Chapter 02 - The Beginning
NOTE: (Revised Story)
LAHAT NG ITO AY ISANG KATHANG ISIP LANG WALANG TOTOO SA ISTORYANG ITO. ANG PANGALAN AY GAWA GAWA LANG AT KAHIT ANG MGA LUGAR!
ALL RIGHT RESERVED TO THE RIGHTFULL OWNER
_________^^^_________
CHAPTER 02 - THE BEGINNING
_________.《♤》._________
Ang sakit ng ulo ko. Ano nga ba ulit nangyari saakin? Ah oo nga pala! Si Ava Mia, nasa katawan ako ni Ava Mia.
Oo nga ha ha ha
"Ha?!" Muli nanamang napasigaw si Amelia. Eto na ang pangalawang beses niyang magising na nasigaw.
Kung kayat agad na pumasok sa loob ang isang kabalyero niya na si Ken.
Agad naman namukhaan ni Amelia ito na si Ken dahil sa cover ng libro kung saan nakalarawan ang mga ibang karakter ng kwento.
Siya yung ika limang kabalyero ni Ava, na niloko siya. Bakit nandito siya, kasi Amelia kabalyero siya ni Ava so matik na talaga na nasa tabi niya yung limang kabalyero niya. Pero bakit isa lang yung pumasok?
"Ano pong nangyari lady Ava?! Kaylangan ko bang tawagin si Prince Philip?" Huh? Bakit parang mali ata ang sinabi niyang pangalan.
"Kilala mo ang tunay na pangalan ni Ava? Hindi ba dapat Princess Aval?" Tanong ko sakanya dahil ang nakasaad sa libro ay nagpapanggap na si Ava bilang si Aval kung kayat dapat ang itawag saakin ng mga kabalyero ay Princess Aval hindi Ava. Pero baka nagkulang lang ako ng rinig.
"Wag niyo'ng sabihin natroma kayo dahil sa nangyari noong lunes. Tatlong araw na kayong walang malay, kung kaya ganan ang nasasabi ninyo?" Ano bang pinagsasabi ng isang to. Pati tatlong araw nawalan ng malay si Ava? Nahimatay ba siya sa kwento at anong natroma? Wala naman akong nabasa na ganon.
"Ano bang sinasabi mo dyan, bakit naman matrotroma si Aval at pati ba't nawalan ng malay ang katawan na ito ng tatlong araw?" Tanong ko kaagad sa kanya ng hindi nagdadalawang isip. Kaya napaupo ito sa lapag at hindi ko maunawan ang kadahilanan kung bakit parang naiyak siya. Mas lalo akong nagulat ng lumapit siya saakin at umi-iyak.
Wow ha sa may kama pa talaga ni Aval. Siya yung iyakin sa limang kabalyero ni Ava, kuhang kuha niya yung deskription na nasa libro. Hindi ko alam kung anong naisipan ni Aval at kinuha niyang kabalyero ito para kay Ava.
Sabagay kung may balak naman din siyang patayin si Ava eh ba't kukuha pa siya ng matingong kawal para kay Ava.
Saglit nga totoo ba ang lahat ng ito? At nasa katawan talaga ako ni Ava?
Tumayo ako upang tignan ang aking mukha sa salimin. Mukha talaga ni Ava to. Pero bakit nandito ako?
"Ah! Siguro panaginip ang lahat ng to?! Oo tama tama" bulong ni Amelia sakanyang sarili, at saka napapunta sa kabalyero ang kanyang atensyon na hanggang ngayon ay naiyak parin.
"Kaysa umiyak kadyan, sagutin mo nalang yung tanong ko" Gusto ko malaman kung anong pahina na ako ng nasa libro, dahil hindi ko talaga maalala yung sinabi niya kanina.
Ang akala ni Amelia sakanyang sarili na isang panaginip lang ang lahat ng ito, na ang dahilan kung bakit napapanaginipan niya ito ay dahil naawa siya sa nangyari sa paborito niyang karakter kung kayat ito mismo ang itsura niya sa panaginip.
Hanggang sa panaginip ba hindi parin ako maka move on sa nangyari kay Ava, halos tatlong taon na ng idrop ko yung librong iyon ng dahil sa pagkamatay ni Ava. Nakakaawa naman talaga yung naging kalagayan niya kaya gusto kong maghiganti para sakanya sa lahat ng umapi at nanggamit sakanya, lalong lalo na yung lintik na Aval na iyon.
