Trust

"You have to trust me. I love you, baby."
~ Nicky

Ito ang nakasaad sa papel na hawak ni Olive.

Halos tanghali na siya nang magising at nang magmulat ang mga mata niya ay wala na sa tabi niya ang nobyo. Noon nga niya nakita ang sulat na nakaipit sa ilalim ng lampshade sa tabing lamesa.

Hindi niya alam kung ano ang nais ipahiwatig ng nakasaad sa liham ngunit malakas ang kutob niya na may kakaibang nangyayari. Kung ano iyon ay hindi niya alam.

"Something's not right."

Bumangon na si Olive sa higaan. Nakakailang hakbang pa lang siya ay nakaramdam na siya ng pagkahilo at pananakit ng sikmura.

Tinakbo niya ang hagdan at dali-daling tinungo ang sink.

"Morning sickness again." She cleaned herself after.

♡♡♡

Muling bumalik si Olive sa unibersidad ng mga kapatid para muling kumbinsihin ang dean ngunit talagang matatag ito. Wala na siyang ibang option kung hindi ang itaas ang concern niya sa CHED. Ipaglalaban niya ang pangarap ng mga kapatid niya.

Mag-aalas sais na ng gabi nang nakauwi na siya sa bahay. Noon lang niya naalalang hagilapin si Nicky. Sa buong maghapon ay hindi ito sumagi sa isip niya. Okupado ang utak niya dahil sa isyu ng mga kapatid sa school.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa bulsa. Kaylaki ng panlulumo niya nang bumungad sa kaniya ang message inbox na walang kalaman-laman. Kahit call log history ay wala ring recent calls or missed calls.

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib pero saglit lang 'yun.

"Oy, Marck. Umuwi na 'yung Kuya Nicky mo?" Inilapag ni Olive ang sling bag sa sofa sabay upo. Umaasa pa rin siya na maghapon ding abala ang nobyo. Naalala nito ang pinaplanong negosyo kasama ang mga kaibigan. Sa hinuha ni Olive ay ito ang inaasikaso ng katipan.

"Hindi, ate e."

Ipinagkibit-balikat na lang ni Olive iyon.

♡♡♡

Pangiti-ngiti ang dalaga habang isa-isang tinitingnan ang mga litrato nila ni Nicky sa kaniyang laptop.

"Halos magkasama tayo sa buong panahon nitong mga nakaraang buwan. Kung magkakahiwalay man tayo, hindi lalagpas sa forty eight hours." Lumapit siya sa screen ng laptop at hinagkan ang litrato roon ng katipan. "Miss na miss na kita."

Isinara niya ang laptop at humiga na sa kama. Kinuha niya ang cellphone at pinadalhan ng mensahe ang katipan.

Sana paggising ko, katabi na kita.

♡♡♡

"Your siblings' case are withdrawn. Every accusation were found false and there's lack of evidence," saad ng dean. "Kojie will graduate with flying honors whilst Marck will remain to be a part of the dean's list."

Natuod sa kinatatayuan si Olive samantalang ang mga kapatid na katabi niya ay nagyayakapan na sa tuwa.

Dapat ganoon rin siya ngunit hindi niya magawang maging masaya.

"Gano'n na lang 'yun, dean? Parang kahapon lang e kulang na lang halikan ko ang paa n'yo para bawiin ang kaso tapos ngayon ipinatawag ninyo kami para sabihin na binabawi n'yo na 'yung decision?" Ibinagsak ni Olive ang nakatikom na mga palad sa desk ng dean. "Tell me what pushed you to do that?"

"Ms. Barcelo, can't you just be happy that your younger siblings are back on track? Cleared na sila." Ini-adjust nito ang suot na reading glasses. "I was actually expecting to hear thank you from you but I receive none."

The dean shook his head while clicking his tongue.

"Ate, tara na. Baka magbago pa ang desisyon niya," yakag ni Marck sa kaniyang ate.

Napaisip nang malalim si Olive habang akay-akay siya ng mga kapatid palabas ng campus. Pinagkokonekta niya ang bawat tuldok.

"Umalis si Nicky nang walang paalam tapos bigla na lang binawi ng dean ang desisyon niya." Nagliwanag ang mukha ni Olive. Napatigil siya sa paglalakad kaya ganoon din ang mga kapatid niya. "Tama."

"Ate?" pagpukaw ni Kojie sa atensiyon ng kapatid.

"Mauna na kayong umuwi. May daraanan pa ako." Binalingan ni Olive ang mga kapatid. Kapagkuwan ay kinuha ang cellphone niya at nag-book ng cab. Wala pang limang minuto ay nandoon na ang sasakyan.

Pinukulan muna niya ng tingin ang mga nag-aalalang mga kapatid bago sumakay.

♡♡♡

Tatlong oras na si Olive sa lobby ng Alluring Essentials Cosmetics Inc. Main office. Hindi ito ang orihinal na sadya niya. Ang una niyang pinuntahan ay ang townhouse ni Nicky sa Tagaytay. Wala roon ang pakay niya. Sunod ay ang condo unit ng binata ngunit wala rin daw tao roon sabi ng guard. Sinubukan din niyang puntahan ang bar na dati nitong pagmamay-ari pero coffee shop na ang nakatayo roon.

Walang choice si Olive kundi pumunta sa main office ng kompanyang pagmamay-ari ng mga magulang ni Nicky sa pagbabakasakaling naroon ang binata.

