PMS2: Sadist
Dale.
Nandito kami sa building na may shootin range. Dahil pagbaril ang ituturo samin, kung paano ang tamang hawak, tamang pwesto at tamang timing. Abala ang mag-tuturo namin sa pag-aayos sa unahan kaya etong mga classmate ko. Nagpapaka-puta naman. Hindi pinalampas ang building na 'to. "A-hh. Matthew!" ano raw? Sa likod ko pa talaga gumawa ng kababalaghan. "Fuck you! Huwag mo ko tawagin sa ngalan ko." tapos narinig ko at pag-galaw sa likod ko. Pinipigilan ng babae na 'wag umalis ang lalaki pero 'di ito pinakinggan ng binata.
Nagpa-putok ang guro namin kaya nagsi-ayos ang lahat. "Dale si demise." tumingin ako sa tintigan niya at nakita ko si Demise na naka-kandong na sa lalaki at half naked. Putangina! Napatigil silang lahat pati ang guro maliban sa dalawang nilalapitan ko ngayon.
Hinila ko patayo si Demise at inayos ko ang uniporme niya. Saka ko sinuntok at itinuon ang paa ko sa leeg ng lalaking kaharap ko. "Dale stop it! Boyfriend ko siya." boyfriend agad? Eh, parang kahapon lang kung kani-kanino siya nakikipag-make out.
Hindi ko siya pinakinggan at tinuloy ang pag-sakal sa lalaking 'to gamit ang paa ko. Tahimik ang lahat maging ang guro namin. Ayaw nilang magulo ang pinapanood nilang eksena at ayaw nilang magaya sa kawawang binata na nasa haraan ko. Diniin ko lalo ang pagkaka-tuon sakaniya at bumabakat na ang takong ng boots ko. Nahihirapan na rin siyang huming. "D-ale" tumigil ako dahil nakita kong umiiyak na si Demise. Tsk! Dali-dali itong tinulungan ni Demise at pag-katapos ay nag explain siya sakin.
Matagal na raw sila pero ayaw niyang ipaalam sakin. Tapos 'nong mga panahon daw na may ka make out siya ay mag-kaaway daw sila. Kaya eto ang ayaw ko sa pakikipag-relasyon, away at bati. Nag-cross arms lang ako at tinignan ang lalaki mula ulo hanggang paa. Tahimik pa rin ang lahat at hinihintay ang susunod kong gagawin. "L-eon? What happened to you?" pamilyar ang boses. Tangina! Bakit ba ang epal nito?
Tumalikod ako at nakita ko siya. Nanlalaki pa ang mga mata niya. Ngayon lang ba siya nakakita ng dyosa tapos pinapahirapan ang lalaki? Nag-simula akong mag-lakad paalis at binangga ko ng malakas ang braso niya kaya napa-upo siya.
Napa-poker face na lang ako. Ang lampa naman ng hayop na 'to. Tss!
Bumalik na ko sa pwesto ko at sinimulan na ng guro ang pagtuturo. Isa-isa niyang tinatawag ang mga pangalan namin at ang kaklse ko ay balik sa dati parang walang nangyari. Eto ang maganda sa paaralan na 'to walang pinapalaking issue at hindi uso ang mga 'Omg. Kawawa naman si papable.' hindi uso ang mga papansin dito dahil lahat yata ng babae dito may mga kapareha maliban sakin. "Dale Irefin"
Nang tawagin ang pangalan ko ay tumayo na ko at inayos ang baril. Nilagyan ko 'to ng bala at mabilis na ipinutok ng sunod-sunod. Tinapon ko ang baril sa lamesa at nag-lakad paalis ng building na 'yon. Hinihintay ko lang naman na matawag ako bago lumayas.
Nag-punta ako rito sa rooftop, pinalayas ko ang mga nakatambay dito. Tapos pinalinis ko na rin ang kalat nila, dito pa nag-kalat. Sumandal ako sa pader habang nakatayo ay nag-sindi ng yosi. Humithit ako at ibinuga ang usok, nag-korteng bilog 'yon. Pinag-aaralan ko kung paano gumawa ng korteng puso gamit ang usok na galing sigarilyo.
Hihithit na sana muli ako ng may humablot sakin ng yosi at tinapakan ito. Putangina! Napaka-pakialamero. "Bawal mag-yosi ang babae." tumingin ako sakaniya ng walang emosyon. May mabait pala talaga sa eskwelahan na 'to o pakitang tao lang ang hinayupak na animal na 'to. "You don't care. Fuck you!" kumuha ulit ako ng yosi sa pakete at sinindihan pero hinablot niya ulit. Damn it!
