Train Station

Hindi pangkaraniwan ang pagpapatawag ng sales manager ni Olive sa kanya pagkarating niya sa opisina.

Wala man siyang kaide-ideya kung ano iyon ay sumisikdo ang puso niya sa sobrang kaba.

"Have a seat, Olive."

"Thanks, Mrs. Freeman."

"I will not beat around the bush." Seryosong tinitigan si Olive ng kanyang manager. "Our board had a meeting yesterday and we were informed that our company is in the red. Meaning, it suffers financial losses. Thus, resulting to retrenchment of some employees."

Lumunok muna ng laway si Olive bago nagsalita. "I-Including me?"

Dahan-dahang tumango ang manager. Para bang wala itong ibang naiisip na paraan para sabihin ang balita sa kanyang empleyado sa hindi nakakalungkot na paraan. "I fought hard for you, Olive. You are a valuable asset of our company. But they won't consider..."

Kumibot-kibot ang labi ng may edad nang babae bago nagpatuloy. "It's because you are not a green card holder yet."

Hindi kataka-taka na isa siya sa natanggal. Totoo ang sinabi ng manager niya na asset siya ng kumpanya. "People person' siya kaya madali siyang makapagpa-oo ng kliyente para bumili ng property na ibinebenta nila. Hence, making her employee of the month multiple times. Iyon nga lang, wala siyang mailalaban dahil pagdating sa usaping pagbabawas ng empleyado, alam niyang mas bibigyan ng prayoridad ang permanent residents and citizens na magkaroon ng sekyuridad sa trabaho kumpara sa kanya na working visa lang ang maipapakita.

Tunay nga namang wala pa siyang green card dahil nang pumunta siya sa US ay tanging working visa lang ang mayroon siya. Pupuwede naman iyon as long as sponsored siya ng kaniyang employer.

Sa loob ng limang taon niya sa USA ay ilang beses siyang inalok ng employer na kumuha ng green card ngunit tinanggihan niya. Wala naman siyang balak na maging permanent resident ng bansa. Katwiran niya ay kung may nais siyang tirhan ay Canada iyon at hindi ang United States.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay nag-iba ang pananaw niya. Nagkaroon na siya ng interes na magkaroon ng green card lalo pa at ang anak niya ay awtomatikong US citizen na dahil doon niya iyon ipinanganak. Iyon nga lang ay nade-delay nang nade-delay ang pag-a-apply niya dahil sa kabi-kabilang kliyenteng sineserbisyuhan. Wala siyang panahon sa mga bagay tulad noon.

Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Naisin man niyang kumuha ng green card ngayon ay mahihirapan siya dahil matatanggal na siya sa trabaho. Her working visa sponsorship is co-terminus with her employment. Ang ibig sabihin noon, sa araw na mawalan siya ng trabaho ay ganoon din ang sasapitin ng visa niya. Though the US government allows a grace period of 60 days bago niya lisanin ang bansa — unless makakuha siya ng bagong employer na sasalo ng sponsorship niya.

Pero malabo iyon. Alam niya ang hirap sa paghahanap ng employer na magga-grant sa kaniya ng bagong working visa.

♡♡♡

Wala sa sariling nilisan ni Olive ang opisina dala-dala ang last paycheck. May kalakihan iyon, sapat na para makapagsimulang muli sila ng bagong buhay. Pero ano nga ang magagawa noon kung mawawalan siya ng karapatang tumira sa USA?

♡♡♡

"Kuya, what should I do?" desperadong tanong ni Olive nang makauwi siya sa bahay nila. Ang kuya niya ang una niyang pinagsabihan ng nangyari sa kanya sa trabaho.

"Teka, mag-iisip ako."

"Salamat, Kuya. Alam mo naman kung gaano kahalaga ang pananatili ko rito. Kapag napilitan akong umuwi sa Pilipinas, hindi ko maisasama si Nico dahil US citizen siya. Hindi kami puwedeng maghiwalay ng anak ko."

