PMS15: Masked

Dale.

Matapos kong marinig ang pangalan ng babae ay hindi na ako nag salita pangmuli. Guinevere, huh? Hindi siya pamilyar sa'kin kahit na pareho lang kami ng Village kung saan nakatira. Marahil, ay wala lang talaga akong pakialam sa mga kapitbahay ko.

Kahit si Matthew ay hindi ko alam na doon pala ang bahay sa Whitestright.

Sumandal ako sa sandalan ng upuan at pumikit. I'm really tired and i need a fvcking rest!

Naramdaman ko na lang na may humawak sa aking ulo at iginaya 'yon sa kanyang balikat upang ako ay maging komportable. Narinig ko ang pagtikhim ni Guinevere pero hindi ko na 'yon pinansin.

"Rest, Dale. I'll woke you up when we're near to the village." he said.

He caresses my hair and start to hum a song. Hindi ko alam kung anong kanta 'yun basta ang alam ko lang ay hindi ako makakatulog dahil sa pagiging abnormal ng puso ko.

Ngunit, hindi ako nag tangkang mag mulat ng aking mata at hinayaan lamang siya sa kanyang kabaliwan.

Habang nakapikit ako at pinapakinggan si Matthew may biglang senaryo ang nag pakita sa aking memorya, at doon ko nalaman na pamilyar pala sa'kin ang kinakanta niya dahil iyon din ang kinakanta sa'kin ni Mommy kapag hindi ako makatulog noon.

I missed you mom. I sighed.

Umayos ako ng upo at ikinagulat 'yun  ni Matthew. Napansin kong tahimik din si Guinevere kaya sinilip ko siya gamit ang gilid ng aking mata. Nakita kong payapa siyang natutulog at doon ko nakita ang pagod sa kanyang mukha. Naiintindihan ko siya dahil naranasan ko na noon ang nararanasan niya ngayon. Tsk!

"Why? Akala ko matutulog ka?" tanong ni Matthew.

Wala naman akong sinabi na matutulog ako siya lang ang nag assume.

"May sinabi ba ako?" he pouted his lips. Para talaga siyang bata.

"Sungit mo, Dale."

Hindi na ako sumagot at itinuon ang atensyon ko sa labas ng bintana. Madilim pa sa daan at konti pa lamang ang nakikita kong sasakyan. Bawat madaanan namin ay may kanya kanyang ginagawa, nag bubukas ng tindahan, nag lalako ng paninda at mga batang pagala-gala sa kalsada upang mag hanap ng makakain.

Lumiko kami sa may kanto at mas lalong madilim dito at walang gaanong tao dahil hindi hinahayaan na mag pakalat-kalat dito ang mga nagtitinda ng kung ano-ano at ang mga batang nanlilimos. Tsk! Masyadong mapangmataas ang mga nakatira rito, akala mo kung mga kung sino.

Nadadaanan nanamin ang mapunong lugar at ibig sabihin ay malapit na kami sa Whitestright.

Habang binabaybay namin ang daan ay pakiramdam ko sumisikip ang aking dibdib, iniisip ko pa lang na babalik ako sa bahay na 'yon ay nakakaramdam na agad ako ng kakaiba.

"Ate Dale," napatingin ako kay Guinevere at parang napaurong siya. Nakita kong lumunok siya ng tatlong beses na ipinagtaka ko.

Naramdaman kong tinapik ni Matthew ang balikat ko at marahan ko naman na inalis 'yun gamit ang kanan kamay ko.

"Chill ka lang, Dale. Ang sama kase ng tingin mo sa kanya!" ani niya.

Parang may kung ano sa dibdib ko ng muli kong ibalik kay Guinevere ang aking tingin, nawala na sa mukha niya ang takot at naging maaliwalas na ulit ang kanyang mukha.

"Ate Dale, salamat ulit dahil isinabay mo pa ako. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran."

"Saan ba bahay mo?" tanong ko at hindi pinansin ang kanyang sinabi.

Anong isasagot ko? Corny thing is not my type.

"Sa may Snow street, Ate. Unang kanto." tumango lang ako bilang sagot at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Butler Morri na nasa harapan ng kotse nakaupo, katabi siya ng driver.

Sinabi ko na dumaan muna kami sa Snow Street tapos ay saka namin ihahatid si Matthew.

Kakaiba rin ang pangalan ng mga Street dito. Hindi ko rin alam kung bakit ganito at wala na akong balak pang alamin.

Pagdating namin sa unang kanto ng Snow ay tumigil na ang sasakyan at bumaba na si Guinevere. Bumaba rin ako upang malaman kung saan ba ang kanyang bahay.

"Saan ba dito ang bahay mo?"

"Ayan, nasa likod mo. Salamat ulit, Ate." nakangiti siya pero alam kong hindi naman talaga siya masaya.