Malo-lowbatt na ang cellphone kababasa ng Wattpad. Hindi siya mahilig sa pagbabasa pero natutunan din niya. Hilig kasi ni Nicky ang pagbabasa sa app na 'yun. Noong una'y binibiro pa niya ang lalaki lalo pa at romance ang paborito nitong basahin. Kalauna'y naimpluwensiyahan na rin siya nito sa pagbabasa. Ang kaniya namang hilig ay science fiction at mystery.

Ten percent na lang ang nalalabing baterya ng cellphone niya. Naisip niyang kontakin si Gianna para may makakuwentuhan naman siya habang naghihintay.

"Girl!" Napairit ang dalawa nang dumating si Gianna. Hindi naman ganoon kaluwag ang security dahil bukas ang lobby para sa mga bisita pati sa direct buyers ng mga produkto ng kompanya kaya madaling nakapasok ang best friend niya.

"Kumusta na? Tumataba ka yata pero lalong bumu-blooming!" pagpansin ni Gianna sa kaibigan.

"Well.. Gano'n talaga kapag nasa tamang tao ka na. Tumataba ka talaga," untag ni Olive.

Napatawa ang dalawa. Nang mangalay katatayo ay saka lang nila naisipang umupo saka muling nagdaldalan.

Napatigil si Gianna sa kalagitnaan ng pag-uusap nila. "Girl, look who's coming?!"

Lumingon agad si Olive sa direksiyong tinitingnan ni Gianna.

Mula sa main entrance ay kitang-kita nila ang pagpasok ng lalaking itinatangi ng puso ni Olive. Ang lalaking pinag-alayan niya ng puso at katawan niya. Ang lalaking tunay niyang minamahal.

Si Nicky.

Nakasuot ito ng pormal tulad ng isinusuot ng mga taong may matataas na posisyon sa isang kumpanya.

Olive smiled widely. It's been a while mula nang makita niyang magsuot ng ganoon ang nobyo. Para bang bumalik ito sa tunay na sarili. Na sa kaibuturan ng isip niya ay tingin niya ay doon talaga nararapat ang isang Nicky Byrne.

Napamulat-pikit ang mga mata niya dahil wari niya ay napalingon si Nicky sa puwesto nila. Ngunit tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang binata na may kasunod na limang bodyguards.

"Nicky! Sandali!" Dali-daling tumayo ang dalaga para habulin ang binata. Ngunit nakakailang hakbang pa lang sila ay hinarang na siya ng dalawang bodyguards na kanina ay nakabuntot sa binata.

"Tumabi kayo, pupuntahan ko si Nicky. Girlfriend niya ako!" Noo'y nagsisimula nang umani ng atensiyon ang dalaga. May ilang napatigil sa paglalakad nila.

"Nicky!" Pilit hinabaan ni Olive ang leeg para hanapin ang nobyo ngunit hindi niya makita ito.

"Ma'am, kapag hindi po kayo huminahon, mapipilitan po kaming hilahin kayo palabas ng office," saad ng isa sa bodyguards na naka-shades ng itim.

"Pupuntahan ko ang amo n'yo. Kailangan naming mag-usap!" Pumalag-palag si Olive ngunit balewala lang iyon dahil sa lakas ng mga humahawak sa kaniya.

"Bitiwan niyo siya." Isang boses na may malamig na tono ang nagpaluwag sa pagkakakapit ng bodyguards sa braso ni Olive.

"N-Nicky?!" Inayos ni Olive ang gulo-gulong buhok at sinalubong ang binata. Tinitigan niya ito ngunit pansin niyang may kakaiba sa emosyon nito. Binalewala niya iyon. Ang mas mahalaga ay ang mayakap niyang muli ang nobyo.

Ganoon nga ang ginawa niya ngunit hindi yumakap sa kaniya pabalik ang binata. Kakaiba ang idinulot noon sa pakiramdam niya dahil hindi naman likas na ganoon si Nicky. Kapag niyakap niya ito ay lagi siya nitong niyayakap pabalik. Mas mainit. Mas mahigpit. May kasama pang pupog ng halik.

"Leave."

Napaangat ng tingin si Olive. Nagtatanong ang mga mata niya. Nagsisimula nang uminit ang mga pisngi niya hudyat ng nagbabadyang pagluha.

Mariing itinikom ni Olive ang bibig sabay iling. "Hindi. Hindi ako aalis hangga't hindi ka kasama."

Ngunit parang bato lamang si Nicky na nakatuod doon.

"You should. I'm sorry." Nicky turned his back against Olive and started to walk away.

"I love you, Nicky." Sunod-sunod ang paghinga ni Olive. Napatigil ang lalaki dahil sa narinig na proklamasyon ng dalaga.

Isang mahabang patlang ang namagitan sa kanilang dalawa.

Na kahit ilang hakbang lang ang layo nila sa isa't isa ay parang ang layo nila ay tigmagkabilang mundo sila.

"K-Kapag hindi ka sumagot, aalis na ako. Pangako 'yan." May pait sa tinig si Olive.

Limang segundo ang lumipas at nanatiling nakatayo si Nicky. Nakatalikod pa rin kay Olive.

Inihakbang nito ang kaliwang paa pasulong na agad sinundan ng kanan. Mabagal sa una ngunit bumilis din pagkalaon. Patungong elevator, palayo sa dalaga. Hindi man lang nito pinukulan ng tingin ang kaawa-awang si Olive.

Naiwan naman ang dalaga sa gitna ng maraming tao. Puno ng paghuhulagpos ang puso at kalituhan ang utak. Humahagulgol habang pinagmamasdan ang paglayo sa kaniya ng taong minamahal.

For the second time around, she was dumped again, and left heartbroken...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top