The Agreement
Kanina pa pinagmamasdan ni Olive ang mag-amang sina Nicky at Nico. Kapwa ito abala sa paglalaro ng de-remote na Hot Wheels na pinaaandar sa isang modified race track.
"Papa, I'm right behind you!" May pinindot na button si Nico kung kaya bumilis ang takbo ng kinokontrol niyang toy car na kulay pulang Pagani Huayra.
"Catch me, son!" sabi ni Nicky na kumukontrol naman ng blue Cougar. Kampante siya na magunguna sa finish line. Noong bata pa siya ay lagi siyang nangunguna sa karerahan ng Hot Wheels.
Ngunit napamali siya ng pindot kaya ang Cougar na pinagagalaw niya ay napadikit sa gilid ng race track kaya bumagal ang takbo nito. It took five seconds for him to get back on track. Noon lang niya napagtanto na nalampasan na siya ng anak.
"Oh, man! How did you—" Lumaylay ang balikat ni Nicky at muli niyang ipinokus ang sarili sa karera.
Napahagikhik naman si Nico dahil sa potential victory na maaari niyang kamtan laban sa ama.
Tatlong lane pa ang inikot nila at nanatiling nangunguna ang Pagani Huayra ni Nico. Ang ending e siya ang unang nakarating sa finish line.
"Aw. " Dismayadong itinulis ni Nicky ang nguso sa pagkatalo pero agad din niyang pinawi iyon. "I guess we have a winner?"
"I win! I win!" Lumukso-lukso ang bata na tuwang-tuwa. Nilapitan naman siya ni Nicky at binuhat saka ginulo-gulo ang buhok. "You did great, Nico! Let's play another round?"
"Oops. Sorry to cut you off, guys but breakfast is ready," singit ni Olive na noo'y nakuha na ang atensiyon ng dalawa. "C'mon."
Nagtanguan sa isa't isa ang mag-ama na noo'y sumunod din agad kay Olive patungong dining table.
♡♡♡
Waffles with honey syrup ang inihain ni Olive para sa kanilang tatlo. Paborito kasi itong kainin ng bata.
"Papa, do you like waffles too?" saad ni Nico sabay subo sa kapiraso ng waffles na nakatusok sa tinidor.
"Of course, son. But I like pancakes more," sabi ni Nicky na noo'y sumulyap sa katapat na si Olive.
Olive's cheeks turned crimson red sa hindi maipaliwanag na dahilan. Mas lumala iyon nang hindi nakaligtas sa mga mata niya ang paraan ng pagsubo ni Nicky sa waffles, pati ang pagdila nito sa honey syrup na nasa may bandang labas ng ibabang labi nito.
Lumikot ang mga mata ni Olive. Iniiwas iyon kay Nicky. Bumaling siya sa anak.
"Son, do you want Milo?"
"Yes, Mama!"
Umahon sa pagkakaupo si Olive at dagling tumalikod patungo sa side counter ng kitchen. Isa-isa niyang ibinaba ang jars na pinaglalagyan ng Milo, asukal, creamer, at kape.
Kung puwede lang niyang tagalan ang paghahalo ay ginawa na niya maiwasan lang si Nicky.
"Hey—"
Napalingon si Olive sa tumawag sa kaniya. Si Nicky. Lumapit ito sa kaniya at kinuha ang kutsaritang hawak.
"Creamer for a Milo?"
Nang matanto ang tinutukoy ng binata ay napadako ang tingin niya sa kutsaritang kinuha nito. Napangiwi siya. Kung paanong creamer ang nasalok niya imbes na asukal ay hindi niya alam.
Ang tangi niyang alam ay lumilipad ang utak niya dahil kay Nicky.
Ipinilig ni Olive ang ulo. Binawi ang kutsarita at ibinalik ang creamer na laman sa loob ng jar. Ang kaninang Milo at creamer naman na nauna nang nahalo ay ibinuhos niya sa sink. Gagawa na lang siya ng bago.
