Chapter 03 - First Commotion
NOTE: (Revised Story)
LAHAT NG ITO AY ISANG KATHANG ISIP LANG WALANG TOTOO SA ISTORYANG ITO. ANG PANGALAN AY GAWA GAWA LANG AT KAHIT ANG MGA LUGAR!
ALL RIGHT RESERVED TO THE RIGHTFULL OWNER
_________^^^_________
CHAPTER 03 - FIRST COMMOTION
_________.《♤》._________
PRINCE PHILIP POV:
Unang araw palang nilang nagkita, eh gumawa kaagad sila ng gulo.
Hindi ko alam na ngayon magigising ang katawan ni Ava, pamula nang bumalik ako dito eh naging abala na ako.
Kaya kay Ken ko pinabantay ang katawan ni Ava, pero bakit humantong ang lahat sa ganito?
Kinuwento nadin naman ni Ken ang nangyari pero sana naman hindi nalang lumaban si Ava. Hindi ko alam na sobramg layo nang paguugali niya sa tunay na Ava.
Saan ba nanggaling ang isang to, mukhang sakit sa ulo.
-------《♡》-------
AMELIA POV:
Ang dahilan kung bakit hindi ko makontrol ang sarili ko ngayon ay dahil sa ability na taglay ni Philip.
Naalala ko na nakasaad sa libro ang ability na taglay niya. Sa pagkakatanda ko apat o tatlo ang ability na meron siya kung kayat ayon ang dahilan bakit pinatay siya ng Hari, pero hindi ko alam kung papaano siya nabuhay.
Baka siguro gusto ko na makita siya na buhay? Since panaginip ko naman to hahahaha
Habang abala si Amelia sakanyang iniisip ay nagkagawa ng paraan upang matamaan ni Aval si Amelia sa ulo.
Agad ito'ng napatingin kay Aval ng masama at hinubad niya kaagad ang isa niyang sandals at binato ito.
Nakokontrol parin nila ang sarili nila ngunit hindi lang pwede lumapit sa isa't isa at sa kalagayan nila ngayon ay gamit ni Philip ang ability niya kung saan nakalutang sa era ang dalawa habang sinusundan siya.
Hindi niya mapapansin ang pagaaway nang dalawa sa likod niya dahil abala siya sa kanyang iniisip, hanggang sa makarating na sila sa harap nang silid ng Hari ay duon lang niya napagtanto ang ginagawa nang dalawa.
Napahawak nalang siya sakanyang ulo habang umiiling.
"Hindi ba kayo titigil ha!? Umayos kayo at papasok na tayo sa silid nang Hari!" Hindi ko alam ang dahilan kung bakit gusto sila makita ng Hari ngayon.
Siguri nabalitaan niya kaagad ang nangyari, kung kaya't pinapapunta niya kaagad ang dalawa sa silid niya.
---------▪︎《♡》▪︎---------
Inalis ko na ang Ability ko nang makapasok na kami sa loob at nakaupo na nang maayos ang dalawa.
Parehas lang silang nakatungo. Yun ang akala ko noong una nang bigla nalang lakas loob na tinignan ni Ava ang Hari, nang wala manlang pahintulot.
Pambihira na!
---------▪︎《♡》▪︎---------
AMELIA POV:
Bakit ba kaylangan ko pang tumungo? Eh nakakangalay kaya.
Walang kaalam alam si Amelia na labag sa patakaran ang tumingin sa Hari nang walang pahintulot.
Akmang pagsasabihan na siya ng kanang kamay nang Hari, ng pigilan niya ito.
"Nabalitaan ko ang panggugulo ninyo kanina sa loob ng palasyo, pero palalagpasin ko iyon. Ngunit Lady Ava kung uulitin mo ulit ang asal na ipinakita mo kanina ay siguradong mapuputol ang kasunduan namin ni Prince Philip" Ang kasunduan na sinasbai niya ay tungkol sa sinabi ni Ken kanina? Siguro.
"At Ikaw Princess Aval, bakit Narito ka parin sa palasyo. Hindi ba dapat nasa palasyo ka ngayon ni Emperor Federick?" Napapunta naman ang atensyon niya kay Aval, na nakatungo ngayon.
"Paumanhin Mahal na Hari ngunit naputol na ang kasunduan at paparating ngayong araw si Emperor Federick upang kausapin kayo tungkol sa bagay na iyon" Mukhang hindi nagustuhan ng Hari ang kanyang narinig kung kaya't bigla nalang itong umalis, sumunod naman yung taong na nasa tabi kanina ng upuan niya.
Na mukhang alalay niya ito?