Tumalikod ako at nakita ko ang bahay nila. Malaki ito at malalaman mong mayaman talaga sila. May mga bulaklak na rin sa labas at nakabukas ang kanilang gate. May mga tao na rin, siguro ay mga kamag-anak nila.

Nakita kong may papalapit na lalaki sa aming pwesto na ikinakunot noo ko.

Bahagya siyang natigilan pero nag patuloy ulit sa paglapit samin.

"Guinevere, akala ko bukas ka pa makakarating?"

"May nag magandang loob Kuya." sagot niya at lumingon sakin. Tss!

Tinitigan ako nang lalaki na para akong isang kakaibang nilalang na ngayon niya lang nakita.

Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa kanya, magaan din ang loob ko sa kanya gaya ng kay Guinevere pero kakaiba ang awra niya.

"Salamat, Miss. Paano ka ba namin mababayaran?"

"Hindi na kailangan."

Sagot ko at tumalikod na saka ako pumasok sa kotse.

"Sino yun?" napataas ako ng kilay sa tanong ni Matthew.

"Ewan!"

"Ewan? Eh, kinausap ka nga!"

Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang iparating. Tsk!

"Hindi porke't kinausap, kilala na." sagot ko.

Kinuha ko ang bottled water sa lamesa rito sa loob ng kotse at uminom. Ngayon lang ako nakaramdam ng uhaw simula kanina, at naiisip ko pa rin ang lalaking tinawag ni Guinevere na kuya.

"Saan ka ba nakatira?" tanong ko sa kanya.

"Sa puso mo."

Ang corny niya lang. Pero, hindi ko maintindihan kung bakit ako natatawa. Ang corny pero natatawa ako dahil sa ekspresyon niya, ang pangit kase.

Walang emosyon ko siyang tinignan at napalunok naman siya ng tatlong beses.

"Mag kapitbahay lang tayo."

What the heck?

"Huwag ka ng magtaka, Dale. Meant to be talaga tayo." ani niya.

"Kapal ng mukha!"

"Gwapong mukha, kamo."

Tapos ay tumawa siya ng malakas. Annoying man! Tsk.

Nag simula na muling umandar ang kotse at iwinaksi ko na lamang muna sa akin isipan ang mga tanong at bumabagabag sa tahimik kong utak ngayon. Nais ko muna na mag pahinga kahit isang buong araw lang.

Sumandal ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Anong balak mong gawin sa eskwelahan? Yung mga estudyante?"

Napakunot noo ako sa tanong niya. Seriously? Ang chismoso niya para sa isang lalaki.

"Seriously, Dale? Just answer my fucking question and stop staring to my handsome face. I might melt!"

Doon ko lang napagtanto na ako'y nakatitig pala sa kanya.

Umiwas ako ng tingin.

"Ipapagiba, ipapabago at ang mga estudyante ay matagal ng patay sa paningin ng mga magulang nila."

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagkunot ng kanyang noo. Ngunit, lahat ng sinabi ko ay totoo. Matagal ng patay ang mga estudyante na nag aaral sa eskwelahan na 'yon. Matagal na silang pinatay sa paningin ng mga magulang nila.

Ang alam ng mga magulang nila ay namatay sila sa isang aksidente na nangyari mismo sa loob ng paaralan. Pinadalahan din namin sila ng mga pekeng bangkay at binayaran lahat ng gagastusin para sa libing kuno ng anak nila.

Hindi rin alam ng mga estudyante na ang alam ng mga magulang nila ay patay na sila.

Nabalik ako sa reyalidad dahil nag salita si Matthew.

"Are you fucking serious, Dale? Paano kapag nalaman 'yan ng iyong Lolo?"

Tsk! Tanga talaga!

"Tanga! Malamang sa malamang ay alam 'yon ng aking Lolo."

Lumabas na ako ng kotse dahil huminto na kami sa tapat ng bahay. Hindi ko na hinayaan na pagbuksan pa ako ng pinto ng kotse dahil may kamay naman ako.

Binuksan ng mga gwardiya ang napakalaking gate, papasok na sana ako.

"Wait up! Hindi mo man lang ba ako iimbitahan sa bahay mo?"

I faced him and kicked his thing. "May sarili kang bahay Mr. Cervantes. Uso ang umuwi at mag pahinga."

Napangisi ako dahil nakahawak siya sa kanyang ibaba habang tumatalon ng bahagya.

"Serves you right!" i whispered in the air.
...

Nagising ako dahil sa malakas na ingay na naririnig ko. Kinapa ko ang aking kama at hinanap ang aking cellphone, nakapikit pa rin ako dahil antok pa ako at nais ko pang matulog.

Nang makapa ko ay sinagot ko ang tawag at naghikab.

"Good afternoon, Dale."

