Pluma (4)

Pluma (4)
ika-19 ng Mayo 2015
Martes

I

Nasanay akong maglayag sa buhay ng mag-isa

Walang pake sa paligid, ayaw ng may kasama.

Mga tulang malulungkot, sinulat sa tintang pula

'La mang talento, mga obra'y sinubukang  ipinta.

II

Pilit mang habulin ang masasayang nakaraan

'Di pahihintulutan ng 'pagbirong kapalaran,

Pilit mang iangat ang sarili sa kinalagyan

'La pa ring laban sa mapait na katotohanan.

III

Sumabay sa gera, gamit baril na walang bala.

Mga naisulat na bara 'la pang kakwenta-kwenta

Noo'y 'di pa mapagsabihan, utak makitid pa,

Pilit mang umunawa, kaisipa'y laging sara.

IV

Nagmamahal kahit wala namang kaalam-alam

Puso ma'y manhid nagkaro'n pa rin ng pakiramdam,

Landas na patungo sa pangarap, pilit susundan

Kahit ganu kahirap, natuto ring magpaalam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top