Shower
Nang makapasok si Olive sa CR ay humanga siya sa tumambad sa kaniya. Hindi kasi pangkaraniwan ang laki nito. May bathtub, shower room, at ang mas kapansin-pansin ay ang taglay nitong linis at bango. Halatang madalas nililinisan.
Dumiretso na ang dalaga sa bath tub pagkatapos niyang alisin ang lahat ng saplot sa kaniyang katawan. Nilagyan niya ito ng mainit-init na tubig at kapagdaka ay hinaluan naman ng Epsom salt at ilang patak ng lavender essential oil na agad kumalat ang amoy sa loob ng CR.
Siyempre, hindi kumpleto kung walang bubble bath kaya isinabay na niya ang paglalagay nito habang pinupuno niya ang bathtub.
Nang masiguro niyang handa na ang lahat ay agad na siyang tumubog sa tubig na agad nagpapresko sa kaniyang pakiramdam.
Balak sana niyang magtagal ng ilang minuto roon kaya kinuha niya muna ang bath tub and spa pillow para umidlip.
Pinilit niyang makatulog pero hindi nakikiayon ang kaniyang katawan kaya napagdesisyunan niyang huwag na lang gawin iyon. Kusa siyang ginigising ng mga nangyari noong araw na iyon na pilit man niyang takasan ay kusang bumabalik ngayong mag-isa na lang siya.
Isinandal niya ang likod sa bathtub. Kumuha siya ng kaunting bula at gumawa ng mas malaki pa. Nang magawa ang sukat na ninanais ay inaninag niya ang repleksiyon niya roon. Hindi niya maitatanggi ang kalungkutan na bumabalot sa mukha niya. Problema, paghihinagpis, desperasyon, at pag-aalala. Lahat ay naroon na.
Ilang segundo pa ay kusa nang pumutok ang bula. Hindi na niya binalak na gumawa pa ng isa.
Napatingin siya sa kisame. Muling binalikan ng tanaw ang lahat ng nangyari mula kaninang umaga.
Aaminin niyang may kaunti pa siyang nararamdaman kay Gino ngunit gusto na niyang puksain iyon. Alam niyang eventually ay magagawa niya rin iyon pero mahihirapan siya lalo na at kliyente niya ito at ang napangasawa.
Masokista man siyang maituturing dahil pinahihirapan niya ang puso niya ngunit kaya niyang ipagsawalang-bahala iyon alangalang sa pamilya niya.
Inalala niyang muli ang mukha ni Gino. Bagama't bibihira niyang tingnan iyon kanina ay hindi niya mawari kung tama ba ang emosyong nakukuha niya sa lalaki. Nakapagtataka rin dahil sa tuwing napapadako ang tingin niya sa dating kasintahan ay palagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya.
Napasinghap siya. Hindi siya mapakali. Mas higit na pag-aalala ang naiisip niya dahil kung ano man ang nararamdaman ng lalaki, hindi na iyon tama. Inihahanda niya ang sarili niya. Kung sakali mang magpakita ito ng motibo ay alam na niya ang gagawin niya. Kung sa patibayan ng labanan ng puso at isip niya, alam niyang laging nakahihigit ang paggamit ng utak niya.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang marinig niya ang pagpihit ng doorknob na sinundan ng pagsilip ng ulo ni Nicky.
Napangisi siya. Inaasahan na niya na hindi makakatiis ang lalaki na sundan siya.
Umayos siya ng upo. Tinakpan ng bubbles ang hubad niyang dibdib.
"Hi, baby." Tumambad sa kaniya ang kabuuan ng lalaki na noo'y naka-boxer shorts na lang. Malaya niyang napagmamasdan ang katawan nitong halatang batak sa gym lalo na ang ilang layer nitong abs na ilang beses na niyang nahawakan.
Tipid na ngiti ang isinukli ni Olive. "Want to join me in?"
Tumango ang binata at tumalikod sa dalaga. Agad nitong hinubad ang suot na boxer hanggang sa wala nang matira sa kaniyang katawan.
Kusang nagkrus ang mga hita ni Olive sa tanawing nakikita. Kakaiba kasing init ang idinudulot ni Nicky sa kaniya mula pa noong una. Ito ang hindi niya kayang kontrolin - ang libido sa katawan.
Itinungo ni Olive ang mga mata sa bula habang itinutubog ng lalaki ang sarili sa bath tub. Ayaw niyang tingnan ito nang diretso kahit pa gustong-gusto niya. Baka hindi siya makapagpigil!
Pumiwesto ang lalaki sa kasalungat na direksiyon. May kalakihan itong bathtub kaya kasya sila.
Nakapikit si Nicky habang nakatingala. Nakapatong naman ang dalawa nitong kamay sa bath tub.
"Ugggh.. Ang sarap sa pakiramdam."
