NOTE: (Revised Story)
LAHAT NG ITO AY ISANG KATHANG ISIP LANG WALANG TOTOO SA ISTORYANG ITO. ANG PANGALAN AY GAWA GAWA LANG AT KAHIT ANG MGA LUGAR!
ALL RIGHT RESERVED TO THE RIGHTFULL OWNER
_________^^^_________
CHAPTER 04 - THE CONSEQUENCE
_________.《♤》._________
AMELIA POV:
"Para saan nga ulit to?" Tanong ko kay Ken. Kakarating lang namin sa lugar pero parang feeling ko asa maling lugar ang napuntahan namin.
"Lady Ava, diba sinabi ko na sa inyo kanina nakalimutan nanaman ninyo?" Pabulong na Saad ni Ken saakin. Hindi naman sa nakalimutan ko pero bakit para kasing hindi tungkol saakin ang pagdiriwang na ito.
"Sigurado ka na eto yung lugar?" Nagdududang sabi ko sakanya, habang busy parin akong tignan ang mga tao.
"Oho, satingin ho ba ninyo na may mali?" Tanong naman niya saakin. Kaya tumango tango ako sakanya.
"Bakit ako lang to'ng natatangi na nakaputi ang kasuotan?" Tanong ko sakanya at habay tingin sa suot ko at suot ng ibang tao.
"Ayon ang nakasaad sa sulat na dapat nakaputi kayo" sagot niya.
"Alam ko yon dahil binasa ko din yung nasa sulat. Pero wari ko na may mali talaga" Saad ko sakanya at hindi parin mapakali.
"Tayo na lady Ava" pagaaya niya saakin. Kahit ayaw ko man maglakad papunta sa madaming tao, eh sumunod nalang ako kay Ken.
Hindi ko alam kung saan ba siya pupunta ng bigla nalang siya'ng tumigil sa harap ng isang babae, at ang sama ng tingin niya sa'akin.
Siya din yung babae sa litrato na kasama ng sulat, siya pala ang nagayos ng lahat ng ito para saakin, dahil iyon ang nakasaad talaga sa sulat.
Magpapasalamat ba ako?
"Lady Jewel maraming salamat sa imbitasyon ninyo-" Hindi n'ya pinatapos ang sasabihin ni Ken ng may umalingawngaw na malakas na sampal mula sa kinatatayuan namin.
Nagulat ako sa nangyari, ang tangi nagawa ko nalang ay himashamasin ang aking pisngi.
"Lady Ava! Ba't ninyo ginawa i'yon" Hindi ako makatingin sakanila. Tila napatulala lang ako, at biglang may naalala sa nangyari, kung kaya't may mga luhang tumulo sa mga mata ko.
"Lady Ava!" Hindi mapakali sa kinatatayuan ngayon si Ken, dahil sa biglang pag-iyak ni Amelia.
"Wala ako'ng ginawang masama, ginawa ko lang ang tama. Wala kayong galang kung kaya't ayan ang nararapat sakanya" Nakay Amelia lang ang atensyon ni Ken, ginagawa niya ang kanyang makakaya upang pakalmahin si Amelia. Sa kalagayan ngayon ni Amelia ay tila ba hindi na ito makahinga pagkatapos niyang umiyak ng ilang minuto.
Madaming na ang tao ang nagbubulungan at pinagmamasdan lang sila.
"Lady Ava, anong nangyayari sa inyo? Dito lang kayo kukuha ako ng tubig" Paalis na sana si Ken upang kumuha ng tubig ng pigilan siya ni Amelia.
"Wag kana magabala pa" Sabi nito, ngunit hindi nakinig si Ken at inalis niya ang pagkakahwak ni Amelia sakanyang lalayan ng damit.
Nilalabanan ni Amelia ang kangyang nararamdaman ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang s'yang inatake ng asthama niya kung hindi naman sa kanya ang katawan na ito. "Pakiramdam ko totoo ang lahat ng ito, mula sa lalim ng bawat paghinga ko"
"Ate Jewel! anong kaguluhan to?" Habang iniinda parin ni Amelia ang kanyang nararamdaman at bago pa ito tuluyan mawalan ng malay ay naramdaman niya ang mga kamay na nakahawak sakanyang likod. "Buti bumalik ka kaagad Ken" Sabi nito at bago pa siya tuluyan mawalan ng malay.
_________.《♤》._________
KEN POV:
Bakit buhat buhat ni Prince Ray Si Lady Ava?! Saglit lang! Napansin kaagad ni Ken ang pagka-walang malay na si Amelia, pagkabalik niya galing sa paghahanap ng tubig. Nilapitan niya kaagad si Amelia.
"Lady Ava!" Pagtawag niya ngunit walang tugon mula kay Amelia.
"Hindi matutuwa si ama dito" Sabi nito sa kanyang kapatid na si Lady Jewel. Sinubukan ni Ken na kunin kay Prince Ray si Amelia ngunit tinignan lang siya nito at sabay sabing "Kaylangan niyang madala kaagad sa malapit na pagamutan" Saad ni Prince Ray, hindi tumangi si Ken at sumunod nalang ito.