"Hindi ko napansin." Napahawak siya sa sentido. "What do you need?"
"Pahingi pa ng waffles." He flexed his puppy eyes while showing his empty plate.
Kinuha na lang ni Olive ang plato ni Nicky at sa 'di sinasadya'y nadampian niya ang daliri ng lalaki. Pinigil niya ang mataranta. Ayaw niyang ipaalam sa binata na naapektuhan siya ng pagdadait ng kanilang mga balat.
She placed one piece of waffle and poured it with honey syrup. Nagpatong pa siya ng isa at sa pagkakataong ito ay doble 'yung ibinuhos niyang pulot.
Muli siyang nagtimpla ng Milo ng anak. Napansin niyang hindi pa umaalis doon si Nicky. Imbes na bumalik ito sa lamesa ay sumandal ito sa side counter at doon nilantakan ang waffles na bigay niya.
Tiningnan lang niya ito at muling ipinagpatuloy ang paghahalo.
"Nagre-request 'yung chikiting natin ng pancake."
"Walang stock," tipid na sagot ni Olive.
"Walang problema. Magdadala na lang ako sa susunod kong pagbisita. Di ba paborito mo 'yun?" Kinindatan ni Nicky ang kausap.
Olive glared at him while smirking. "Ihahanda ko na 'yung damit ni Nico pagpasok sa school." Pinuntahan niya ang anak para ibigay ang Milo. "School bus is coming in thirty minutes, Nico. Hurry up. Okay?"
"Yes, Mama!"
"That's my boy!"
Hindi na niya tiningnan pang muli si Nicky.
♡♡♡
Saka lang niya napakawalan ang kanina pang pinipigil na paghinga nang makapasok siya sa shower room.
Napakagat siya ng labi. Hindi siya puwedeng magkamali ng hinuha. Alam niyang may ibig ipakahulugan ang pagbanggit ni Nicky sa pancake.
Napaupo siya sa nakatalagang stool sa may bathtub. Sinapo niya ang noo.
Pilit niyang tinatanggal sa isip ang tungkol sa pancake nang biglang magbukas ang pinto.
Tumambad sa kaniya si Nicky na ang mga mata ay nakatuon na sa kaniya.
"What are you doing here?"
Hindi siya sinagot ng lalaki bagkus nagdire-diretso ito palapit sa kaniya. Bahagya itong yumukod sa may harap kaya napaatras siya.
Masyado itong malapit sa puwesto niya kaya naaamoy niya ang panlalaking pabango nito. Pamilyar ang pabangong ito. Ito ang iniregalo niya kay Nicky noong kaarawan nito. Ang L'Eau d'Issey Pour Homme Fraiche Issey Miyake.
May parte sa puso niya ang nagdiwang dahil doon. Kung gayon pala ay itinuloy-tuloy na rin pala ng binata ang paggamit ito.
Matagal na rin niyang hindi naaamoy ang pabango.
The scent is very manly.
Overpowering
Seductive.
Napatigil siya. Halos matampal niya ang sarili sa huling deskripsiyong naisip. Saan niya hinugot ang salitang 'seductive'?
Bumalik ang atensiyon niya kay Nicky. Ngayon ay nakaluhod na ang isa nitong paa sa sahig.
"A-anong gagawin mo?"
Hindi siya pinansin nito. What he did is he extended his arm sideways. Sinundan iyon ng tingin ni Olive.
Nicky's hands reached the heater. He turned it on.
"Paiinitin ko lang itong tubig na panligo ni Nico." Nicky turned his gaze at Olive.
Pati ako pinapaiinit mo.
Napakagat-labi si Olive dahil sa isinigaw ng inner thoughts niya.
"O-okay!"
Tarantang tumayo si Olive at lumabas na sa shower room. Naiwan naman doon si Nicky na puno ng pagtataka ang isip dahil sa ikinilos ng dalaga.
