PMS10: Vacation 1
Dale.
May kumatok sa pinto ko ng tatlong beses. Mabilis akong bumaba habang sinusuot ang itim na jacket ko. Pagbukas ko, nakita ko sina Demise at Keesan na may dalang malalaking bag. Napataas tuloy ang kilay ko sa kanilang dalawa. "Handa na kami, Dale." sabi ni Demise. May malapad siyang ngiti at halata mong excited talaga siya.
Pumasok ako sa loob at kinuha ang bag pack kong may laman na damit at mga pagkain ko. Pagka-lock ko ng pinto ay humarap na ko sa kanila, habang may hawak na vape. "Seriously, ayan lang dala mo?" tanong ni Keesan. Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko naman kailangan mag dala ng maraming damit. Tatlong araw lang naman kami doon at sapat na ang dala ko para sa tatlong araw.
Habang nag lalakad kami nakikita ko ang mga estudyante na halatang excited. Alas-sinco pa lang ng umaga pero marami ng nag kalat na estudyante dahil Alas-sais darating ang mga gagamitin namin na bus. Napansin ko na, puro malalaking bag ang dala nila. Tsk! Ang dami talagang arte ng mga estudyante rito.
Paglabas namin ng dorm tyaka nag salita si Demise. "Ngayon na ba yun, Dale?" Kakaonti lang mga estudyante dito dahil karamihan ay pagala-gala. "Oo! Kaya, umayos kayong dalawa." sagot ko. Nakita ko naman na nag-ningning ang mga mata nila. Hindi ko talaga minsan maintindihan ang dalawang 'to. Mga isip bata na ewan.
Sa gate kami dumeretso nang makita ako ng gwardiya ay bahagya niyang iniyuko ang kaniyang ulo. Tumango lang ako sa kaniya. "Same plan?" tanong ni Keesan. Wala pang-estudyante dito bukod samin. "Hindi. Mas maganda 'yung ngayon." Sagot ko at ngumisi sakaniya.
Maya-maya unti-unti ng dumating ang ibang estudyante. Tumingin ako sa relos ko at malapit na ngang mag alas-sais. Naramdaman ko naman na may kumulbit sakin, pagtingin ko si Matthew. Naka-kunot noo siya at nakatingin sa kanan kamay ko na may hawak na vape, napa-iling na lang siya. Tapos nag bukas siya ng Lollipop at sinubo 'yon sa bibig niya.
"Matigas talaga ang ulo mo." sabi niya. Kaya napataas ang kilay ko. Sa totoo lang, ngayon na lang ulit ako nakapag-vape. Dahil nasasanay na kong Lollilop at milo na lang laman ng bibig ko maliban sa pagkain. Pero, syempre hindi madaling makalimutan ang nakasanayan.
"Hindi ba sabi ko tigilan mo na 'yan?"
Dumating na ang mga bus. Pumila sila ng maayos, nauuna ang lower years. Nag pahuli kami nila Demise at Keesan, isinama na rin namin ang tatlong bugok. "Bakit hindi tayo pumila?" tanong ni Ryu. "Sa huling bus pa tayo." sagot ni Keesan sa kaniya.
May humawak sa kaliwang kamay ko. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko." Bwiset talaga na lalaki 'to. Ang kulit masyado daig pa babae. "Hindi kita titigilan, Dale." tinagtag ko ang kamay niya at sumakay na sa Bus dahil samin Bus na lang ang nandoon.
Sa pinaka-dulo ako naupo at sa may bintana ako pumwesto. Kanana ko sina Demise at Leon at sa likod naman sina Keesan at Ryu, katabi ko naman si Matthew na hanggang ngayon ay daldal ng daldal. Nag-simula ng umandar ang Bus at tahimik lang ako. "Dale Irefin"
Napabuntong-hininga ako bago ko siya sagutin. "Hindi ko naman kailangan mag bago, para lang sa ibang tao. Kung mag babago man ako, unti-unti at hindi biglaan." sagot ko at pumikit na.
Hindi na siya nangulit at natahimik na lang. Natauhan siguro sa sinabi ko sa kaniya. Nag mulat ako saglit at bahagyang sumilip sa bintana, napangisi ako sa nakita ko. Umayos na muli ako ng upo at nag bukas ng Milo. "Akala ko tulog ka?" tanong niya. Umiling lang ako habang nag papak ng Milo. "Sorry!" sabi niya. "No need to say sorry." Totoo naman. Maliit na kasalanan lang 'yon at hindi muna kailangan humingi ng pasensya. Para sakin, tyaka ka lang hihingi ng pasensya kapag sobrang laki na ng kasalanan mo.
Naramdaman kong pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Para-paraan din 'tong lalaki na to. "Inaantok ka ba?" tumango lang siya at narinig ko ang pag hikab niya. Tinap ko ang ulo niya at nag-hum. Maya-maya lang naririnig ko na siyang humihilik.
Pinag-patuloy ko na ang pag-papak ng Milo. "Dale, snacks?" tumingin ako sa likod at nakita kong inaalok ni Ryu ng Clover. Umiling lang ako at tyaka pinakita ang Milo ko. Napatawa tuloy silang dalawa. Who cares? Tsk.
"Sweet niyo naman." sigaw ni Leon tapos humiyaw pa ng malakas. Taratado talaga! Sinilip ko si Matthew, mabuti na lang at hindi nagising.
...
May naririnig akong boses kaya naiinis ako. Kitang natutulog yung tao, mag-iingay sila? Tsk. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang apat na tao sa harapan namin. May hawak na camera sina Demise at Keesan habang ang dalawang ugok ay tumatawa lang. Iginala ko ang mata ko at nasa loob pa rin kami Bus pero kami kami na lang ang nandito. Pagtingin ko sa bintana nandito na pala kami sa destinasyon namin.