"Noong lunes ho kasi ginanap ang Death Penalty ninyo, natuloy iyon pero biglang nalang nagpakita si Prince Philip at ginamit ang kanyang ability upang muli kayong buhayin" Ba't biglang dami ng information ang sinabi niya saakin, at lahat ng sinabi niya ay hindi nangyari sa libro maliban nalang sa isa ang Death Penalty ni Ava.
Kung ganon nalagpasan ko yung huling eksena ni Ava sa kwento, pero bakit nandito ako?
Wait...
Wait....
So parang sa panaginip ko continuation lang ang buhay ni Ava to. So parang what if nabuhay si Ava? Ganon? Ganon ba ang peg.
Nako nice one Amelia, siya ienjoy mo ang pagpapantasya mo.
Ang taba talaga ng utak ko.
-----▪︎《♡》▪︎------
PHILIP 4RTH ABILITY POV:
"Mukhang iba ang ugali ng pumalit sayo Princess Ava. Sa tingin mo kaya tatagal siya?" Tanong ng ika apat na ability ni Philip kay Ava na ngayon ay nagalala na para sa katawan niya pati nadin sa nagamit nito.
"Hindi kaya sa mapahamak? Kaylangan ko sigurong sabihan siya" Nagalalang sabi ni Ava at handa na itong gamitin ang isa sa free pass niya.
"Wag mo munang sayanging ang free pass mo. Alalahanin mo sampong beses mo lang ito magagamit ang lima nito ay may taglay na isang oras habang yung lima pa ay minuto lang. Hayaan mo muna natin alamin kung anong gagawin niya" Dahil sa sinabi nito ay napaupo nalang muna si Ava at sinunod nalang ang sinabi ng ikaapat na ability ni Philip.
Nasa isang silid sila kung saan nakikita nila ang nangyayari kila Amelia at ganon nadin kay Philip. Sunod nilang tinignan ang kalagayan ni Philip kung saan kausap niya ngayon ang Mahal na Hari.
"Saglit lang! Bakit pumayag siya sa kasunduang iyon. Hindi ito maaari" Handa na niyang gamitin ang free pass ng muli nanaman siyang pigilan ni Pihilp the 4rth.
"Wag kang magmadali, baka may plano siya"
"Sa tingin mo magandang plano ang naging kasunduan nila na hindi na dapat gamitin ang mahika o ability niya. Alam mo din na ikapapahamak lang niya iyon, at talagang sinadya ng hari yon"
"Hayaan mo siya sa gusto niya, para din naman yun sa ikakaligtas ng katawan mo lalo't magiging official kanang Princess ng South Kingdom"
"Ano pang silbi kung ligtas nga ako pero siya naman itong ipapahamak ang sarili niya"
"Bakit ba ganan ka? Mas nagaalala ka pa sa iba kaysa sa sarili mo, hindi ba ang mahalaga ay parehas kayong ligtas"
"Sa ngayon oo parehas kaming ligtas, pero kung alam ko naman sa umpisa palang na tinangka na patayin si Prince Philip noon ng Hari. Maaaring maulit ito, at sa pagkakataon na ito wala ako sa tabi niya upang iligtas siya at ayoko din na ako ang dahilan kung kayat mararanasan niya ito"
"Matalino ang Master kung kayat magtiwala tayo sakanya" Sa pagkakataon na ito ay saka lang siya lumingon kay Philip the 4rth at bakas sa mukha ni Ava ang pagaalala niya.
"Si Prince Philip nalang ang natitirang kakampi ko kung kayat ayokong mawala siya, lalo't alam natin na hindi na ako ang nagamit ng katawan ko. Si Prince Philip nalang ang meron si Ava kaya kaylangan kong makausap siya ngayon" Sabi niya at saka niya ginamit ang isa sa Free pass niya.
Kung bakit kaylangan pang gumamit ni Ava ng free pass ay dahil wala na itong kalayaan na magpakita kay Philip o kung sino man ang gugustuhin niya dahil ito sa kapalit na pinagusapan nila.
"Yung niligtas mo noon ay nandito lang, iba na ang gumagamit sa tunay kong katawan pamula ng iligtas mo ako noon" Sasabihin ko sana sayo yung totoo, pero saka nalang.
-------▪︎《♡》▪︎-------
PRINCE PHILIP POV:
Nagulat ako ng bigla nalang siyang nagpakita sa harap ko, buti nalang at walang tao.
