Chapter 00

NOTE: (Revised Story)

LAHAT NG ITO AY ISANG KATHANG ISIP LANG WALANG TOTOO SA ISTORYANG ITO. ANG PANGALAN AY GAWA GAWA LANG AT KAHIT ANG MGA LUGAR!

ALL RIGHT RESERVED TO THE RIGHTFULL OWNER

_________^^^_________

CHAPTER 00

_________.《♤》._________

"Amelia sa table 7 to" Sabi ng kanyang tiya sakanya at agad niyang kinuha ang tray upang ibigay ito sa table 7.

"Here is your order one triple rice wings meal, one fries, 3 burgers, and one Ham and egg rice meal. Do you have any concern with your orders?" Tanong niya sa dalawang customer na kaharap niya ngayon  parehas silang umiling kay Amelia at saka ito umalis.

"Tita aalis na ako, baka malate pa ako" Paalam niya sa kanyang tita pagkatapos niyang kunin ang mga orders ng mga bagong dating na customer.

So Hi! Bakit nga ba ako natakbo ngayon? Dahil maaari akong mahuli sa unang subject ko. Ako nga pala si Amelia Villai, female, age 16, Grade 12 and ayan na nga sa pagmamadali ko ay may nabunggo ako.

Agad akong nagsorry sakanya, nakabisangot lang siya saakin. Hindi ko naman sinasadya at nagsorry ulit ako sakanya, bago ako kumaripas ulit ng takbo.

Pagkatapos ng sampong minutong pagtakbo ni Amelia ay narating nadin niya ang kanyang classroom. Hingal na hingal ito dahil sa ginawa niya.

Isang magaling at masipag na magaaral si Amelia ngunit hindi siya yung tipong estudyante na mahilig makipagkaybigan sa kapwa estudyante niya. Pagkatapos ng klase niya ay deretsyo siya sa pangalawang trabaho niya. Kung sa umaga sa karinderya ng tita niya pag awas naman niya sa eskwelahan ay sa coffee shop

"Amelia sa tingin ko hanggang ngayon ka lang pwede magtrabaho" Pauwi na sana si Amelia ng kausapin siya ng manager at sinabi ito sakanya na ikinagulat niya.

"Ho?! Bakit naman po biglaan? Masipag naman po ako pumasok pati isa pa sa tingin ko wala naman akong ginawang mali sa ginagawa ko" Paliwanag ni Amelia at hindi parin niya makuha kung ano ba ang dahilan ng kanyang Manager para tanggalin siya sa pwesto. Tatlong oras na nga lang ang trabaho niya dito ay tatanggalin pa siya. Maayos magpasweldo, at malapit lang ito sa school niya na malapit din sakanyang bahay.

"May nagreklamo kasi kahapon na taga school mo na ang pangit ng bungad nila pagkakagaling sa school kung ikaw kaagad ang makikita nila. Kung baga hindi sila koportable" Hindi makapaniwala si Amelai sa naging rason ng kanyang manager kaya napaangat gaad ang isang kilay nito at nag titimpi lang.

"Pwede ko po bang makita sa cctv kung sino sila. Sa pagkakaalam ko naman na okay lang ang mga estyudante sa eskwelahan ko na makita nila ako dito na nagtratrabaho, dahil wala naman nagrereklamo saakin mismo. Kaya hindi ko mawari kung sino kaya ang mga tinutukoy po ninyo" Alam naman ni Amelia na pagbibigyan siya ng kanyang Manager sa pagcheck ng cctv, dahil mabait ito. Kung wala nga lang nagreklamo ay hindi aaksyon kaagad ang manager niya.

May isang paniniwala ang kanyang manager na iyon ay "Customer's is always right" sa sobrang bait nito eh kahit na simpleng dahilan ng customer ay susundin niya. Pero syempre kung usapan ay tungkol sa pera nako malabo na maloko mo ito, kaya nga nag bussiness siya upang kumita ng pera hindi para mamigay ng pera.

Napakuyom ng kamao si Amelia ng makita niya ang salarin.

"Sige boss, babalik ako mamaya. Thank you" Paalam niya, na ipinagtaka naman ng kanyang Manager dahil sa biglang pagiba ng ihip ng hangin sa loob ng silid.

Wala ka talaga modos Irish and friends. Mga hanep kayo, pati ba naman sa trabaho ko pagtritripan ninyo.

Si Irish naman ang nagiisang Queen bee sa eskwelahan ko at may ayaw saakin na hindi ko alam ang dahilan.

Malalagot talaga saakin ang Irish na iyon pagnakita ko siya ngayon sa eskwelahan.

(30 minutes later)

Nakaupo sa may waiting shed si Amelia habang ginagamot niya ang mga natamong niyang sugat mula sa rambulan kanina. Nanguna kasi talaga ang mga kaybigan ni Irish na manakit, syempre kaylangan lumaban ni Amelia maaaring mas malalapa ang matanggap niyang sugat kung hindi siya lumaban pabalik.

Pero madami parin siyang natamong sugat paano naman kasi nagiisa lang si Amelia tas yung kakausapin lang niya dapat ng mahinahon ay si Irish ngunit ang nangyari ay ikinasama ng mga kaybigan ni Irish ang sinabi ni Amelia dahilan para sugudin siya ng mga to.

Ang sinabi kasi ni Amelia na ikinasama ng mga kaybigan ni Irish ay "Ano bang problema mo saakin ha! Queen bee!" Tinawag lang naman siyang Queen bee affected much naman etong mga kaybigan niya. Bakit masama bang iyon ang itawag ko sakanya eh yun naman talaga siya eh!