Agad nag-angat ng tingin ang binata at hinanap ang remote sa may ulunan niya. May pinindot na button at agad tumunog ang speaker na nasa may ceiling ng paliguan.
Namula ang pisngi ni Olive dahil sa tugtog na pumapailanlang sa loob ng shower room. Nang tingnan naman niya si Nicky ay parang wala lang sa binata iyon. Hindi siya sigurado pero sa tingin niya ay relax na relax ito.
Gusto niyang magmakaawa sa lalaki na tugunan ang isinisigaw ng katawan niyang nagsisimula na namang mag-alab ngunit ayaw niyang manguna.
Ilang minuto pa ang lumipas. Ang katahimikang pumapagitna sa kanila ay binasag ni Nicky.
"So you're selling real estate for a living, Olive. Tama?"
Iniayos ng dalaga ang pag-upo. Ngiti ang isinagot sa binata.
"Ayos ah. I heard malaki ang kita riyan lalo na at nakakabenta ka."
"Yes. Kung masipag ka. Kaso..." Niyakap ni Olive ang mga binti niya. "... 'yan na nga 'yung pinoproblema ko. Dalawang buwan na akong walang benta. Tapos ngayong nagkakliyete nga ako, 'yung ex ko pa at 'yung asawa niya pa. Ayos 'di ba?"
Matamang tiningnan ni Nicky ang dalaga. Hindi kasi niya inaasahan na mag-o-open up ito sa kaniya lalo na sa mood na ipinakita nito nang makapasok ang dalaga sa kotse niya.
"But I have to kasi ako 'yung bread and butter ng pamilya ko. May pinapaaral akong dalawa na nasa college at may pamangkin akong nagda-dialysis."
"Sorry to hear that, Olive." Iniangat ng binata ang likod at ngayon nga ay parehas na silang nakaupo.
"No, it's okay. "Ngumiti si Olive sa binata. "Kaya thank you sa 'yo, Nicky. Kasi nandito ka para sa akin. Kasi nalilimutan ko 'yung problema ko pansamantala habang kasama kita ngayon."
Pinisil ng dalaga ang braso ni Nicky. "Can I stay here for tonight? Ayoko munang umuwi. Tutal, Friday naman ngayon."
Nicky let out a big smile that spreads across his whole face and lights up his eyes. "Of course! Why not?"
Sinabuyan ni Olive ng bubbles ang mukha ni Nicky. "Oh, alam ko ang iniisip mo. Ang pilyo mo!" tumawa nang mahinhin si Olive.
Lumapit si Nicky sa tainga ni Olive. "Advance ka naman mag-isip, baby."
"Ohh. Ayan ka na naman."
Napatawa ang dalawa.
"Eh ikaw ba, Nicky. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?"
"Aside sa mina-manage ko 'yung bar kung saan tayo unang nagkita, nag-o-OJT ako ngayon."
"Oh, really? Hindi ko akalain na ikaw ang may-ari noong bar na 'yun.. and OJT? OJT saan?" Kumunot ang noo ni Olive.
Nicky chuckled. "OJT sa company nina mommy as CEO."
She was impressed. Hindi niya akalaing future CEO pala ang kasama niya ngayon. Pero walang nagbago sa pagtingin niya rito. Nakadagdag lang ng konting respeto.
"Soon, ako na ang magma-manage ng Alluring Essential Cosmetics Inc. Inihahanda na ako nina Mom and Dad doon."
Mas lalong mamangha ang dalaga. "Kayo pala ang may-ari noon? 'Yun 'yung ginagamit kong skincare product eh. Akalain mo nga naman."
"You know what?" Nicky pursed his lips and stroke his chin.
"What?"
"We can get you as a model. Maganda ang balat mo at puwede kang maging buhay na patotoo dahil gumagamit ka ng mga product namin."
Hinaplos ni Nicky ang malasutlang balat ng kasama. Makinis iyon at malambot. "Effective pala 'yung mga binebenta namin."
"Oo naman." Iniiwas ni Olive ang katawan. Nagdudulot na kasi ng kakaibang pakiramdam ang pagdampi ni Nicky sa kaniyang katawan. "Hindi pa ako nagpapalit ng skincare product mula pa noong una. Gumawa ka na lang ng contract. Pag-iisipan ko 'yang offer mo, okay?"
Ngumisi si Nicky. "Of course, baby. And I know you can't refuse that..."
Kinuha ng binata ang kamay ng dalaga at dinampian ng sunod-sunod na magagaang halik.
Nagpatay-malisya si Olive at tumayo na. "Tara na, malamig na yata 'yung pizza."
Hindi na nailabas ng dalaga ang isang paa 'pagkat hinila na siya ni Nicky. Napaupo siyang muli sa bath tub pero this time ay nakasaklang na siya sa binata. Ramdam ang isang matigas ng bagay na kumakatok sa pagitan ng mga hita niya.
"Before we eat the pizza, I want the appetizer first."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top