Middle of the Sea

"Ayan, sige kumain lang kayo. Damihan n'yo pa," ani Mrs. Camingao habang pinapapasok ang mga kapwa empleyado sa meeting room.

May ngiti sa mga labi na nilapitan ni Olive ang kaniyang boss nang halos nakapasok na ang lahat. Nginitian naman siya nito pabalik at nang magkaharap sila ay niyakap siya nito nang mahigpit.

"Salamat, Olive. Dahil sa 'yo, hindi lang nakapasa ang team, naging exceeder pa tayo!"

Hinawakan ni Olive ang mga braso ni Patriciah. "Credits should be for the whole team, Patty. Tulong-tulong tayong lahat kaya naka-P145 million sales tayo this month."

"I know." Patriciah gave Olive a pat on her right shoulder and look at her sincerely. "But I can't stop myself to thank you. 76% of the sales of our team came from you alone. Hindi mo talaga ako binigo. You're a buzzer beater!"

"Pwera bati. Baka next month, nganga na naman ako sa benta," himig-biro ni Olive. Nagtawanan ang dalawa dahil doon.

"Siyanga pala, boss. Masyado yatang marami itong pakain ngayon? At pa-catering pa? Malaki yata ang budget ng team huh?" Siniko-siko ni Olive ang katabi habang nakatingin sa mga empleyadong abala sa pagkain.

"Hindi naman kinuha sa budget 'yang pakain eh."

"Ha?" Hinarap niyang muli ang boss. "Saan galing?"

Hindi pa nakakasagot si Patriciah nang may kumatok sa meeting room.

"Delivery for Olivia Barcelo."

Kunot-noong tinungo ni Olive ang pinto habang kasunod naman niya si Patriciah na noo'y pangiti-ngiti. Bumungad sa kanila ang isang lalaki na sa wari nila ay ang toka sa pagde-deliver. May hawak itong isang bouquet ng sandosenang pink roses at sa isang kamay ay may kahon ng cake na may nakalagay na 'Congratulations'. Mayroon pang isang helium balloon na hugis-puso na ganoon din ang nakasulat.

Nang makaalis ang delivery man ay kinuha ni Olive ang note na nakalagay sa pumpon ng bulaklak.

Congratulations, baby.

N

"Baby pala ha?" Pasimpleng binangga ni Patriciah ng sariling balakang ang balakang ni Olive bilang panunudyo. "Iwan na muna kita. Babalikan ko muna 'yung mga ka-team natin."

Nang makalayo si Patriciah ay ngingiti-ngiting niyakap ni Olive ang bulaklak. Inilapit pa niya ang isang piraso sa ilong para samyuhin iyon. Sa puntong iyon ay tila ba naging malawak na hardin ang kaniyang paligid. May tanim na iba't ibang klaseng bulaklak na pinamumugaran ng mga paruparong may magagandang pakpak.

Sa dami ng naroon ay sa bulaklak pa rin na hawak nakatuon ang atensiyon ni Olive na wari ba ay ito ang pinakaespesyal na bulaklak kumpara sa mga naroon.

"Do you like it?"

Naglaho ang malawak na hardin sa imahinasyon ni Olive at muli na siyang nasa meeting room. Pero ang bouquet ay hawak-hawak pa rin niya.

Sumabay ang mga mata ni Olive sa pagngiti nang mapagtanto kung sino ang naroon.

He's wearing a button-down polo with a blazer on top, a well-fitted Khaki Chino pants, and a pair of shiny brogue shoes.

Umalis ito sa pagkakasandal sa pinto nang makuha na niya ang atensiyon ng dalaga. Nilapitan ito at binigyan ng magaang halik sa kaliwang pisngi.

"Congratulations!"

"Thanks. And thanks for coming."

Nicky held her chin. "Of course, baby."

May pagtataka si Olive dahil napapadalas na ang pagtawag sa kaniya ni Nicky ng 'baby' kahit sa kaswal lang nilang pag-uusap. Nicky's only calling her that when they are making love.

Making love?

Napatda si Olive sa naisip. Ang ibig niyang ipatungkol ay ang casual sex na namamagitan sa kanila. Napatawa siya dahil ang terminong naisip niya ay 'making love'. Malayong-malayo sa simpleng sex lang.

"You're mind seems wandering. Are we thinking the same?" he naughtily asked her.

"Hay naku, Nicky. Wala. Kumain na nga tayo. Sayang naman itong pahanda mo ngayon. Halika, sasandukan kita."

She held his right hand and they walk towards the catering. She, being unaware that his eyes are focused on their two hands that are intertwined.

♡♡♡

Olive already did her night routine at handa na siyang matulog nang tumunog ang cellphone niya.

Nicky is calling her.

"Oh, napatawag ka?"

"Hi, baby. I miss you."

Pinipigilan ni Olive na kiligin pero ang loob niya ay nagwawala na. "Hoy, may pa-I miss you ka nang nalalaman. Baka mahulog na ako sa 'yo niyan. Char!" siniglahan niya ang tinig para sakyan ang sinabi ng binata. Ngunit ang totoo ay gusto niyang reply-an ito ng 'I miss you too'. "So what's up?" pag-iiba niya ng usapan.

She can hear him breathing on the other line. Para bang nag-iipon ng lakas ng loob. "Actually, I want to invite you sana tomorrow. Free ka ba?"

"Tomorrow? Wait." She went to her desk and checked the calendar. "Saturday bukas. Hmmm, free ako. Bakit?"

Pumirmi ng pag-upo si Olive habang kausap si Nicky sa linya.

"Sige, game ako!"

♡♡♡

"Olive, gising na."

Olive grunted when Nicky shook her shoulders.

"Uhmmmm..." Kinusot-kusot niya ang mga mata saka naghikab. "Where are we?"

