PMS17: Instinct
Dale.
Iniwan ko muna si Raven sa bahay dahil baka kung saan nanaman tumakbo at makakita nanaman ako ng hindi taong ayaw kong makita.
Hindi rin ako gumamit ng kahit anong sasakyan dahil mas gusto kong mag lakad lang papunta sa aking pupuntahan.
Tumingin ako sa langit. Maganda ang kulay ng langit, masasaya ang ulap, magagandang huni ng mga ibon at maaliwas na hangin.
Ibinalik ko ang aking tingin sa daan dahil nasa tapat na ako nang gate ng aming subdivison.
Pagkalabas ko ay sinuot ko ka agad ang aking itim na sumbrero na kanina ko pa bitbit at inilagay ko ang dalawa kong kamay sa mag kabilang bulsa ng aking jacket.
"Damn! Starring is rude!" I murmured to myself.
Halos lahat ng madaanan ko ay napaasulyap at napapatingin sa'kin.
"Mukha ba akong masamang tao?"
"Para nila akong kakainin ng buhay, dahil sa tingin nila."
Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Kinapa ko ang bulsa ko upang kunin ang aking cellphone, para tawagan si Demise.
"Oh, shit! What a fucking day?"
"My phone!"
"Tsk!"
Muli akong napatingin sa paligid at nakatingin nanaman ang mga tao sakin. Sinamaan ko sila ng tingin at bumalik agad sila sa kani-kanilang ginagawa.
Naramdaman ko na may sumusunod sa akin kaya napakunot noo ako.
Maraming tao sa dinaraanan kong kalsada. May usapan kasi kami nila Demise na magkita ngayon sa isang coffee shop malapit sa mga subdivision namin.
"Tsk!"
Lumingon-lingon ako sa paligid upang mag hanap ng kanto o abandonadong gusali.
"Bakit kasi ang daming tao dito?"
Nakakita ako ng isang sira sirang gusali na may isang nagtitinda ng mga candy, yosi at etc. Takatak ata ang tawag don. Whatever!
"Iha, bibili ka ba?" Tanong sa'kin ng matanda.
Napabuntong hininga ako at inabutan siya ng limang libo atsaka dumeretso papasok sa abandonadong gusali.
Ramdam kong nakasunod pa rin sa'kin ang hayop na 'yon!
Tumigil ako sa gitna ng gusali at humarap sa kanya.
"What do you need?" I asked.
Nakamaskara ito na puti, puting pantaas at puting pambaba. Hindi ito yung lalaking nakamaskara na parang kabute, dahil iba ang awra nito.
Mapanganib.
"I am here to give you a fucking warning, Ms. Irefin."
I frowned. Base sa boses niya, babae siya at kilala niya ako. Wtf?
"Who's your boss?"
"Tama nga siya. Masyadong malamig ang pakikitungo mo sa iba, ngunit pagdating sa iyong mga kaibigan ay lumalambot ka."
"What are you talking about?"
Umiling siya at dahan dahan na naglakad papalapit sa'kin.
Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko, bagkus ay binigyan ko siya ng walang pakialam na awra.
"Our boss wants you dead."
Oh, come on! Tsk.
"Then, kill me face to face. Pipi ba siya? Pilay ba? Kaya hindi niya kayang humarap sa'kin."
She smirked. Mabilis niyang hinagis ang shuriken sakin at mabilis akong nag tumbling upang maiwasan ang mga 'yon.
"Ninja, huh? Really? Pft."
"Ingatan mo ang mga taong nakapaligid sayo." ani niya. At nawala na lang bigla sa harapan ko na parang bula.
"Such a waste of time."
...
Pag pasok ko sa Shop, malakas na boses ni Demise ang bumungad sakin.
"What the fuck, Dale? Seriously? 1 hour late?!"
"Tss!"
Nag tinginan tuloy sa akin ang mga tao sa Coffee Shop at napakunot noo.
"Shut your damn mouth, Demise."