__.《♤》.__
Naidala na namin si Lady Ava sa malapit na pagamutan at sakto na ito din ang gumamot sa kanya sa palasyo, nasa maayos na kalagayan siya ngayon. Natutulog lang siya, pero mamaya lang ay magigising nadin daw ito sabi ng manggagamit.
"Ganon pala ang nangyari, alam ko mali ang ginawa ng ate ko ngunit hindi ko masisisi ang nararamdaman niya. Dahil sa pagpanaw ni ama, lalo na ang pagdalo ninyo ay ang kamatayan ni ama" Wala akong kaalam alam na iyon pala ang pinagdiriwang nila kanina.
Kasalanan ko ito, kung siniguro ko na tunay ang sulat bago ko ito ipabasa kay Lady Ava.
"Wag kang magalala wala ka namang kasalanan, kung ganon nga ang nangyari katulad ng kwento mo saakin. Hindi ko lang alam kung papaano makakahingi ng tawad kay Lady Ava" Nagulat ako ng tawagin niya si Lady Ava, papaano niya nalaman?
Pamula ng nangyari ang pagbitay sakanya ay wala nang balita ang mga tao sa labas ng palasyo kung ano na bang nangyari kay Lady Ava pagkatapos noon. Ang akala ko ay alam ni Lady Jewel dahil sa magkaybigan ang dalawang panig, ngunit mali pala ako at dahil sa kapabayaan ko ay napahamak ko si Lady Ava.
"Paano ho ninyo nalaman na si Lady Ava ang kasama ko ngayon?" Tanong nito kahit na alam niya sa sarili niya na wala itong karapatan na magtanong sa isang noble kung walang pahintulot.
Napatingin sakanya si Prince Ray dahil sa sinabi nito.
-------▪︎《♡》▪︎-------
Sa kabilang panig naman ang katawan ni Amelia na hanggang ngayon ay nakahiga sa loob ng hospital at wala parin itong malay. Gabi na sa kanilang mundo, habang abala naman sa pagkain ang nagbabantay kay Amelia ay bigla nalang gumalaw ang mga daliri nito.
Walang kamalay malay ang nagbabantay. Tumayo pa ito upang kumuha pa ng makakain niya sa may maliit na refregirator kung saan nakalagay sa may tapat ng higaan ni Amelia, ng bigla nalang ito makarinig ng kaluskos.
Napalunok nalang ito at dahan dahan isinara ang refrigerator, nagdadalawang isip kung lilingon ba s'ya o hindi ng biglang nalang itong napasigaw at agad niyang kinuha ang isang bagay na nakapukaw sakanyang pansin at sabay hampas.
"Anak ng truck naman oh! naman, naman" Sabi nito habang napapailing. May pumasok na nurse upang alamin kung anong ang sigaw na iyon.
agad naman ito nagdahilan, hindi naman nagduda ang nurse dahil alam niya na ito talaga ang nagbabantay kay Amelia.
Tinawag ng nurse ang doctor at iba pang nurse upang ibalik si Amelia na nakahandusay na ngayon sa lapag.
"Patay talaga ako nito kay boss" bulong nalang nito sakanyang sarili at napakamot sa ulo. Napansin ng isang nurse ang hawak nito na vase, kaya napatingin din ito sa hawak hawak niya at agad sinabing. "Nagkakamali ka inaayos ko lang yung vase tapos bigla nalang ko siyang makita na nakahandusay na sa sahig" Pagdadahilan niya sa hawak niyang vase, hindi nalang umimik ang nurse.
-------《♡》-------
Magbalik naman tayo sa mundo nila Ava. Habang nagkwekwentuhan sila Prince Ray at ang Kabalyero na si KEn, ay biglang iminulat ni Ava ang kanyang mga mata. Bumalik nanaman si Amelia sa katawan ni Ava.
"Walangya naman oh!!!!" Sigaw niya at padabog na bumangon sa higaan. Nagulat yung dalawa dahilan upang paudlot ang kanilang paguusap.
"May problema ba Lady Ava?" Natatarantang tanong ni Ken, hindi ito pinansin ni Amelia at agad niyang hinanap ang pinakang malapit na salamin sakanya. Ng makahanap siya ay agad niyang pinagmasdan ang kanyang sarili. "Tawagan mo kaagad ang manggamot at sabihin na gising na si Lady Ava" utos ni Prince Ray na sinunod naman ni Ken
-------《♡》-------
AMELIA POV:
Sinasabi na eh! may kakaiba talaga noong unang araw palang na nandito ako. Ibig sabihin na hindi isang panaginip ang lahat ng ito!
Pero bakit nasa ospital ako... ah oo nga pala, so ibig sabihin na nabngga nga talaga ako pero ang mahalaga ay hindi pa ako patay at nasa ospital lang ako.