♡♡♡
"Bye, Mommy! Bye, Daddy!" Magiliw na nagpaalam si Nico habang nakatanaw ito sa bintana ng school bus.
"Bye!" sabay na tugon nina Nicky at Olive sa anak. Inihatid nila ng tingin ito hanggang sa mawala na sa paningin nila ang kinalululanan ng anak.
"So...." Humarap si Nicky sa kasama. "Do you want to grab some snacks downtown?"
"Gustuhin ko man kaso..." Napatingin si Olive sa oras sa cellphone niya. "May lakad ako e."
Sinimulan na nila ang paglakad pabalik sa bahay.
"Lakad? Saan?"
"Job interview." Nagpakawala si Olive ng paghinga. "Kailangan kong humanap ng employer na makatutulong sa aking magbigay ng working visa. If not, I may be deported."
"Don't you have a green card?"
Napatigil sa paglalakad si Olive. Umiling-iling.
Isang katahimikan ang namagitan sa kanila. Mayamaya ay nagsalita si Nicky. "Hindi pa kami licensed mag-operate dito sa US kaya hindi kita matutulungan sa working visa." Sunod-sunod na paglagok ang ginawa nito dahilan para makita ni Olive ang paggalaw ng Adam's apple nito. "But I can help you with acquiring green card."
"How?"
Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Nicky sa dalaga.
♡♡♡
Magkakaharap na nakaupo sa living room sina Nicky, Olive, Jerico, at Taylor.
"I acquired my green card while I am studying in Harvard years ago. Later on, I applied for dual citizenship so I am considered a legal citizen of USA and Philippines." Tumingin si Nicky kay Olive. "In that way, matutulungan ko si Olive by acquiring a marriage-based green card. "
Ipinatong ni Nicky ang kaliwang kamay sa mga kamay ni Olive. Nagdulot iyon ng pamumula sa mga pisngi ng dalaga.
Naningkit ang mga mata ni Jerico. "So... it means?"
Tumango si Nicky. "I'll marry her."
Halos mapunit ang labi ng mag-asawang sina Jerico at Taylor kangingiti dahil sa narinig. "Aba'y bakit hindi? Matagal ko nang gustong maranasang makapaghatid ng kapatid na babae sa altar."
"Kuya, courthouse wedding lang 'yun. S-Saka simple lang 'yung seremonya. Para lang masabi na ikinasal kami." Umiwas ng tingin si Olive sa mga kasama lalo na kay Nicky.
Pumagitna ang katahimikan sa kanilang apat. Mayamaya ay lihim na napatingin sina Jerico at Nicky sa isa't isa.
"Nicky, can I talk with you for a second?"
"Sure, Kuya." Tumayo na ang dalawa. Pumiwesto sila sa medyo malayo. Sapat na para sila lang dalawa ang makarinig ng kung anuman ang pag-uusapan nila.
Naiwan sina Taylor at Olive sa living room.
"Kinikilig ako sa inyo!" Halata nga kay Taylor dahil para itong inasinang uod sa ikinikilos.
Tipid na ngumiti si Olive. "Sinunod ko lang 'yung payo mo ate kaya napapayag na rin ako sa alok ni Nicky. To marry an American.. and.. and get a divorce two years later."
Tinawid ni Taylor ang distansya nila ni Olive. Ngayon ay magkatabi na sila. Binunggo niya ng sariling balikat ang balikat ng hipag. "Sus, I doubt may mangyayari pang divorce e ikaw na mismo ang nagsabi na hindi ka pabor diyan e."
Bumulong si Taylor sa tainga ni Olive. "May feelings ka pa kay Nicky noh? Kasi kung wala hindi ka naman agad mapapapayag sa kanya."
Imbes na tumugon ay ibinaling ni Olive ang tingin sa dako nina Nicky at Jerico na nag-uusap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top