Sabi ko. At naupo katabi ni Keesan.
"Dale, anong gusto mong inumin?" Keesan asked.
"Black coffee will do." She nodded. Umalis siya sa aking tabi at pumunta sa counter para mag order.
Hindi pa pala sila nakaka-order at hinintay talaga nila ako.
"Bakit ka late, Dale?"
"Nakipag-sagupaan lang sa mananakop na ipis."
"Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot."
"Naiwan ko sa bahay."
"Your bike?"
"Home."
"You walked?!"
She asked with her eyes wide open.
"Yep!"
"Seriously? Anong trip mo?"
I shrugged.
Nakabalik na si Keesan at inilagay sa tapat ko ang kape.
"Nga pala, malapit na raw matapos ang school."
"Kanino mo nalaman, Kee?"
"Duh! Yung totoo, Demise? Kailan ka ba ipinaganak?"
Napailing na lang ako.
"Dale, bakit ka na late?"
"May humarang." I answered.
"Who?" Keesan asked.
"Malaking ipis."
Pareho silang napakunot sa saking isinagot. Tsk! Anong magagawa ko? Ipis ang tingin ko sa babaeng yun.
Tumingin ako sa labas dahil glass wall naman 'tong coffee shop.
Iniisip ko na baka yung Boss nung babaeng ipis kanina ay 'yung taong may gawa kung bakit nawala ng maaga ang pamilya ko.
Sa gitna ng pag iisip ko ay napakunot noo ako dahil sa mga matang nakatingin sa'kin.
Mabilis akong tumingin kala Demise pero abala naman silang dalawa sa pag uusap.
Lalo akong napakunot noo.
"Dale, anong problema?" tanong ni Demise.
"Nothing!"
"Nakakatakot kasi ang tingin mo, Dale." ani ni Keesan.
"Am i?"
They both nodded.
"May pupuntahan pa ba kayong iba?" Pag iiba ko ng usapan.
"Tara kaya sa Mall. Mag window shopping." Excited na sabi ni Demise.
Oh, Jeez!
"Hey! Kabibili mo lang ng bagong damit ah?" Pag angal ni Keesan.
"I will buy new shoes, naman." Demise answered and flipped her hair.
"Im out!" i said then sip the coffee.
"Ang kill joy mo."
"Nah. Ayaw ko lang sa maingay!"
"Minsan lang naman. You only live once. Kaya dapat ienjoy mo ang bawat araw." Demise said.
Tss! Once?
"I lived twice."
Nagkaroon ng katahimikan samin at tanging pag uusap lang ng ibang customer ang maririnig.
"Tsk! Tara na!" ani ko.
Tumayo na ako at nauna ng lumabas ng shop.
I lost my mind.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Dale, wait up!" sigaw ni Demise.
Nasa labas na ako ng Coffee shop kaya hinintay ko na lang sila.
"Bakit ka ba nag mamadali?" Keesan asked.
"Because, im bored."
Tumingin ako sa paligid at nag hanap ng kung may mabibilihan ng yosi. Tsk! Kung minsan ay engot din ako, bakit ba hindi ako kumuha ng yosi doon sa matanda kanina? Engot!
"Here!" Nabalik ang atensyon ko kina Demise at Keesan na may ngiti sa labi.
Tinignan ko kung ano ang hawak ni Keesan.
"Alam kong kailangan mo yan." Keesan said then smiled at me.
Kinuha ko 'yon sa kanyang kamay at may dala rin siyang lighter. Wow! Kompleto siya, huh.
"Saan mo naman nakuha yan?" I asked.
Nagtataka lang ako dahil hindi naman siya nagyoyosi. Kumpara samin ni Demise, masasabi kong si Keesan ang pinakamabait samin tatlo.
"For emergency." She answered.
Humithit ako ng yosi at ibinuga ang usok kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin.
"Wala ba kayong dalang sasakyan?" I asked.
"Tatanga lang ba tayo rito?" I added.