"Anong ginagawa mo dito?" Huling paguusap namin ay bigla nalang siyang nawala.
"Kaylangan nating magusap" Hindi pa ba paguusap ang ginagawa namin ngayon?
"Na walang makakarinig"
----▪︎<♤>▪︎----
"May mahalaga kabang sasabihin saakin at kaylangan pa sa isang pribadong silid?" Tanong ko sakanya ng makapasok kami sa loob.
"Bakit pumayag ka sa hinihinging kapalit ng Hari? Alam mo naman na ikapapahamak mo ito, kung kayat bakit mo tinanggap ito" Papaano niya nalaman ang tungkol duon, nanunuod ba siya kanina saamin?
"Yun lang ang tanging paraan upang hayaan kang mabuhay"
"Pero paano kung bigla ka nalang nila patayin, alam mo na ayaw parin sayo ng Hari. Kapag nawala ka sino tutulong sakanya, hindi na ako pwedeng bumalik sa katawan ko dahil may bagong mayari na nito. Kaya kaylangan ka niya, kaylangan mong mabuhay" Kita sa mukha niya ang pagaalala. Pero ayon lang ang tanging paraan para hindi na muli mapahamak siya. Hindi na ako nagulat sa naging kapalit sa paggamit ng ikaapat na ability ko sakanya, dahil parang ganong nadin ang nangyari saakin nang ilang taon ng nakaraan.
"Magagamit ko parin naman ang ability kung kakaylanganin, wag kang magalala saakin. Wala naman silang ginawa saakin, dahilan para hindi ko magamit kahit anong oras ang ability ko. Pinagbawalan lang ako pero hindi ibigsabihin wala na akong karapatan na gamitin ito kung kakaylanganin na. Kaylangan ko na munang umalis, kaylangan kong tignan kung ano nang kalagayan ng matawan mo" Sabi ko sakanya at saka lumabas.
Alam naman ng hari ang mangyayari kung hindi siya tumupad sa kasunduan. Pinabantay ko muna si lady Ava sa isa sa kabalyero niya. Alam ko na dilikado lalot lahat sila ay nagtaksil sakanya. Kung kaya si Ken lang ang pinagkatiwalan ko, dahil naalala ko ang sinabi ni lady Ava noon na siya ang pinagkakatiwalaan niya, kahit na pinagtaksilan din siya nito
Pabalik na ako ng makasalubong ko ang Grand Duke, ang unang anak ng hari na si Grand Duke Seven, kaya huminto ako upang bumati.
"Magandang araw sa inyo" Pagbati ko
"Ganon nadin sayo. Pumarito ako kaagad pagkatapos ng aking tungkulin sa North Kingdom dahil nabalitaan ko ang tungkol sayo at kay hmm.. ang nangyari kay Princess Aval" Hindi niya siguro pa alam ang tunay na pangalan ni Ava. Ang tangi nabalitaan siguro niya ang ginawa ni Princess Aval na gulo.
"May gusto po ba kayong sabihin? Kaylangan ko na po kasi bumalik sa silid ni Princess Ava" Pagpapaalam ko na pinagtaka niya dahil sa pangalan na sinabi ko.
"Princess Ava?"
"Siya po yung nagpanggap na bilang si Princess Aval ng ilang taon. Dahilan kung bakit Princess ang tinawag ko sakanya ay dahil sa kasunduan namin ng hari na pinagusapan lang namin kanina. Kaylangan niyo din atang malaman ang tungkol dito dahil ang hari daw ang pipili kung kanino sa inyo ang official na aako ng obligasyon kay Princess Ava. Kayo at ni Grand Duke Six"
"Kung ganon sakto lang pala ang pagkakadating ko. Kaylangan ko muna kausapin ang Mahal na Hari at saka ko kayo babalikan" Pagkasabi nito ni Grand Duke ay saka siya umalis patungo sa silid ng Hari.
-----▪︎《◇》▪︎-----
"Bakit kaylangan pa ninyo ampunin ang taong nilinglang tayong lahat. Hindi ba dapat mas maaga pa ay paalisin na siya?" Tanong ni Grand Duke sa kanyang ama na Hari.