"Calauag, Quezon."

"Quezon? Ang layo ha?"

Nag-inat ng braso si Olive pagkababa sa sasakyan ni Nicky. Inilibot niya ang paningin para obserbahan ang paligid.

Paroon at parito ang mga taong may payak na pananamit. Ganoon din naman ang mga tricycle at bisikleta at mangilan-ngilang jeep na nagpapaingay sa kalsada.

Sa kalayuan ay natatanaw niya ang ilang binatilyo na naglalaro ng basketball at sa bahaging 'di kalayuan sa court ay may mga batang naghahabulan habang nakayapak.

Tumingin siya sa kaliwa at binasa niya ang malaking signage na may nakasulat na Port of Calauag.

"Ano'ng gagawin natin dito sa fishport?"

Tipid na ngiti ang isinagot ni Nicky sa kanya. "Malalaman mo mamaya." Hinablot ng binata ang kanang kamay ng dalaga at nang magtagumpay siyang hulihin iyon ay pinagkrus niya ang mga daliri nila sa isa't isa.

Napatulala si Olive habang pinagmamasdan ang mga kamay nilang magkasalikop. Hindi niya maintindihan dahil para bang napakapamilyar ng nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Para bang nahawakan na niya 'yun dati.

"Let's go?"

Saka lang bumalik sa reyalidad ang utak ni Olive nang magsalita nang muli ang binata. Gayunman ay hindi pa rin niya mapigilang balikan ng sulyap ang kanilang mga kamay.

"Ayieeeeeeh! Loving loving sila!" Napukaw ang atensiyon nila ng mga batang kanina ay tinitingnan ni Olive. Ilang dipa na lang ang layo ng mga ito sa kanila habang pinagmamasdan ang mga kamay nilang magkaugnay.

Sa hiya ay tangkang aalisin ni Olive ang sariling kamay ngunit bigo siyang gawin iyon dahil mas humigpit ang paghawak sa kaniya ni Nicky.

"Saan tayo?" tanong ni Olive.

"Kakain."

Lihim na napatawa si Olive. Hindi niya alam kung bakit pero minsan, iba ang pakahulugan niya sa salitang 'kakain'.

♡♡♡

"Sige, kuya. Balikan n'yo na lang kami bukas ng alas otso ng umaga." Kumuha si Nicky ng dalawang libong piso sa wallet at iniabot sa kaharap.

"Sige, Sir. Salamat." Pinaandar na ng lalaki pabalik sa port ang maliit na bangka. Ito ang naka-convoy kanina sa sinasakyan nilang floating cottage.

Magkasamang tinanaw nina Olive at Nicky ang bangkang papalayo hanggang sa hindi na nila makita ito. Iginala ni Olive ang tingin. Nasa gitna sila ngayon ng dagat na halos tatlumpung minuto rin ang layo sa kabayanan. Ngayon ay solo nila ang karagatan.

Napasinghap si Olive nang may matitipunong braso na yumakap sa kaniya mula sa likod. Sinundan pa 'yun ng malalambot na halik na dumadampi sa batok niyang may maliliit na balahibo.

"Now, you're all mine, baby. You're all mine."

"Ohh.." Napapatingala si Olive dahil sa sensasyong unti-unting nabubuhay sa kaniyang kalamnan.

Pilit na hinarap ng dalaga si Nicky at saka pinisil ang pisngi nito. "I'll prepare the barbeque. Let's party later."

Napapangiti na napapailing na lamang si Olive 'pagkat nagkandatulis ang nguso ng lalaki bago niya iwan ito.

♡♡♡

"Para sa paggaling ni Ayume. Para sa successful launch ng Alluring White Soap With Snail Extract at para sa job well done mo sa trabaho, baby. " Limang bote na ng Soju ang nalalaklak ni Nicky. Mapupungay na ang mga mata nito ngunit hindi pa naman lasing. "Cheers!"

"At para sa birthday mo." Olive raised the bottle she's holding. Sinalubong ang boteng hawak ni Nicky na iniangat nito sa ere. "Cheers!"

"Happy birthday to me," mahinang usal ni Nicky sabay laklak sa boteng hawak. Napangalahati niya iyon. "Ahhh!"

Umiling-iling si Nicky. Tinungo ang tabi ng floating cottage at sumalok ng kaunting tubig-dagat para ihilamos sa mukha. "Hindi pa ako puwedeng malasing. Marami pang mangyayari ngayong gabi," ani ng lalaki habang nakatalikod kay Olive.

Napahagikhik ang dalaga. May kapilyahang naisip dahil sa sinabi ni Nicky.

"Curious ako sa sinabi mong maraming mangyayari." Ngayon ay nasa likod na siya ni Nicky. Napaharap sa kaniya ang lalaki na noo'y pinagmamasdan ang pagngisi niya.

She seductively look at his eyes as if she's wanting something. Her gaze slowly travels down, tracing his body down to his swelling pants. It went up again to meet his begging eyes.

Nicky bit his lower lip. He cannot contain the desire that Olive is giving him. He wanted her at the moment but he cannot move. Olive's tempting gaze is so powerful!

"Masyadong maalinsangan." Olive removed her beach cover up dress, revealing her voluptous body hidden in a red Brazilian bikini.

"Ikaw ba, Nicky? Hindi ka ba naiinitan? Kasi ako init na init na." Lumapit si Olive sa binata. "Init na init na sa panahon. You should remove this."

Wala nang nagawa si Nicky nang tulungan siya ni Olive na alisin ang kaniyang fitted white-shirt.

Olive looked at his well-developed six-pack abs. "I'm impressed." She reached for his right ear and whispered, "I have something for you."

Nicky let out a heavy sigh as he watches Olive turn her back against him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top