Napasampal naman sa noo si Demise.
"Ang tanga mo, Kee."
"Bakit ako? Sino kaya rito ang ulyanen. Pft!"
Napailing na lamang ako. "Faster, Demise! Tsk!"
...
Pag pasok namin sa Mall ay naramdaman ko nanaman na may nakatingin sa'kin. Kakaiba ang awra at pakiramdam ko ay susugudin niya ako anoman oras.
Napatingin ako sa gawi nila Demise at Keesan.
Abala naman sila sa pag-uusap kaya naman napakunot noo ako. Mali ba ako?
"Dale, bakit ka umiiling dyan?"
"Nah. Saan ba tayo?"
"Bumili ka kaya ng bagong damit."
Tsk.
"Dapat yung sexy para lalong mainlove sayo si Matthew." Demise said.
Bakit naman napasok sa usapan si Matthew-ng tanga?! Tss.
"Whatever." I coldy said.
Lumait sakin si Demise at yumaka sa kanan braso ko.
"Dale, wala naman masamang magsaya. Simula 'nung makilala ka namin, hindi ka pa namin nakikitang tumatawa o nagsasaya.
Nakatutok ka lang sa mga bagay na alam mo na. You need a fucking break, Dale."
How can i enjoy? Paano ako magsasaya kung alam kong nasa tabi tabi lang siya? Hindi ako sasaya hanggat hindi ko nakukuha ang hustisya para sa kanila at para sa ginawa nila sa akin.
Ipaparanas ko sa kanila kung paano mag higanti ang satanas.
"Dale!"
"Shut your big mouth!" Sigaw ko kay Demise.
"Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka."
"Bakit ba?"
"Si Keesan kasi bigla na lang nawala, kanina nangunguna lang siya satin. Nalingat lang ako tapos pagtingin ko wala na siya."
I frowned. Wtf?
"Malaki na siya." I said.
"Kinakabahan ako."
"Calm down! Baka naman nainip at nag gala na lang mag isa. Masyado ka kasing madaldal."
Hinila ko siya at sumakay kami sa elevator.
Iba rin ang kutob ko. Tsk!
Pagdating sa second floor ay lumabas na kami ng elevator at nakita ko sa hindi kalayuan si Keesan kasama si Ryu. Nakatalikod sila samin at nasa tapat sila ng isang book shop.
Nilapitan namin sila at binatukan naman ni Demise si Keesan. -_-
"Ano ka ba naman, Kee?! Pinag-alala mo ako. Akala ko kung napaano kana."
"May bibilihin sana ako sa book shop. Abala kasi kayo ni Dale kanina kaya hindi na ako nag paalam." Keesan explained.
Over acting talaga si Demise.
"Bakit naman kasama mo si Ryu?"
"Hinila lang ako ng epal na 'to."
"Nag pahila ka naman."
"Ewan ko sayo!"
I frowned. Seryoso? Sa harap pa namin nag lambingan.
"Where's my babe?" Demise asked.
Okay. Akala ko ba mag gagala kami.
"Nambababae, i mean. Nag CR lang sila ni Matthew." Ryu answered.
Oh, well. Kumpleto pala ang mga gunggong.
"Aalis na ako." I said.
Well, wala naman akong gagawin dito at nandito ang mga jowa nilang lampa. Mas gusto ko pang makiaglaro kay Raven kaysa makita ang nakakaumay nilang lambingan.
Hindi na ako sumagot pa, tumalikod na ako at nag lakad palayo sa kanila.
"Dale!" Demise is shouting my name but i ignored her.
May tumapik sa balikat ko.
"What's up?" He asked.
Sinabayan niya akong maglakad. Humihingal pa siya at nagpupunas ng pawis.
Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Where are we going?"
"We? Sa pagkakaalam ko ay ako lang."
"Dale, huwag ka naman masungit."
I sighed.
Bigla akong napakunot noo dahil naramdaman ko nanaman ang awra na 'yon kaya napalingon ako sa likod. I frowned. Wtf?