"Hindi ko magagawa yan sa pagkat ito ang hiling ni Prince Philip kapalit ng hindi niya paggamit ng kanyang ability laban saatin. Alam mo naman ang taglay na mahika nito, kung kayat sinubukan ko siyang patayin noon at hindi ko alam ang rason kung bakit buhay parin siya" Hindi talaga alam ng Grand Duke ang dahilan kung bakit ginamit ni Prince Philip ang mahika nito para kay Ava, kakilala ba nila ang isa't isa? Ayan ang tanong niya sakanyang sarili
"Ang ibig bang sabihin na nandito siya dahil balak niyang maghiganti sa nangyari sakanya noon. Kung kayat gumamit siya ng isa pang tao na kamukhang kamukha ng anak ko para sa ganon malinglang tayo at makabalik siya sa palasyo" Napaisip ang Hari sa sinabi ni Grand Duke. Ayon lang ang tanging naisip na dahilan ni Grand Duke, naisip na niya ito noon palang na nasa North kingdom siya ng mabalitaan niya kaagad ang tungkol dito.
"Pero sa pagkakaalam ko na ang magaling mong anak na si Princess Aval ang may kasalanan. Sarili mong anak pero hindi mo magawang bantayan. Hinayaan ko siyang i-solve ang kanyang sariling problema. Ngunit mas inuna niya I dispose si Princess Ava, kaysa magisip ng magandang paraan. Hindi ko na hahayaan na pumalpak muli ang iyong anak, kung kaya't napagpasyahan ko iyon at satingin ko na magandang ikaw nalang ang umako ng obligasyon kay Princess Ava. Tutal hindi nga nagkakalayo ang mukha nilang dalawa" Paliwanag ng Hari, na ikinagulat ng Grand Duke. Hindi ito makatangi dahil alam niya na wala siyang laban sa Hari.
Kung ayon ang naayon ay ito nalang ang kanyang susundin. Nagpaalam muna siya bago makalabas ng silid.
Pagkalabas niya ay bakas sakanyang mukha ang inis sa nalaman niya.
Bakit ba laging ako nalang umaako sa nagiging kasalanan niya. Hindi ko naman talaga tunay na anak si Lady Aval nadagdagan pa nang isa.
Kaylangan ko munang alamin kung anong meron sa bagong salta.
---------▪︎<♡>▪︎---------
Patungo na akos a silid ni Princess Ava nang mapansin ko na parang may mga taong nagkakaguluhan sa tapat mismo ng silid niya.
"Prince Philip!" Natatarantang lumapit saakin ang kabalyerong si Ken, na para bang umiiyak ito?
"Bakit may problema ba? Hindi ba ang sabi ko sayo na bantayin mo si Princess Ava. Bakit nandito ka?"
"Si Lady Ava po nakikipag away kay Lady Aval po" Mangiyakngiyak na sumbong niya kay Prince Philip, kung kaya't agad pinuntahan ang dalawa. Naabutan niya na hawak hawak ngayon ni Princess Ava si Princess Aval sa buhok. Parehas na magulo ang kanilang buhok ganon nadin ang pananamit nila.
"Anong kaguluhan to?!" Sigaw niya, dahilan upang makuha niya ang atensyon ng mga tao lalo na ang dalawa.
-----------▪︎<♡>▪︎-----------
15 minutes ago
Pagkalabas ni Amelia sa silid agad na bumungad sakanya ang mukha ni Princess Aval.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko sakanya. Maigi ko siyang pinagmasdan, tila magkamukhang magkamuha nga sila ni Aval. Pero hindi naman sila magkapatid, kaya nakakapagtaka. Wala naman ako sa pusisyon para alamin pa ang tungkol sa bagay na iyon, dahil wala akong balak na maging tunay na kapatid siya.
"Nabalitaan ko na nagising kana kung kayat nandito ako upang alamin ang kalagayan mo" Apaka plastik naman talaga ng isang to oh.
"Kita mo naman na okay na ako, kaya pwede na kayo umalis" Pagtataboy ko sa kanya at sa apat pa niyang kasama. Nagsenyales ako na tila tinataboy ko sila. Mukhang ikinagulat niya ang ginawa ko'ng ito, kung kaya't bigla nalang hinawakan ng isa niyang kasama ang aking braso.
"Wala kang karapatan na bastusin at hindi pagbigay galang kay Princess Aval. Nakaligtas ka nga sa parusa ngunit hindi ibig sabihin ay magtapang tapangan ka" Sino bang kumag to at may pa hawak pa sa braso ko na napakahigpit. Sinusubukan kong tanggalin ang kanyang kamay saaking braso ngunit napaka higpit ang hawak niya dito.
Sakto naman lumabas ng silid ni Ava si Ken na kakatapos lang sa pagiyak niya.
