Pluma (11)
Pluma (11)
ika-09 ng Hulyo 2015
08:58Pm. - 09:25Pm.
I
Paanu mararamdaman ang pag-ibig ng ina
Kung ibang bata ang kinakalong niya sa t'wina.
Kahit mahirap mawalay sa anak niyang mutya
Handang tiisin upang makapadala ng pera.
II
Perang panggasta sa araw-araw na pamumuhay
'Di alintana ang pananabik na lumalatay
Sa puso't salimisim inukit, mukha ng anak
Upang maibsan kahit papanu ang paghihirap.
III
Kung sasawiing-palad, aba'y uuwiing luhaan
Niring bayani kung ituring na nangibang bayan.
'Pang kumakalam na sikmura ng anak malam'nan
At kinabukasan ni bunso'y mapaghahandaan.
IV
Ngunit 'di lahat, umuuwing dala ang pangarap
Na maiahon ang pamilya sa pagkakasadlak
Sa kumonoy ng kahirapang lumulumpong pakpak
At pinagkakait ang saganang buhay sa lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top