"I know." Jerico pat her sister's shoulders. "Kung kami sana ng Ate Taylor mo ay US citizen na, kaydali sanang masolusyunan ng problema mo, Olive kaso matagal din ang proseso."

Totoo ang sinabi ng kanyang kuya. Iyon nga lang ay on the process pa rin ang green card ng mga ito. Ka-a-apply lang ng mag-asawa two years ago. Normally, it takes three years to get a green card. At bago pa makapetisyon ng kapatid at magulang ang green card holder ay kailangan nitong mag-apply bilang US citizen which takes another three years. Kapag kasi green card holder, nagiging permanent resident ka lang sa US but it doesn't automatically makes you a US citizen. A permanent resident can only petition their spouses and children, no one else.

"Sorry to interrupt both of you," ani Taylor na may hawak na lalagyan ng roasted turkey. Kaaahon lang nito ng niluto sa oven. Nang maipatong niya iyon sa lamesa ay nagtanggal siya ng apron sabay lapit sa magkapatid.

"I have a very bright idea."

"Ano 'yun?" sabay na tanong nina Jerico at Olive.

"Pay an American to marry you and get a divorce after two years. Problem solved." Kaylaki ng ngiti ni Taylor na para bang proud na proud sa sinabi.

Bumagsak ang panga ni Olive na kulang na lang ay sumayad ito sa lupa. "M-Marry? D-Divorce?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa hipag at sa kuya. "I value marriage so much at lalong hindi ako papayag sa divorce."

Napaupo si Olive sa sofa. "And another thing is, masyado nang mahigpit ang embahada ng USA sa ganyang marriage for convenience. Na magpapakasal lang dahil sa green card. Baka imbes na permanent residency ang abutin ko e deportation and lifetime ban."

Umupo si Taylor sa tabi ni Olive. "I know, dear. But think of Nico. As a mother, I know that you are willing to face all odds for him, right?"

Hindi sinagot ni Olive ang tanong ng hipag. Bagkus ay idinako niya ang tingin sa anak na abala sa paglalaro ng  toy train sa living room.

Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan.

♡♡♡

Nagmamadali ang mga tao sa pagsakay at pag-iibis sa tren sa New Haven Union Station.

Isang lalaki ang nakasuot ng makapal na patong-patong na coat. Bagama't nagsisimula pa lang ang winter season ay naghanda na siya dahil lamiging tao siyang maituturing. Kahit wala pang niyebe ay pinangangaligkigan na siya dahil sa hanging malamig.

"Train ticket to Penn Station for one please," saad nito habang nakausli ang ulo para kausapin ang counter manager sa train station na kinaroroonan. Isang buong glass window kasi ang pumapagitan sa kanila na mayroon lamang maliit na butas kung saan pinadaraan ang bayad at sukli.

"That would be $48.00."

Ibinigay ng lalaki ang saktong halaga sa nagsalita. Mayamaya pa ay nakuha na rin niya ang ticket na kinakailangan.

Umupo muna siya sa bench na malapit. 3:15pm pa ang dating ng susunod na tren. Five minutes past three pa lang.

Sa kabagutan ay inilabas muna niya ang laptop at nag-check ng work e-mails.

Wala pang limang minuto ang lumipas ay narinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone na ang himig ay ang The One You Love.

Tinitigan muna iyon ng lalake sa loob ng limang segundo. Para bang ibig muna niyang intaying matapos ang kabuuan ng kanta bago sagutin ang tawag.

Naudlot din naman iyon dahil nakita niya ang pangalang naka-flash sa screen ng cellphone niya.

"Mom! Zup?"

"Anak!" May galak sa tinig ng ina ng lalaki. "Kumusta ang speaking engagement mo sa University of Hartford?"

"Everything went well, Mom. The dean of the College of Business even requested for a fifteen minute extension of my speech. Interesado raw kasi ang students sa mga ibinahagi ko."

"You always make me proud, son. Pauwi ka na ba sa New York?"