Kaso sino yung walanghiyang hinampas ng vase yung ulo ko, dahilan kung kaya't bumalik ako dito. Pero ang dahilan kung bakit ako nakabalik sa katawan ko ay dahil... a. nasampal ako, b. hinapo ako, or c. gawa ni ken noong buhatin niya ako?
"Lady Ava, pwede bang umupo muna kayo" Hindi napansin na lahat sila ay saakin na nakatingin. Sumunod nalang ako sa sinabi noong manggagamot. Napansin ko na hindi familiar yung mukha noong isa kung kaya't bumulong ako kay Ken na katabi ko lang naman.
"Sino siya?" Tanong ko "Si Prince Ray isang royalty din siya katulad ninyo" ah kaya pala ganon ang kanyang suot. Napatango-tango nalang ako. Ah para upang makabalik ako sa dati kong katawan ay gawin nalang yung mga naisip ko kanina.
Bumulong ulit ako sa tenga ni Ken, upang magtanong ulit.
"Alam mo ba kung saan ko makikita yung babae na nakausap lang natin duon sa... hmm ano nga ulit yun, basta yung sumampal saakin" Tanong ko sakanya, na para bang ikinagulat niya. May nakakagulat sa sinabi ko?
"Para saan Lady Ava, kung may balak man kayong gumanti ay nais kong sabihin sa inyo ng mas maaga na hindi maari ang gusto ninyo maghiganti sakanya dahil siya si Lady Jewel, balita ko na magiging Empress na siya ng North kingdom" Bakit niya sinasabi ang tungkol sa pagiging empress noong tao.
"Wala naman akong balak na gumanti, gusto ko lang magpaliwanag ng maayos sa nangyari" Pagdadahilan ko nalang, kahit na hindi naman iyon ang motibo ko. Tumango tamngo nalang si Ken, kaya nginitian ko ito.
Hindi ko sinasadya na mapatingin kay Prince Ray, nakatingin din siya ngayon saakin kaya ngumiti nalang ako sakanya.
Pagkatapos na suriin ako ng manggagamot ay pinaliwanag ni Ken ang nangyari kanina habnag naglalakad kami.
"Bali hindi talaga si Lady Jewel yung nagdala? Pero sino?" Tanong ko kay ken, habang naguunot ako. Pakiramdam ko kasi na ramdam ko yung sakit na natamo ko duon sa paghampas ng vase saakin.
"Wala pa akong idea tungkol d'yan" Sagot niya, papunta kami ngayon kung nasaan si Lady jewel. Napagaalaman ko din na nasa North kingdom parin kami.
Kaya pala may hindi familiar na mukha kanina. Ang ibig bang sabihin ni Ken kanina na katulad ko lang din si Prince Ray ay wala s'yang ability? Well hindi ko naman siguro kaylangan problemahin yun dahil hindi naman siya pinakilala sa aklat.
Nakakapag taka na hinahayaan lang kaming maglakad sa loob ng palasyo nila ng wala manlang bantay na sumusunod saamin. Sa pagkakaalam ko na dapat meron dahil hindi naman kami taga rito, at isa pa may napansin din ako na kakaibi kay ken.
"Ano pala pinagusapan ninyo kanina ni Prince Ray, at kaylangan ko pa'ng lumabas?" Tanong ko sakanya. Si Prince Ray naman talaga ang may gusto noon, kaya gusto ko malaman kung anong sinabi niya kay Ken.
"Ah sinabi niya na kung pwede wag ko na daw ipaalam sa hari ang nangyari kanina dahil maaaring magumpisa lang ito ng gulo..." Nagtaka ako ng bigla nalang siya tumigil sa pagsasalita at lumingon saakin, kaya napataas yung isang kilay ko.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Maaari kang masaktan kung sasabihin ko ang sumunod n'yang sinabi" Ako, ba't naman ako masasaktan kung ano man ang sabihin noong Prince Ray na i'yon.
"Sabihin mo nalang" Naiinis na sabi ko
"Hindi magandang bagay na maging sanhi ng gulo ang isang tao na isang impostor lamang" Paano niya nasabi na isa akong impostor kung hindi sila ang nag padala noong mensahe. Ah, dahil siguro sa pagsigaw ni Ken kanina sa pangalan ni Ava kaya nasabi na isa ako'ng impostor.
"ah... sabagay" maikling sagot ko at napatigil sa paglalakad, tumigil din siya at muling lumingon sa'akin.
"Bakit? May problema ba?" Tanong niya, bahagya akong umatras mula sakanya.
"Sino ka?" Hindi ko alam kung ako ba talaga yung kinakabahan sa nangyayari ngayon o yung katawan ni Ava, pero ang tangi alam ko lang ay dilikado ako ngayon pati nadin ang katawan ni Ava.
______.<◇>.______
To be Continue.....
×××××××××××××××××××××××××××××××××
Date of Publish: 12/17/2023
Author: thehater_029
××××××××××××××××××××××××××××××××××
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top