"Anong problema mo Hans! Nasasaktan si Princess Ava" Nagaalala talaga siya para kay Ava? Huh, iba ang tingin ko sakanya dahil sa libro.
Ang akala ko iyakin at makasarili lang to'ng si Ken.
"Alam mo ba ang sinabi mo? Tinawag mo lang siya Princess, isang nagkasalang tao ay tinawag mo nang Princess?!" Grabe naman makasigaw ang isang to. Eto pala si Hans eh yung lagi mainit ang dugo. Kung ganon ba yung tatlo pang tao na kasama ni Aval ngayon ay mula sa limang kabalyero ni Ava na pinagtaksilan s'ya?
"Oo tama ka dahil totoo naman. Hindi ba ninyo nabalitaan ang pagampon ng hari kay Lady Ava" Halata naman sa reaksyon nila na wala silang kaalam alam tungkol dito, lalo na si Aval na napatingin pa saakin ng masa.
Grabe kung makatingin ang isang to, sarap tusukin eh.
"Siguro naman pwede mo na ako'ng bitawan" Sabi ko sakanya. Tumingin muna siya kay Aval, na parang hinihintay ang pahintulot.
"Ano ba ha! Bitawan mo nalang kasi ako!" Naiinis na sabi ko at nagpumiglas hanggang sa nabitawan na niya ang braso ko.
Hinawakan ko ang braso ko na naiwan nang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya.
"Bakit ko kaylangan magbigay galang sayo kung hindi ka naman kagalang galang sa paningin ko" Seryosong sabi ko sakanya. Nakatingin lang din siya saakin. Bago pa ako makawakan muli ni Hans sa braso ko ay humarang kaagad si Ken.
"Isipin mo ako na ilang araw nang walang malay tapos bigla ba naman akong sasaktan ng kasamahan mo, ni wala ka nga ginawa eh. Ganan ba dapat ang ugali nang isang Princess? Sa tingin ko hindi" Nakangiting sabi ko sakanya. Bigla naman siyang ngumiti saakin.
"Hahahahahahaha! Sa tingin mo ba kakampi sayo ang Hari dahil sa inampon ka niya. Sampit ka lang, at kahit anong gawin mo saakin lang kakampi ang sino man tao dito, dahil ako, ako si Princess Aval" Tignan mo inilabas nadin niya ang budhi niya. If I know hindi pa yan pinakang max niya.
"Wala naman akong paki kung kanino kakampi ang Hari o sino man. Dahil kaya ko ang sarili ko na walang tulong nang sino man, eh ikaw? Kahit nga tulong ko kaylangan mo. Tanda mo ba?" Ako naman ngayon ang nakangiti sakanya. Siya naman tong bigla nalang naglaho ang kanyang mga ngiti.
"Ehhhhhhh!!!!!!" At saka umalingawngaw ang kanyang sigaw niya, sabay nito ang pighigit saaking buhok.
Kaya naman sinabunutan ko din siya.
"Anong akala mo ha! Ikaw lang maalam manabunot ha! Pikon ka pala eh!?" Sabi ko habang patuloy parin hawak hawak ang kanyang buhok.
"Wag na wag mong babangitin ang tungkol duon!" Aba't nagawa pang bumulong. Ayaw niyang may makarinig, at mabuking siya.
"Kung ayaw ko. Anong gagawin mo?!" Pangaasar ko sakanya, kaya dahil duon mas lalo niyang hinila ang buhok.
Ang sakit ah!
Kahit pala panaginip lang to nakakaramdam ako nang sakit.
"Kala mo ha!" Pagkasabi ko nito ay hinigit ko din ang kanyang buhok tapos yung isa ko pang kamay ay hawa din ang kanyang buhok.
Ganon din ang dalawa niyang kamay, sinasabunutan ako.
Walang umaawat saamin, hindi ko alam kung bakit hindi kumikilos yung kasama niya. Hindi ko makita kung anong ginagawa nila dahil nakatungo kami ngayon ni Aval habang nagsasabunutan kami.
Mga isang minuto ang lumipas nang may sumigaw ulit, hindi ko alam kung bakit kusa nalang tumigil ang mga kamay ko at napatingin nalang duon sa taong sumigaw at napansin ko na ganon din ang ginawa ni Aval.
______.<◇>.______
To be Continue.....
×××××××××××××××××××××××××××××××××
Date of Publish: 08/20/2023
Author: thehater_029
××××××××××××××××××××××××××××××××××
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top