"I'm on my way, Mom. I'm waiting for the train. Magpapahinga lang ako ng isang araw roon then babiyahe agad ako pauwi sa Pilipinas. I've got a lot of things to deal with, scheduled meetings and..."

"And?" Umusbong ang pagdududa ng ina ng lalake nang mapatigil ang pagsasalita nito sa kabilang linya.

"M-Mom, I will call you later."

Hindi na nagawa pang mag-reply ng ina dahil pinatay agad ng lalaki ang tawag.

♡♡♡

Naisip ni Olive na magpalamig ng ulo. Hindi pa niya na-a-absorb ang lahat ng nangyari sa araw na iyon kaya napagdesisyunan niyang dalawin si Gianna sa New York. Halos tatlong linggo na rin kasi silang hindi nagkikita. Balak niya itong sorpresahin sa pamamagitan ng unsolicited visit niya sa bahay nito, at the same time e para nakapagliwaliw na rin sa lugar.

"That would be $48 for New York," saad ng babae sa counter.

"Do you accept credit card?"

"Nope."

Nagsisimula nang mag-panic si Olive. Paano kasi ay $47 lang ang laman ng wallet niya. Ang pinakamalapit na ATM ay nasa may entrance pa ng istasyon.

"I'm one dollar short. Can I wire the extra $1 dollar?"

Roll eyes ang naging tugon ng counter manager.

"Not to worry, I'll pay her extra one dollar." Napalingon si Olive sa nagsalita. Isa itong brunette na babae na nasa trenta ang edad. Nginitian siya nito nang malapad.

"Thank you."

That is what she likes with people in Connecticut. Matulungin. Akala niya ay sa Pilipinas lang may ganoon.

She realizes that you don't have to be a part of a certain race or group to help. If you have an opportunity to extend a hand, then do it. Iyon ang pinatunayan sa kanya ng babae.

Ngingiti-ngiti pa rin siya habang humahakbang palayo sa counter. Wala siya sa wisyong tumayo sa tabi ng isang bench. Wala na kasing bakante.

Narinig niya ang pag-alingawngaw ng speaker.

"Ladies and gentlemen, the train bound to Penn Station is about to arrive in a minute."

Hinigpitan ni Olive ang paghawak sa ticket. Inihaba ang leeg sa pagtanaw sa paparating na tren.

"Nandiyan na—" Halos lumukso ang puso niya nang maramdamang may humawak sa palapulsuhan niya. May kahigpitan iyon pero hindi naman nakasasakit. Sa tantiya niya ay intensiyon ng kung sinumang ito na kontrolin siya. O pigilan sa pagsakay sa tren.

Ayaw niyang ilingon ang mukha. Sa hinuha niya ay pulis ito. Agad siyang napaisip. Hindi naman siguro ito pulis na ipinadala ng US embassy dahil hindi pa nagsisimula ang sixty days grace period niya.

At saka kung pulis iyon, disin sana ay nakaposas na siya.

Sa pagtataka niya ay dahan-dahan niyang inilingon ang mukha sa humahawak sa kanya.

At halos lumabas na ang puso niya sa kinalalagyan nito nang malaman kung sino iyon!

Nanggilalas siya.

At ang tanging nausal niya habang nakatingin sa lalaki ay

"N-Nicky..."


~~~~
Author's notes:
Hello, every other day po talaga ako nagpo-post ng chapters pero dahil natuwa ako sa mga nag-comment sa update ko kahapon, I decided to publish another one today. ^_^

Salamat po sa pag-aabang! 😊 Sana po ay samahan niyo ako hanggang sa huling kabanata. Kumpleto na po ito sa drafts ko pero isa-isa ko pong pino-post... opportunity na rin po to promote this to other potential readers.

Sana po huwag kayong magsawa. :">

P.S.
Napabili ako ng Star Margarine kahapon at tawang-tawa ako habang nagpapalaman. May naalala lang. If you know what I mean. 🤭🤣

xoxo,
author

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top