Akalain mo, mukhang naiinis ang Hari dahil sa sinabi ni Aval. Dahan dahan ako lumingon sa kinauupuan niya at sabay tawa ng mahina, Nang sa ganon ay maasar siya.
Nakatungo lang siya at tila dinadamdam niya pa ang sinabi ng hari sakanya, ha, ha, ka talaga ngayon. Akala ko ba lahat ng tao ay kakampi sayo. Eh kinain mo lang -
"Ay putang i-" Sino ba naman ang hindi mapapamira dahil sa ginawa ni Aval kay Amelia. Habang abala si Amelia sa iniisip niya tungkol sa nangyari, ay napansin ni Aval ang pagtawa nito kahit na nakatungo siya.
Kaya naman siya naman tong kinuha ang isa niyang pares ng suot niyang pang paa at sabay bato, at sakto naman tumama ito sa ulo ni Amelia na dahilan kung kayat napamura ito.
Kinuha niya yung binato sakanya "That's it, wala talagang Princess princess saakin!" Sigaw niya, at saka ito tumayo. Papalapit na ito sa pwesto ni Aval pero bago pa magkagulo ay ginamit na ni Philip ang ability niya.
"Grabe naman, ako yung binato. Makaganti manlang ako oh! Pagbigyan mo na ako Prince Philip" Halos nagmamakaawa na si Amelia kay Philip dahil hindi na niya makotrol ang mga kamay niya at ngayon ay nasa ere nanaman siya katulad kanina.
Hindi pinansin ni Philip ito, at saka nagpaalam kay Princess Aval. Tumayo naman si Aval upang magbigay galang din kay Philip. Habang naglalakad si Philip papalayo ay nasa likod niya si Amelia at kumakaway naman si Aval na nakangiti at para bang siya ang nagwagi. Nainis naman si Amelia, kung kontrolado lang sana ni Amelia ang kanyang kamay ay baka kanina pa niya binato pabalik ang pang paa ni Aval.
---------▪︎《♡》▪︎---------
"Thank you talaga, akala ko kakampi kita pero parang hindi" Yan nalang ang nasabi ni Amelia pagkatapos na tanggalin ni Philip ang kanyang ability kay Amelia. Hindi naman naintindihan ni Philip ang ibig sabihin ni Amelia.
Nakalimutan ko na mahihina nga pala makaintindi ang mga to sa mga ganong salita. Tumango tango nalang ako sakanya na naiinis.
Nakakainis yung kanina eh.
"Kaylangan mo lang muna manatili sa loob ng silid, at babantayan ka ni Ken"
"Okay okay, pero anong nangyari at nanatili lang si Aval?" Tanong ni Amelia pero agad itong tinama ni Philip.
"Princess Aval ang dapat itawag mo. Kung may makarinig man sayo na ibang tao sigurado akong mapaparusahan ka nanaman niyan"
"Okay fine, no need naman sa long explanation. So ano nga yung dahilan kung bakit nanatili siya sa loob ng silid ng Hari?" Sabi ko sakanya.
"Kaya umalis nalang bigla yung mahal na Hari kanina ang ibig sabihin noon ay kaylangan kausapin ng Mahal na Hari magisa si Princess Aval" Ay Sala, kaylangan muna mag walkout para makausap magisa si Aval, eh pwede naman sabihin ng Hari na kakausapin niya magisa si Aval.
Sabagay iba nga naman yung mundo nila sa mundo ko, pero weird parin kasi hindi ba panaginip ko to so parang may control din ako sa scenario o baka sarili ko lang talaga yung nakokontrol ko?
Ay ewan basta ang alam ko panaginip lang to at gagawa ako ng paraan upang mabuhay si Ava sa panaginip ko.
"Mukhang papagalitan siya ng Hari" bulong ko sa sarili ko, pero bago pa ako makapasok sa loob ay narinig ni Philip ang sinabi ko. Kaya pinigilan niya ako makapasok sa loob.
"Bakit?"
"Wag mong sasabihin sa iba ang tungkol sa nangyari kanina kay Princess Aval" Nagtaka ako sa sinabi niya, dahil sino ba naman pagsasabihan ko sa bagay na iyon. As if naman may kakwentuhan ako.
"Syempre naman, sino ba naman pagsasabihan ko noon" Sagot ko sakanya at saka pumasok sa loob.
--------10 minutes later-------
"Wag ka nalang maingay na sinabi ko iyon sayo, at parehas tayo malalagot kay Prince Philip"
______.<◇>.______
To be Continue.....
×××××××××××××××××××××××××××××××××
Date of Publish: 10/19/2023
Author: thehater_029
××××××××××××××××××××××××××××××××××
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top