"Bakit hindi niyo ko ginising?"
"Ang sweet niyo kasing tignan." sagot ni Demise.
Napa-iling na lang ako at mabilis na tumayo. Dahilan para mahulog si Matthew. "Aray!" daing niya habang hinihimas ang ulo niya. "Bakit ka tumayo?" Bahala ka sa buhay mo.
Bumaba na ako ng Bus at nandoon na rin pala lahat ng estudyante. Nakita kong nasa unahan si Butler Morri. Tinanguan ko lang siya, hudyat na mag simula ng mag salita.
"Good day! Nandito ako upang maging tour guide niyo sa lugar na ito. Pero, bago ang lahat nais ko kayong batiin. Maligayang pagdating sa Piña Collina Resorts." Marami akong naririnig na mga bulungan at marami rin akong nakikitang excited. Tsk!
"Ang ganda dito, Dale." bulong ni Demise sakin. Tumango lang ako. Walang iba na dapat makaalam na samin ang resort na 'to.
"Wala kayong dapat alalahanin sa magiging bayad dahil free lahat ang bayarin niyo. Isa kasi ang eskwelahan niyo sa may pinaka-magandang school sa buong pilipinas, kaya naman kayo ang napili namin." pagpapatuloy ni Butler Morri.
"Ang gagawin niyo lang ay mag enjoy ng tatlong araw dito." dugtong niya.
Nag simula na siyang mag lakad kaya sumunod kami sa kaniya. Ipinapakita niya ang pwedeng laruin at pwedeng pasyalan o libangan samin. Tumabi sakin si Matthew at inabot ang Lollipop. "Ang yaman naman ng may ari nito. Libre lahat!" sabi niya. Napangisi na lang tuloy ako.
Sinubo ko ang Lollipop at hindi na nakinig pa kay Butler Morri. Alam ko naman na ang pasikot-sikot dito. Sila Demise at Keesan naman todo kuha ng litrato. Pagkatapos ng mahaba habang lakaran, dinala na rin kami ni Butler Morri sa tutulugan namin. Hinintay kong makapasok ang lahat bago ko kinausap si Butler Morri. "Ms. Irefin" sabi niya at nag bow sakin.
"Handa na ba ang lahat?" tanong ko. Tumango siya.
"May ipag-uutos pa po ba kayo Ms. Irefin?" umiling lang ako at minustra ang kamay ko na umalis na siya. Yumuko muna siya at mabilis ng nawala sa paningin ko.
Kailangan ng mag pahinga, mahaba-haba ang araw ko bukas.
...
Pag-gising ko nakita kong naka-paligo na sila Demise at Keesan. Magkakasama kami sa isang kwarto, malaki naman ito at tatlo ang kama. "Maligo kana, Dale. Gusto raw nila i-try yung Obstacle Course dito." tumango lang ako at kumuha ng tuwalya.
Pagpasok ko tumingin muna ako sa salamin at nakita ko doon ang kakaibang mata ko. Tumalikod ako ng bahagya at nakita ko rin ang kakaibang nakatatak sa likuran ko, pagkatapos hinimas ko ang braso ko kung saan nakalagay ang gusto nila. Napa-iling na lang ako at nag-simula ng maligo. 'Babaguhin ko ang lahat at tiyaka ako mag sisimula.'
Pagkatapos kong maligo. Lumabas na rin ako agad. Wala naman malisya kung sa harapan nila ako mag bihis dahil pare-pareho naman kaming babae. Isa pa, alam naman nila. "Marami na raw bang tao sa Obstacle?" tanong ko sa kanila. Habang nag bibihis ako ng tattered pants at black fitted sando.
Tumango si Demise sakin kaya napa-ngisi ako. "Mauna na kayo don." Tumango lang sila at lumabas na ng kwarto.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan don ang nangyayari sa Obstacle. Masaya silang nag lalaro doon at halos lahat din ng dapat na estudyante ay nandoon. Great!
Lumabas ako ng kwarto at tinawagan ko si Demise. "Ilayo mo ng kaunti sina Matthew diyan. Doon sa hindi sila mahahagip." hindi ko na siya hinintay sumagot at ibinaba ko na ang tawag.
Paglabas ko nakita ko si Butler Morri na hinihintay ako. "Handa na po ang lahat Ms. Irefin" tumango ako at mabilis na umalis sa lugar na 'yon.
Pag dating ko sa Obstacle may mga nag lalaro pa rin at may mga nag papahinga na. Pero, kahit saan naman sila mag punta hagip pa rin sila dahil sila ang target ko. Walang makakatakbo at makakatakas sa lugar na 'to.
Nakita ko sina Demise at Keesan na hini-hila ang tatlong ugok. Dinala ito sa likod ng puno. Puno ng pagtataka ang mga mukha nung tatlong ugok. Tsk! Kinalikot ko ang cellphone ko at tyaka pinindot ang pulang button na nasa screen. '3, 2, 1 ..' sabi ko sa aking isip.
Isa-isang sumabog ang katawan ng estudyanteng mga nag lalaro kaya nag sigawan ang ibang estudyante. Nag simula silang mag takbuhan pero bago sila makaalis sa Obstacle ay sumabog na rin sila. Nag sisimula na rin umapoy ang buong obstacle kaya napangisi ako. Habang isa-isa silang sumasabog kasabay 'non ang pag sunog ng katawan nila hanggang sa maging abo.
Kalahati rin ng estudyante sa school ang nandito katulad ng napag-usapan. Nakita ko si Matthew na palinga-linga na parang may hinahanap. Tumingin ulit ako sa Obstacle at malaking apoy na lang ang nakikita ko. Sumandal ako sa puno at kumain ng Milo. "Done with Day 1."
---
Vote. Comment. Recommend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top