Pluma (2)
Pluma (2)
ika-16 ng Mayo 2015
Sabado
I
Bawat salita'y may ninanais na kahulugan
Bawat titik ay simbolo, ugat ng pinagmulan.
Bawat linya'y may mabigat na pinapasan-pasan
Mga tula ko'y katumbas ng lalim ng karagatan.
II
Sa dimensyong pinasok, ako'y malayang-malaya
Ako - tagalikha, panulat nagsilbing kahinga,
Papel ay mundo, matiyagang inayos na obra
Emosyon ang aawit, huling pyesa'y - mambabasa.
III
Mga kalungkutan na kinimkim ng napakatagal,
Mga hinanaing 'di masambit, 'di mausal-usal
Patak ng tinta'y mula sa dalisay na bukal
Bawat letra'y pinatulis, tumatarak na punyal.
IV
Wangis nila'y mga asong lagalag kung tumahol,
Sa kabila ng pinag-aralan, utak mapurol.
Kung makapagmalaki kala mo kung sinung polpol
Imbes ayusin, lipuna'y lalong ibinubuhol.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top