"Simula ngayon, hindi ka na mag-yoyosi." ano siya lolo ko? Makapag-desisyon na hindi na bawal na ko mag-yosi akala mo malapit kami sa isa't isa. "Fuck you!" at itinapat sakaniya ang middle finger ko tapos tinalikuran ko na. Ngayon ko lang naisip bakit ba ko sinundan ng tarantadong 'yon?
"I respect you!" sabi niya. Malayo na ko sakaniya pero rinig ko pa rin. Respect niya mukha niya. Hindi ko na pinansin at dumeretso sa hardin. Tangina! Kahit ang hardin ay hindi na rin tahimik. Dito pa nag-talik. Mga putangina talaga.
Pumunta ako sa parking area at lalabas na lang ako ng letseng paaralan na 'to. Si lolo lang naman ang may gusto na pumasok ako rito. Hindi niya sinabi ang dahilan pero malalaman ko rin daw naman sa tamang panahon. Ang daming alam ng matandang hukluban na 'yon.
Nasa tapat na ko ng gate kaya binuksan ko ang bintana. Bahagyang, nagulat ang gwardiya pero pinalabas din agad ako. "Saan tayo pupunta?" putangina! Tumingin ako sa likod at nakita ko ang tanginang lalaki. "Paano ka nakapasok dito?" may lahi yatang mag-nanakaw ang lalaking 'to. "I have my ways." lumipat siya sa shot gun seat at prenteng umupo.
Napakunot noo ako. Sino ba ang lalaking 'to? "Matthew Cervantes" nahalata niya siguro kung anong iniisip ko. Wala naman akong magagawa kaysa makipag-talo ako sa Matthew na to.
Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko 'to. Ang kaliwang kamay ko ang ginamit kong pang-drive at nakita ko sa peripheral vission ko na bahagya siyang nagulat. "Oh?"
"Wala ka talagang galang bata ka." kilala niya naman ako eh. "What's up?" tanong ko. Hindi naman kasi to tatawag ng walang dahilan. "Nag-kita na pala kayo." tapos tumawa siya saka ibinaba ang tawag. Napakunot noo ako. Nag-kita kami nino? Puta. Daming alam.
Ibinato ko sa likod ang cellphone ko at mabilis na pinatakbo ang kotse ko.
Wala pang-ilan minuto ay nandito na agad kami sa burol. Maraming bulaklak dito at may isang malaking puno na kulay dilaw ang mga dahon. Binili ko 'to para ako lang ang maka-punta. Ayoko ng may kahati, gusto ko kapag akin ay akin lang. "Ang ganda rito." nakalimutan ko na may kasama pala akong epal.
Sumandal lang ako sa puno at tumabi naman siya sakin. Nakangiti siya at mas gwapo siya kapag naka-ngiti. Bakit ide-deny na gwapo siya? Eh, 'yon naman ang totoo. "Ano ba talagang kailangan mo?" tumingin siya sakin at ngumiti lang. Punyeta! May sapak yata 'to sa ulo.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumikit. Masarap ang hangin dito dahil malayo 'to sa city. Presko at walang maingay. Naramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Napaka-init ng kamay niya at ang lambot.
Nag-mulat ako at nakita ko ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Umiwas ako ng tingin pero hinila niya ang ulo ko at ipinatong sa balikat niya. Manyak talaga! Pumikit na lang ako dahil inaantok na ko.
Matthew.
Nakatulog na yata ang babaeng cussing machine. Naka-titig lang ako sakaniya habang hinahaplos ang pisngi niya. Ang haba ng pilik-mata niya, ang puti at ang kinis. Napako ang tingin ko sa mapupulang labi niya. Fuck! Umiwas ako ng tingin. Nag-iinit ako.
Inihaga ko siya sa kandungan ko at hinaplos ang buhok para maka-tulog siya ng mahimbing. Napapangiti ako at saka pumikit.
Gumalaw siya kaya nag-mulat ako nakita kong kinukusot niya ang mga mata niya kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Baka mamula." ang bilis niya naman magising.
Umupo siya, patalikod sakin kaya niyakap ko siya. Hindi ko maintindihan pero may nag-tutulak sakin na yakapin siya. Fuck!
