Pluma (14)

Pluma (14)
ika-28 ng Hulyo 2015
09:49Pm. - 10:28Pm.

I

Sumapit na ngang gabing walang anino ng buwa't

Kinaila ang liwanag ng buong santinakpan,

Sinung sisindi, mitsa ng masidhing pagmamahal?

Kung ang kagalang-galang kong baya'y sugat-sugatan.

II

Sinu nga bang salarin ang aking dapat ituro?

Kung mismong paggagawad ng hustisya'y limitado.

Sang-sang ng bulok na sistema'y umaalimpuyo

Kaya't nararapat lang maglunsad ng pagbabago.

III

Pinaindak ngang sadya ang bawat panulat, pluma

Upang makiawit sa imno ng pakikibaka,

Silang nagpasiwalat ng mali-maling balita

Ang dapat pinarusahan ng pagkamaralita.

IV

Ngunit kung nagkaganu'y 'di ako ang inyong lingkod

Na nagsusulat ng tulaang inyong binubuod.

Papuri't pagsang-ayo'y para saki'y 'sa ng handog,

Panghihikayat n'yong magpatuloy nakalulugod.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top