Kawawa talaga ang naging kalagayan ni Amelia ngayon, kayat taimtim siyang nakaupo habang malalim ang kanyang iniisip.

Mawawalan na nga ata siya ng trabaho sa coffee shop nadagdagan pa ang problema niya dahil sa nangyaring rambulan. Maaaring mawala ang kanyang Scholarship dahil sa inasta niya kanina, ang masama pa nito ang nagbigay sakanya ng Scholarship ay ang mga magulang ni Irish.

Nice one Amelia, dapat talaga hindi na ako nagmatigas pa ng ulo. Isa lang yung naging problema ko bigla naman naging dalawa. Ah! Ah! Sarap magwala!

Ano bayan makauwi na nga lang!

Pagkatapon ko sa basurahan yung mga pinanggamit ko sa sugat ko ay saka ako tumawid sa kabilang karsada pa kasi yung bahay namin. Dahil sa malalim nga ang aking iniisip hindi ko namalayan na may paparating palang truck sa dereksyon ko.

Wag mong sabihin mamamatay ako ng may pinoproblema ako sa buhay! Wag muna kaylangan ko pang makita yung nanay ko! Madami pa akong pangarapppp.

Ayan ang mga huling salita na tumakbo sa isipan ni Amelia bago siya tuluyan mabangga.

------^^^-----

TRUCK Kun POV:

"Oh? Ba't ka napatawag. Natapos mo na ba yung pinapagawa ko sayo" Bungad kaagad ng boss niya sakanya.

"Nako boss mali ata tong nabanga ko" Sagot niya sa kanyang boss at napakamot sa ulo, habang chinecheck ang mukha ni Amelia na wala ng kamalay malay at may natamong sugat sakanyang ulo dahilan ng pagdurugo nito. Hindi niya alam kung anong gagawin, dahil mali ang nabangga niyang tao.

"Anak ng isda! Ilang taon kana dyan ngayon ka pa nagkamali ng binangga. Aba hindi pwede yan dalhin mo kaagad yan sa Ospital"

"Nako boss paano naman ako makukulong ba ako?"

"Bobo ka talaga syempre hindi. Basta ang kaylangan mong problemahin yung taong nabangga mo. Kaylangan niyang mabuhay" Sabi ng kanyang boss. Kaya agad niya ng ibinaba ang tawag pagkatapos niyang magpaalam at ipinasok sa loob ng truck si Amelia.

----▪︎《♤》▪︎----

AMELIA POV:

"Aaahhhh!!" Umalingawngaw ang sigaw niya sa loob ng silid. Kasabay ng pagsigaw niya ay otomatikong pagtayo ng kalhati niyang katawan mula sa pagkakahiga sa higaan.

"Tae, muntikan na ako duon" Bulong ni Amelia sa kanyang sarili habang inoobserbahan niya ang kanyang katawan kung buhay parin ba siya.

"Okay ka kang ba Princess Ava? May masakit ba?" Nagaalala tanong ng taong nakaupo lang sa tabi ng kama niya na ngayon ay naka tayo at nakaharap saknaya. Bakas sa tao na ito ang pagalala kay Princess Ava.

Huh?
.
.
.
"Huh?! Sino ka huh!" At duon lang napagtanto ni Amelia ang isang tao na hindi familiar sakanya, kaya agad ito kumuha na matilos na patalim upang maging panangga niya. At agad itong tumayo mula sa pagkakahiga.

"Huminahon lang kayo Princess Ava. Tatawagin ko lang ang manggagamot" Nakabisangot at hawak hawak parin niya ang patalim na nakuha niya na nasa sa kaliwang kamay niya habang ang kabilang kamay niya ay hawak hawak ang kumot na nanggaling sa kama.

"Mahal na manggamot si Princess Ava ay gising na" May mga sira ba ang mga taong ito at anong sinasabi nila? Anong tawag niya saakin Princess Ava?

Ilang segundo ang lumipas ng may pumasok na isang matandang manggamot, ngunit hindi ito makalapit kay Ava dahil sa takot na baka masaktan siya nito, ng hawak hawak ni Ava na patalim.

"Prince Philip, kung akoy papayagin ninyo. Gagamitin ko ang ability upang pakalmahin siya" Anong pinaguusapan nila, anong balak nila gawin saakin. Nababaliw na nga ata sila, anong ability ang sinasabi ng matandang ito.

"Kung ayon nalang ang paraan upang pakalmahin siya, ay maaari niyong gamitin" sagot ni Prince Philip kaya agad na ginamit ng Manggamot ang ability niya upang patulugin si Ava/Amelia.

Kung kayat napahiga ito sa lapag, habang ang hawak hawak niya kanina ay nasa era dahil control ito ng isa pang Ability user na si Prince Philip.

Ang Mahika na pagpapatulog na ginamit kay Amelia ang tangi magpapakalma sakanya.

Bago pa tuluyan mawalan ng malay si Amelia kanina ay nakita niya ang sarili sa isang salamin na nasa loob ng silid, na agad niyang nakilala.

Siya si Ava Mia, isang character mula sa libro pero bakit nandito siya at tila ba nakikita ko siya sa katawan ko.

______.<◇>.______

To be Continue.....

×××××××××××××××××××××××××××××××××

Date of Publish: 07/28/2023
Author: thehater_029

××××××××××××××××××××××××××××××××××

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top