Nag-pupumiglas siya pero mas lalo kong hinipitan ang yakap. "Please!" tumigil siya sa pag-pupumiglas at hinawakan ang braso kong nakayakap sakaniya.
Iba ang pakiramdam ko. Bukod sa nag-iinit ako dahil nakadikit ang katawan ko sa likod niya ay may iba pa kong nararamdaman. Shit!
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napabitaw ako kay Dale. Pag-tingin ko sa screen ay si Leon ang natawag. Panira ng moment ang lalaking 'to. "Bakit?" tanong ko. Lumingo ako kay Dale at nakita kong nag-yoyosi siya. Yung totoo? Saan siya nakakuha ng yosi. Tinapon ko na 'yung isang pack ng sigarilyo niya.
"The hell, man." narinig kong mura ni Leon sa kabilang linya. Nawala pala atensyon ko sa kausap ko. "Bakit ba? Istorbo ka!" naririnig kong tumatawa siya sa kabilang linya. Damn this boy.
"Matagal pa ba 'yan?" mahinahon na tanong ni Dale. Parang hindi ko siya niyakap kanina. Ang kalmado niya na parang walang nangyari. Sabagay, wala naman talagang nangyari.
"Punyeta ka, matthew. Kanina pa ko salita ng salita." binabaan ko na si Leon. Bahala siya sa buhay niya! Istorbo siya sa ginagawa ko.
"Saan ka kumuha ng yosi? Hindi ba't sabi ko bawal kana manigarilyo?" alam kong astig siyang tignan tuwing bubuga siya ng usok, tuwing hihithit siya at tuwing nag-yoyosi siya. She's freaking hot. Pero, dinaig niya pa ko. Hindi ako nag-yoyosi pero wasalak ako. Walang sawa sa alak.
"Bakit? Ano ba kita?" medyo nagulat ako sa tanong niya pero napa-isip din ako. Ano ko nga ba siya? Bakit nga ba siya pinapahanap ni Lolo? Bakit nga ba siya pinapa-bantayan sakin? At bakit ba ang protective ko sa sadistang 'to?
Nagulo ko ang buhok ko. Putangina! "Hindi ko alam na may baliw pala akong kasama." sabi niya at itinapon ang yosi saka tinapakan. Nagcross-arms siya at nakakunot noo. Tinitigan ko siya at napansin kong maikli pala ang palda niya. Tapos napatitig ako sa maputi niyang hita. "Manyak!" sigaw niya tapos sinuntok ako sa mukha. Hinawakan ko ang sinuntok niya at may dugo. Ang lakas ng babaeng 'to.
Pabalik na kami sa school. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit siya hinayaan makalabas ng eskwelahan. Sa pagkaka-alam ko, pwede lang lumabas ang estudyante kapag may espesyal na araw. Katulad ng birthday, christmas, new year. Pero, kung gusto mo talaga lumabas kailangan mo mag paalam derekta sa may ari ng paaralan at kailangan valid reason. "Gago! Wala ka bang balak bumaba sa kotse ko?" nagulat ako. Fuck! Ilan beses na ba kong nawala sa sarili ko ngayon araw?
Narinig kong nag-sara ang pinto kaya bumaba na rin ako. Ang bilis niya mag-lakad. May lahing ninja ba 'to? Pft. "Saan ka galing man?" si Leon pala. Hindi ko siya pinansin at tinignan muli si Dale kaso wala na siya 'don. Letse talaga!
Ngayon ko lang napansin na may kasama pala si Leon. Maganda, sexy at mukhang mabait. "Matthew si Demise. My one and only." kapag talaga tinamaan ka ni kupido nagiging korni. Ngumiti lang 'yung Demise sakin.
"Nakita kitang bumaba sa kotse ni Dale." nakita niya pala. Tapos naka-hawak siya sa baba niya na parang may iniisip. "Himala! May pinapasok siya sa kotse niya." dugtong ni Demise. So, ako pa lang nakakapasok sa kotse niya? Parang natuwa ako na ewan. "Ah. Best friend ako ni Dale, by the way." kaya naman pala. Nag-paalam na rin sila sakin kasi may date pa raw sila. Such a cute couple.
Nakita ko naman na may kinukulit si Ryu. Morenang babae at ngayon ko lang napansin. Hindi man lang sila nagku-kwento saka na lang pinapakilala kapag karelasyon na.
Ang daming nagme-make out at may mga nagsusuntukan. Kailan ko kaya makikitang normal ang eskwelahan na 'to?
---
Vote. Comment. Recommend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top