin, sinabi kong ilihim namin ito sa lahat at ang inilibing noon ay pekeng bangkay lang. Pero, matalino si Lolo Edwardo dahil nalaman niya. Mabuti at hindi niya sinabi sa'yo."
Alam ni Lolo pero hindi man lang sinabi. Tsk!
"Masaya ako Kuya dahil buhay ka. Pero, bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Humahanap lang ako ng tiyempo, ayokong mapahamak ka sa gagawin ko pero dahil Irefin ka ay alam kong may plano ka din at hindi ko 'yon mapipigilan. Sa tagal kong lihim na nagmamasid sayo ay nakilala kita kahit hindi kita nakakasama.
Natauhan ako sa sinabi ni Fredo kaya nag pakita na ako sayo. Ayokong mapahamak ka kaya kung ano man ang plano mo sa trumaydor sayo ay susuportahan kita. Para sa magulang natin."
Hindi na ako sumagot dahil sa sobrang saya ko. Sobrang higpit ng yakap ko kay Kuya, pakiramdam ko bumalik ako sa dati.
"Nga pala, Dale. Kayo na ba ni Matthew?" Mahina niyang tanong.
"Ayoko sa lampa." He chuckled. Kaya napakunot noo ako.
"Kilala mo siya?" I asked.
"Apo yan ni Lolo Art, hindi mo ba siya natatandaan?"
"Yung chubby na bata noon?" Kuya nodded then laughs.
Kumalas ako sa pagkakayakap ni Kuya at tinignan si Matthew na nakangiti samin. Pinuntahan naman siya ni Kuya kaya sumunod ako.
"Kuya, paano mo nakilala si Guinevere?" Sakto naman na lumabas si Guinevere, nakangiti ito at may suot na apron.
"Guinevere is my long time girlfriend."
"Seriously, may pumatol sayo?"
"Aray ko naman, princess. Parang sinasabi mong ang pangit ko at walang papatol sa'kin." He pouted his lips kaya napatawa si Guinevere sa kanya. Pero, kung girlfriend niya si Guinevere.
"Bakit Ate ang tawag mo sa'kin kung mas matanda ka naman sakin?" Tanong ko kay Guinevere.
"Para hindi ka makahalata, Dale. Lahat ng nangyari ay planado. Osiya, tara sa loob at nag luto ako."
Gabi na pala at hindi ko man lang namalayan. Pumasok kami sa loob at tinulungan ni Kuya si Guinevere mag ayos ng mga plato habang kami ni Matthew ay nakaupo lang.
"Im so happy for you."
"Masaya din ako pero hindi dapat ako makapante. Nandyan lang silang dalawa sa tabi tabi at malapit na ang apat na taon."
"Kailan ba 'yun? We need to train hard."
"Next week."
Umupo naman sila Kuya at nilagyan ako ng pagkain ni Kuya sa plato.
"Kuya, im not a kid anymore."
"Pagbigyan mo na, Dale. Matagal niya ng gustong gawin 'yan sayo." Nakakapanibago tuloy si Guinevre dahil sa Ate thingy.
"We will all train for the upcoming war between Irefin and the traitors." Kuya Gio said and we all nodded. Kating kati na ang mga kamao ko gusto ko silang itorture.
---
Vote. Comment. Recommend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top