"Hey, Dale. Any problem?" Matthew asked.
"Nothing!"
"Are you sure? You look pale."
"Ne."
Nagulat na lang ako dahil hinawakan niya ang kanan kamay ko kaya naman tinignan ko siya ng masama.
"Bitaw." pero umiling lang siya.
"No. Kahit ngayon lang, Dale. Mag enjoy ka naman."
Tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha at bigla akong nakaramdam ng kung ano sa aking kaliwang dibdib. Oh, no!
"Please!"
I just nodded at him. He smiled at me and then hugs me tight.
Gusto ko siyang itulak dahil chansing nanaman siya, pero may parte sa'kin na ayaw dahil komportable ako sa posisyon namin. Oh, fck!
Tinanggal niya ang pagkakayaka sakin at ngumiti.
"Tara sa time zone. Hayaan na natin sila Ryu at Leon, may kanya kanya rin silang lakad."
Nag simula na kaming mag lakad papunta sa 2nd floor at habang nag lalakad kami ay hawak niya pa rin ang kamay ko.
"You planned this?" I asked.
"No. Demise planned this."
"Bakit ako maniniwala sayo?"
"Because, im cute and handsome." He answered and chuckled.
"Tangayin ka sana ng kahambugan mo."
"Ayaw kitang iwan."
I look at him.
"Pinagsasasabi mo?"
"Wala po." Tapos ay bigla niya akong hinila sa bilihan ng token.
Hindi ko napansin na nasa time zone na pala kami.
"Worth 100php, Miss."
Nakakayamot 'yung babae dahil nakatunganga lang siya sa mukha ni Matthew. Seriously? She's getting on my fucking nerves.
"Miss, worth 100php na token."
Medyo inis na ulit ni Matthew.
"Ano ulit, Sir?" Tanong ng babae at binuksan ang isang butones ng blouse.
Tinulak ko si Matthew.
"Hindi magkaka-interes ang boyfriend ko sa retokada mong boobs, Miss. Kaya kung ayaw mong mawalan ng trabaho, ibigay mo na ang token namin." Nagmadali naman ang babae sa agkuha ng tokens.
Huminga ako ng malalim at taas kilay kong tinignan si Matthew na nakangiti ng malapad.
Shoot! What the fck did i say?
"Hi, girlfriend." He said then winks at me.
Hindi ko siya pinansin at kinuha na ang tokens.
"Miss, trabaho muna bago landi. Ang kapal ng make up mo! Dapat sa circus ka nag trabaho."
Tinalikuran ko siya at iniwan ko si Matthew na tawa ng tawa. Bwiset!
Pumunta ako sa may motorbike. Sakto at kakatapos lang 'nung bata mag laro. Ramdam ko na madaming nakatingin sakin pero i don't care.
"Hey! Bakit mo naman ako iniwan?"
Hindi ko siya pinansin at nilusot ang token. Sumakay ako blue motorbike at may lumabas na kung ano ano sa screen.
"Bakit ayaw mo kong pansinin?"
"Shut up!"
"That hurts, girlfriend."
Dahil may mga nakapalibot na tao samin naririnig ko ang bulungan nila.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil start na yung race. Sa totoo lang madaya yung mga ganitong game, ang bagal kaya ng motor kahit anong gawin mong bilis. Tch!
Natapos yung game at mataas nman rank ko.
Umalis na ako don dahil dumadami na ang taong ususera.
"Dale."
May kasama nga pala ako.
"Sorry na! Natuwa lang naman ako."
"Whatever!"
"Hey!" He pouted his lips.
"Are you gay?"
"No! Gusto mong patunayan ko sayo?" He said. Unti-unti naman siyang lumalapit sakin.
Tumalikod ako sakanya at napakunot noo dahil naramdaman ko nanaman ang awra na yon. Siya kaya yun? Pero, bakit?
"Uwi na tayo! No more buts,"
---
Vote. Comment. Recommend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top