Napamulat ako ng mata at tinignan ang screen ng cellphone, doon ko nalaman na ala-una na.

Sobrang haba na pala ng naitulog ko.

Pinatay ko na ang tawag dahil wala naman magandang sasabihin si Matthew.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay bumaba na ako. Nagsisiyukuan ang mga taga-silbinat nakita ko si Butler Morri na halatang hinihintay ako.

"Cancelled all my plans for today."

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at lumabas na ako ng bahay. Kinuha ko ang motorb sa garahe at pinaandar ito palabas ng bahay, nakita ko si Matthew na papunta sa aking deriksyon.

"Where the fuck are you going? And why you hang up the phone call?"

"Nanay ba kita?"

Mabilis kong pinaandar ang motor dahil gusto ko silang bisitahin.

Wala pang ilan minuto ay nakarating din naman agad ako. Ipinarada ko sa gilid ang motor at nag punta sa tindahan ng bulaklak na katapat ng sementeryo.

"Manang, one boquet of red rose, one boquet of tulips and one boquet of white rose po."

Kumuha ako sa pitaka ng dalawang daan libo at iniabot 'yon kay manang.

Kinuha naman 'yon ni Manang.
"Keep the change, Manang."

"Salamat iha." Iniabot niya sakin ang mga bulaklak.

"Ngayon na lang ulit kita nakita dito, iha."

"Naging abala lang po."

Medyo malapit na sa akin si Manang dahil minsan ay sa kanya talaga ako nabili mg bulaklak.

"Ganun ba? May iba ba kayong kamag-anak iha?"

Kumunot ang aking noo sa tanong ni Manang.

"Bakit ho? Madalas ba si Lolo dito ngayon?"

Umiling naman si Manang.

"Nako! Hindi, iha. Kaya naitanong ko dahil may nabisita palagi sa binibista mo dyan. Sa akin din siya nabili ng bulaklak."

Wala na akong ibang kamag-anak bukod kay Lolo.

"Ano raw pangalan?"

"Pasensya na iha ngunit, hindi ko kilala. Katunayan, nandyan siya ngayon."

"Anong itsura?"

Kumunot ang noo ni Manang.

"Paano ko ba sasabihin ang itsura niya, iha? Palaging may takip ang kanyang mukha."

Hindi ko na sinagot si Manang at nag madaling mag lakad sa puntod nila.

Habang papalapit ako ng papalapit ay mayroon akong nararamdaman na kakaiba. Pero, kaagad din naman na nawala ng matanaw ko ang puntod nila.

I frowned, beacuse no ones here except me.

Inilapag ko ang bulaklak sa kanya kanya nilang puntod at dood ko napansin na may bagong bulaklak din dito bukod sa dala ko.

Totoo nga ang sinabi ni Manang.

Pinakiramdaman ko ang paligid, malakas na hangin at huni lang ng mga ibon ang iyong maririnig.

Nakaramdam ako ng kakaibang presensya at hindi yun nalalayo sa aking pwesto.

Hindi ko na lamang muna iyon pinansin at nahiga sa puntod nila mama saka ako tumingin sa langit.
"Maganda ba dyan?"

"Siguro, oo. Dahil, hindi na kayo bumalik."

"Malapit na! Gagawin ko ang lahat para maparusahan ang dapat parusahan."

"Konting-konti na lang."

I sighed.

Ilan minuto pa akong tumingin sa langit bago ko napagpasyahan na tumayo. Sa pagtayo ko ay nakita ko ang isang lalaki na naksandal sa isang puno malapit sa'kin. Nakatingin ito habang nasa mag kabilang bulsa ang dalawang kamay.

May suot itong maskara kaa hindi ko makita kung ano ang kanyang itsura pero sigurado ako na isa siyang lalaki. Marahil, eto na ang sinasabi ni Manang.

Naglakad siya patungo sa aking pwesto at ilan hakbang lang ang agwat namin ng tumigil siya.

Nakatitig lang ito sa'kin at parang pinagaaralan ako.

I raised my left eyebrow. "Who the fuck are you?!"

Umiling lamang siya at sumulyap sa likuran ko, sumulyap siya sa puntod nila atsaka ibinalik ang tingin sa'kin.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking kanan pisngi. Marahas ko yung inalis sa aking mukha.

"The fuck?"

"What are you doing here? Are you one of their friends?"

Muli ay umiling lang siya.

"Speak! Wala ka bang dila?"

Ngunit, hindi pa rin siya sumagot at nilampasan ako. Naglakad siya patungo sa puntod nila at naupo. Narinig kong may ibinulong siya pero hindi ko maintidihan dahil mahina.

Tumayo din siya kaagad pero hindi humarap sa akin.

"You'll know me soon."

"Faced me. Fvck!"

"Not now, but soon."

He said then left me dumbfounded.

---

Vote. Comment. Recommend

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top